Share

CHAPTER 5

Chapter 5

Marlia POV

Friday na pala ang bilis ng araw. Namimiss ko na rin si tyrone. Hay saad ni marlia habang nasa desks. 

" Miss marlia mamaya na yung pawelcome party namin sayo Hehehe ". saad ni sarah na masaya. 

" ah oo nga pala mamaya na yun " saad ni marlia sabay ngiti kay sarah.

" Sige dyan ka na muna may inutos lang si miss kim " saad ni sarah sabay labas ng opisina.

Kaya nagpatuloy na si marlia sa kanyang ginagawa.

- -

Restaurant

" Welcome miss castro sa aming team." Saad ng mga katrabaho ni marlia. 

" Maraming salamat sa inyong lahat sa pagtanggap saakin ".maiyak iyak na saad ni marlia. 

At nagsimula na silang kumain.

Habang kumakain biglang tumunog ang cellphone ni marlia. 

Ring...ring....ring...Love is calling 

" excuse me sasagutin ko lang to "Pagpapaalam ni marlia sa mga kasama. 

" Hello love napatawag ka? ". Saad ni marlia sa telepono.

" I want to remind you about sa dinner sa sunday ". Saad ni tyrone sa kabilang linya.

"Ah oo nga pala sa sunday na yun hindi ko kakalimutan ". Saad ni marlia sa kanyang asawa.

" What did you do? How are you? ".Tanong ni tyrone kay marlia.

" Ah Love my hinandang padinner yung mga katrabaho ko pa welcome party. Ang babait nga nila sakin eh hindi ako masyadong nahirapan ". Sagot ni marlia 

" ah thats good ibaba ko na i have to do something. Bye ". Saad ulit ni tyrone at binababa na ang tawag. 

" hello love hello binaba niya ulit yung phone hindi ko man lang siya natanong kung kelan siya uuwi  hayysst. 

Bumalik na ako ulit sa aking inuupuan at kumain na ulit. 

" Miss marlia " tawag ni sarah dito 

" mam matanong ko lang po hehehe may lovelife ba kayo? Imposibleng wala mam sa ganda niyong yan ". Saad ni sarah sabay tawa. 

" Ah eh wala naman ". pag aalinlangan niyang sagot kay sarah. 

Pinagkasunduan kasi naming dalawa ni tyrone na single pa rin ang aming status kahit mag asawa na kami. Upang hindi makaapekto sa mga personal naming buhay dahil kaya lang naman siya nakasal sa akin dahil sa may utang kami. Kaya pumayag na rin ako sa ganoong sistema. Pero sa isang banda malungkot ako dahil gusto ko din naman na mapagmalaki niya ako sa lahat ng mga tao na ako ang asawa niya. Pero hindi na siguro mangyayari yun dahil hindi naman niya ako mamahalin.

Natapos na ang dinner party at paauwi na ako ngayon sinundo ako ngayon ni james. Wala naman nakapansin saakin nung umalis ako dahil nauna akong lumabas sa kanila ng restaurant.

" Miss marlia may problema po ba bakit parang ang lungkot niyo? " Tanong ni james.

" Ah wala ito baka napagod lang ako ngayon, ah james nagsabi ba sayo si tyrone kung kelan siya uuwi? Tanong ni marlia

" Ah wala naman pong nabanggit si sir ". Saad ni james.

" Ah ganun ba salamat james ". Saad ni marlia na malungkot pa rin.

Nasa bahay na ako tinitingnan ko ngayon ang mga picture namin ni tyrone nung kasal namin. Kahit na secret wedding ang kasal namin ay importante pa rin saakin to. Sayang nga eh nawala agad sila mommy at daddy. Namatay kasi sila sa isang car accident bago ako ikasal kay tyrone sayang at hindi nila nakita na ikasal ako. Sabagay lagi naman na nila ako nakikita sa heaven. Mahal na mahal ko kayo mommy, daddy kabayan niyo lang po ako palagi. Saad niya sa kanyang isipan

Natapos ko ng tingnan ang mga picture kaya tinabi ko na ito. Kailan kaya uuwi si tyrone miss na miss ko na talaga siya. Bukas pala pupunta ako sa mall titingin ako ng pwedeng regalo sa mga magulang ni tyrone kaya matutulog na ako.

KINABUKASAN

" Manang aalis lang po ako pupunta po ako ngayon sa mall, maghahanap lang po ako ng pwedeng pangregalo sa mga magulang ni tyrone ". Paalam ni marlia kay manang edna.

" Sige iha mag iingat " saad ni manang habang nagdidilig ng halaman.

- -

Papunta ako ngayon sa mall bibili ako ng regalo para sa parents ni tyrone nakakahiya naman kung wala akong dala man lang. May natitira pa naman akong savings pangbili wala pa kasing sahod. Hehehe napadaan ako sa isang  flower shop ang gaganda ng mga bulalak kaya pumasok ako roon at nagtingin tingin rin never pa kasi akong nakatanggap ng bulalak kaya naaamaze ako rito. 

" Miss ano po sa inyo? " Saad ng sales assistant 

"Ah isang bouquet of red roses and white po miss pa arrange na rin po thank you. " Saad ko rito

Naisipan kong magbigay rin ng flowers sa mga magulang ni tyrone. 

Natapos na ang bulaklak kaya lumapit na ang sales assistant sa akin.

" wow ang ganda ito ang bayad salamat po. saad ko sa kanya. At lumabas na ako ng shop.

Nakabili na rin ako ng wine. Wine na lang ang regalo ko dahil mayaman naman sila kaya mahilig sila sa wine.

Sa bahay. 

Nakauwi na ako ng bahay at nagreready na ng susuotin ko para bukas. Ang napili kong damit ay red dress dahil isa sa favorite colors ko ang red at heels na 2inches lang para classic lang tingnan. Susuotin  ko rin ang wedding ring namin ni tyrone kasi tinatanggal ko to kapag umalis ako ng bahay. Dahil baka mamaya baka may magtanong saakin tungkol sa wedding ring ko kaya mahirap na mabuti ng nag iingat kesa mapahamak.

Lumabas muna ako ng bahay dahil wala pa naman akong gagawin. Naglakad lakad ako at nakarating ako sa park kung saan kami palaging naglalaro ni tyrone nung mga bata pa kami.

Maraming bata ngayong naglalaro roon dahil sabado at wala rin silang pasok sa school. Ang cute nilang tingnan ang saya saya nilang lahat nakakatuwa ng may bigla akong isang napansin na bata na umiiyak sa may gilit ng slide kaya nilapitan ko ito.

" Baby why are you crying? ". Saad ko sa bata

" Si mommy wala pa huhuhu ". Saad ng bata

" Wag kana iyak baka mayamaya andyan na si mommy mo hintayin na lang natin ". Saad ko ulit sa bata para tumahan na ito. 

Kaya tumahan na ito. Mayamaya lamang ay dumating na ang magulang ng bata kaya tumakbo ito paputa sa mommy niya. Ang sarap pag masdan sila.

Sana mag karoon rin ako ng baby sasusunod na panahon para happy rin ako. 

Bumalik na ako ng bahay dahil pagabi na rin. Pag uwi ko ng bahay ay nakita kong naghahain na si manang edna ng panghapunan kaya pumunta na ako sa kusina. 

Kumain na kami ni manang at umakyat na ako sa taas maaga akong matutulog dahil pupunta pa ako sa bahay ang mga magulang ni tyrone.

- - 

End of chapter 5

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status