Share

Kabanata 17

Mariin na sinasalubong ni Teofilo ang hangin at hampas ng ulan at pilit na inaaninag ang daan upang hanapin si Mina. Basang basa na siya at nilalamig. Ilang oras na rin siyang naghahanap ngunit hindi niya masumpungan ang dalaga.

Mahigpit siyang napahawak sa tali ng kabayo ng bigla nitong iangat ang unahang paa nito. Pinakalma niya ito at saka siya bumaba at hinila na lamang ito. Mahamog ang daan ngunit mayroon siyang naaninag na maaring pagsilungan. Naglakad siya patungo roon habang hawak ang tali ng kabayo.

Naupo siya at napahinga ng malalim. Nilalamig na siya ngunit hindi pa rin siya titigil sa paghahanap hangga't hindi niya nakikita ang dalaga.

“Ano ang iyong ginagawa rito?”

Tulad nang kanilang unang pagtatagpo ay parehas na pakiramdam pa rin ang kanilang naramdaman. Magkahalong kaba at tuwa ngunit mas matindi ang kasiyahan sa kanilang puso.

Hindi nakatugon ang dalaga at nanatili lamang itong nakatitig sa mukha ni Joeliano. Mabilis na hinubad ng binata ang suot niyang saco(coat) at ipinatong niya iyon sa balikat nito. 

Ilang sandali pa ay biglang naalala ni Joeliano ang tinuran ng kaniyang ama ukol sa hinihingi nitong kapalit upang mapalaya sa kasal ang kaniyang kapatid. Dahan-dahan niyang tiningnan si Mina at pilit na pinipigilan ang sarili upang gawin ang sinasabi ng kaniyang isip.

“Binibining Mina?!”

Kapwa sila napalingon sa papalapit na lalaki. Madilim kung kaya't hindi nila maaninag kung sino ang taong iyon. “Kanina pa kita hinahanap at maging si tatay Arturo, ”patuloy  pa nito at sa pagkakataong iyon ay nakilala na nang dalaga ang boses nito.

Tuluyan ng tumitila ang pagbuhos ng ulan at nagawa na ring makalapit ni Teofilo sa kinatatayuan nang dalawa. “Halika na.”turan ni Teofilo habang diretsong nakatingin sa dalaga. Napalingon naman si Mina kay Joeliano at ibabalik sana niya ang kasuotan nito ngunit nagsalita ito.

“Isuot mo na iyan upang hindi ka lamigin.”ngiti niya habang nakatitig sa mata ng dalaga. Tumango naman si Mina at naglakad papalapit kay Teofilo.

Seryoso ang mukha ni Joeliano habang tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana sa kaniyang silid. Ano nga ba ang gagawin niya? Nais niyang tulungan ang kaniyang kapatid ngunit papaano naman ang babaeng iniibig niya?

“Binibini!”napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid at mabilis siyang tumakbo papalabas at nakita niya ang isang tagasilbi sa tapat nang nakabukas na silid ng kaniyang ate Polonya.

Mabilis siyang nagtungo sa loob ng silid at nanlaki ang kaniyang mata ng makita si Polonya, nakaupo ito sa bintana at tila may balak itong  tumalon at magpatiwakal.

“A-Ate! ”usal niya habang nag-aalalang nakatingin sa kaniyang kapatid. Wala ang kanilang ama at ina at maging si heneral Edilberto sa mansyon. Tanging silang magkakapatid lamang ang naiwan.

“Ate Polonya!”sigaw naman ni Jose lit at saka ito tumakbo papasok sa loob ng silid. Dahan-dahan naman silang nilingon ni Polonya, bakas sa mukha nito ang matinding pagkabalisa, maitim na rin ang ibabang mata nito dahil hindi na  ito maayos na nakakatulog sa gabi.

“Huwag niyo na akong alalahanin mga kapatid ko.”nakangiting saad nito kasabay ng pag-agos ng luha nito. Tatalon na sana ito ngunit mabilis na tumakbo si Joeliano at niyakap niya sa baywang ang kaniyang ate at puwersahang hinila papasok sa loob ng silid.

