Share

Kabanata 5

Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.

May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.

Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.

Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.

Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang ikinalaki ng kaniyang mata ay ang lalaking wlaang pang itaas na kasuotan na nagliliwaliw sa katubigan.

Agad siyang napatakip sa kaniyang mata at mabilis na napasandal sa puno. “Ano ‘yon, isang lalaking walang kasuotan?”gulat na usal niya habang nakatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig.

Muli niyang sinilip ang kinaroroonan ng lalaki at nagitla na siya nang bigla iyong lumingon sa kaniyang direksyon.

Inis siyang napapikit at natapik na lamang niya ang kaniyang noo. Pakiramdam niya ay namboboso na siya sa kaniyang ginagawa.

“Sinong nariyan?”

Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang marinig ang boses na iyon ng lalaki. Papalapit ang tinig sa kinaroroonan niya kaya mas lalo siyang natakot at nataranta. Mabilis siyang nag-isip at nagpalinga-linga. Pinilit niyang magtagpo at hanggang sa mapaluhod na siya upang makapagkubli lamang.

“Batid kong nariyan ka sa likod ng puno,”napapikit ang dalaga dahil sa inis dahil wala na siyang iba pang maisip na gagawin.

Ipinatong niya ang kaniyang dalawang braso sa ulo niya at saka siya yumuko at ginaya ang boses ng isang kabayo. Inulit-ulit niya ‘yon mapaniwala lamang ang lalaki.

Pinakinggan niya ang pagkilos ng lalaki. “Nais mo palang pagmasdan ang aking magandang katawaan, kung gayon bakit hindi mo sabihhin sa akin dahil ikaw naman ay aking pagbibigyan.”

Gulat na napalingon ang dalaga sa kaniyang likuran at dahil sa kaniyang pagkagulat ay napatayo siya at mabilis na tumakbo paalis.

Ilang sandali pa ay narating niya ang mansyon at napabagsak na lamang siya dahil sa sobrang pagod at hingal.

“Tila hapong-hapo ka?”napabalikwas siya at diretsong napatinding.

“Natutuwa ka ba dahil pinahintulutan ka ng mayor doma na makapamasyal sa hacienda?”dagdag pa ni Rowena na may yakap na timba na gawa sa kahoy.

“H-Hindi sa gano’n~”pinutol nito ang sasabihin ni Mina.

“H-Hindi sa gano’n~”gaya ni Rowena sa sinabi ni Mina habang umiirap.

“Heto’t magsalok ka ng tubig sa balon at dalhin mo sa palikuran!”bulyaw pa nito at saka inihagis ang timba kay Mina. Hindi naman na sumagot ang dalaga at kinuha niya ang timba. Nakangisi naman si Rowena habang pinagmamasdan siya nito.

Nagtungo na siya sa balon at mabagal na kumilos habang ibinaba ang panalok ng tubig sa ilalim. Natauon ang kaniyang atensyon sa paligid nang makarinig siya ng kabayo. Naalala niya ang lalaking namataan niya sa ilog. Mabilis niyang inangat ang tali sa balon sa takot na baka ang kabayong iyon ay pagmamay-ari ng lalaki at ngayon ay hinahanap na siya upang pagbayarin sa kaniyang ginawang paninilip.

Mabilis na siyang naglakad dala ang timbang may tubig. Nang marating niya ang palikuran ay agad niyang ibinaba roon ang timba at nagpunas siya ng pawis na butil-butil sa kaniyang noo.

“Narito ka na pala, ikaw na ang madala nito sa tanggapan ng Gobernador sapagkat nariyan ang isa sa mga heneral ni Goberador Vicente.”Inabot nito sa kaniya ang bandeha at hindi na siya nakapagsalita pa. Nagtungo siya sa taas kung saan ang tanggapan ng Goenador.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang dala ang bandeha at hindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi na siya nag dalawang isip pa na buksan ang pinto at tumuloy na siya upang ibigay ang mga tsaa.

Mas minabuti niyang yumuko na lamang upang magbigay galang sa mga panauhin. Isa-isa niyang ibinigay ang mga tasa sa dalawang lalaking nakaupo sa mga silya.

Kinuha niya ang pinakahuling tasa upang ibigay sa lalaking kasalukuyan nakaupo at maayos anng postura. Nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay nang iabot niya iyon kaa’t muntik pa iyong matapon.

“Bakit tila kinakabahan ka, binibini?”dahan-daha­ng inangat ng dalaga ang paningin niya nang marinig ang mahinang tinig na iyon.

Halos pagsakluban siya ng langit at lupa nang makilala ang lalaki kasalukuyang nakangisi sa kaniyang harapan. Dahil sa kaniyang pagkabigla ay dumulas ang baso sa kaniyang kamay, mabuti na lamang at hawak na iyon ng lalaki at hindi tuluyang bumagsak.

“P-Paumanhin po…”

Napakagat na lamang si Mina sa kaniyang labi at yumukod ng sobra at saka siya nagmadaling lumabas ng silid na iyon. Hindi naman na napansin ng Gobernador ang nangyari dahil patuloy pa rin ito sa sinasabi nito sa isa pang lalaking kasama nila sa silid.

