Share

Chapter 3

Maricon Go

"O, Maricon, mukhang kubang-kuba ka na niyan sa pag-aaral, a? Baka ma-perfect mo na ‘yung exam niyan mamaya,” wika ng kaibigan ni Maricon na si Jean na prenting-prenti lang na parang walang pinoproblema sa buhay.

"Hay naku Jean, iyan ka na naman, e! Ayaw mo kasing mag-review kaya tuloy kapag exam nganga ka at aligagang-aliga ka sa pangangalap ng sagot," saad ng dalaga habang pinipigil ang pagtawa.

Nasa canteen sila ngayon dahil lunch break at after noon ay exam na nila sa Physics. Mag-best friend ang dalawang iyan simula noong first year high school at hanggang ngayon fourth year ay sila pa rin ang magkasama.

"E ang hirap kayang kabisaduhin ng mga formula. Feeling ko ay matutuyuan ako ng utak kapag nakikita ko palang ‘yung libro natin diyan, e," anito habang nagre-retouch.

"Alam mo Jean my bff, matalino ka at magaling ka naman kaso ayaw mong magsipag sa pag-aaral. Hindi ka ba nahihiya kapag nangongopya ka o nangongodigo?" tanong ni Maricon sabay sarado sa librong kaniyang binabasa.

"O ayan na naman po tayo sa pangaral ni Sister Maricon. Patawarin n’yo po ako sa aking kasalanan," pabirong sabi nito sa kaibigan habang humahagalpak sa pagtawa.

"O sige tawa pa! Huwag kang titigil hangga't hindi ko sinasabi!" giit ni Maricon na medyo naiinis.

"O nagkakaganiyan ka na naman, hindi ka na nasanay sa pagbibiro ko. Patience please?" sabi ni Jean na parang tinutuya pa ang kaibigan.

"Hindi na nakakatawa, Jean!" asik ni Maricon na tila ba wala na sa mood makipagbiruan.

"Sorry, e kasi naman napakabait mo! Makita mo lang akong gagawa ng kabalbalan e sasabihin mo ng 'Jean, masama iyan!' Ayan ang lagi mong sinasabi sa akin. Magpakamasama ka naman kahit kaunti. Bahala ka, baka maaga kang mapunta sa heaven," pagbibiro ng dalaga sa kaibigan.

"Jean, hindi tayo dapat gumagawa ng masama, dapat nga ay magpakabuti pa tayo. Magbago ka na! Nalalapit na ang araw ng paghuhukom…" sambit ni Maricon sa kaibigan.

"Alam mo friend, I wonder kung bakit naging mag-best friend tayo gayong magkaibang-kaiba tayo sa lahat ng bagay. Grow up naman! Pumapangit ka na dahil puro libro na lang ang kaharap mo. Try mo sumama sa akin minsan sa bar tiyak na magsasaya ka roon," panghihikayat ni Jean sa kaibigan.

"Ayaw kong magpaka-worldly Jean kagaya ng ibang kabataan diyan. Ayaw kong makigaya sa iba gusto ko ‘yung simple lang na ganito. Dapat nga e ako ang mag-impluwensya sa iyo na maging mabuting halimbawa kaso bigo ako para mapagbago kita," seryosong pahayag ni Maricon sa kaibigan.

Tumunog ang bell na nangangahulugan ay dapat na silang bumalik sa kaniya-kaniyang nilang silid-aralan.

Hindi magkaklase ngayong school year ang dalawa. Nasa first seksiyon si Maricon habang nasa second seksiyon naman si Jean. Hindi naman ganito dati si Jean, naimpluwensyahan lang ng mga mga bago nitong kaibigan kaya nagkaganiyan.

Nag-exam na sila. Si Maricon ay mabilis na nasagutan ang kaniyang test paper habang si Jean naman ay naghihintay lang ng sagot mula sa kaniyang katabi.

Matapos ang pagsusulit...

"O Jean, kumusta ang exam?" bungad ni Maricon sa kaibigan.

"Ayon nganga! Wala akong nasagot! Tapos nahuli pa ako ng watcher namin na nandaraya kaya bagsak na ako tiyak!" Banas na banas ang aura ni Jean habang ikinukwento ito sa kaibigan.

