Share

:ஐ¤ꕥ LOVE V ꕥ¤ஐ:

ღ FOREVER INFINITIZE ღ

☆*★*♪ JJ'S LOVE ♪*★*

Grabe talaga 'tong mga batang'to, ubos na pera ko sa kanila. Pa'no ba naman napagtripan na naman nila ang pitaka ko. Ubos talaga, pero ayos na din at least masaya kami dito na nag-kukuwentuhan walang samaan ng loob atlaging masaya. Siya nga pala, that boy? Parang nakita ko na siya dati? I can't remember, pero boy ba talaga 'yong lalaking 'yun? Mukha siyang babae promise, 'di nga match ang katawan niya, kasi bat ang slim ng pagkakahubog ng katawan niya? He is gay? But, don't jugde people by looking at their visual. You can only judge them on how the treat others.

Pa'no 'to wala kaming ginagawa, lakad lakad lang kami sa kampus at pahinga na lang din. Kailangan din kasi namin ang pahinga para 'di naman kami laging pagod kapag magprapraktis kami.

"Teka magbabanyo lang ako." Paalam ko sa kanila. Tumungo lang sila tapos...

"Kuya J.J. pagbalik dapat may free soft drinks kami, nauuhaw na kami eh." Suggest ni Mint, sige bibigyan ko siya ng Coke at Mentos mamaya... haha. Umalis na lang ako para mag banyo naiihi na kasi ako eh. Tumakbo lang ako ng tumakbo, hanggang makarating ako sa 2nd floor tapos hingal na hingal na ako habang nakahawag sa 'di dapat sabihin.

Bago ako pumasok sa banyo, napansin ko 'yung bagong student na nasa labas ng banyo parang 'di mapakali?

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya, 'di siya makasagot, but instead he run away. Ang weird niya promise, but the twist eh... Mukha talaga siyang babae, bading ata 'yung eh. Oh kaya nag paplastik surgery. Ano ba 'to, isip ako ng isip dito ang sakit na ng pantog ko. Ilang minuto ang nakalipas, natapos rin ako. Naglakad ako papuntang canteen kung s'an sila naroroon. Nang bigla...

"May away! May away!" What?! May away? As the student idol kailangan kong mapigilan 'to. I hate fights mas lalo na kung sa loob ng school na 'to. Dumiretso ako sa kabilang hallway at maraming nagkukumpulang estudyante d'on at napansin ko na 'yung bagong transfer student ang nagkikipag-away. May hawak siyang toilet plug ba 'yon? Basta 'di ko alam ang tawag d'on. Tiningnan ko kung sino ang kanyang kaaway, at inaasahan ko na ang DeathLordz ito. Ang kaaway niya ay si Kevin.

Sa totoo lang? Ang Z.I.P ay mas kilalang Ganster Idol, dito sa University. Ilang beses na silang kinausap ng Presidente, dahil sa kanilang pag-uugali sa paaralan. Anim sila sa kanilang grupo. Sina: Hunter, Ken, Raven, Leo, Ulz, at Kevin. Lahat sila ay gangster, kaya 'di simula noong nagalit ang presidente sa kanila. They were banned to perform in the Idol Battles. It quite sad, dahil mga talentado 'tong mga lalaking 'to at sa parehong panahon mga tarantado din.

Nakita ko na may lakas ng loob para pumatol 'tong lokong transfer student na 'to dito kay Kevin. 'Di niya ba alam na si Kevin ay walang sinasanto, maski lalaki man o babae ang kaaway niya? I should stop this fight right away.

"Hey! Stop it!" Ay walang narinig?

"MGA TUKMOL! TIGILAN NYO NA 'YAN!?!" Sigaw ko, napatigil silang lahat sa kakasigaw at napatingin sila sa 'kin. Agaw eksena ba ako? 'Di naman no? Tapos lumapit ako sa kanilang dalawa para pag-layuin 'tong dalawang 'to.

'Di nila ako kaya, dahil kaming INFINITIZE ay awarded na Universities Precious Gems. We are really precious at kung sino man ang manakit sa 'min pwede naming patalsikin ng wala sa oras. Tumingin lang ako kay Kevin, at ibiniba niya na lang 'yung kamao niya at sabay sipa sa trashcan sa tabi niya. Tumingin naman ako sa transfer student na 'to. Aba? Libre tingin? Nakatingin lang siya sa 'kin ng malagkit, pinitik ko 'yung ulo niya para bumalik siya sa katotoohanan.

