Share

Kabanata 6

Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi.

“Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa.

Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili  sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito.

Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon.

Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa pagtuturo kung paano lulutuin ang mga pagkain. Mausok sa buong kusina gawa ng mga panggatong na kahoy.

“Mayor doma Emila, ano ppo ang innyong ipag-uutos sa pamilihan?pannimula ni Mina. Inaboot sa kaniya ng mmayor doma ang isang papel at mga salapi.

“Bilhin mo ang lahat ng nariyan sa listahan,”tinalikuran na niya ang dalaga.

Magpapaliwanag pa sana si mina ngunit hinndi na niya itinuloy at mas minabuti niya na huwag niya nna lamang abalahin ito.

Nagpalinga-linga si Mina sa napakaraming tao sa pamilihan. Hindi niya alam kug saan siya magtutungo o kung paano niya gagawin an inuutos sa kaniya. Hawak niyaang piraso ng papel at nasa kabillang kamay niya naman ang salapi.

May iilang tao rin ang nakakapansin sa kaniyang kakaibang hitsura kay’t hindi rin siya  maayos na makakilos.

“Tumayo kayo nariyan si Heneral francisco!”Siigaw ng isang lalaki haang sumesenyas na tumabi ang  lahat. Agad namang nahawi ang mga tao sa daan. Nakatingin lamang si Mina sa nagaganap at nkikisabay na lamang sa agos ng mga taong kaniya-kaniyang tumatabi sa gilid ng daan.

Maya-maya pa ay narinig na nila ang ingay ng kabayo at kumakaripas na mga paa nito, kasabay ng malakas na hangin dahil sa puwersang dala nito. Nanlaki naman ang mata ni Mina sa gulat nang makita ang heneral. Maglalakad na sana siya nang biglang liparin ang kaniyang suot na balabal.

Natigilan ang ilan nang makita nila ang hitsura ni Mina.. Ang iba ay nagulat, natakot at namangha. “Bakit ganiyan ang wangis ng babaneng ‘yan?”rinig niyang sambit ng isang ale na napapatakip sa sobrang pagkagulat.

Napalingon naman si Francisco nang marinig ang sinabing iyon ng ale, ngunit napangiti siya nang makita niya si Mina. Dinampot niya ang balabal na pagmamay-ari ni Mina at saka siya nagtungo sa direskyon na kinatatayuan nito.

Bumaba siya ng kabayo at pinaklma nniya ito tulluyang maglakad palapit sa dalaga. “ Hindi dapat ikinakahiya ang ganiyang kagandang mukha,”ngisi niya dahilan upang mabaling sa kaniya ang atensyon ni Mina.

Kumunot naman ang nooo ni Mina nang ipatong ni Francisco ang balabal sa kaniyang ulo. Sandali pa silang napatitig sa isa’t-isa bago niya namalayan na lahat pala ng mga tao sa pamilihan ay nasa kanila ang atensyon.

Tinapik ni Mina ang kamay ni Francisco at saka niya ito tinalikuran at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Namasimangot naman ng mukha si Francisco at hinabol ang paglalakad ng dalaga.

"Baka may maitulong ako sa iyo,”magiliw na sambit niya. Napatigil nman sa paglalakad ang dalaga at naalala iya ang inuutos sa kaniya ni mayor doma Emilda.

“Maraming salamat Heneral,”tipid na sabi ni Min. nasa kaniyang kamay na ang mga ipinabibilis akaniya. Nagawa niya ang utos ni mayor doma Emilda sa tulong ni Francisco at dahil doon ay nagpapasalamat siya.

“Kung maaari ay tawagin mo na lamang ako sa aking pangalan,”tugon ng binata.

Tumango na lamang si Mina upang hindi na humaba ang kaniyang usapan.

“Heneral Francisco!”

Kapwa sila napalingon sa humahanngos na si Antonio. Lulan ito ng isang karwahe.

Nagpaalam na si Francisco kay Mina.

Maglalakad na rin sana paalis si Mina ngnit isang kumakrips na klesa ang bumungad sa kaniyang harapan dahilan upang mapasigaw ang ilan sa mga namimili. Napaupo si Mina at hinintay ang pagtama sa kaniya ng kabayo at nang kalesa.