Pababa na sana ng hagdan si Mina nang maalala niya na naiwan na pala ang bandeha sa loob ng silid, balak niya sanang balikan iyon ngunit hindi na nnniya itinuloy at tumuloy n siya sa pagbaba ng hagdan.

Tahimik ang buong paligid na sinasabayan ng mahinang hangin at mahinang pag-ambon. “Kahit batid kong naipaghiganti ko na ang kamatayan nga aking ina ay tila hindi pa rin iyon sapat. Hindi pa rin matahimik ang aking kalooban, batid ba ninyo iyon?”usal ng dalaga na may pagkamuhi sa tono ng pananalita nito.

Nakasuot ito ng isang elegante at magarbong baro’t saya habang hawak ang isang abaniko na ang tanging nagmamay-ari lamang ay ang mga kabilang alta sociedad.

Mariin nitong pinahid ang nagbabadyang luha sa mata nito at pilit na ngumiti habang matalim na nakatitig sa puntod ng mag-asawang Cortez.

Nasa ‘di kalayuan naman naghihintay ang kutsero nito.

Abala ang lahat sa paghahanda ng hapunan. Masarap at maganda ang preperasyon ng mga pagkaing nakahain kahit pa mag-isa lamang na kakain sa hapag ang Gobernador.

“Mayor doma Emilda, pinasasabi ng Gobernador na dalhin na lamang sa kaniyang tanggp ang kaniyang hapunan.”Napalingon ang mayor doma sa kabababa lamang na si Rowena.

Nakahilera ang mga tagasilbi malapit sa mahabang mesa at hinihintay na lamang ang pagbaba ng Gobernador.

Hindi naman na tumugon si mayor doma Emilda at ibinalik ang kaniyang paningin sa mga pagkaing kasalukuyan nang nakahain.

“Ako na lamang ang magdadala ng kaniyang hapunan. Mag ligpit na lamang kayo at pagkatapos ay mamahinga na rin kayo,”sambit ng mayor doma.

Kinuha niya ang isang andeha at dddoon inilagay ang pagkaing dadalhin sa Gobernador. Nagtungo na siya sa tanggapan at maingat na binuksan ang pinto. Namataan niya itong tahimik na nakaupo habang pinagmamasdan ang isang larawan nang pamilya nito.

Maingat niyang inilapag ang bandeha sa kabilang mesa at tila hindi napansin ng Gobernador ang kaniyang presensiiya sa silid.

“Iniisip mo siguro kung maayos ba ang lagay ni senyorita Victorina,”panimula ni mayor doma Emilda dahilan upang mabaling sa kaniya ang atensyon nito.

“Mas mabuti kainin mo na ang iyong hapunan,”dagdag pa niya at iniagay niya ang mga pagkain sa harap ng Heneral.

“Kung minahal ko lang sana ang kaniyang ina, hindi niya sana ko kinamumuhian ng ganito,”napalingon ang mayor doma sa mukha ng Goernador at saka siya umupo sa bakanteng silya sa harap ng lamesa nito.

“Hanggang ngayon pala‘y sinisisi mo pa rin ang iyong sarili kung bakit ka kinamumuhian ng iyong anak,”turan ni mayor doma Emilda at binaling niya ang kaniyang paningin sa bintanang kasalukuyaang nakabukas ngayon.

“ Tandaan mo Vicente, kailan man ay hindi mo maaring pilitin ang puso na mahalin ang isang tao dahil ang magiging bunga lamang noon ay hindi pagmamahal kun’di awa.”Tumayo na siya at naglakad palabas ng silid.

Nagulat siya nang makita si Mina. Nasa harap ito ng pinto at tila kanina pa ito nakikinig sa kanilang usapan ng Gobernador.

Nanlalaki rin ang mata nito habang nakatitig sa kaniyang mata at hinid inaasahang mahuhuli siya nito.

Mabilis niyang hinawakan ang braso ni Mina at hinila niya ito pababa ng hagdan habang hawak pa rin ng mahigpit ang braso ng dalaga.

Pilit na pumapalag si Mina at nais niyang makawala sa pagkakahawak ng mayor doma. “Kay lakas ng iyong loob!”nanlilisik ang mata ni mayor doma Emilda nang sabihin iyon at saka niya lang binitawan ang braso ng dalaga.

“Bakit naroon ka?”

Nakayuko lamang si Mina at hindi niya magawang tumingin sa mata ng mayor doma. “P-Paumanhin mayor doma, ngunit mali po ang iniisip niyo,”sambit nito.

Napapalingon naman sa kanila ang iba pang tagasilbi dahil sa kaniyang diskusyon. “Wala kang karapatang magtungo sa ikalawang palapag nang walang pahintulot mula sa akin!”sabi pa ng mayor doma.

Napabuntong-hininga pa ito at saka nilingon ang ilang tagasilbi nakikinig sa kaniya. “Kung tapos na kayo na inyong mga gawain ay maaari na kayong mgpahinga, maliban sa iyo Mina,” napalingon ang dalaga sa ayor doma nang marinig ang sinai nito.