Iniling niya ng mabilis ang kanyang ulo at bago siya mag-salita...

"Ah..."

"Sumama ka sa 'kin." Hinawakan ko 'yung kamay niya tapos nagulat ako ng bago ko siya higitin. Ngayon lang ako nakahawak ng lalaking sobrang lambot at makinis na kamay. Ano ba 'tong iniisip ko, kailangan ko 'tong turuan ng leksyon.

Hinigit ko siya papuntang University Garden at pagtapos ay ibinato ko siya sa damuhan para i-check kung lalake ba talaga sya, pero joke lang.

"What the hell are you thinking? Ba't mo pinatulan 'yung lokong 'yun? You put yourself in danger you know that? You even just transferred today, and now what? You are making fuss in the University, you don't know that you are really, really in big trouble!" I scolded her! Napa-ingles tuloy ng wala sa oras. Nakita ko siyang tumingin sa lupa at naka-pout 'yung mga labi niya. Shet!? Ba't ko tinignan ang mga labi niya, eww... Maski nga babae 'di ko kayang tignan sa labi eh.

"Ahh.. Sorry, 'di ko kasi kilala ang mga nabubungo ko eh..." Mahinhin niyang sabi, he is soft mas mahinhin pa sya kay Mint. 

"Eh? 'Di ko naman sinadyang tapakan 'yun sapatos niya kanina eh. Nagmamadali kasi akong pumunta sa Nurse Office, naligaw kasi ako." He added. God mamatay ata ako ng wala sa oras, ngayon lang ako nakakita ng babaeng tanga este lalaking ang tanga tanga. Kumukulo na 'yung dugo ko sa kanya, umupo ako sa bench at napa-face palm na lang ako ng wala sa oras. Tapos napagtanto ko na...

Why did he transfer to our school kung alam niyang magsasara na 'to?

"Okay okay... I think I need to tour you around in our school. Give me your phone." Tapos binigay niya naman, pagkabigay na pagkabigay niya, at kulay pink pa ito? Fan ka ni Edwin?

"Wow? Hah? Pink? Favorite color?" Tanong ko sa kanya.

"Ah... eh hindi hindi! Fan kasi ako ni Edwin." Halatang nagsisinungaling siya, isinave ko na 'yung phone number ko tapos nag paalam na ako sa kanya.

"Hoy! Tandaan mo tawagan mo ako bukas!" Sigaw ko sa kanya tapos umalis na ako.

Ilang oras ang nakalipas, nag text sa 'kin si Marko na dumiretso na sila ng dorm at nagprapraktis na sila. Why bother practicing? Wait!? May biglang nag-pop-up sa utak ko na kung anong kabaliwan. Tumakbo akong papuntang dorm namin, tapos padabog kong ibinukas ang pinto sa practice area namin.

As expected, titingin sila sa 'kin.

"I have an Idea, how we can save this school!" I exclaimed. They were all shocked on what did I said.

"HAH?! ANONG SINABI MO?!" They said in unison, are they deaf? Teka?! 'Di pa din nawala 'yung kaka-ingles ko? Siguro dala lang 'to ng kabwusitan ko sa transfer student na 'yun. Pumunta ako sa harapan nila habang nakangiti. Inutusan ko silang kumuha ng white board marker at white board marker. After nilang kunin 'yung mga pinapakuha ko sa kanila tahimik silang nakinig.

"Ito ang plano..." Ipinaliwanag ko sa kanila ang plano namin para mailigtas ang university na 'to sa pagkakasara. This is how it works, every year may ginaganap na IDOL BATTLE: LOVE STAGE. Isa itong contest battle kung saan ang premyo ay pera, at naalala ko kung bakit financial ang problema ng paaralan namin.

Dahil daw kakaunti na daw ang nag-eenroll sa eskwelahan namin, narinig ko lang 'to sa 'ming professor ng nasa gymnasium kami. Kaya pala, namumublema ang paaralan namin kakaunti lang ang nag-eenroll dito. Kaya naisipan kong sumali kami IDOL BATTLE: LOVE STAGE. Kaso ang problema lang, we need to talk to the University President. Paano ko gagawin 'yun?

And wait? May naalala lang ako...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status