Share

Kabanata 8

Natigl sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ng mayor doma kaya ngayon ay pauwi na siya.

Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon.

"Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako," mangiyak-ngiyak na wika ng isang lalaki. May isang mansanas sa ulo nito at nakasandal sa isang puno.

"Mang Pitong ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" ngising sambit ng binatilyo at saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.

Napabuga ng hangin ang binatilyo at saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis rin iyong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.

Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo. Nagitla siya nang amkita niya ang binatilyong iyon, hindi siya maaring magkamali dahil ang binatilyong ‘yon ay si Anaceto, ang binatilyong magsasaka na kaniyang nakilala sa pagdiriwang sa hacienda ni Heneral Edilberto.

Gayundin ang naging reaksyon nito nang mabaling ang patingin kay Mina. "Sandali lamang binibini, tila ika'y aking nakikilala,"turan nito at saka nilapitan ang dalaga.

Nakatingin lamang sa kanila si Mang Pitong habang tinatanggal nito ang palaso na bumaon sa prutas. "Tama ikaw nga iyon!" nakangiting saad ng binatilyo.

Napasulyap si Mina sa ibang tao dahil nakuha ng binatilyo ang atensyon ng ilan sa mga iyon dahil sa lakas ng boses nito. Itinakip ni Mina ang kaniyang suot na balabal sa kaniyang kalahating mukha upang hindi siya pagtinginan ng tao.

"Anong nangyari sa iyo bata, hindi ba't isa ka lamang magsasaka? Ngunit bakit ngayon ay tila napakataas na nan estado ng ‘yong pamumuhay?" turan ni Mina na may pagtataka sa tono. Namilog ang mata ng binatilyo at napasulyap sa kanilang kutserong si Mang Pitong.

"Paumanhin kung ako ay nagsinungaling noong gabing iyon, ngunit ako'y hindi totoong magsasaka at hindi Anaceto ang tunay kong ngalan," kumunot ang noo ni Mina at sandaling napasulyap kay Mang Pitong.

"Kung gayon sino ka?”

"Ako si Joselito Crisologo ang bunsong anak ng tanyagna doktor na si Julio Crisologo," Tugon nito dahilan upang mabigla ang dalaga nang marinig ang ngalang Crisologo. Pakiwari niya ay narinig na niya iyon.

Nabaling ang paningin ni Mina sa kalesang dumaan at nakita niya ang sakay noon ay si Victorina at si Rowena na matalim ang tingin sa kaniya. Napayuko na lamang siya hanggang sa makalagpas ito at muli niyang hinarap si Joselito.

"Napakahusay mong gumamit ng palaso, sana ay maibahagi mo sa akin ang iyong kaalaman sa pamamana. Paumanhin ngunit sa ngayon ay kailangan ko nang magbalik sa aking pinagsisilbihang hacienda." Ngiti niya at hindi na niya hinintay pa ang pagtugon ng binatilyo dahil mabilis na siyang naglakad papalayo.

Nakatanaw lamang si Joselito hanggang sa makalayo na si Mina.

"Jose, pumaroon na tayo sapagkat magsisimula na ang misa!" Napalingon siya nang tawagin siya ng kaniyang kuya.

"Oo kuya Lanong!" Tugon niya at sumakay na siya sa kalesa at pinatakbo na ‘yon ni Mang Pitong.

"Hindi na ako sasabay sa inyong pag-uwi, ina. Nais kong maglibot-libot," Nakangiting paalam ni Joeliano sa kaniyang ina. Kakatapos lamang ng misa kaya't napakaraming tao ang nasa bungad ng simbahan, nag-uusap at nagkukumustahan.

"Kung gayon mag-iingat ka." Tugon ni donya Palma at nginitian niya pabalik ang kaniyang anak.

"Sandali lamang kuya, sasama ako-" hindi na nakababa pa ng kalesa si Joselito dahil mabilis na iyong pinatakbo ni Mang Pitong. Natawa na lamang siya saka niya inilibot ang kaniyang paningin paligid.

Nadako ang paningin niya sa binibining marangya ang kasuotan at kasunod nito ang isa pang binibining simple lamang ang pananamit at kitang-kita ang pagkakaiba sa dalawa.

Biglang nahulog ang hawak nitong abaniko ngunit tila hindi nito napansin. "Binibini sandali," turan ni Joeliano at saka siya naglakad palapit sa abaniko at pinulot iyon.

Tumigil naman ang mga ito sa paglalakad at nilingon siya. "Ang iyong abaniko binibini." Saad niya at saka niya ito inabot sa dalaga.

