Share

Kabanata 18

Rinig ang malalakas na putok ng mga baril at maging ang mga hiyawan ng mga kaanak ng mga napapaslang. Napabangon si Mina at agad na nadako ang paningin niya sa pinto nang pumasok si tatay Arturo at hinila siya nito patayo.

"Narito sila, tumakas na tayo!"saad nito at kapwa sila napalingon sa pinto nang pumasok ang isang binata na siyang ikinalaki ng mata nang dalaga.

"Ibigay mo sa akin ang dalagang ‘yan! "seryosong saad ni Joeliano habang matalim na nakatitig sa matanda.

"Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo siya mahawakan!"sigaw ng mata na at saka nito kinuha ang itak sa ilalim ng higaan at agad na itinutok sa binata. Kunot noo naman si Mina habang pinagmamasdan ang madilim na awra sa mukha ni Joeliano.

"Kung gayon, halika."ngisi ni Joeliano at kumuha rin siya nang itak upang maging patas ang labanan. "Mina tumakas kana!"sigaw ni tatay Arturo at saka ito sumugod ngunit nanlaki ang mata ni Mina nang mabilis na saksakin ni Joeliano diretso sa puso ang matanda na agad din nitong ikinasawi.

Walang kurap si Mina habang pinagmamasdan ang kaniyang tiyo na nakahandusay at napupuno na nang dugo. Dahan-dahan niya itong nilapitan at hinawakan ang d****b kung saan patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula roon.

"T-Tiyo-"usal niya at tuluyan nang nalaglag ang mga luha mula sa kaniyang asul na mga mata.

Dumating ang dalawang guwardiya civil, hawak nang mga ito ang mga mahahabang baril na nakasabit sa mga balikat ng mga ito.

"Arrestenlo! "rinig niyang sabi ni Joeliano at tinalikuran na siya.

"Paano mo nagawa sa akin ito!” matigas niyang saad dahilan upang mapatigil ang binata ngunit hindi na niya nilingon pa si Mina at ilang sandali pa ay ipinagpatuloy na niya ang kaniyang paglalakad paalis.

Sa huling pagkakataon ay hinaplos ng dalaga ang mukha ni tatay Arturo at agad na siyang hinawakan sa magkabila niyang braso at pwersahang pinatayo.

Nang makalabas sila ay inilibot ng dalaga ang kaniyang paningin. Puro duguang mga tao at mga tumatangis na mga kaanak ang kaniyang nakita. Agad na hinahanap ng kaniyang mga mata si Teofilo ngunit hindi niya ito nakita kahit pa sa mga nakahandusay na katawan. Mga babae at mga anak nito ang mga natitira. Tumigil sila sa paglalakad at diretsong napatingin si Mina sa ilang mga kababaihang nakagapos at wala pa ring tigil sa pagtangis.

Iginapos rin siya kasama ng mga iyon at nang matapos ay naglakad ang dalawang guwardiya civil papalapit kay Joeliano na siyang nangunguna sa hukbo habang nakasakay sa kabayo.

Tinanguan nito ang guwardiya civil at tinitigan lamang niya ito sa pag-asang susulyapan siya nito ngunit hindi. Nanguna na ito at pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Napapikit na lamang siya at sumabay na rin sa paglalakad pagkat magkakasama silang nakagapos sa iisang lubid habang nakapalibot naman sa kanila ang iba pang mga guwardiyang nagbabantay.

Natapos na ang pagtitilis at lubusan ang kaligayahan ni heneral Edilberto nang marinig ang desisyon ng punong hukom. Matatanggalan ito ng katungkulan bilang isang gobernador-heneral ng lalawigan at dahil rin iyon sa tulong ni gobernador Carlos.

Naakusahang kaanib siya nang mga rebeldeng naparusahan rin noon ng kamatayan na siyang nanirahan at nanilbihan sa kaniyang mansyon. Kaya't walang pinagkaiba ang naparusahang kaniya 'ring matatanggap.

