“Binibini, sandali lamang pakiusap!” Nang maautan niya ito ay aksidente niyang hawakan ang suot nitong puting balabal at diretso iyong nahulog at naglaglag.
Natigilan si Joeliano nang humarap sa kaniya ang binibini. Hindi ito ang dalagang inaasahan niyang kaniyang makikita. “Paumanhin binibini,”sabi niya at saka dinampot ang nalaglag na balabal at agad niya iyong ibinalik sa dalagang walang kurap na nakatitig sa kaniya.
“Ayos lamang Ginoong Joeliano,”ugon nito at hinawi ang sariling buhok papunta sa likod ng tenga nito. Ngumiti ang binati at saka niya hinubad ang suot niyang sumbrero at mabilis na inilapat sa kaniiyang dibdib upang magpaalam. tinalikuran na niya ang dalaga na hindi ri makapaniwalang makakadaupang-palad niya ang anak ng tanyag na doktor na taga-Laguna.
Samantala, habol naman ang paghinga ni Mina habang pilit na ikinukubli ang saili sa likod ng isang malaking puno. Ilang metro lamang ang layo ng punong iyon sa kinatatayuan ng binata. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyyang dibdib at nakadadag pa rito ay ang hindi niya maipaliwanag na pakiramdam nang muli niyang makadaupang-palad ang binata.
Rinig ang napakalakas na musika na nanggagaling sa mga orkestra.ang musika nito ay nakadadagdag nang enerhiya sa mga taong naroroon sa kasiyahan. hindi na maalis ang paningin ni Mina sa mga musikero dahil ngayon pa lamang siya nakaranas ng ganitong pagdiriwang.
Mayroong mga nagsasayawan at ang iba naman ay sinasabayan ng palakpak ang bawat tnog ng musika. Malalim na ang gabi, ngunit napakasigla pa rin ng lahat at ng pagdiriwang. Kita sa mukha ng bawat tao ang totoong kasiyahan. Naglakad-lakad si Mina hanggang sa marating siya ang tahimik na lugar sa hacienda, ang hardin. Napangiti siya nang makita ang kumpol ng mga sampaguita. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng bullak at pumitas siya.
“Napakabango mo talaga sampaguita,”usal niya habang nakapikit na nilalanghap ang bango ng bulaklak. “Tama ka binibini, mabango nga an bulaklak na iyan,”Napamulat siya ng mata atat agad niyang tinakpan ng balabal ang kaniya mukha upang ikubli ang kaniyang hitsura.
“Huwag mo nang ikubli ang iyong napakagandang mukha binibini sapagkat kanina pa kita pinagmamasdan,”Nanlaki ang mata ni Mina nang marinig niyang muling ang boses na iyon na papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Dahan-dahan niyang nilingon ang pinagmulan ng malambing na tinig na iyon at napataas ang kanniyang kilay nang makita ang isng binatilyo. seryoso itong nakatingin sa kaniya.
Nakasuot ito ng damit na may mahabang manggas at sumbrero na may kaunting sira at butas. “Isang bata muli,”usal ni Mina na may pag-aalinlangan. Biglang sumimangot ang mukha ng binatilyo at saka ito hinubad ang suot na sumbrero. “Paumanhin , ngunit hindi na ako isang bata tulad ng iyong tinutukoy,”sambit nito at saka nito inilapat ang sumbrero nito sa kanyang dibdib upang ipahayag ang kaniyang pagbati. Mahina namang natawa si Mina ngunit napawi rin iyon nang mapagtanto niya na ibang taoang nasa kaniyang harap at kasalukuyan siyang kinakausap.
“Hindi ka ba natatakot sa aking hitsura bata?”tanong niya at saka niya tinalikuran ang binatilyo. “Bakit naman kita katatakutan at inuulit ko hindi na ako isang bata, dahil isa na akong ganap na binata,”giit nito at saka pinag-krus ang dalawang braso.