"M-Maraming salamat , ginoo,” mahinhin na sabi ng dalaga.

Ngumiti naman pabalik ang Joeliano at yumuko naman ng kaunti ang señorita at saka nito ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa marating nito ang kalesang kanilang sinakyan.

"Tahimik na ang buong paligid at ang tanging nagpapaliwanag na lamang sa kusina ay ang isang lampara. Lahat ng taga-silbi ay naroon na sa kubo at nagpapahinga ngunit siya ay kasalukuyan pang tinatapos pa ang mga naiwang gawain.

Marahan niyang tinuyo ang kaniyang kamay sa suot niyang saya at saka niya kinuha ang lampara upang gawing ilaw sa kaniyang pagpunta sa kubo.

Nang maisara na niya ang pinto ay naglakad na siya hanggang sa marating niya ang kubo. Iginala niya ang kaniyang paningin ngunit maging sa kubo ay napakatahimik na rin. Patay na ang mga lampara.

Agad na niyang tinungo ang kaniyang silid dahil kusa na ring napapapikit ang kaniyang mata dahil sa pagod.

Isasara na niya sana ang pinto ng kaniyang silid nang biglang may malakas na puwersa ang tumulak doon dahilan upang mapaatras siya ng kaunti.

Bumungad sa kaniya si Rowena na may hawak ring lampara at kasabay noon ay dalawa pang babae na gaya rin nilang taga-silbi. Ngunit ang ikinalaki ng kaniyang mata ay ang biglang pagpasok sa ng señorita.

"Hubarin ang kaniyang baro at igapos ang kaniyang mga kamay," wika nito habang matalim na tinitingnan si Mina na gulat ring napalingon sa kinatatayuan ng dalawang babae.

Wala na siyang nagawa nang hawakan siya ng mga ito at unang kinuha ang lamparang hawak niya. "P-Pakiusap itigil ninyo ito," giit niya ngunit tila walang narinig ang dalawang babae. Nahubaran na siya at naigapos na rin ang kaniyang dalawang kamay.

"Maingay! Bulasan niyo na rin ang kaniyang bibig!"dagdag pa ng señorita na agad rin ginawa ng dalawang babae.

Nakaluhod si Mina sa harap ni Victorina habang pilit na pinipigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Itayo niyo ang sumpang babaeng iyan," nilingon niya ang kinatatayuan ni Rowena. "Ibigay mo sa akin ang latigo," dagdag pa nito, dahilan upang diretsong mapatingin sa kaniya si Mina. Itinayo siya ng mga babae at itinalikod sa señorita.

"Rowena, ikaw ba ay marunong bumilang? Umpisahan mo ng bilangin ang hagupit na kaniyang matatamo." Isang malakas na hampas sa likuran ng dalaga na halos gumuhit ang sakit hanggang sa buto nito.

"Mina! Nais mo bang mabuhusan muli ng malamig na tubig?!" marahang napadilat si Mina nang marinig ang napakalakas na sigaw na ‘yon na nagmula sa labas ng kaniyang silid.

Masama ang kaniyang pakiramdam at tila nag-aapoy siya dahil sa init ng kaniyang pakiramdam. Napa-ayos siya ng higa ngunit agad rin siyang napadaing nang maramdaman niya ang mga sugat sa kaniyang likuran dulot nang paghampas sa kaniya ng latigo.

Dahan-dahan niyang ibinangon ang kaniyang katawan kasabay ng malakas na pagbukas ng pinto ng silid.

"Aba, Gising ka na pala ngunit wala akong narinig na tugon mula sayo!" singhal sa kaniya ni Rowena. Dahan-dahan namang bumaba ang tingin ni Mina sa hawak nitong sisidlan na naglalaman ng tubig.

"Bumaba ka na at magtungo kay mayor doma Emilda, ikaw na ang naatasang mamili kaya’t bilisan mo kumilos!" Dagdag pa nito at saka diretso na inihagis ang dala nitong sisidlan kay Mina.

"Kailangan mo iyan upang magising ang iyong natutulog na diwa.”Ngisi pa nito at tuluyan ng lumabas ng silid.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at sinubukan niyang makatayo kahit iniinda niya pa rin ang mga latay ng latigo sa kaniyang likuran.

"Pinuno, nagtungo ngayong araw ang heneral sa dasmariñas," sambit ng isang lalaking naka-suot ng sumbrerong gawa sa buri.

"Inyo bang napag-alaman ang kinaroroonan ng dalagang ating hinahanap?" tanong ni Teofilo habang diretsong nakatingin sa lalaki.