"Tara nga't samahan mo ako. Gusto ko munang magpalamig ng ulo," pagyaya nito kay Maricon sabay hablot sa braso nito at kinaladkad patungo sa parking lot.

Mayaman kasi si Jean at may sarili na itong sasakyan kaya nagagawa niya kung ano man ang gusto niyang gawin habang si Maricon naman ay mahirap lang kaya nag-aaral siya nang mabuti para hindi mawala ang pagiging scholar niya. Simple lang manamit si Maricon t-shirt at pants lang habang si Jean naman ay naka-dress lagi at high heels kaya mahahalata mong mayaman siya. Nagulat si Maricon nang tumigil ang kanilang sasakyan sa harap ng isang bar.

"Bakit tayo nandirito?" tanong ni Maricon sa kaibigan.

"Gusto ko kasing makalimot muna," wika ni Jean sabay baba sa sasakyan at pumasok sa loob ng bar.

"Jean wait!" sigaw niya sa kaibigan dahil ayaw niyang mapahamak ito sa loob.

Natagpuan niya si Jean sa may counter ng bar at lumalaklak ng kakaibang inumin na may kulay-kulay pa. Hindi niya alam kung ano ang tawag dito basta ang alam niya lang ay alcoholic drink ito.

"Jean, itigil mo na nga iyang pag-inom mo! Hind iyan ang sagot sa problema mo!" pagpipigil naman ni Maricon sa kaibigan ngunit ayaw nitong magpaawat.

May dumating na tatlong babaeng nakasuot ng blouse na kita ang pusod at naka-short shorts pa na tinernohan ng boots.

"Hey Jean, mukhang malaki yata ang problema mo ngayon? At sino naman iyang katabi mo?" sabi ng babaeng nasa gitna habang tinuturo si Maricon.

"Hindi ko siya kakilala. Tara let's party!" turan ni Jean sabay tayo at nilapitan ‘yung tatlong babae sabay punta ng dance floor.

Hindi na lang pinansin ni Maricon ang pagwawalang bahala sa kaniya ni Jean. Inisip niya na lang na marahil ay lasing ito kaya nito sinabing hindi siya nito kakilala.

Nakita ni Maricon na sumasayaw sa dance floor ang best friend niya habang niyayakap ng isang lalaki. Hindi na kinaya pang panuorin ni Maricon na binabastos ang kaniyang kaibigan kaya sinugod niya ang lalaki sabay sampal sa kanang pisngi nito.

"Bakit mo ginawa iyon? You don't even know him!" sigaw sa kaniya ni Jean at itinulak siya kaya napatumba siya sa sahig.

"Jean, binabastos ka ng lalaking iyan! At bilang best friend mo, hindi ko maatim na nakikitang binabastos ka ng ibang tao," pahayag ni Maricon na medyo maluha-luha pa.

"Best friend? Wala akong best friend na kagaya mo! Isa pa, sorry sa paggamit ko sa iyo. Ginamit lang kita para makapasa ako simula first year hanggang third year at dahil hindi na kita kaklase ngayong taon, pinuputol ko na ang komunikasiyon nating dalawa. Sorry kung pinag-assume kitang best friend ang turing ko sa iyo. So bye!" paliwanag ni Jean habang iniwang nakalupasay sa sahig si Maricon.

"Assuming masyado! Huwag ka nang mangarap nang mataas dahil mahirap ka lang at hindi mo kami mare-reach na mga mayayaman!" sigaw ng babae kanina na nasa gitna. Sinimulan na nilang tapak-tapakan ang dalaga.

Walang laban sa kanilang tatlo si Maricon at patuloy lang sa paghihinagpis na nadarama. Wala man lang tumulong kay Maricon para patigilin ‘yung tatlong babae. Bagkus, may kaniya-kaniyang mundo ang mga tao roon. Biglang nagliwanag ang kanang kamay ng dalaga at may lumabas ditong pigura ng isang wolf.

Ang kaniyang katawan ay tinubuan ng balahibo ng isang wolf. Ang kaniyang tainga ay humaba rin na parang tainga ng wolf. Ang kaniyang kulay itim na buhok ay naging kulay kape. Ang mga mata niya ay naging kulay asul at tinubuan siya ng buntot.