“Joselito!”kapwa silang napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nanlaki ang mga mata ng binatilyo at saka niya hinila sa braso si Mina at dinala sa mahalaman na bahagi ng hardin“jose nasaan ka?”sigaw pang muli ng tinig na papalapit na kinaroroonan nilang dalawa.
Agad namang binitawan ng binatilyo ang braso ni Mina nang mapagtanto niyang hawak-hawak niya pa rin iyon.“Siya iyon!”Napahawak si mina sa kaniyang sariling bibig nang masambit iyon. Kunot noo siyang nilingon ng binatilyo. Ilang sandali pa ay umalis na ang lalaki at dahan-dahan na silang lumaba sa kanilang pinagtataguan.
“Ano ang iyong sinabi?”tanong ng binatilyo kay Mina na agad rin niyang iniligan. “wala akong sinabi,”giit ni Mina. “Ano ang iyongg ngalan?”tanong niya at saka niya muling tinakpan ng balabal ang kaniyang mukha. Napatikhim ito at hindi na makatingin nang diresto sa mata ni Mina.
“A-Annaceto,”
“Ginoo, hinahanap niyo ba si Ginoong Joselito?”Napalingon si Joeliano kay Mang Pitong na kanilang kutsero. “Opo Man Pitong, nakita niyo ho ba?” Napakamot naman sa ulo si Mang Pitong at saka inalala kung saan niya huling nakita ang binatilyong si Joselito.“ Ah! siya ay huli kong nakita sa tabi ng mga musikero ngunit ibang kasuotan ang kaniyang suot.”sambit nito habang nakakunot ang noo.
“Maraming salamat po, Mang Pitong,”saad ng binata at saka niya tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng mga musikero.
“Ihinto ang pagdiriwang na ito!”natigilan ang lahat at agaw pansin ang pagdating ng mga guardia civiil at dalawang lalaki na nakasuot ng pangmagsasaka. Nakatali ang mga kamay nito sa likod at may natamo na rin ang mga itong sugat at pasa. nakaagaw pansin rin ang paglabas ni Heneral Edilberto. “Anong kaguluhan ito?”Sigaw nito.
“General, vimos a estos dos atreverse a entrar a su oficina, ”(General, we saw this two farmer enter to your office,) saad ng isang guardiia civil at saka nito itinulak ang isang lalaki dahilan upang mapaluhod ito. Napuno nang bulong-bulungan na nakalikha rin nang kaunting ingay. Nadako ang paningin ni Joeliano kay Henerral Edilberto. Ngumiti ang Heneral na ikinakunot ng noo niya. Ngumiti ito at saka tinanguan ang dalawang guardia civil.
“Sadya ngang napakatigas na ng iyong ulo, Mina. Lumabas ka nang hindi namin nalalaman!”Nakayuko lang si Mina habang pinakikinggan ang lahat ng sinasambit ng kakniyang ama. Nasa acienda pa siya ng Heneral nang biglang dumating ang kaniyang amma at ina. “Ama, ano ho ba ang nangyari kanina sa pagdiriwang? Tila nakikilala ko ang isa mga lalaki na hawak ng isang guardia civil,“ usal ni Mina habang nakayuko pa rin ang ulo.
Natigilan naman si Marcelo at diretsong napatingin sa kaniyang anak. Kilala niya ang lalaking bihag ngayon at alam na niya ang kahahantungan ng buhay ng kaniyang naging kaibigan. Kamatayan lamang ang tanging parusang ipapataw sa kaniyangg kaibiggan. Maswerte na langg kung maililigtas sya ng ma rebeldeng kiinaaniban ni Manding.