Malakas na ingay ng kabayo ang namayani sa buong pamilihan kasunod noon ay ang paghinto ng kalesa. Nanlalaki ang kaniyang mata nang iminulat niya iyon at agad niyang nakita ang kalesa sa harap niya.

Agad naman siyang tumindig at nagtungo sa gilid ng daan upang makapagpatuloy ang kalesa. Napakunot ang noo niya nang makita ang isiang dalagang lulan ng kalesa. Nakasuot ito ng isang magarbong baro’t saya at unang tingin pa lamang dito ay halatang nabibilang na sa mayamang pamilya.

Lumingon sa kaniya ang dalaga dahilan upang mapa-iwas siya ng tingin.

“Si senyorita Victorina, nagbalik na siya!”Sigaw ng isang babae habang nakaturo sa babaeng sakay nang kalesa. Bigla namang nagbago ang reaksyon sa mukha ng dalaga at nginitian nito ang babae.

Nanatili lamang ang paningin ni Mina sa kalesang ‘yon habang papalayo Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay tiningnan niya ang paligid kung saan naroon ang nag-uusap usap na mga tao ukol sa senyoritang napadaan.

“Tila malalim ang iyong iniisip aking kapatid,”nabaling ang paningin ni Joeliano sa kaniyang likuran at tipid siyang napangiti nang makita ang kaniyang ate Polonya.

“Tama ka, tila narating ko na nga ang bayan ng Dasmarinas,”biro niya dahil upang sabay silanng matawa. Lumapit si Polonya sa kinatatayuan ng kaniyang kapatiid at kumapit siya sa braso nito.

“Bakit nasa bayan n Gobernador ang iyong isip?”usisa niya, nilingon niya ang maliwanag na bbuwan sa kalangitan. Lumawak naman ang ngiti sa labi ni Joeliano habang pinagmamasdan din ang buwan.

“Pagmasdan mo ang maliwanag na buwan sa kalangitan, ate Polonya. Kasing linaw at liwanag niyan ang aking nararamdaman para sa isang dalagang naninirahan na ngayon sa Dasmarinas,”nakangiti niyang nilingon ang kaniyang kapatid.

“Nako! Ang aking kapatid , umiibig na.”pang-aasar pa ni Polonya at saka niya ginulo ang buhok ni Joeliano.

“Maligayang pagbabalik senyorita Victorina.”Nakayukong bati ni mayorr doma Emilda nang makapasok  na ito ng mansyon. Nakatao naman sa gilid ang mga tagasilbi maliban kay Mina na ngayon ayy abala sa pag-iigib sa balon.

Tumigil sa paglalakad si Victorina at matalim niyang piinagmasdan ang mayor doma na hanggang  ay nakayuko pa rin

“Maligaya? Hindi mmaligaya ang aking ppagbabalik sapagkat naririto ka pa rin, balak mo bang magpakatanda rito sa mansyon?”seryosong saad ng dalaga at saka niya ibinuka ang kaniyang abaniko at itinakip sa kaniyang bibig.

“Batid ko kung bakit hindi mo magawang iwan ang iyong paglilingkod sa aking ama…”ibinaba niya ang kaniyang paningin at muling matalim na tinitigan ang mukha ni mayor doma Emilda.

“Dahil hanggang ngayon ay may pagtangi~”hindi niya naituloy ang kaniyang sinasabi nang biglang umalingawngaw ang boses ng Gobernador sa buong mansyon.

Nakangisi namang nilingon ni Victorina ang kaniyang ama na kasalukuyang pababa ng hagdan. “Bakit ngayon ka lang?”matigas na sabi ni Gobernador Vicente habang papalpit sa dieskyon ng anak.

“kararating ko lamang aking amang Goernador,”walang reaksyon na tugon niya.

“batid kong narito ka na noong nakaraang linggo pa,”matalim nitong tinititigan ang kaniyang anak.

“Gaya ngga ng aking sinabi,kararating ko lang kaya’t mmawalang galang na, nais kong makapagpahinga.”Dagdag pa nniya at muli niya pang sinulyapan ang mayor doma at tuluyan na siyang umakyat sa hagdan.

