Share

Yugto
Yugto
Author: Fourthpretty

Simula

Malamig na simoy ng hangin ang marahang dumadampi sa maputing balat ni Mina. Kasalukuyan ng nahihimbing ang lahat sa pag-tulog ngunit siya ay hindi pa. 

Marahil ay nais niyang pagmasdan muli ang napakagandang liwanag ng buwan na natatabunan ng ulap sa kalangitan. Hindi na sumasakit ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng sikat ng araw twing umaga. Sa ganitong tanawin ay banayad ang kaniyang pakiramdam dahil hindi masakit sa mata ang liwanag ng buwan kung ikukumpara sa liwanag ng sikat ng araw tuwing darating ang umaga. 

Tumayo siya at muling inamoy ang napakabangong bulaklak ng sampaguita na nasa kaniyang kana ng kamay. Sa gabi lamang siya nakakapamasyal o nakakalabas ng kanilang tahanan sapagkat hindi maaaring masikatan ng araw ang balat niya. Hindi gaya ng iba, madaling masunong o humapdi ang balat ni Mina kaya gano'n na lamang kung harangan ng kurtina ang kaniyang silid upang walang liwanag ng araw ang makakapasok doon. Pinagbawalan din siya na makipagkita sa kahit na kanino ng tao sa kanilang baryo. 

Kakaiba si Mina sa lahat ng taong nasa kaniyang paligid. Maputi, asul ang mata at maging ang kaniyang buhok, kilay, at pilik mata ay kuly puti rin. Hindi niya batid at ng kaniyang mga magulang ang dahilan o kung bakit gano'n ang hitsura niya. 

Kasalukuyan niyang tinatahak ang bukirin pauwi sa kanilang tirhan. Nililipad ng hangin ang kaniyang suot na saya at maging ang kaniyang napakahabang puting buhok. Labag sa kalooban ng mga magulang niya ang kaniyang paglabas sa gabi kaya't tumatakas lamang siya upang makapamasyal at uuwi  rin makalipas ang is nag oras. 

Kahit na gano'n ang sitwasyon ng kaniyang pamumuhay ay ayos lang sa kaniya at masaya na rin siya dahil kahit papano ay kasama niya ang kaniyang magulang at tahimik ang kanilang buhay. 

“Mina! Salamat sa panginoon at walang nangyari ng masama sa iyo, ” turan ng ina ni Mina na si Flordelisa. Nag aalala itong nakatingin sa anak at saka niya mabilis na pinatungan ng iitim na tela ang ulo ni Mina. 

“Ikaw talaga ng bata ka. Hindi ba't sinabi namin sa iyo na huwag kang lalabas ng walang pahintulot mula sa amin?” dagdag pa nito at saka iginala ang mata sa kapaligiran upang masigurong walang ibang tao ang naroroon. 

Hindi naman na sumagot  Mina at sinabayan niya lamang sa paglalakad ang kaniyang ina hanggang sa marating nila ang kanilang tahanan. 

“Paano na lang kung nagkataon may nakakita sa iyo, siguradong sila ay magtataka sa iyong wangis,” pabulong na sabi ni Flordelisa dahil baka magising ang kaniyang asawa at masermonan pa ang pinakamamahal niyang anak dahil sa ginawa nitong muling pagtakas. 

“Ina, napakadilim po ng paligid at na kasisiguro akong walang makakkita sa akin,” tugon ni Mina  at saka niya tinanggal ang talukbong sa kanniang ulo. 

Tiningnan na lamang ni Flordelisa ang anak. Lubos niyang kinahahagan ang anak dahil buhay nito ay tangig silid lamang ang maaaring puntahan nito. Hindi gaya ng mga ka tulad nitong mga dalaga. Maraming mga manliligaw at naka lalabas ng walang nang-aalipusta sa kanila. 