“Ate...pakiusap huwag mong gawin ito. Hahanapin ko si Mina at dadalhin ko kay ama!”tumatangis na sabi ng binata at tuluyan na rin siyang tumangis kasabay ni Polonya.

“K-Kuya...”usal ni Joselito habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng kaniyang mga nakatatandang kapatid. Naglakad siya papalit sa kanila at niyakap ang dalawa.

“Nasaan ang gobernador-heneral? ”seryosong saad ni Victorina habang nakatingin ng diretso sa isang tagasilbi.

“Kasalukuyan siyang nagtungo sa Laguna, senorita VVictorina dahil inimbitahan siya ng gobernador ng Laguna dahil sa ginawa nitong pagtulong ng sakupin iyon ng mga banyaga.”tugon naman ng tagasilbi habang nakayuko.

Hindi na kumibo si Victorina at tinalikuran na niya ito at iginala ang paningin sa buong mansyon. “Mainam.”usal niya at ngumisi ng kaunti.

“Kung hindi ako nagkakamali, ang binatang iyong kasama noon nakaraang gabi sa ilalim ng puno ay ang anak ng tanyag na doktor na si doktor Julio. ”usal ni Teofilo habang pinagmamasdan si Mina.

“Tama ka, siya nga iyon, ”nakangiting tugon ng dalaga. Hawak niya ang saco(coat) na pagmamay-ari ni Joeliano at walang kurap niya itong pinagmamasdan at hinahaplos.

“Maari bang itigil mo ang iyong ginagawa, tila nahihibang ka na sa ginagawa mong paghaplos sa kasuotang ‘yan, ”reklamo ng binata dahilan upang mapalingon sa kaniya si Mina.

“At bibigyan kita ng babala, huwag kang magtitiwala sa binatang iyon. Anak siya ng isa ring tuso at ganid sa kapangyarihan na si doktor Julio kaya—”nahinto siya nang biglang iangat ni Mina ang palad nito at iniharap sa kaniya upang matigilan siya.

“Iba si Joeliano, mabait siya, maginoo at malaki ang pagkakaiba niya sa mga binata o sinumang aking nakilala”saad niya at muling ngumiti. Kumunot naman ang noo ng binata dahil kahit na kailan, matigas talaga ang ulo ng kaniyang kaibigan.

Kinahapunan, abala ang lahat sa kaniya kaniyang gawain. Nagmamasid-masid si Mina dahil nais niyang makalabas ng kuta at magtungo sa puno kung saan niya nakita si Joeliano. Noong gabi 'ring iyon ay pinagbawalan siya ni tatay Arturo na lumabas ng kuta kaya't heto at nais niyang lumabas sa kautusan ng kaniyang tiyuhin.

Tuwang tuwa siya nang nagawa niyang nakalabas ng kuta. Agad niyang ikinubli ang kaniyang sarili sa isang napakahabang tela at mabilis na nagtungo sa bukirin ni heneral Edilberto na tuluyan ng napabayaan nang tumira ito sa dasmariñas.

“Saan ka magtutungo, Lanong?”natigilan siya nang marinig ang boses ng kaniyang ama. Mabilis niya lamang itong sinulyapan at muling ibinalik ang tingin sa labas ng mansyon.

“Gagawin ang iyong nais! ”matigas niyang saad at hindi na niya hinintay pa ang tugon ng kaniyang ama at tumuloy na siya sa paglalakad papalabas ng mansyon.

"Nakapikit si Mina habang dinadama ang malamig na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok. Nakaupo siya sa ilalim ng malaking puno at nakasandal habang hawak ang kasuotan ni Joeliano. Nais niya itong ibalik kaya't nagtungo siya roon upang magbakasaling makita niya roon ang binata.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata at napahawak sa kaniyang d****b upang damahin ang pagtibok nito. Hindi niya mapigilang mapangiti sapagkat napakabilis noon sa tuwing maaalala niya ang maaliwalas na mukha ng binata.