"Punong hukom Rodolf,  hindi ito patas!"sigaw pa ni Francisco na napatayo habang galit na nakatingin sa kanila. Ngunit wala na siyang nagawa pa ng tuluyan nang ipukpok nang punong hukom ang malyete upang isara ang paglilitis, tumayo at wala nang salitang pinakawalan.

Dinakip ng mga guwardiya civil si gobernador-heneral Vicente, balak pa sanang pigilan ng heneral ang mga ito ngunit sinenyasan na siya ng gobernador-heneral na ‘wag na.

Naglakad na lamang siya palabas ng hukuman na nakayuko ang ulo habang patuloy niyang naririnig ang halakhakan ng kabilang panig na siyang nagtagumpay.

Sa mansyon ni heneral Edilberto may naganap na pagdiriwang sa dahil sa pagpapatalsik nila sa dating gobernador. Hindi pa rin matapos-tapos ang halakhakan ng mga ito at patuloy pa ang pagkukwentuhan.

Nahinto si doktor Julio nang matuon ang kaniyang paningin kay Joeliano na kadarating lamang. "Saan ka nanggaling?"turan niya na kunot noo.

"Nagawa ko na ang iyong nais at ngayon maaari mo nang gawin ang aking hinihiling. "seryoso nitong tugon habang nakayuko ng kaunti.

Agad naman na napasulyap si doktor Julio sa heneral na lubos ang kaligayahan ngayon habang hawak ang isang mamahaling baso ng alak.

"Nakasisiguro ka ba?"saad pa ng doktor at bahagya pa nitong inilapit ang kaniyang mukha sa anak. Dahan-dahan naman na iniangat nang binata ang kaniyang tingin at pinagmasdan ang mata ng kaniyang ama.

"Maliwanag pa sa sikat ng tirik na araw."tugon pa nang binata dahilan upang lumawak ang ngiti ni doktor Julio at tumalikod siya sandali upang kumuha ng isang basong alak at inabot niya iyon sa kaniyang anak.

"Kung gayon marapat lamang na tayo'y magdiwang sapagkat ito ang araw nang ating pagkapanalo."Ngisi nito at saka itinaas ang baso.

Napapangiwi ang mukha ni Mina dahil sa hapding kaniyang nararamdam dulot ng lubid na nakatali sa kaniyang mga kamay. Lapnos na iyon dahil higpit ng pagkakatali. Napalingon siya sa iba pang kababaihang kasama niyang nadakip din. Hindi pa rin matigil ang mga ito sa pagtangis dahil sa pagkawala nang kani-kaniyang mga mahal sa buhay.

Ibinalik niya ang kaniyang paningin sa suot niyang saya na halos manlimahid na sa dumi dahil sa marahas na ginawa sa kanila noong sila'y naglalakad patungong Dasmariñas.

Hapon na nang marating nila ang Dasmariñas at ngayo'y nakakulong sila sa seldang kahoy sa plaza kung saan maraming tao ang nakakakita sa kanila ngunit napapalibutan naman sila ng napakaraming guwardiya civil upang pag-iingat kung sakaling sumugod ang ilan pang mga natitirang rebelde.

Walang tubig o kahit na anong pagkain ang iniabot sa kanila upang kanilang ipangtawid gutom kaya't tuyong tuyo na ang lalamunan ni Mina at patuloy din ang pagkalam ng kaniyang sikmura na alam niyang hindi lang siya ang nakararamdam noon.

"Ina, nagugutom at nauuhaw ako."usal ng batang paslit na nasa kabilang selda habang ito'y umiiyak at nakatingin sa kaniyang ina.

Napalingon si Mina sa mga iyon at pinagmasdan ang mag-ina. "Tiisin mo Anselmo sapagkat wala akong maibibigay sa iyo ngayon."tugon ng ina nito at saka niyakap na lamang ang paslit. Napaiwas naman si Mina ng kaniyang tingin dahil sa kaniyang pagkahabag sa bata.

Nadako ang kaniyang paningin sa isang guwardiya civil na malapit sa kaniyang selda. Umiinom ito sa isang maliit na tapayan.

