Share

Kabanata 7

“Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi.

“Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito.

“Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina.

“Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas.

Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na balabal habang bitbit ang isang sisidlan na paglalagyan ng kaniyang mga pinamili.

Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang tindahan ng mga karne. Nakangiti siyang binati ng isang dalagita dahilan upang magtaka siya dahil sa kaniyang kakaibang anyo.

"Ano po ang iyong bibilhin marikit na binibini?" ngiting saad ng dalagita.

"K-Karne ng baboy," utal na sambit niya dahil nakapagtataka ang ikinikilos nang munting binibining nasa kaniyang harap.

Iniabot sa kaniya ang nakasupot na karne ngunit hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi nito. Aalis na sana siya sa tindahan na iyon nang bigla siya nitong abutan ng isang pulang rosas.

"Para sa iyo ‘yan binibini,"lumawak ang mata ni Mina at napalingon sa lalaking nakaupo sa gilid ng dalagita.

Nakita niya si heneral Francisco, hindi nito suot ang uniporme nito dahilan upang hindi niya ito Vmakilala. Nanatili lamang ang paningin ni Mina sa heneral hanggang sa makatayo ito at nakangiti siyang nilapitan.

"Magandang umaga marikit na binibini," bati nito sa kaniya na lubos niyang ikinagulat dahil hindi siya sana'y sa anyo nitong tila isang pangkaraniwang mamamayan.

“Sino ang munting binibining iyon?" tanong ni Mina sabay turo sa dalagitang nasa tindahan.

"Siya ang aking pinsan," nakangiting sambit ni Francisco habang pinagmamasdan ang maaliwalas na mukha ni Mina dahil nakatingin pa rin ito sa tindahan.

"Halika na, sasabayan na kita sa iyong paglalakad pabalik sa hacienda Arcillas," muling saad ni Francisco dahilan upang mapatingin sa kaniya si Mina at naalala niya ang mga sinambit sa kaniya ni mayor doma Emilda noong gabi.

"Hindi na kailangan ginoo, dahil kaya ko na ang aking sarili," nauna na siyang maglakad. Lihim naman na natawa si Francisco at hinabol niya ang paglakad ni Mina.

"Nais pa rin kitang sabayan sa paglalakad," Kunot siyang nilingon ng dalaga dahil sa kakulitan niya.

Hindi na siya nagsalita pa at tinuon na lamang niya ang kaniyang pansin sa daan.

Habang naglalakad sila ay lihim na sinusulyapan ni Francisco ang dalaga hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na sulyapan ito dahil kahit na hindi ito nakangiti ay napakaganda pa rin nito. Nadako ang kaniyang paningin sa kamay ng dalaga kung saan nito hawak ang rosas na kaniyang ibinigay kumunot ang noo niya nang makita ang pamumula ng balat ng dalaga.

"Ang iyong kamay," kunot noong usal niya habang nakatingin pa rin sa kamay ng dalaga. Natuon naman ang pansin ni Mina sa kaniyang kamay at hinaplos niya iyon.

"Ayos lang. Sanhi ito ng matinding sikat ng araw" nilingon niya ang binata at saka siya ngumiti. Napasingkit ang mata dahil sa liwanag. Hanggang balikat lang kasi siya nito.

Lumingon naman si Francisco sa tindahan na kanilang nilagpasan at saka niya muling binalingan ng tingin ang dalaga. "Hintayin mo ako rito," hindi niya nakatugon pa dahil agad na itong tumakbo papasok sa tindahan.

Agad naman siyang sinundan ng tingin ni Mina, nais niya na lamang mag patuloy sa paglalakad dahil hindi siya dapat makita ni mayor doma Emilda na kasama ang heneral.

Magpapatuloy na sana siya nang marinig niya ang boses ng heneral kaya nilingon niya ito at nagulat siya ng makita ang hawak nito. "Magpatuloy na tayo," ngiti ni Francisco saka niya binuksan ang kaniyang hawak na payong de hapon.

Hindi niya ipinakita ang kaniyang pagkabigla sa halip ay yumuko na lamang siya at napatitig sa rosas sa kaniyang kamay at sinimulan muling maglakad.