"Oo pinuno, isinalaysay ito ng ating kaanib na nagbalat-kayo bilang isang guwardiya civil sa hacienda ng heneral.

"Kung gayon nasaan ang dalagang ito?”

"Matindi ang sikat ng araw dahilan upang mas lalong manghina si Mina. Dala niya ang sisidlan na paglalagyan ng kaniyang mga pinamili at papel kung saan nakalista ang kaniyang mga dapat bilhin.

Dahan-dahan lamang ang kaniyang paglalakad upang mabalanse niya ng maayos ang kaniyang katawan. Tagaktak na rin ang nagbubutil-butil na pawis sa kaniyang noo at tila ilang sandali na lamang ay susuko at bibigay na ang kaniyang katawan.

Iniinda niya pa rin ang mga sugat sa kaniyang likuran na hindi na niya nagamot pa. Bukod sa hindi niya abot ang mga sugat ay wala rin siyang gamot upang maipanglunas sa mga iyon.

Nang marating niya ang tindahan kung saan rin siya namili noong kasama niya si Francisco. Naroon pa rin ang palangiting dalagita.

Agad niyang inabot sa dalagita ang piraso ng papel at saka siya napapunas sa kaniyang pawis sa noo.

"Ayos lang po ba kayo, binibini?" kunot noong tanong ng dalagita habang inilalagay sa supot ang mga sangkap na binibili ni Mina.

Ngumiti naman siya ng pilit at saka siya tumango bilang tugon. "Ayos lang ako." Ngiti niya.

Nang marinig ‘yon ng dalagita ay napangiti na rin siya ngunit hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mukha niya.

"A-Ako'y mauuna na munting binibini, maraming salamat.” Ipinatong niya sa kaniyang ulo ang balabal na kaniyang suot at muli niyang nginitian ang dalagita at saka siya tumalikod at dahan-dahang naglakad.

Tuloy lamang siya sa paglalakad kahit na napapapikit na ang kaniyang mata. Bukod sa masama ang kaniyang pakiramdam ay nakadagdag pa ang hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa liwanag ng kalangitan.

Ilang hakbang pa ang nagawa niya bago siya tuluyang bumagsak dahilan upang mapasigaw ang isang ale na nakakita sa kaniya at kasabay noon ay nawalan na siya ng malay.

"Napadilat siya ng mata nang maramdaman niya ang mahapdi sa kaniyang likuran. Ilang minuto niya pang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan bago siya tuluyang bumalik sa kaniyang ulirat at mapagtantong hindi niya kilala ang binibining nasa kaniyang harap.

Agad siyang napatayo at kahit masakit ang mga sugat niya ay hindi niya ininda iyon upang makatayo lamang. "B-Bakit ka bumangon, magpahinga ka pa," nakangiti nitong saad at akmang hahawakan siya nito ngunit mabilis niyang iniwas ang kaniyang mga kamay.

"Paumanhin, ngunit sino ka at nasaan ako?" mahinhin na tanong niya sa babae. Nadako naman ang paningin niya sa suot niyang kasuotan. Hindi na ito ang kaniyang uniporme sa hacienda Arcillas at hindi na rin ito simpleng baro't saya.

"Nawalan ka ng malay sa pamilihan kanina kung kaya't ika'y aking dinala rito upang makapagpahinga at gamutin na rin ang iyong mga sugat" tugon ng babae.

"P-Paumanhin po binibini, ngunit hindi ako maaaring mamahinga at mag tagal dahil tiyak na ako ay muling maparurusahan." Aniya at mabilis niyang kinuha ang sisidlan na kaniyang dala.

"M-Maraming sa iyong kagandahang loob ngunit ako ay aalis na." Dagdag niya. Tumakbo siya palabas nang silid na ‘yon. Narinig niya pa ang tinig ng babae ngunit hindi na niya ito nilingon pa. Mabilis niyang hinagilap ang daan papalabas ng mansyon at nang makita niya ang pinto ay nagmadali siyang tumakbo. Natigilan siya nang bumangga siya sa isang lalaki, mabilis niyang tiningnan ang mukha noon.

Nanlaki ang kaniyang mata sa gulat nang makilala ang lalaking iyon. Para siyang napako sa kaniyang kinatatayuan at sumiklab ang kaba sa kaniyang dibdib. Ang maiitim na bigote nito at ang matalim nitong mga titig ang nagpanumbalik sa kaniya sa ala-ala ng kaniyang mga magulang na napaslang

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status