“Sa aking pakiwari ay hindi na paghanga ang aking nadarama. ”usal niya.

“Kung hindi paghanga ay maaaring higit pa roon ang iyong nararamdaman, ”nagitla siya at agad na napatayo nang makita ang binatang kanina pa niya hinihintay.

Magkahalong kulay kahel, itim at asul na ang kalangitan at handa nang sumilip ang maningning na buwan.

Kapwa silang nakatingin sa isa't isa at naghihintay kung sino ang unang iiwas ng tingin. “G-Ginoo, ”turan ni Mina at ibinaba niya ang kaniyang tingin sa lupa.

Napangiti naman si Joeliano at napatango-tango at saka niya inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa likuran.

“Tila maswerte ang ginoong iyong tinutukoy.”dagdag pa ng binata at tinanaw niya ang bahay mula sa malayo na siyang tirahan noon ni Mina at nang mga magulang nito.

Napahinga ng malalim si Mina sapagkat mas lalong kumabog ang kaniyang d****b sa tanong nito. Ilang minuto siyang hindi magsalita at nadako ang kaniyang paningin sa kasuotan nito na siyang totoong pakay niya kaya siya nagpunta roon.

“G-Ginoong Joeliano, n-nais ko lamang pong ibalik ang iyong kasuotan.”turan ni Mina at inabot niya ang kasuotang pagmamay-ari nito habang nakayuko. Sinulyapan naman ng binata ang inaabit nito at tiningnan ang nakayukong si Mina.

“Maraming salamat.”nakangiti niyang saad at kinuha na niya ang kasuotan. Naupo siya at sumandal sa puno. Nagdidilim na at naglalabasan na 'rin ang ilang mga alitaptap na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag.

“Narinig mo na ba ang kwento ukol sa pag-iibigan ng isang aso at pusa?”usal ni Joeliano, kumunot naman ang noo ng dalaga at napailing.

“Maari ba iyon?”tanong nito.

“Mortal na magkaaway ang aso at pusa. Unang umibig lalaking aso sa babaeng pusa, kakaiba iyon sa mata ng mga kalahi ng aso sapagkat ang aso ay para sa aso lamang at ang pusa ay para lamang sa mga kalahi niyang pusa at bukod pa roon ay magkaaway ang kanilang mga lahi. Ngunit sadyang matindi ang pagmamahal ng lalaking aso sa babaeng pusa. Pilit niyang iilalapit ang kaniyang sarili, sa tuwing magkaka-usap sila ay lalo siyag nahuhulog dahil sa taglay nitong kabaitan. Hindi nagtagal ay nalaman iyon ng mga kalahi ng babaeng pusa. Tutol ang mga ito at sinabi ng mga ito na kung hindi nila ititigil ang kanilang ginagawang pagiging mabuti sa isa't isa at papatayin sila ng kanilang mga kalahi.

Napa-ibig na rin ang babaeng pusa kaya't hindi siya lumayo at handa niyang ipaglaban ang kaniyang pag-ibig.  Samantala ang lalaking aso ay natakot o nabahag ang bundot nito. Natakot itong mamatay kung kaya't mas pinili niyang layuan ang babaeng pusa kahit pa mahal niya ito.”saad ni Joeliano at diretsong tiningnan sa mata si Mina.

“Posibleng mangyari iyon ngunit hindi sa mga aso at pusa.”dagdag pa nito ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa mata ng dalaga. Ilang minuto pa ang lumipas at mapaiwas na nang tingin si Mina.

“Kay saklap naman ng nangyari sa kanilang pag-iibigan.”tugon ni Mina at ang mga alitaptap na ang kaniyang tinitingnan. Napakurap naman ng isang beses si Joeliano at itinuon na 'rin ang atensyon sa mga nagliliwanag na alitaptap.