"Sa aking palagay   madaling mamula ang iyong balat sa sikat ng araw" hindi na nagsalita pa si Mina at mas pinili niya na lamang na pakinggan ang mga sinasabi ng heneral.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang hacienda. "Kunin mo ito, magagamit mo itong muli upang hindi na mamula ang iyong balat dulot ng araw," inabot niyaang payong de hapon sa dalaga. Nanatili lamang na nakayuko si Mina at nakatingin sa lupa.

"Hindi maaari ginoo, salamat sa iyong kabaitan ngunit ako'y tutuloy na.”Sabi niya sa malambing na boses at tumalikod na siya at naglakad papasok ng hacienda. Nakatingin lamang si Francisco habang pinagmamasdan ang dalaga at saka niya hinubad ang kaniyang sumbrero at itinapat sa kaniyang dibdib.

"Walang anuman." Nakangiti niyang sambit at walang kurap pa rin siyang nakatingin sa daan kung saan nagtungo si Mina.

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang madako ang kaniyang paningin sa azotea ng mansyon kung saan naroon ang silid ng senyorita. Naroon si Victorina, seryoso itong nakatitig sa kaniyang mata habang mahinang ipinapaypay sa sarili ang hawak na abaniko.

Ibinalik niya ang kaniyang sumbrero at naglakad na siya pabalik at hindi na niya binati pa ang senyorita.

"Heneral, ang mga guardia civil na siyang nagbabantay sa hacienda ay napaslang!" humahangos na saad ng isang guardia civil. Nanlilisik naman ang mata ni Heneral Edilberto at saka siya napatayo at hinampas ang mesa sa kaniyang harap.

"Sino ang may gawa nito?!"

"S-Sa amin pong palagay ay ang may kagagawan po nito ay ang mga rebeldeng sumalakay kagabi, ngunit nakasisiguro kaming walang nakapasok sa kanila dahil agad rin silang pinagbabaril ng kasundaluhan,"

"¡Malditos"(Damn!)

"Lipunin ninyo ang mga nasugatan at agad na gamutin,"saad ni Teofilo habang inaakay ang isa pang sugatan dahil sa kanilang pagsalakay sa hacienda ng heneral.

"Gamutin ni’yo siya,"turan niya saka dahan-dahang inilapag ang kanilang kasamahan na nasugutan dahil sa pamamaril.

"Telong, natagpuan ni’yo ba ang sinasabing anak nina Marcelo at Flordelisa?" napalingon siya sa matandang naghihintay ng kaniyang pagtugon.

Kumunot naman ang kaniyang noo at saka niya inilagay ang hawak niyang itak(Bolo knife)  sa kaniyang tagiliran. Si Teofilo ay ang nag-iisang anak ni Manding. Siya ang nagsilbing pinuno ng kanilang samahan ng mapaslang ang kanilang pinuno kasabay ng pagpaslang sa kaniyang ama.

Maganda ang pangangatawan nito, makapal na kilay, kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at matangkad. Mahusay itong makipaglaban at humawak ng mga patalim dahil sinanay siya ng kaniyang ama mula kaniyang pagkabata. Kilalang hindi palangiti si Teofilo at hangad niya ang katarungan at pagkakapantay-pantay ng lahat gaya ng kaniyang ama kung kaya't siya ang napiling maging pinuno ng grupo.

"Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin namin nagagawang makapasok sa hacienda, hindi pa rin namin nalalaman ang kalagayan ng dalagang iyon kaya paumanhin, tatay Arturo,"tugon niya sa matanda. Si Arturo ang kapatid ni Marcelo na matagal ng umanib sa samahan nila upang maghimagsik.

"Nawa'y matagpuan ni’yo ang kinaroroonan niya," may bahid ng pag-aalala sa mata nito.

"Magpapadala ako ng mga magmanman sa hacienda kaya nakasisiguro akong matatagpuan na natin ang kinaroroonan niya," seryosong saad ni Teofilo saka niya muling sinulyapan ang kanilang kasamahan na kasalukuyan ng ginagamot at nilalapatan ng mga halamang makapagpapatigil sa pagdurugo ng kanilang sugat.