Nagulat ang lahat ng tao sa loob ng bar dahil siya ang naging center of attraction matapos niyang magpalit ng anyo.

"Halimaw!" sigaw no’ng tatlong babae at nagkagulo na nga sa loob ng bar at tila nag-uunahan pa ang mga tao sa paglabas.

Tumayo siya at nakita ang kaniyang sarili sa may glass table. "Hindi nga ako ito! Isa na akong halimaw!" sabi ni Maricon sa kaniyang sarili at napaiyak na lang siya matapos makita ang sarili sa salamin.

Narinig niya ang pagdating ng mga pulis at hindi niya alam kung ano nga ba ang kaniyang gagawin, halos mataranta na siya kasi tiyak na ikukulong siya kapag siya'y nahuli. Kusa na lang gumalaw ang kaniyang buntot at napatingin siya sa litratong nasa baba na litrato ng isa sa mga empleyado ng bar. Nagulat siya nang makita sa glass table na nakopya niya ang mukha ng lalaki sa litrato.

Nagkaroon ng chance ang dalaga kaya sinamantala na niya ito at lumabas ng bar nang hindi nahahalata ng ibang tao ang tunay niyang pagkatao.

Nang makalayo na siya ay napadpad siya sa may playground. Nagbalik na rin siya sa totoo niyang anyo na half wolf. Naupo siya sa may duyan at iniisip ang ginawa at sinabi ng kaniyang itinuring na matalik na kaibigan.

Sa kaniyang pagmumuni-muni ay mayroon siyang papel na nakita na nalalaglag papunta sa kaniya kaya kinuha niya ito at binasa.

Dear Maricon,

Ang hirap tanggapin na hindi ka pala itinuring na best friend o kaibigan man lang ng taong higit mong pinagkakatiwalaan at itinuring mo na ring best friend. Pero hindi ibig sabihin nito ay lahat ng tao ay kagaya niya. Makatatagpo ka rin ng taong ituturing kang kaibigan na hindi babase sa antas mo sa lipunan. May kapangyarihan kang taglay na maaaring makatulong sa mundo na protektahan ang sangkatauhan at para maging tagapagligtas. You have the potentials kaya sana tanggapin mo ang paanyaya namin.

Nagmamahal,

Humanimal University

At dahil sa nangyari at gusto niyang mapangalagaan ang mundo ay tinanggap naman niya ang paanyaya ng Unibersidad.

---

Karl Ian Glinzer

"Nakasasawa ring maging gwapo. Bakit? Kasi para akong artista na kahit saan magtungo ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at mga nagpapanggap na babae," sabi ni Karl. 

"Pogi problems! Ayan ang pinoproblema ko ngayon kasi ang buhay kong pribado ay nagiging pampubliko. Halos lahat ng ginagawa ko at pinupuntahan ko ay alam ng sambayanan," wika pa niya habang nakangiti.

"O tol, nakangiti ka na naman diyan? Daydreaming?" anas ng kaniyang kaibigan na si AJ na papalapit sa direksiyon niya.

"Asa ka, tol! Baka ako nga ang pinagpapantasyahan diyan sa tabi-tabi, e," turan ni Karl habang tuwang-tuwa pa sa kaniyang sinabi.

"E wala na akong magagawa kung gayon man. Oo nga pala, nagawa mo na ba ‘yung assignment natin sa Humanities?" tanong ng kaniyang kaibigan habang may dinudukot sa kaniyang bag.

"Oo tol, heto o,” sabay abot niya sa kaibigan ng kaniyang kuwaderno. “Tamad mo kasing gumawa ng assignment, e," dagdag pa niya.

"E gano’n talaga,” tugon nito.

“Napansin ko lang, masyado ka yatang maligaya ngayon? Ano ba, may maganda ka bang ibabalita sa akin?" tanong ni AJ habang kinokopya ang assignment ng kaibigan.

"Sinagot na ako ni Ashley tol!" masiglang sambit ni Karl na halos ipagsigawan sa buong sambayanan ang magandang balitang nais niyang ipahayag.