Natatakot si flordelisa sa mga maaaring mangyari sa kanilang anak sa oras na makita ito ng mga tao. Ayaw niyang makita ng nasasaktan ang kaniyang anak dahil sa pangunguyang possible nitong Dana's in dahil sa naiiba nitong anyo. 

Ngumiti si Mina at saka siya sumenyas sa ina na tutuloy na sa kaniyang silid. Kahit na nasermonan Iya ng ina ay masaya pa rin siya dahil nagawa niyang makapamasyal muli at makapaglibot-libot sa kanilang baryo. 

 “Ikaw ba ay dadalo sa prusisyon sa pista ng reya ng ating paroya, manding?” 

Natigilan si Mina sa kaniyang ginagawa at sumili siya sa maliit na buttas sa bintana. Nakita niya ang dalawang lalaki, nakasuot ito ng sumbrerong buri at naka damit pang-magsasaka. 

“Naulinagan ko na maymagaganap na pagsasalo sa mansyon ng Heneral pagtapos  ng prusisyon, totoo ba iyon?” turan ng lalaking hanggang balikat ang buhok na si Manding, nangingintab ang noo  nito dahil sa pawis. Seryoso ang mukha niya nang sambitin iyon. 

” Totoo iyon kaibigan, dadalo ka ba? Namilog ang mata ni Mina dahil sa tuwa at hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili dahil may lumabas na mahina ng boses sa kaniyang bibig, dahilan para mapatakip siya sa kaniyang labi at sumilip siya sa butas para tingnan muli ang dalawang ginoo. 

Nakatingin na ito sa ding-ding na pagitan nila at sa palagay niya at narinig siya ng mga ito. “Tinig iyon ng isang binibini,” turan ng lalaking may mahabang buhok habang sinisiyasat ang ding-ding at naghihintay na marinig muli ang inig na nang galing kay Mina. 

“Huwag ka nga ng magbiro ng ganyan, Manding, walang anak sina maarcelo at Flordelisa dahil baog si Marcelo kaya napaka impossible ng iyong tinuran.” Napapailing na saad ng kasama nito at saka naunang naglakad habang I naayos ang suot nitong sumbrero. 

Muling na patingin si Manding si ding-ding at saka sinundan na sa paglalakad ang kaibigan. 

“Ama, nais kong dumalo sa prusisyon ng Reyna ng ating parokya sa bayan,”nakangiting sambit ni Mina. 

Nagtataka naman ang hitsura ng kaniyang ama nang marinig ang sinambit niyang iyon. “Saan mo narinig ang bagay na iyan?” usisa niya. 

“Naulinagan ko ito ama sa mga ginoo  kanina ng napadaan at sa tingin ko ay ka samahan ninyo sila sa bukid,  ngiti ng saad niya. 

“Ama, maari ba akong dumalo?”taong ni Mina. “Paumanhin ngunit hindi ako makakapayag sa hinihiling mo,” seryoso ng giit ni Marcelo. Agad rin siyang nakonsensya sa binigay niyang tugon sa anak, naaawa siya ngunit hindi niya hahayaang  malagay sa kapahamakan angg na-isa niyang anak.. 

Nadismaya man si Mina sa ama ay tinanggap na lamang niya katotohanan, hindi siya makakaalis kahit na kailan sa kanilang baryo. 

Hating gabi na ngunit hindi magawan makatulog ni Mina dahil s a malalim niyang pag-iisip. Gusto niyang makadalo sa nasabing prusisyon at makita ang mga taong naggsasaya at nais niya ring masaksihan kung paano ipinagdiriwang ng lahat ang espesyal na araw na iyon. 

Tumayo siya at kinuha ang balabal niyang purong puti. Dahan-dahan siyag lumabas sa kaniyang silid. 

Pinag-isipang mabuti ang pagkaka gawa ng kaniyang silid. Sa silid na napakaraming libro, roon matatagpuan ang pinto ng silid ni Mina. Ang pinto ng iyon ay ginawang lagayan ng mga libro upang hindi mahalata ng mga magtatangkan pumasok. 