Napangiti si Joeliano habang pinagmamasdan ang mansyon ni heneral Edilberto.Nasa dasmariñas sila at sa mansyon sila ni heneral Edilberto tutuloy habang naroon sila.

Sinalubong sila ng ilang mga tagasilbi at agad na kinuha ang kanilang mga bagahe. "Sadyang mayaman nga ang heneral na iyon," mahinang turan ni Joselito at saka nito pinag-krus ang kaniyang mga braso. Hindi na niya nagawa pang tugunan ang kapatid dahil biglang lumingon sa kanila ang kanilang ama.

Seryoso siyang tiningnan nito at tila may gusto itong ipahiwatig sa kaniya.  Sa susunod na linggo pa susunod sa kanila ang heneral sapagkat may inaasikaso pa ito sa Silang ukol sa mga rebeldeng sumalakay.

"Wala bang asawa't anak si heneral Edilberto?" tanong ni Polonya habang pinagmamasdan ang mga nakapintang larawan na nakasabit sa pader.

"Wala siyang asawa," simpleng tugon ni doktor Julio, humugot siya ng tobacco at sinindihan iyon.

"Huwag na ninyong pag-usapan pa si Edilberto.” Napalingon sila kay doktor Julio nang magsalita ito at nakatinginan na lamang ang mag-ina.

Nagtungo si Joeliano sa ikalawang palapag at pinagmasdan niya ang malawak na hacienda mula sa azotea. Maganda at malawak ang hacienda kumpara sa hacienda ng heneral sa Silang.

"Kuya halika at tayo'y mamana ng mga ibon sa gawi roon!" turan ni Joselito habang hawak ang kaniyang palaso at saka siya muling tumakbo pababa. Napangiti naman si Joeliano at sinundan niya ang kaniyang kapatid.

Tahimik ang lahat habang kumakain ang mag-amang Arcillas. nakatayo sa gilid ang ilang mga tagasilbi at maging si mayor doma Emilda ay nakayuko rin at nakatayo sa gitna ng dalawang tagasilbi.

"Bukas ay magtutungo ako sa lalawigan ng laguna upang alamin ang kalagayan ng mga sundalong naroroon.," usal ni Gobernador Vicente ngunit hindi niya nilingon ang anak. Ilang sandali ring hindi tumugon si Victorina at saka niya marahan na inilapag sa gilid ng kaniyang pinggan ang mga kubyertos at tumayo.

"Gawin mo ang iyong nais," walang reaksyong tugon niya at saka niya tinalikuran ang ama. Maglalakad na sana siya ngunit nadako ang kaniyang paningin kay Mina na nakatayo kasama ang ilan sa mga tagasilbi. Muli siyang  naglakad at iniwang mag-isa ang kaniyang ama sa hapag.

"Emilda, iligpit na ninyo ito," saad ng Gobernador at tumayo na ito ngunit natigilan siya nang mabaling ang kaniyang paningin kay Mina. Agad rin siyang napaiwas ng tingin at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Matapos ang hapunan ay si Mina ang naatasang maghugas ng mga pinggan kaya't nag-iisa na lamang siya sa kusina dahil ang lahat ay nasa kanila ng bahay kubo.

Nang matapos na niyang hugasan ang lahat ng pinggan ay kinuha na niya ang gasera upang gamitin sa kaniyang paglalakad upang makarating sa bahay kubo.

"Ikaw dukha," napayuko siya ng makita si Victorina na papalapit sa kaniyang kinatatayuan.

"May kailangan po ba kayo?" magalang niyang sabi habang nakayuko at hawak pa rin ang maliit na gasera.

"Sumunod ka sa akin," matigas na turan ng senyorita at saka ito tumalikod at naunang naglakad. Agad naman na sumunod sa kaniya si Mina.

Lumabas sila ng mansyon at nagtungo si Victorina sa koral ng mga baboy, Malayo na ito sa mansyon at madilim na rin ang paligid.

"Hindi ka pa magpapahinga sapagkat kailangan mong linisan ang koral na iyan."seryosong saad nito.