Nakatayo si Joeliano sa tapat ng bintana at pinagmamasdan ang hatinng buwan sa kalangita. Tahimiik na ang buong paligid kaya naman mas lalong tumitindi ang kaniyang malalim na pag-iisip ukol sa nangyari sa pagdiriwang. Pamilyar sa kaniya ang isang lalaking nadakip ng mga guard sapagkat minsan na niya itong nakiika'y kaniyang pagagalittansa bukirin ng Heneral. nadako ang panigin niya sa ibaba nang may marinig siyang pagkaluskos doon. “Sino ang nariyan?”Aniya at saka niya inakyat ang bintana at maingat na kumapit at mabilis na lumundag paibaba.
“Sino sabi ang nariyan?”ulit pa niya at dahan-dahan na naglakad palapit sa halamanan kung saan niya naririnig angg pagkaluskos. Akmang sisipain na niya ang halaman upang makita ang taoong nagkukuli roon ngunit agad rin itong lumabas . “Kuya naman ako ito ang iyong kapatid,”saad ni Joselito habang nakataas ang dalawang kamay.
“Jose, ano bang ginagawwa mo at sandali nga, ano na naman ba iyang suot mo saan at ka nanggallinng, hidni kita matagpuan sa pagdiriwang?”sunod-sunod na tanongniya sa kapatid. “Isa-isang tanong lang kuya,”nakangusong turan ni Joselito.
“Una, nagsuot ako nnito ddahil nais kong maranasan ang maging isang pangkaraniwang binatilyo. Pangalawa, nanggaling ako sahacienda ni Heneral Edilberto at pangatlo, narito ako sa halamanan dahil nais ko nang magpalit ng kasuotan dahil baka ako ay mamamtaan ni ama na gganito ang aking suot at ayokong mapagalitan.”dire-diretso niyang sabi at maglalakad na sana siya papasok nang hawakan siya ng kaniyang nakatatanndang kapatid sa damit.
“Nariyan sa sala si ama a siguradong ika'y kaniyang pagagalitan. ”sabi ni Joeliano at saka itinuro ang kaniyang bintana sa taas kung saan siya nanggaling. “ Akyatin mo ang aking bintana at doon ka dumaan patungo sa iyong silid,”dagddag pa ni Joeliano na ikinalaki ng mata ni Joselito.
“Ano? nasisiraan ka na ba ng bait kuya, paano kung mahulog ako at mamatay, hindi ka ba natatako na mawalan ng kapatid?”nakangusong giit ni Joselito.
“Bahala ka na sa iyong sarili kung nais mong makatanggap ng sermon ni ama.”natatawang sabi niya at saka siya nagsimulang naglakad. “Kuya, huwag mong sabihin kay ama, susundin ko na ang iyong nais.”saad ni Joselito at saka siya nag-umpisang akyatin ang daan paakyat sa bintana ng kaniyang kapatid. Napahalakhak na lamang si Joeliano nang marinig nang marinig ang huling sinabi ni Joseelito. Wala naman talaga ang kanilang ama sa sala dahil hindi pa ito umuuwi ggalingg sa haciennda ng Heneral.
Nagpalinga-linga si Joeliiano sa paligid sa pag-asang muuli niyang makita ang kakaibang babaeng kaniyang nakita mismo sa lugar na ito. “Sana nga ay masilayan kitang muli,”usal niya att saka siya naglakad papunta sa puno kung saan niya nakita ang diwata noong nakaraang araw.
“Hahanapin ko ang ginoong iyon o hindi,”Natigilan sii Joeliano nang marinig ang tinig ng isang babae na nagmumula sa likod ng isangg malaking pun. Kumunot ang noo niya nang makita ang nagkalat na puti at maliit na talulot. Dahil sa pagtataka ay pinulot niya ang talulot at saka inamoy. Napaikit pa siya nang mapagtanto niyang amoy iyon ng sampaguita. Naglakad pa siyang muli at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita ang isang binibining nakaupo at nakasandal sa pun, may rin itong maraming bulaklak ng sampaguita.