Hinahapo si Mina haang nakaupo sa tabi ng balon, kakatpso lamang niyang mag-igib ng tubig kaya naman namamahinga siyay. Napatingala siya sa kalangitan at nanatili ang kaniyang paningin sa maliwanag na buwan..

“Pinagmamasdan mo in kaya ang buwan sa gabing ito?”napangiti sya nang maalala si Joeliano.

“Kasalukuyan ko ngang ginagawa sa ngayon,”nadako ang paningin niyya sa kaniyang tabi at nanlaki ang kaniyang mata nang makita si Francisco. Tumayo siya at lumayo.

“Teka~”

“Sinong tinutukoy mo?”usisa ni Francisco at tumayo na rin siya.

Kinabahan si Mina dahil narinig pala nito ang kaniyang sinabi. “W-Wala naman akong sinabi Heneral Franciscoo,”giit niya.

“Marahil ako ang tinutukoy mo sa mga salitang ‘yon,”nanlaki ang mata ni Mina.

“Inuulit ko, wala akong sinabi,”natawa na lamang si Francisco  dahil naaasar niya ang dalaga.

“Maganda ang buwan ngayong gabi hindi ba?”usal ni Franciisco at saka niya inilagay ang mga kamay niyia sa kaniyang likod. Dahan-dahan siyang naglakad.

“Wala namang pinagkaiba ang buwan ngayon sa mga nakaraang gabi,”Hiindi mapakalli si Mina, gusto na niyang umalis dahil mkita siya ng mayor doma.

"Nagkakamali ka, mas maganda ang buwan ngayong gabi dahil kasama kitang pinagmamasdan ito. “Diretsong sabi ni Franciscoo at saka niya nilingon ang kinatatayuan ng dalaga.

“Tila may nais kang ipabatid sa tagasilbi na ‘to,”kapwa sila napalingon sa pinanggalingan ng boses dahil upang sabay na mag-iba ang kanilang ekpresyon.

“Victorina?”kunot noong usal ni Francsco, napataw  naman ang paningin ni Victorina kay Mina na ngayon a nakayuko at maayos ang tindig.

"Ikaw ang babae sa pamilihan,”matalim siiyang nakataingin kay Mina. Patuloy naman ang pagkabog ng dibdib ni Mina dahhil sa sobrang takot na kaniyang nararamdaman.

“Hindi magandang tingnan para sa isang tagasilbi ang magkaroon ng ugnayan sa heneral na nakatakda nang maikasal,”dagdag pa ni Victorina dahil upang mapaangat ng tingin si Mina. Magsasalita sana siya upang magpaliwanag nang mahagip ng kakniyang paningin si mayor doma, nakatingin ito sa kaniya.

Yumukod si Mina upang magpaalam at saka siya nagmadaling maglakad papalayo. Nakatingin lamang si Francisco hanggang sa mawaala na sa paningin niya si Mina.

“Walang pagbabago, paano kita gagawing Gobernador kung hanggang ngayon ay wala kang ginagawang  hakbang upang mapatalsik ang aking ama sa kaniyang posiyon?” aalis na lamang sana su Fracisco nang magpatuloy sa pagslita si Victorina.

“May pagtangi ka sa tagasilbing iyon?”bumuntong hininga siya at ipinagpauloy ang paglalakad palayo.

Malalim na ang gabi ngunit abala pa rin sa pagtatali si Mina ng kaniyang palad ng tela. May mga sugat ito dulot ng kaniyang pag-iigib at pangangahoy noong isang gabi.

Hindi siya sana’y sa mga gawain kaya’t mabilis masugat ang mga ito. Napapangiwi ang kaniyang mukha dahil sa sakit nanng mailapat niya ang tela sa kaniyang sugat.

Napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid nang bigla iyong bumukas at bumungad  sa kaniya si mayor doma Emilda. May hawak itong gasera att sa kabilang kamay naman nito ay mga halamang gamot.

Diretso itong umupo sa kaniyang papag at maingat na hinawakan ang kaniyang kaliwang palad na nababalot na ng tela.  “Lapatan natin ‘yan ng mga halamang gamot upang mas madaling maghilom,”saad nito. Nanatiling walang imik si Mina.

