Share

:ஐ¤ꕥ LOVE I ꕥ¤ஐ:

ღ IDOL ON HIATUS ღ

☆*★*♪ JHUSTINE'S LOVE ♪*★*

Kagulat at kagimbal gimbal na balita ang nabalitaan ko, grabe talaga ba’t naman babagsak ang INSPIRIT UNIVERSITY. Bakit? Na bankrupt ba sila? Binili ko na lahat ng pinabibili sa ‘kin si Mudra tapos nag-madali na akong umuwi ng bahay namin. Siya nga pala ako pala si Jhustine Perez, isa sa kilalang hot na babae sa balat ng panaginip ko. ‘Di ako kagandahan mukha, simpleng babaeng may mataas na pagnanasa lang ako at marami sa mundo ang kagaya ko.

Pumasok na ako sa bahay namin tapos ipinatong ko na ang mga binili ko sa lamesa. Tapos nagmadali akong pumunta sa kuwarto ko para mag isip ng gagawin ko. Ano ba ‘to wala akong maisip… May magagawa ba ako? AH! Alam ko na, may baliw akong naisip kaso isang malaking sakripiso ang gagawin. Isasakripisyo ko ang buong pagkatao ko at kahihiyan sa gagawin ko. Nagmadali akong pumunta ng pa sekreto sa bahay ng pinsan kong si Kuya Julius. Isa kasi siyang empleyado sa Inspirit University, kailangan ko talaga ng tulong niya.

Ilang oras ang nakalipas nakarating na ako sa bahay nila sa kabilang street lang naman eh. Medyo malayo nga lang, nang nakarating ako doon nakita ko agad, at minadali ko siyang kinausap.

“Kuya Julius!” Sigaw ko.

“Oh? Ba’t ka naman napadalaw dito? Ano na naman ba ang kailangan mo?” Tanong niya sa ‘kin.

“Kuya totoo bang babagsak na ang Inspirit University?” Tanong ko sa kanya, tapos nagtataka siya. Paano ‘to ang hirap naman mag-explain sa kanya promise!

“Sa kasamaang palad oo.” Malunkot niyang sabi sa ‘kin, alam ko naman na mamawalan siya ng trabaho at inaanyayahan niya akong pumasok sa loob. Binati ko ng maganda umaga sila tita ng pumasok ako. Nang nakapasok ako sa bahay nila, niyaya nya ako sa kanyang kuwarto. Wala kaming masamang gagawin hah? At ng nakapasok na ako sa kuwarto niya, sasabihin ko na sa kanya ang pakay ko at ilang saglit.

“Kuya! May favour naman ako! Please!!!!” I begged. Nagulat siya sa ginawa ko, tapos tumawa na lang siya. Mukha ba akong nagpapatawa?!

“Mukha ba akong katawa-tawa?” Tanong ko sa kanya, tapos naka-pout pa ako at tumawa na naman siya tapos pinisil pisil naman niya ‘yung pisngi ko. Matapos tumawa ‘tong baliw kong pinsan naging seryoso na ang kanyang mukha.

“Ano nga kailangan mo?” Tanong niya sa ‘kin.

“Kuya tulungan mo akong mag-enroll sa IU please!” Nagulat siya sa sinabi ko.

“HAH?! Did you lose your mind!? What the hell are you thinking?!” Oh damn sexy! Nag-ingles siya! Nakaka-nosebleed.

“Please na kuya! Ayaw ko mawala ang eskwelahan at pati na ang Idol doon please na kuya tulungan mo na ako!” Pagmamakaawa ko sa kanya, tumayo siya at nag-isip na pagalit.

“HELL NO!” Sigaw niya, nabingi ako doon puwede ba! Wag ka mag-ingles! Pinilit ko siya ng pinilit, ni-lock ko ang pinto and it’s seducing time LOL joke lang. Ni-lock ko ‘yung pinto dahil magsusumbong siya kay tita, kapag nagsumbong siya kay tita mayayari ako kay Mudra siguro mawawalan na ako ng buhok. Ilang oras ang nakalipas, tinatanong niya ulit ang tanong niya. Tapos may kadugtong “Why would you want to enter to our school so badly?” /le dies/ Pang-miss universe ang tanongan grabe talaga, sasagutin ko na nga!