Gano'n rin ang naging eaksyon ng dalaga. Agad itong tuumayo at nagtago sa puno. Hindi na niya nagawa pang itago ang kaniyang mukha dahil hindi niya nadampot ang kaniyang balabal kung saan siya mismo nakaupo. Napahawak na lamang siya sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang pagkabigla. Ano na ngayon ang kaniyang gagawin? hindi siya maaring tumakbo o maatiling magtago sa likod ng puno.
Mabilis ang pagtibok ng puso ni Joeliano habnag pinagmamasdan ang balabal sa kaniyang kamay.. Sigurado siyang natagpuan na niya ang binibining kaniyang hinahanap at ang tanging pagitann na lamang na siyang naglalayoo sa kanilang dalawa ay ang punong saksi ng kaniyang pagnanais na makitang muli ang babaeng kaniyang hinahangaan.
“Lanong, huwag ka nang lumayo sapagkat tayo ay aalis na rin maya-maya,”saad ng ina ni Joeliano habang binibihisan nito ang kaniyang nakababatang kapatid na si Joselito. “Ina, nasa Laguna po ba ang aking kapatid na si ate Polonya?”tanong niya na agad rin na tinanguan ng ina. “kung gayon nasasabik na akong magbalik sa ating bayan,”turan pa niya at isinuot niya ang kaniyang sumbrero. “Mamamasyal po ako sa bukirin ni Heneral Edilberto”daggdag pa niya at saka siya naglakad paalis. Naglakad-lakad siya hanggang sa marating niya ang bukirin. Tahimik na ang buong kapaligiran at tanging ang tunog lamang mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. “Talaga ngang magkawangis tayo,”napatingala siya sa ikalawang palapag ng isang bahay na nakatayo malapit sa bukirin. “May binibini sa tahanan na ito?tanong niya sa sarili habang nakatingala pa rin sa saradong bintana sa ikalawang palapag. Dahil sa kaniyang kuryosidad ay naupoo siya roon at hinintay ang pag
Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon. Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito. “Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito
Lubos na nasisiyahan si Mina sa paglalakad lalo na’t kumulimlim at malakas rin ang pg-ihip ng hangin na nagpapasayaw sa mga halaman.May hawak rin siyang mga bulaklak na kaniyang pinitas. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang isang puting kabayo na nanginginain ng mga halamang damo sa paligid.Naglakad siya palapit doon upang makita nang mas malapit ang kabayo. Kahit na kailan ay hindi niya naranasan na sumakay sa isang kabayo dahil buong buhay niya ay nakulong lamang siya sa kanilang tahanan.Marahan niyang hinimas ang buhok ng kabayo na ikinatuwa niya. Ngunit kumunot ang noo niya nang mapagtanto na imposibleng magkaroon ng kabayo sa lugar na iyon dahil malayo na ito sa mansyon ni Gobernador Vicente.Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay ng tubig na nagmmumula sa ibaba.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likod ng malaking puno at doon niya sinilip kung anong nangyayari sa ibaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang ilog at ang mas lalo pang i
Mataas na ang sikat ng araw na sinasabayan ng pagtilaok ng mga manok. Bumangon si Mina sa kaniyang higaan nang madampi sa kaniyang balat ang napakalamig na tubig na binuhos sa kaniya nina Rowena at ng iba pang mga tagasilbi. “Gising na ba ang iyong diwa mahal na priinsesa?”sambit ni Rowena at saka sila naghalakhakan habang pinagmamasdan si Mina na basang-basa. Hindni naman siya nagsalita pabalik sa halip ay pinagpagan niya na lamang ang suot niyang baro at ang kaniyang buhok. “Ikaw ang naatasang maili sa pamilihan ngayong araw kung kaya’t bilisan mo ang iyong kilos!”singhal sa kaniya ni Rowena at saka naunang maglakad palabas ng silid, sumunod nman ang iba pang kasamahan nito. Nagppalit na lamang siya ng kasuotan at saka niya itinali ang kaniyang napakahabang buhok. Kinua niya ang balabal na palagi niyang sinusuot at nagtugo na siya agad sa kusina ng mansyon. Naabutan niya roon na inihahanda na ang mesa habang abala naman si mayor doma Emilda sa