"Ngunit senyorita, paumanhin ngunit hindi ito ipinag-utos sa’kin ni mayor doma Emilda," giit niya  habang nakayuko dahilan upang mapataas ng kilay si Victorina. Madiin niyang hinawakan ang braso ni mina at pilit na pinapasok sa koral at pabato niya itong tinulak dahilan upang mamatay ang sindi ng gaserang hawak ni Mina at ang tangi na lamang nagbibigay ng liwanag ay ang hawak ni Victorina na gasera.

"Ang aking utos ang iyong sundin dahil ako ang senyorita at ang Emilda na ‘yon ay isa lang rin tagasilbi!" sigaw ni Victorina at matalas niyang tinitigan si Mina at tuluyan na siyang tumalikod at umalis.

Madilim sa buong koral at tanging ingay lamang ng baboy ang naririnig niya bukod pa ro’n ay mabaho sa kulungan na ‘yon na dumikit na rin sa kaniyang kasuotan.

"Tingnan nioyo siya marahil ay tinanggap na niya ang katotohanang kauri niya ang mga maruruming baboy na iyan," ngisi ni Rowena. Nagtawanan naman ang ilang tagasilbing nasa kaniyang likuran.

Dahan-dahan namang napamulat ng mata si Mina  at saka siya mabilis na napatayo nang makita si Rowena. "Nakakatuwa kayong pagmasdan ng mga kapatid mong baboy!" napahalakhak ito.

Napayuko na lamang si Mina at pinagmasdan ang kaniyang kasuotan. Nanlilimahid na siya ng putik. Hindi niya alam na tumabi sa kaniya ang mga baboy sa pagtulog.

Mas pinili na lamang niyang matulog sa koral kasama ng mga baboy dahil hindi na niya kayang maglakad pa pabalik sa kubo dahil madilim ang daan.

"Ano pa bang itinatayo-tayo mo riyan, magtungo kana sa kusina dahil kanina ka pa hinahanap ni mayor doma Emilda!”Ibinato ang timbang may tubig sa loob  kulungan dahilan upang magtalsikan ang putik at mag ingay ang baboy. Napapikit si Mina nang matalsikan siya ng putik sa kaniyang pisngi.

Muling nangibabaw ang tawanan sa grupo ni Rowena at saka sila naglakad papalayo ngunit hindi pa rin humupa ang kanilang tawanan.

Huminga siya ng malalim at saka niya kinuha ang ibinatong timba ni Rowena at inilagay niya ‘yon sa gilid. Naglakad na siya papalabas ng koral at agad na nagtungo sa kusina upang magpakita kay mayor doma Emilda.

Nang marating niya ang kusina ay agad niyang nakita roon ang mayor doma. "Anong nangyari sa iyo?" Kunot noong bungad ni mayor doma Emilda at saka ito napatakip sa kaniyang ilong.

"At anong amoy ‘yon?" dagdag pa nito. "Paumanhin mayor doma Emilda, ako ay natulog sa koral ng mga baboy," tugon niya na mas lalong ikinakunot ng noo ng mayor doma.

"At sa anong kadahilanan?"

"Maraming salamat heneral Francisco."Sabay silang napalingon sa sala nang marinig nila ang tinig ng Gobenador. Nanlaki ang mata ni Mina nang makita si Francisco. Nakatingin na rin ito sa kaniya kaya't huli na upang itago ang kaniyang nakahihiyang hitsura.

"W-Walang anuman Gobernador," utal na tugon ni Francisco at saka siya mabilis na yumuko at sinulyapan niya ang dalaga.

Napayuko na lamang si Mina at saka niya muling itinuon ang pansin sa mayor doma. "M-Mahabang salaysayin mayor doma, kung iyo pong mamarapatin nais ko na pong maglinis ng aking katawan," mahinang sambit niya habang nakayuko pa rin upang hindi niya makita ang heneral.

Mabilis naman na napasulyap si mayor doma Emilda kay Francisco at saka nito pinayagan ang dalaga. Mabilis naman na nagtungo si Mina sa palikuran at hindi na niya nilingon pa ang direksyon ng heneral.

Napabuga na lamang siya ng hininga nang magawa na niyang makapasok sa palikuran. Hindi niya maipaliwanag dahil ito ang unang beses na nakaramdam siya ng sobrang kahihiyan sa harap ng heneral

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status