Umayos ng upo si Mina at humawak sa seldang kahoy. "G-Ginoo, ang batang iyon ay nauuhaw maari mo ba siyang bigyan kahit na kaunti?"turan ni Mina sa isang guwardiya civil dahilan upang mapatigil ito at napatingin sa kaniya. Kunot naman ang noo ng dalaga habang nakatingin pa rin sa guwardiya.

Napalingon naman sa magkabilang gilid at guwardiyang iyon at dahan-dahang naglakad papalapit sa selda ng mag-ina. Napangiti si Mina nang tuluyan ng makainom ang bata dahil sa kabaitang ipinakita ng isang guwardiya civil.

"Maraming salamat ginoo, hindi ko kalilimutan ang iyong ginawang kabutihan."saad ni Mina ngunit nagulat siya nang bigla na lamang tumumba ang guwardiyang iyon.

"Walang karapatan ang mga rebeldeng ito na bigyan ng maiinom o kahit pa makakain!"sigaw ni heneral Edilberto habang nakaturo sa guwardiya na ngayon ay nakahiga sa lupa, agad naman itong tumayo ng tuwid.

"Paumanhin heneral."saad ng guwardiya civil habang nakayuko, nagkaroon ito ng gasgas sa kamay dahil sa tindi ng pagkabagsak nito.

"Masama bang magpakita ng kabutihan sa kapwa, heneral?"turan ni Mina at hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili dahil hindi tama ang ginagawa nito. Hindi kasalan ang pagbibigay sa taong nangangailangan.

Napalingon sa kaniya ang heneral at napangisi ito ng magtama ang kanilang mata. Muli niyang ibinalik ang tingin sa guwardiya civil.

"Bumalik ka sa iyong puwesto."saad ng heneral at muling binalingan ng tingin si Mina. "Natutuwa akong makita ka, aking mapapangasawa."ngiti nito at pinagmasdan ang dalaga mula ulo hanggang sa dulo ng saya nito.

"Ngayon wala nang makapipigil sa akin upang ang aking mga nais, batid mo kung bakit? Sapagkat ako na ang hihiranging gobernador simula bukas. Kaya ihanda mo na ang iyong sarili."saad nito at tuluyan ng umalis.

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagtataka dahil sa tinuran nito na siya ang hihiranging gobernador.

Samantala, nakamasid naman si Antonio na nasa likod ng malaking puno malayo sa selda kung saan naroroon ang mga rebeldeng bihag.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Tuluyan nang naghahari ang mga taong sakim at ganid sa kapangyarihan. Ilang sandali pa ay naglakad na siya paalis at agad na nagtungo sa bahay na tinutuluyan ng kaniyang kaibigang heneral.

Nang marating niya ay bahay ay namataan niya roon ang pinsan ni Francisco na si Aurora. "Ginoong Antonio?"gulat na saad nito habang hawak ang isang bilaong nalalaman ng mga sari-saring gulay.

"Nariyan ba si Francisco?"tanong ni Antonio at saka napatingin sa ikalawang palapag ng bahay. Agad namang tumango si Aurora at hindi na siya tinugunan pa ng tenyente at tuluyan na itong tumakbo papasok ng bahay.

"Francisco!"sigaw niya at agad niyang namataan ang kaibigan, nakaupo ito sa isang silya habang kausap ang ina ni Aurora na tiyahin nito.

"Ano ‘yon, Antonio?"

Napatingin naman si Antonio sa tiyahin ni Francisco na noo'y nakatingin na rin sa kaniya at naghihintay ng kaniyang isasalaysay.

"S-Si binibining Mina, naroon ngayon sa plaza at nakakulong kasama ang iba pang mga rebelde."napatayo si Francisco dahil gulat nang marinig ang mga tinuran ng tenyente. Nagpaalam na siya sa kaniya tiya na magtutungo siya sa plaza upang tiyakin ang mga isinasalaysay ng tenyente.