"Congrats, tol! Mahal na mahal mo talaga si Ashley! Biruin mo iyon, pinagtiyagaan mo siyang ligawan sa loob ng isang taon. Ikaw na! Bilib na ako sa iyo!" turan ni AJ na itinuturo pa si Karl as a sign na bilib nga siya rito.

Si Ashley kasi ‘yung tipo ng babaeng kasing hinhin ni Maria Clara. Matagal na itong nililigawan ni Karl ngunit ngayon lang siya sinagot nito. Nagbunga naman ang kaniyang pagtitiyaga kaya laking pasasalamat niya.

Ayaw kasi ni Karl sa mga babaeng daig pa ang tuko kung makakapit. Ang mga tipo niya talaga ay ‘yung mga babaeng hindi makabasag pinggan kaya pinagtiyagaan niya talagang ligawan si Ashley kasi mahal na mahal niya talaga ito.

Unang nakilala ni Karl si Ashley sa may library. May inaabot kasing libro ang dalaga ngunit hindi niya ito maabot. Napadaan naman si Karl sa kinalalagyan ng dalaga at nakita niya itong nahihirapan. At dahil sa matangkad si Karl ay siya na ang kumuha ng libro para sa dalaga.

Noong mga oras na iyon ay tila tumigil ang oras at nag-slow motion ang lahat na sadyang ikinatuwa ng puso ng binata dahil first time niyang nakaramdam ng ganoong pakiramdam. Kaya at the back of his hypothalamus, nasabi niyang mahal na niya ang dalaga kahit no’n pa lang niya ito nakita.

"Sige tol, mauuna na ako. May date pa kasi kami ni Ashley, e," sabi ni Karl sabay lakad palayo sa kinauupuan ni AJ.

Nag-date nga ang dalawa dahil masaya si Karl sa pagsagot sa kaniya ni Ashley. Kumain lang naman sila sa isang mamahaling restaurant. As usual, pinagkakaguluhan ng girls si Karl. Si Ashley kasi ay simple lang ang suot at walang make-up sa mukha.

After no’n ay hinatid ni Karl si Ashley sa tirahan nito. Hindi alam ng magulang ng dalaga na may boyfriend na ito kaya sa may kanto lang siya nagpahatid.

Hindi pa nakakalayo ang dalaga ay nakita ni Karl na mayroong limang lalaki ang papalapit sa dalaga kaya dali-dali siyang bumaba sa kaniyang kotse.

Nasa high class family si Karl, mayaman siya at nakukuha niya ang gusto niya pero hindi lahat ng bagay ay nadaraan sa pera. Kagaya na lang ng pagmamahal niya kay Ashley, hindi niya nagamit ang kaniyang pera para masuklian nito ang pagmamahal niya. Bagkus, naghintay siya hanggang sa sagutin siya nito.

"Huwag po! Layuan ninyo ako! Tulong! Tulong!" sigaw ng dalaga dahil pinipilit siya ng mga lalaki na sumama sa kanila.

"Huwag ka nang magpakipot, Miss. Basta mag-eenjoy ka kapag sumama ka sa amin," saad ng isang lalaki na nakahawak sa kaniyang braso.

"Bitiwan n’yo siya!" sigaw ni Karl habang humahangos papalapit sa kinatatayuan nila.

"At sino ka naman? Boyfriend niya? Sorry bro pero sa amin na siya ngayon," giit ng lalaking mukhang adik.

At dahil nasa panganib ang buhay ng kaniyang mahal ay sinugod niya ng suntok ang mga bastos na lalaki.

Sinuntok at pinagsisipa niya ang limang lalaki at napatumba naman niya ito agad. Nasa isang sulok lang si Ashley at kinakabahan pa rin siya kasi 1 vs 5 ang labanan. Hindi siya sigurado kung matatalo ito ni Karl.

"Aba, sinusubukan mo talaga kami, a. Sige nga, tingnan natin kung hanggang saan iyang tapang mo!" giit ng isang lalaki at may kinuha itong kahoy sa isang sulok hanggang sa silang lima ay mayroon ng hawak na kahoy.