Matagumpay na nakalabas ng kanilang tahanan si Mina. Hindi makita ang liwanag ng buwan ngayong gabi dahil nababalot ng ulap ang kalangitan.

Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang puno sa gitna ng bukid. Ang bukid na iyon ay pag mamay-ari ng heneral na si Edilberto. 

Naglakad siya paikot sa puno at saka umupo at sumandal. Kakaunti lamang ang ang dahon ng puno dahil dumating na ang tag-lagpas at nalalapit na rin ang pasko kaya't malamig ang simoy ng hangin. 

“Diwata? isa ka bang diwata?” gulat na napatay si Mina nang makita niya ang isang ginoo na papalapit sa kaniyang direksyon. 

Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, nangako siya sa kaniyang ina na walang sinuman ang makakkita sa kaniya. Sa takot ayagad siyang nagtago sa likod ng puno at napahawak na lang siya sa kaniyang dibdib dahil sa mabilis na pag kabog noon. 

“Diwata, nasaan ka na?” rinig pa niyang sambit ng binata na ngayon alam niyang anumang oras ay palapit na sa kinaroroonan niya.  “kung gayon ay hihiling na lamang ako at sana ay pag bigyan mo ang aking hiling,” 

Takot man ang nararamdaman ni Mina ay ninais niya ring tingnan ang  binata sa kabilang gilid ng puno. 

“Nais kong makitang muli ang kakaibang babae na aking nakita sa baryo na ito noon.” nakapikit na sabi nito. Hindi naman na maalis ni Mina ang kaniyang mga mata sa binata at parang napako na ito roon.

Napasandal na lang muli si Mina sa puo at pilit na pinakikiramdaman ang puso niyang wala nang tigl sa pagkabog. 

Simula nang araw na iyon ay araw-araw na siyang nagpupunta sa puno at pa tuloy na umaasang muli niyang makikita roon ang binata. Ngunit patuloy rin na bumabagabag sa kaniya ang mga sinambit ng binata noong gabbing iyo. May nagugustuhan na kaya ito? 

“Manding, pakiusap nais ko lamang ng isang tahimik kasama ang aking asawa at ayoko na madawit pa kami sa anumang kilusang binabalak ng sama hang iyong kinabibilangan,”Napatayo si Mina at idinikit niya ang kaniyang tenga sa pinto nang marking ang tinig ng kaniyang ama. 

“Mas gugustuhin mo bang manatili ang mga gahaman na opisyales na iyon sa kanilang posisyon? Mas nanaisin ong umunlad ang buong lalawigan dahil sa hindi nila patas na pmamalakad?”

“Marcelo, kaangan natin ng isang patats na bata at mga pinno at hindi ang mga gaya nilang ganid sa katungkulan a mpanglamang!” seryoso pang sabi ni Manding dahil mukhang hindi na niya mapipilit pa ang kaibigan sa binabalk nila sa raw ng prusisyon. 

“Patawad kaibigan, ngunit hindi na magbabago ang akin desisyon, sana ay maunawaan mo ko, “sambit ni Marcelo.. Wala nang nagawa pa si Manding at naglakad na siya palabas ng silid-aklatan. 

Napapikit na lamang si Marcelo at napahawaksa lagayan ng mga librong mga nakahilera. Napalingon siya sa direksyon kung nasaan ang silid ng anak. Sigurado siyang narinig ni Mina ang kanilang buong usapan. Binuksan niya ang pinto at natagpuan niya ang kaniyang na nakahiga sa sarili nitong higaan at tila nahihimbing sa pagtulog. 

Sa kabilang banda, idinilat ni Mina ang kaniyang mata at napalingon sa pinto na kakasara pa lamang. 

Magtatakipp-silim na ngunit wala pa rin anng ina at ama ni Mina.madalas nang abutin ng gabi ang mga ito sa pagsasaka. 