“Maari ko bang malaman kung sino ang ginoong nais mong pag alayan ng iyong puso?”nanlaki ang mata ni Mina dahil sa gulat nang marinig niya iyon. Napalingon siya sa binata at nagtataka niya itong tiningnan. Napatingin na 'rin sa kaniya si Joeliano na naghihintay pa 'rin sa isasagot niya.

Kang sandali pa ay mahinang natawa ang binata at umiwas ng tingin dahilan upang mapakunot nang noo si Mina. “Batid kong isa iyan sa iyong mga lihim kaya't hindi na kita pipilitin pa.”turan ni Joeliano at saka nito inilabas ang isang kwintas na gawa sa pilak.

“Alam mo ba ito?”turan niya saka hinawakan ang palawit ng kwintas na hugis puso. “Ito ang aking puso.”dagdag pa nito habang diretsong nakatingin sa mata ng dalaga.

Pangahas niyang hinawakan ang kamay ni Mina at inilagay niya roon ang kwintas at isinara ang kamay nito. “Ibinibigay ko na sa iyo iyan.”turan pa niya na mas lalong ipinagtaka ng dalaga at patuloy na pagkabog ng d****b nito dahil sa mga tinuturan ng binata.

“Halika ihahatid na kita.”patuloy ni Joeliano saka siya tumayo. Tumango si Mina na tila wala siya sa kaniyang ulirat at tumayo na 'rin.

Ilang sandali pa ay narating nila ang madilim na kagubatan at noon ay natauhan na si Mina na hindi niya dapat dinala roon ang binata.

“P-Paumanhin ngunit hanggang dito mo na lamang ako maaring ihatid.”turan ni at hinarap niya si Joeliano, hindi ito nagsalita at tumango na lamang.

“Mag-iingat ka.”seryosong saad ng binata at agad niyang tinalikuran si Mina at naglakad. Napangiti si Mina at nag patuloy na siya sa paglalakad pabalik sa kuta.

“Sandali, ano ito?!”sigaw ni gobernador-heneral Vicente nang arestuhin siya ng guwardiya civil. Kakauwi lamang siya galing sa laguna kung saan siya inimbitahan ng gobernador doon.

“Paumanhin ngunit ipinag-uutos ito ni gobernador Carlos, ang gobernador ng Laguna.”tugon ng isang guwardiya civil na ipinagtaka ng gobernador-heneral.

“Ano?! Kahapon lamang ay magkasama kami at nagsalo sa pagdiriwang na kaniyang ginawa sa Laguna.”saad pa ni gobernador-heneral Vicente ngunit hindi na siya kinibo nito at tuluyan ng isinakay sa kalesa.

Narating nila ang hukuman at malayo pa lamang natanaw ng gobernador-heneral si gobernador Carlos at heneral Edilberto habang nasa tabi nito ang tanyag na doktor na si doktor Julio.

“Anong ibig sabihin nito Carlos!”madiin niyang saad habang nakatitig sa mata nito. Napangisi ang heneral at maging si doktor Julio.

“Nagpapasalamat ako sa iyong agarang pagtulong sa lalawigan na aking pinamumunuan ngunit...”sandali itong napahinto at sinulyapan si heneral Edilberto.

“Ngunit ginagawa ko lamang ang sa tingin ko ay tama.”dagdag pa nito kasabay ng pagdating ng isang kabayo at bumaba roon si Francisco.

"Gobernador-heneral! ”sigaw niya at itinulak niya pa ang dalawang guwardiya civil na siyang nagbabantay sa magkabilang gilid.

Galit ang ekspresyon nito at nakasuot rin ng kaniyang uniporme. Natuon naman ang atensyon niya kay heneral Edilberto na nakangising nakatingin sa kaniya.

“Ang kaniyang matapat at mabangis na asong lobo! ”tawa nito.

“Magkita na lamang tayo sa loob.”saad ni gobernador Carlos at naglakad na ito papasok ng hukuman na agad rin namang sinundan ng heneral at doktor.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status