Sinugod nila si Karl ay pinagpupukpok ng kahoy sa iba't ibang parte ng katawan kaya nanghina ang binata at tila hindi na makalaban. Nanlumo si Ashley sa kaniyang kinatatayuan sabay sigaw ng "Karl!" at tuluyan ng tumulo ang luha ng dalaga.

"Wala ka nang takas sa amin ngayon!" anas no’ng lalaking nangunguna sa kanila sabay himas sa mukha ng dalaga.

"Walang sinuman ang may karapatang hawakan ang babaeng mahal ko!" sigaw ni Karl at biglang may liwanag na lumabas sa kaniyang kamay ay mag pigura ito ng ahas na napapalibutan ng tubig.

Ang mga mata ng binata ay nagliliwanag na kulay itim. Ang kaniyang balat ay nagkaroon ng kaliskis ng ahas at biglang nagsitayuan ang kanyang itim na buhok.

Nagsiguran sa kaniya ang mga lalaki habang tulalang nakatingin sa kaniya ang dalaga. Bigla na lang kumumpas bigla ang mga kamay ng binata at biglang nagsilutangan ang tubig sa paligid na tila ba kaniyang kinokontrol.

"Pare, halimaw na itong kaharap natin kaya dapat sigurong tumakbo na tayo!" singhal ng isang lalaki at nagsitakbuhan na nga sila.

Biglang sinugod ng mala-ahas na tubig ang limang lalaki at ngayon ay nililingkis sila ng tubig na para bang isang ahas talaga. Nasasakal na ang limang lalaki at halos hindi na makahinga.

"Itigil mo na iyan, Karl, please! Palayain mo na sila!" sigaw ni Ashley habang umiiyak sa takot at kaba.

Biglang natauhan si Karl matapos marinig ang tinig ng dalaga kaya pinakawalan na niya ang limang lalaki at nagsitakbo agad papalayo ang mga ito marahil sa takot na nararamdaman.

Nilapitan ni Karl ang dalaga na nakasalampak sa sahig at humahagulgol sa iyak.

"Huwag kang lalapit sa akin, halimaw ka!" sigaw ni Ashley na biglang ikinasikip ng paghinga ng binata.

"Ashley, ako pa rin ito, si Karl! ‘Yung taong mahal mo!" paliwanag ng binata.

"Pero hindi ka na tao! Isa ka ng halimaw! Kaya ngayon, break na tayo! At huwag na huwag mong tatangkaing lapitan ako!" sabi ni Ashley sabay takbo papalayo sa binata.

Hindi nakakibo ang binata matapos marinig ang masasakit na salitang pinakawalan ng taong minamahal. Nagpunta ang binata sa isang dalampasigan at nakita niya ang kaniyang itsura sa linaw ng tubig nito.

"Hindi na nga ako normal na tao, isa na akong halimaw! At higit sa lahat kinamumuhian na ako ng babaeng pinakamamahal ko!" sigaw ni Karl sabay wasiwas sa kaniyang kamay at nagdulot naman sa tubig para umalon ito.

Isang bote na naglalaman ng sulat ang biglang tumambad sa kaniyang harapan kaya dinampot niya ito at kinuha ang laman.

Dear Karl,

Alam kong masakit masaktan lalo na't sa loob ng isang taon na panliligaw mo sa kaniya at sa loob ng isang araw na pagiging magjowa ninyo ay pinakawalan ka na niya agad matapos niyang makita ang tunay mong itsura kaya nauunawaan kita. Ikaw ay may angking kakayahan para maging tagapagligtas ng mundo kaya inaanyayahan ka namin na pumasok sa aming paaralan para matutuhan mong kontrolin ang iyong kapangyarihan.

Nagmamahal,

Humanimal University

"Tatanggapin ko ba ang paanyaya ng Humanimal University? Hindi naman na akong belong dito kasi kakaiba ako at ang turing pa sa akin ay halimaw. Do I need to accept their invitation?" tanong ni Karl sa kaniyang sarili.

Lumipas ang isang linggo at hindi na nga siya nilapitan ni Ashley. Naging cold na rin siya marahil ayaw na niyang masaktan pa dahil kakaiba siya.

"Ngayon, alam ko na ang sagot sa katanungan ko. I'll accept it…" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status