Nakadungaw siya sa bintana na nahaharangan ng itim na tela ngunit nakikita niya pa rin ang ang labas. Natuon ang kaniyang atensyon sa dalawang dalaga na naglalakad. Nakasuot ang mga ito ng baro't saya habang nakapusod ang Kani-kanilang buhok. 

“Naulinagan mo ba Crisanta, naririto na sa ating bayan ang magaling na doktor na si Doktor Julio Crisologo na taga-Laguna?” sabi ng isang babae. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. 

“Siyang tunay, kasama niya rin sa pagdating ang pangalawa niyang anak na si Ginoong Joeliano. Nakatitiyak ako na dadalo sila prusisyon at sa pagdiriwang sa mansyon ng Heneral.” nakatingin lamang si Mina sa mga babaeng mabagal na naglalakad. 

“ngayon ang prusisyon na tinutukoy nila noong nakaraang araw,  usal ni Mina t saka niya tiningan ang suot niyang kulay luntian na baro at saya. 

Biglang pumasok sa kaniyang isipan ang lalaking nakita niya noong nakaraan gabi. Hindi kaya naroon din ito sa prusisyon? 

Napakaraming tao ang sumasabay sa paglalakad habang may hawak itong mga kandila na mayroong sindi. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga magaganda niyang nakikita. Nakapayong sa kaniyang ulo ang mahabang balabal na sinadya niyang gamitin upang maitago ang kaniyang mukha at kakaiban kulay. Ipinusod niya rin ang kaniyang napakahabang buhok. 

Patuloy siyang nakikisabay sa agos ng mga taong naglalakad at bahagya rin siyang natatawa dahil mga batang nag-aasaran na nasa kaniyang harap an. Ngayon ay pakiramdam niya ayy isa na siyang pangkaraniwang tao at hindi na naiiba. .

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng isang pag-iyak ng batangg babae, na patingin siya sa pinanggalingan ng boses at hindi siyang dalawang isip na lapitan ang mga bata. 

“Hindi dapat kayo nag-aaway mga bata~” hindi na niya natuloy pa ang kaniyang dapat na sasabihin dahil sa biglang pag-sigaw ng isang bata nang magtama ang kanilang paningin. Nanlaki ang mata niya sa gulat at takot kaya naman agad siyang napayuko  at tinalikuran ang mga bata. 

Mabilis siyang naglakad pasalungat sa mga tao. Nababangga na niya ang ibang mga tao ngunit hindi na iyon mahal aga dahil pa tuloy siyang sinusundan ng mga batang palit. I lingon niya pa ang mga ito at muling ibinalik ang paningin sa harap. Nagulat siya nang mabangga ang isang tao dahilan upang matuon ang paningin niya sa taong iyon. 

Halos sumabog ang kaniyang nang makita ang taong nakabangga niya dahil ito ang lalaking nakita noong gabi sa bukirin. “P-Paumanhin...” utal na sabi niya at muling yumuko at saka siya nagpatuloy sa paglalakad palayo sa napakaraming tao.

Kunot naman ang noo ng lalaki habang tinatanaw ang binibining nakabangga niya. “Ginoo...”napalingon siya sa batang nakaturo kung saan mismo nagpunta si Mina. 

“Ang binibining iyon, kakaiba ang hitsura niya.” turan ng paslit. Napalingon si Joeliano sa direksyon kung saan nagttungo ang sinasabi nitong dalaga ng may kakaibang hitsura at saka siya nagpasyang sundan ito. 

“Binibini!” sigaw niya dahilan upang makuha niya ang atensyon ng ilang mga taong nakarinig sa kaniya. Agad siyang tumakbo patungo sa mapuno ng lugar. 

“Binibini, sandali lang pakiusap! sigaw niyang muli at nang maabutan niyya ito ay aksidenteng nahawak ang puting  balabal na nakapatong ulo sa ulo ng dalaga dahilan upang malaglag ang balabal na siyang nagtatago sa katauhan ng dalaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status