"Hindi na matutuloy ang kasalan sa pagitan namin ng inyong anak."nakangiting saad ni heneral Edilberto. Wala namang kibo si Polonya at tila wala ito sa kaniyang ulirat at lumilipad ang kaniyang isipan, tulala ito sa pagkaing nakahain sa kaniyang harapan.

"Ikakasal ako sa darating na linggo at bukod pa roon ay napasakamay na natin ang buong lalawigan."dagdag pa nito at nakatingin kay doktor Julio.

"Lanong, marapat lamang na ihanda mo na rin ang iyong sarili sapagkat nakatakda na rin ang iyong pagpapakasal."napaangat ng ulo si Joeliano at maging si Joselito ay nagitla rin.

"Wala akong dapat na pakasalan, hindi ako magpapakasal."matigas na tugon ng binata dahilan upang suwayin siya ni donya Palma. Napayukom na lamang ang kaniyang mga kamay at inis siyang tumayo at naglakad paalis.

Nagtungo siya sa plaza upang tingnan si Mina. Naroon pa rin ang mga guwardiya civil na masigasig na nagbabantay. Tahimik siyang naglakad patungo sa selda kung saan naroon ang dalaga. Madilim na at halos hindi na maanig ang karamihan ngunit namumukod tanging si Mina sapagkat kitang kita at tila nagningning siya sa dilim dahil sa kaniyang kakaibang anyo na tila isang anghel.

Tagilid itong nakahiga at tila hindi komportable dahil walang kahit na ano ang pinagpapatungan ng katawan nito. Ilang minutong pinagmasdan ng binata ang mukha nito habang natutulog. Namamaluktot rin ito dahil sa lamig ng gabi.

Naaawa siya sa dalaga dahil hindi niya kayang makita ito sa malaking kasalang kaniyang ginawa. Bukod sa trinaydor niya ito ay siya mismo ang pumaslang sa nag-iisang tiyuhin nito. Bumagsak ang luha na namuo sa kaniyang kaliwang mata. Agad niyang pinunas iyon nang makita niyang gumalaw mula sa pagkakahiga ang dalaga.

"Bakit narito ka?"parang biglang tumalon ang kaniyang puso nang marinig ang tinig nito at kasabay noon ay ang pag-ayos nito ng upo. Tumalikod siya upang hindi nito makita ang luhang patuloy na nag-uunahan sa kaniyang mata dahil napakabigat na nang kaniyang nararamdaman.

"Ang sabi mo ang pusong ito ay ang iyong puso, "rinig pa niyang saad nito ngunit kahit na hindi niya ito lingunin ay batid niyang hawak nito ang ibinigay niyang kwintas.

"Kaya mo ba pinaslang ang aking tiyo dahil wala na ito sa iyo ngayon, wala kang puso Joeliano! "dagdag pa nito. Napapikit ang binata kasabay noon ay ang patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha, nanginginig rin ang kaniyang labi at hindi na niya mapigil pa ang kaniyang boses na nais na niyang pakalawan. Kahit na pilitin niyang maging manhid ang kaniyang puso ay hinding hindi niya iyon magagawa dahil sa oras na ito ay parang dinudurog na iyon dahil sa kasalanang ginawa niya.

"Kalimutan mo na ang lahat ng aking mga sinabi... Dahil ang lahat ng iyon puno ng kasinungalingan."tugon ni Joeliano sa malalim na boses upang hindi maahalata ang nanginginig ng kaniyang tinig. Hindi na niya hinintay pa na muling magsalita ang dalaga dahil mabilis na siyang naglakad paalis.

Naiwan naman si Mina na tulala ng pinagmamasdan ang likod ng binata habang papalayo ito. Ang mga bawat salitang binitawan nito ay parang isang sibat na agad na tumusok sa kaniyang puso. Lahat ay kasinungalingan lamang na buong akala niya'y totoo.

Ibinato niya ang kwintas na kasalukuyan niyang hawak at saka umiiyak nang walang boses ang maririnig. Namaluktot siya habang nakaupo at itinago niya rin ang kaniyang mukha sa kaniyang dalawang tuhod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status