“Bibigyan kita ng kaparusahan.”Dagdag pa nito

Ibinagsak niya ang huling kahoy na kaniyang dadalhin sa mansyon. Ito ang parusang ibinigay sa kaniya ng mayor doma, ang manguha ng kahoy sa akahuyan upang maipang-gatong.

Sandali siyang naupo sa tabi ng isang malaking punoupang makapagpahinga dahil pagi na pagod sa pagdadala ng mga kahoy. Tahimik na ang buong paligid at tanging mga kuliglig na lamang ang nagbibigay ingay sa tahimik na kapaligiran.

Nabaling ang kaniyang atensyon sa lampara na nasa tabi niya. Napangiti siya ng maalala ang binatang si Joeliano, mapahanggang ngayon ay hindi na ito maalis pa sa kaniyang isip.

“Uy!narito pala ang mapusok na binibini,”napatayo siya nang dahil dahil sa gulat nang marinig ang pamilyar na tinig na ‘yon.

“I-Ikaw~” hindi na naituloy pa ni Mina ang kaniyang sasabihin nang biglang mamatay ang apoy sa lampara at kasabay non ay ang pagbagsak ng malakas na ulan.

Dumilim ang paligid ngnunit nagagawa niya pa ring aninagin ang kinatatayuan ng binata.

“Kung hindi ako nagkakamali ang bagong tagasilbi sa mansyon na nanggaling sa Dasmarinas,"usal n binata at saka siya dahan-dahang naglakad palapit sa kiatatayuan ni Mina. Pinagpag niya ang suot niyang uniporme kahit pa basang-basa na iyon ng ulan.

Hindi naman na tumugon pa ang dalaga at ms minabuti na lamang niyang iyuko na lamang ang kaniyang ulo. Nanatili lamang siyang nakatayo at tila hindi naririnig ang sinabi ng binata.

“Ikaw ang taong namboboso sa akin sa ilog."Nanlaki ang mata niya at hindi na niya na napigilan pa ang kaniyang sarili na harapin ito.

“H-Heneral, hindi ko sinadya ang nangyari, ang totoo niyan ay napadaan lamang ako sa lugar na iyon,”paliwanag niya. Napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig nang makita niya ang pag ngisi ng binata.

Dahan-dahan na in humina ang pagbuhosng ulan. Natawa na lamang si Francisco dahil napahiya sa harap niya ang dalaga.

“Halika, ako na ang magdadala ng mga kahoy na ito. Malalim na ang gabi ngunit inatasan ka pa ring mangahoy,”turan nito at saka nito hinuubad ang pa-unang kasuotan niya at ipinatong sa ulo ng dalaga.

Natulala na lamang si Mina dahil sa ginawa ng binata. Nakita niya ang puting kabayo na nakita niya rin kanina na pagmamay-ari pala ni Francisco.

“Ano pa ang iyong hinihintay riyan? Nais mo pa bang buhatin kita upang makasakay ka sa kabayo?”humalakhak si Francisco. Tumakbo siya palapit sa direksyon kung nasaan si Francisco.

“Hindi mo naman ako kailangang tulungn, Heneral,”sambit ni Mina at saka niya ibinalik ang uniporme sa binata.

Ngunit nagulat siya sa muling paghalakhak nito at saka muling ipinatong sa kaniyang ulo ang kasuotan. Nannlaki ang kaniyang mata ng biglang hawakan nito ang kaniyang baywang at kasunod no’n ay ang pag-angat ng kaniyang katawan at maingat siyang isinampa sa kabayo.

Sa sobrang pagkabigla ay napaiwas siya ng tingin dito at maging si Francisco ay gano’n din ang naging reaksyon.

“Paumanhin…”usal nito nang mapagtanto niya na hindi niya dapat hinawakan ang baywang ng dalaga.

Tahimik lamang sila habang tinatahak nila ang daan pabalik ng mansyon Tuluyan na rin tumigil ang ulan. Nakasakay sa kabayo si Mina habang dahan-dahan naman ang paglalakad ni Francisco.

“May kabayaran ang akiing ginagawang pagtulong,”basag ni Francisco sa katahimikan. Napalingon naman sa kaniya si Mina at saka ito mabilis na tumalon pababa ng kabayo.

“Bakit niyo pa tinutulungan kung may kapalit naman pala kayong hihingin, paumanhin ngunit wala akong maibabalik na kapalit,”napangisi si Francisco at tinignan sa mata ang dalaga.

“Ngalan mo lamang ang hinihingi kong kapalit,”

Nagtataka naman ang hitsura ni Mina habang pinagmamsdan ang mukha ng binata. Bakit naman ngalan niya?

“Mina ang aking ngalan ngunit kung maari lamang po. Huwag na ninyo akong kakausapin nang tulad nito, maliwanag?”turan niya at kinuha na niya ang mga kahoy at naagpatuloy na siya sa mansyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status