Wala siyang ideya kung bakit ito ginagawa ng mayor doma. “Ayoko nang makitang kasama mo ang heneral na ‘yon,”usal ng mayor doma dahlan upang manlaki ang mata ni Mina. Naalala niya ang nangyari sa hardin.

“P-Paumanhin mayor doma,”napaiwas siya ng tingin.

“Paaalalahanan kita hija, iwasan mo ang heneral na iyon sapagkat wala siyang maidudulot sayo na maganda,”dagdag pa nito at saka niya hinawakan ang baba ng dalaga pilit na pinatingin sa kaniyang mata.

“Iawasan mong mapalapit sa kaniya lalo na’t usap-usapan sa bong bayan ang namamagitan sa kanilang dalawa ng senyorita. Huwag na huwag kang iibig sa isang may mataas na katungkulan sa pamahalaan sapagkat masalimuot ang magmahal ng may matayog na kapalaran.”Direstong wika nito dahilan upang mapakunot ang noo ng dalaga.

“Naranasan mo na pong umiibig sa isang lalaking may mattaas na katungkulan sa pamahalaan?”napaiwas ng tingin ang mayor doma at saka niya marahan na itinali ang tela sa palad ni Mina.

“Tama ang iyong sinambit. Una ko siyang nakita sa isang pagdiriwang nang minsang nagtungo ako ro’on kasama ang aking pinagsisilbihang senyorita. Ubod siiya ng bait at walang pinipiling kaibigan. Lubos ko siyiang hinahangaan dahil magaling siyang heneral at magaling sa pakikipaglaban. Ngunit ang hindi ko alam ay hindi lamang pala ako ang lubos na humahanga sa kaniya kun’di maging ang aking senyorita,”napangiti ang mayor doma at saka niiya ipinatong sa maliit na mesa ang ilang halamang gamot.

“Kung gayon isang magaling na heneral ang ginoong ‘yon?”tanong ni Mina na agad rinng tinanguan.

“Naghulog ang loob nila sa isa’t-isa at kahit na labag ‘yon sa aking kalooban dahil may tinatago akong pagtangi sa ginoo ay tinanggap ko na lamang parra sa aming pagkakaiibigan ng aking senyorita at wala na rin naman akong magagawa pa dahil isa lamang akong mababang uri na tagasilbi. Naging masaya na lamang ako sappakat nakikita ko ring masaya ang heneral sa piling ng aking senyorita,”dagdag pa niya at bakas pa rin sa kaniya ang pagkabigo sa pag-ibig.

“ Ngunit lingid sa kaalaman namin ni senyorita ay nakatakda na palang ikasal ang henenral sa isa ring senyorita na may maimpluwensiyang pamilya. Pinilit pa rin nila ang kanilang pag-iibigan at nakiusapa sila sa akin na tulungan ko silang makaalis at magtanan na akin ring ginawa dahil sa pakikiusap sa akin ng heneral. Ngunit dahil rn sa aking ginawang iyon ay napahamak silang dalawa, nadakip sila makalipas ang dalawang buwan at naparusahan ang aking senyorita, pinapatay ng kasa;ukyang Gobernadoor ang kaniyang mga magulang at maging si senyorita rin ay mapapaslang kung hindi lamang nakiusap ang heneral sa kaniyang amang Gobernador,”wika pa niya at s aka niya pinunas ang namumuong luha sa kaniyang mata dahil sa kaniyanng pagbabalik tanaw.

“Kung iyon ang sinapit ng iyong senyorita, nasaan na siya?”napatitig siya sa gasera.

“Ipinatapon siya at hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon, sinubukan ko siyang hanapin at ipagtanong ang kaniyang ngalan nguniit wala ni-isang  nakakikila,”tumayo na siyia at kinuha ang gaserang kaniyang dala kanina.

“Ayokong sapitin mo ang sinapit ng aking kaibigan. Kaya’t ayokong mapalapit ka kay heneral Fracisco,”ngumiti siya. “Lagi mong ingat ang iyong sarili at puso, anak.”Tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status