“Nalalapit ng muli ang paggdirirwang g kaarawan ng ating Gobernador kung kaya’t nais kong ihnda niyo ang inyong mga sarili,”anunsyo ng mayor habang nagpapabalik sa harap ng mga tagasilbi. “Rowena,”mabilis na napalingon si Rowena nang ttawagin siya nito. “Nais kong ikaw ang magluto ng mmga putahe sa araw na ‘yon. Sina Lita, Dolores at ang dalawa pang tagasilbi ay ang iyong magiging katulong o iyong alalay sa pagluluto. Ang iba naman ay magiging serbidora, sana’y naliwagan kayo sa aking mga sinabi.”Dagdag pa niya at saka niya inilagayy ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likod. Binalingan niya ng tingin si Mina. “Ikaw muli ang magtutungo sa pamilihan,”usal ni mayor doma at naglakad na siya palabas. Mataas ang sikat ng araw kung kaya't namumula na dulot ng araw ang balat ni Mina, naka suot lamang siya ng isang manipis na b
Natigl sa paglalakad si Mina at napatingin sa ilang taong nagkukumpulan. Tapos na siyang mamili ng mga ipinag-utos sa kaniya ng mayor doma kaya ngayon ay pauwi na siya.Naglakad siya palapit sa mga taong iyon upang tingnan kung anong ganap ang nangyayari roon."Pakiusap ginoo, ang prutas ang inyong patamaan at hindi ako," mangiyak-ngiyak na wika ng isang lalaki. May isang mansanas sa ulo nito at nakasandal sa isang puno."Mang Pitong ikaw ba ay walang tiwala sa akin?" ngising sambit ng binatilyo at saka nito sinimulang hatakin ang tali at ang palaso. Napapikit na lamang dahil sa takot si Mang Pitong.Napabuga ng hangin ang binatilyo at saka niya mabilis na pinakawalan ang palaso at mabilis rin iyong bumaon sa prutas na nasa ulo ni Mang Pitong.Napuno naman ng palakpalakan ang mga taong nakasaksi at maging si Mina ay napapalakpak rin dahil sa kamangha-manghang ginawa ng binatilyo.
"Napadilat ng mata si Mina nang maramdaman niya ang paghawak sa kaniyang pulso. Mabilis na nadako ang kaniyang paningin sa isang lalaking nakasuot ng antipara sa kaliwang mata. (monocle)"Huwag kang mag-alala maayos na ang kaniyang kalagayan, siya’y nilalagnat pa rin ngunit hindi na gano’n kataas," saad nito at saka napalingon sa kinatatayuan ni mayor doma Emilda."Maraming salamat." Turan ni mayor doma Emilda na agad ring tinanguan ng lalaki at naglakad na ito papalabas ng silid."M-Mayor doma," usal ni Mina at akmang babangon ngunit pigilan siya ng mayor doma."Magpahinga ka Mina, dahil hindi ka pa lubusang gumagaling," seryosong saad nito habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga."Ngunit—" natigilan siya ng biglang umiiling ang mayor doma. "Ipagagawa ko na lamang sa iba ang iyong gawain." Dagdag pa nito at pilit na ngumiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa dalaga lalo na nang dalhin ito ni Fra
"Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglalakad ngunit nagulat siya sa biglang paghawak sa kaniyang braso dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang likuran.Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang isang pamilyar na mukha. Tulad ng kaniyang ekspresyon ay seryoso rin itong nakatingin sa kaniya."Ikaw nga." Rinig niyang usal nito."M-Maraming salamat, ginoo," nakayukong sambit ni Mina at saka niya inilagay sa kaniyang likuran ang braso.Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang binatang kaniyang pinagdarasal na makita muli.Tatalikod na sana ang dalaga upang pumasok sa hacienda ng gobernador-heneral nang magsalita si Joeliano."M-Maari ba tayong magkit