“Because, I want to help my idol and not only my idol. I want to help the school to regain its strength so they can teach more people value and more knowledge. I want to go to that school, because (gusto ko silang mayakap at makitang naliligo)…” ‘Di ko na sinagot makahalata na eh haha. Nang nakapag-isip na siya, pumayag na din siya… PARTY PARTY! SABOG CONFETTI!

“Pinayagan kita, dahil ‘yan ang ginusto mo kapag may nangyari sa iyong masama at nabuntis ka ng wala sa oras. Wala na akong paki sa ‘yo.”

“Grabe ka kuya!!!!! BUNTIS AGAD!? ‘Di ako mag papagalaw sa mga lalaki d’on promise! I will hide my identity until I die" Die sa sobrang ka-hottan ng mga lalaki doon. "I promise!” Sabi ko ng nakangiti.

“Promise mo ‘yan, ako na mag-aasikaso ng mga papeles mo at by the way dorming system ang process d’on. At teka? What about your school?” Tanong niya sa ‘kin, ay oo nga pala may pasok pala ako bukas, linggo kasi ngayon kaya walang pasok - malamang.

“Bukas na bukas, puwede ka ng pumasok.” Dagdag niya, nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya what the hell! Bukas na bukas agad?!

“Agad agad?! ‘Di pa ako ready!” Napahawak ako sa mukha ko, dahil sa sobrang pula na nito siguro sa sobrang excited ‘di ko iniisip na lalaki pala ang mga kasama ko doon.

“Akala ko ba ready ka na?” Tanong niya sa ‘kin , eh wala naman akong sinabi na ready na ako eh! I’m still a virgin ay este I’m still a girl! ‘Di ko alam kung paano kumilos bilang isang lalaki no! At ‘di ko alam ang course na kukunin ko sa university. Ay ang boba ko talaga sobra, eh di Performing Arts ang kukunin ko. Magaling naman akong sumayaw - Pole Dancing, Sexy Dance yung Careless Whisper. Magaling din ako kumanta ng hiphop at oo magaling ako sa mga rap, tapos mga hiphop na ganyan. That is my style dude!

“Pag iisipan ko muna, at tsaka wala pa akong damit na isusuot ko doon.” Paliwanag ko sa kanya, nagkibit balikat siya tapos ipinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

“Ah! Alam ko na!” Nagulat naman ako dito sa lalaking ‘to. ‘Di ko pa pala pinapakilala sa inyo si Kuya Julius. Si Kuya Julius ay isang nurse d’on sa Universidad, wag kayong magugulat dahil 26 years old lang si Kuya Julius, affordable na affordable, good looking pa sa’n pa kayo ang swerte ko sa pinsan ko no?

“Kailangan mo ng make-over!”

“Kuya! Bakla ka! Lalagyan mo ako ng make-up!”

“Loko ka hah! Sinong nag-sabi sa ‘yong bakla ako! Ang sinasabi ko kailangan mo mag palit ng kasarian, you need to look like a boy than you look like a girl dah?!” Ito na naman tayo, ingles ng ingles ipadala ko ‘to sa amerika para d’on na tumira.

“Okay okay! Ikaw na bahala dude!” Sabi ko with a punk pose, haha nagpapakalalaki na ang dyosa. Lumabas kami ni Kuya Julius at nagtungo sa mall, nang nakarating kami ni Kuya Julius sa mall grabe sya kung saan saan niya ako dinadala. Ako naman, I can’t resist na pumunta sa girl’s corner ang gaganda ng palda at miniskirt nila d’on wahh!! Gustong gusto ko talaga promise! I want to buy some! Hinigit niya ako ng hinigit pero gusto ko talaga pumunta d’on. Iiyak na ako dito mga beh.

Si Kuya Julius na ang bahala sa boy fashion ko. Fashionista kasi ‘tong lalaking ‘to, at parang bakla talaga siya promise.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status