Share

MY COLD HUSBAND
MY COLD HUSBAND
Author: Jolinabl0913

CHAPTER 1

" Love, kaen na tayo baka malate ka sa trabaho mo " tawag ni Clara sa kanyang asawa na nagbibihis sa kanilang kwarto.

Maya maya lang ay lumabas na si Jasper at bumababa na sa kusina at andoon na rin si Clara na naghahanda ng pagkaen nila.

Tahimik na kumakaen ang dalawa ng may biglang tumawag kay Clara sa kanyang cellphone. Tumayo muna si Clara sa kanyang upuan at lumayo kunti sa kanilang pagkainan.

" Hello? Sino sila? " Saad ni Clara sa telepono

" Hi Ms. Clara Cruz this is Mark Fernandez from DH Inc. i would like to tell you that you are qualified for position Admin staff and you will start tomorrow ". Saad sa kabilang linya

" Po? Medyo nabigla sa pagkakarinig sa kabilang linya. Okay po sir, maraming salamat po ". Saad naman ni marlia sa kanilang linya ay pinatay na ang telepono.

Bumalik na si Clara sa kanyang upuan at kinausap si Jasper.

" Love, natanggap ako sa trabaho bukas na ang simula ko ". Saad ni marlia kay Jasper habang nakangiti ito sa kanya.

Napatigil si Jasper sa pagsubo ng pagkain at bigla itong nagsalita.

" Bakit kailangan mo pang magtrabaho? Hindi naman kita ginugutom binibigay ko naman sayo lahat. May ari ako ng kompanya bakit kailangan mo pang pumasok sa iba? " Saad ni Jasper na medyo naiinis.

" Ayoko namang sumasa sayo palagi, gusto ko rin naman kumita ng sarili kong pinanghirapan ". Saad ni marlia at nagsalita ulit ito. Wag kang magalalala Jasper hindi nila alam na asawa mo ako kung yun ang inaalala mo. " Saad ni Clara na medyo malungkot.

Ilang sandali lamang ay natapos na silang kumain at nagligpit na ng pinagkainan si Clara at umalis naman si Jasper at pumunta na ito sa kanyang opisina.

CLARA POV

Tama naman si Jasper eh bakit kailangan ko pang magtrabaho kung nabibigay na naman niya saakin lahat. Gusto kong kumita rin ako ng galing sa pinaghirapan ko. Alam ko naman na napilitan lang siyang magpakasal saakin dahil nakapangako ang lolo niya at lolo ko na paglumaki na kami ay ipapakasal kami sa isa't isa.

Hardinero ang lolo ko noon sa mansyon ng mga Perez at niligtas niya ang lolo ni Jasper sa pagkakahulog sa puno. Kaya bilang pagbawi ay nangako siya naipapakasal niya ang kanyang apo sa magiging apo niya pag dating ng araw. Kaya ayon kinasal kami dalawang taon na ang nakakalipas.

Sa loob ng dalawang taon nabuo na ang aking pagmamahal kay Jasper. Ngunit ramdam kong si Jasper ay napipilitan lang saaming sitwasyon.

Sa states kasi nakatira si jasper noon at pinauwi lang ng kanyang lolo upang ipakasal saakin. Nagulat siya noon dahil wala siyang kaalam alam na may ganoong kasunduan. Hindi kaagad pumayag si jasper noon dahil meron siyang kasintahan si Alexa at mahal na mahal niya ito.

Alam kong mahal niya parin hanggang ngayon si Alexa dahil minsan na lasing siya ay nabanggit niya ito habang natutulog. Nasasaktan ako dahil ang taong mahal ko ay mahal na iba.

Ngunit tinatago ko lang ito dahil ayokong makigulo pa sa buhay ni jasper. Ayokong mawala siya kapag nagdemand ako sa kanya kaya pipiliin ko na lang manahimik kesa ipagpilitan ko pa ang aking sarili sa kanya.

- - end of chapter 1-1

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Geliza Bitara
Intro pa lang sobrang Ganda NG basahin......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status