Share

INSPIRIT UNIVERSITY: BOY IN LOVE [BOOK I]
INSPIRIT UNIVERSITY: BOY IN LOVE [BOOK I]
Author: Ezckapel

:ஐ¤ꕥ LOVE PROLOGUE ꕥ¤ஐ:

"Let's sing for infinity. We are INFINITIZE! The best of all, the hottest! LET'S FIGHT INSPIRITS!" Isang malaking hiyawan ang nangyari, dito sa loob ng Arena kung saan sila nag-peperform. Masaya ako! Sobrang saya dahil hindi ko inaakala na mangyayari ito nandidito ako sa kanilang concert!

Biglang lumapit sa akin ang aking bias,"I LOVE YOU!!!!" Sigaw ko habang niyakap ko siya tapos hinalikan. Isang fan service na malupet ang ipinakita ko sa kanila. Naghiyawan ang maraming tao dahil maraming sumuporta sa amin.

"YAH!!!! NENENG GISING NA!" Minulat ko agad ang aking mga mata, dahil sa sigaw ng aking step mother. Mala-megaphone kasi ang kaniyang bunganga na abot hanggang kabilang kanto ang kaniyang boses sa sobrang lakas. Nakakarindi sobra, tumayo agad ako sa aking higaan dahil 'di ko na matiis ang kanyang pagsigaw sa maganda kong pangalan. Grabe talaga, isang magandang cinderella ang kinakawawa ngayon...

"Wait?! Anong oras na?!" Napatingin ako sa aking orasan at biglang namulat ang aking mata. 

Gulat na gulat ako, dahil it's IDOL BATTLE na! "Wahh!" Tumitili ako sa sobrang kilig dahil pagkabukas ng pagkabukas ko ng Telebisyon nakita ko 'yung mga mukha ng mga biase ko...

"Go! Infinitize GO! WOAH!!!" Todo cheer ako sa kanila dito sa loob ng bahay namin, sumasayaw pa ako...

"Say letter I!"

"Say letter N!"

"Say letter F!"

"Say letter I!"

"Say letter N!"

"Say letter I!"

"Say letter T!"

"Say letter I!"

"Say letter Z!"

"Say letter E!"

"INFINITIZE FIGHTING!!!! WOOO!!!!" Sigaw ako ng sigaw dito sa kuwarto ko habang, tumitili sa kilig sa kanila ang popogi nila.

"SAY SAPAK! HOY BABAE! MAGLINIS KA NA! MAMALENGKE KA PA!" Sigaw sa 'kin ni Mudra! PESTE! Maaga ka na sana kunin ni Lord! Pinapanood ko pa yung favorite idol ko oh!

"Tita! 5 minutes more!" Sigaw ko.

"5 MINUTES MO MUKHA MO! DALI!" Lumapit sa 'kin si Mudra tapos hinablot ang napakaganda kong buhok at tapos ipinatay ang TV.

Hinigit niya ako papuntang kusina, at inutusang bumili ng sahog sa aming paninda sa karinderya niyang ubod ng pangit. Walang kalasa lasa ang luto niya, joke lang.

"Nako na naman 'di ko na napanood ang Infinite ko ay mali... ang Infinitize ko". Nagmadali akong lumabas tapos dumiretso ako sa palengke, sumakay ng tricycle at kinausap ko ang driver na dalian niya ang kanyang pag mamaneho. Nang ako ay nakarating sa palengke binilisan ko bumili ng gulay, at sa isang sulyap may nakita akong nanood ng IDOL BATTLE at encore na pala!

"Ang gagaling talaga ng mga estudyante sa INSPIRIT UNIVERSITY no?" Papuri ng isang lalaki, tapos daldalan ng daldalan at wala na akong narinig sa pinapanood ko.

May napansin akong mga babae rin nanood ng palabas at may bigla akong narinig sa kanila na hindi ko inaasam. "Alam mo ba? Na babagsak na ang Inspirit University?" Tanong ni malandi one kay malandi two.

"Ay! Oo nga daw!" Napatalon siya at humarap sa kanyang kausap. "Nako mga OPPAPA natin wala ng eskwelahan, hindi puwede yun!" Sabi ni malandutay two kay malandutay one.

"Oo nga kung nagkataon, wala ng INFINITIZE!" Malungkot na sabi ni Malandutay one. Nagulat ako sa aking narinig at nabitawan ko ang aking bitbit. Agad agad kong kinuha ang mga ito ang hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig. Gusto ko kumain ng dalawang dosenang sili para magising ako sa katotohanan! MY GOSH! Sana hindi ito totoo! Promise sana hindi totoo! Mamatay man si Mudra!

Napatigil na lang ako dito sa kinatatayuan ko, dahil nakita ko silang umiiyak lahat sa telibisyon. Ano 'to! Maging malakas kayo! Ano ba napapaiyak na rin ako dito! Inalog ko ang aking sarili, tapos ipinangako ko na...

WAG KAYONG MAG-ALALA! GAGAWA AKO NG PARAAN MAMATAY MAN SI BATMAN! 'DI BABAGSAK ANG SCHOOL NIYO!

GAGAWA AKO NG PARAAN!

GAGAWA AKO!

Pero ang tanong paano? Gaga rin ako no?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status