Share

Kabanata 4

Nakayuko si Mina habang pilit niyang ikinukubli ang kaniyang mukha sa mga nadaraanan nilang taga-silbi. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kay bilis ng mga kaganapan  at parang tinangay lamang siya ng malakas na hangin at hindi na siya makabalik pa sa mga araw na lumipas. Nagpapaulit-ulit na tanong sa kaniyang isipan kung ano ang nangyari sa katawan ng mga inakusan. Maayos bang inilbing ang mga ito o basta na lamang itinapon dahil wala naman halaga ang mga iyon.

Huminto sa paglalakad ang lahat dahilan upang mapa-angat ng tingin ang dalaga. Nakita niya ang isang babaeng naka-suot ng kulay puti at simpleng baro, kayumangging saya naman ang kaparehas no’n. Maayos din na nakapuood ang buhok nito upang hindi maging sagabal sa mukha nito.

“Ikaw na ang bahala sa kaniya, “saad ng Gobernador sa babae at mabilis na itong naglakad papalayo at hindi na nagawa pang mag-pa alam. Hinabol pa niya nang tingin ang Gobernador hanggang sa makaakyat ito sa ikalawang palapag.

“Sumunod ka sa akin, “natauhan siya nang marinig ang sinabing iyon ng babae. Naglakad na ito papalabas ng mansyon na agad din naman niyang sinundan, nabaling ang paningin niya sa isang babaeng kasalukuyan siyang pinagmamasdan na sa pakiwari niya ay isa rin sa mga taga-silbi. Yumuko na lamang siya at nag madaling sundan ang babae.

Sa ‘di kalayuan ay natanaw niya ang isang simpleng kubo ngunit may ikalawang palapag, doon pumasok ang babae kaya naman nag madali na siya sa paglalakad.Maladwk ang kubong iyon at napakaraming silid. Natigilan siya sa pagmamasid nang makita niyang nakatitig sa kaniya ang babae at seryoso ang mukha nito. “Nasa ikalawang palapag ang iyong silid, halika at ipapa kita ko sa iyo,”turan nito at ipinagpatuloy na ang paglalakad paakyat. Tahimik ang buong paligid at ang tanging yabag lamang nang kanilang mga kaniyang ang kanilang naririnig.

“Ito ang iyong magiging silid, maaari kang mamahinga sa araw na ito  at bukas na bukas  ay uumpisahan mo na ang pagsisilbi sa mansyon ng Gobernador,”sabi pa nito. Tumango na lamang ang dalaga haban diretsong nakatingin sa babae.

“Kakaiba ang iyong hitsura ngunit nagtataglay ka nang labis na kagandahan, at ang iyong mga m-mata parang nakita ko na iyan dati,”seryoso dagdag pa nito dahilan upang mapa-iwas siya ng tingin.

“Ako si Emilda. Ako ang namamahala sa mga taga-silbi sa mansyon, sa madaling salita  ako ang mayor doma” bigla naman siyang nakaramdam ng kaunting kaba dahil sa kung paano ito makapag-usap sa kaniya. Dahan niyang tinanggal ang balabal na nakapatong sa knaiyang ulo at muling sinalubong ang tingin ng mayor doma.

“Ako po si Mina,”maikling pagpapakilala niya at saka siya yumukp nang kaunti. Nanatili namang walang reaksyon ang mukha ng mayor doma at hindi na ito nagbitaw pa ng mga salita at tuluyan na itong lumabas ng silid.

Napabunton-hininga si Mina at saka niya inumpisahang igala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng maliit na silid na iyon. May isang papag na higaan at sa tabi no’n ay may maliit din na mesa at doon nakapatong ang  lampara na walang sindi. Nadako ang paningin niya sa baba nang papag at nakita niya do’n ang isang tampipi, nilapitan niya iyon at siniyasat ang mga gamit.

Naglalaman iyon ng ilang simpleng baro’t saya. Mayroon din kasuotan na katulad nang mga suot ng mga taga-silbi. Naupo siya sa papag at napasulyap sa bintanang kasalukuyan nakabukas.  Batid niya na iba na ang magiging takbo ng kaniyang buhay sa mga susunod na araw, buwan at mga  taon ngunit umaasa siya na magiging maayos sa kaniya ang bawat taong nakapaligid sa kaniya. Muling bumalik sa kaniyang gunita ang huling tagpo bago niya tuluyang iwan ang kaniyang ina at ama.

“Kaawa-kaawa,”usal ni Joselito at saka nito tinanggal ang suot nitong sumbrero at inilapat niya iyon sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan ang puntod ng mga magsasakang iniilibing matapos ito patawan ng kamatayan.

Nakatingin lamang si Joeliano sa puntod  habang naglalaro sa kaniyang isipan ang mukha ni Mina. “Kuya, halika na, baka malaman ni ama na tayo ay nagtungo rito sa himlayan ng mga rebelde,”turan pa ng binatilyo at saka nito ibinalik ang sumbrero sa kaniyang ulo. Napatingin si Joeliano sa kapatid at ngumiti  ng tipid at saka niya ginulo ang buhok nito at inakbayan at sabay silang naglakad pabalik sa kalesa kung saan naroon si Mang Pitong.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa dinadalaw ng antok si Joeliano sapagkat patuloy  siyang binabagabag kung ano na ang kalagayan ni Mina sa Dasmarinas. Hindi siya mapanatag at nakailang ulit n siyang nagpapaikot-ikot sa kaniyang higaam.

“Kakaiba ang kaniyang hitsura na tila  siya ay isinumpa,”sambit ni Rowena sabay ngisi habang pinagmamasdan si Mina, si Rowena ay isa sa mga naninilbihan sa mansyon ng Gobernador at malapit sa iisang anak nito.

Pinakikinggan lamang ng dalaga ang kaniyang mga naririnig at tinatatagan ang kaniyang loob. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakarinig siiya ng pangungutiya laban sa kaniya.

Nagmadali na lamang siya sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa marating niya ang sariling silid. Kailangan niyang magpakatatag dahil ngayon ay nag-iisa na lamang siya.

Nagulat siyia nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid, hindi nakabukas ang gasera sa kaniyang kwarto kaya’t hindi niya makita kung sino ang pumasok. “Dinalhan na kita ng iyong hapunan,”anang pamilyar na tinig kasabay ng dahan-dahang pagkakaroon ng liwanag sa paligid nang sindihan ni Mayor doma Emilda ang gasera.

“Patuloy mo lamang bang tatanggapin ang pangngutyang ginagawa nila sa’yo?” panimula nito at saka ito naglakad patungo sa bintana. “Walang sinuman ang magtatanggol sa iyong sarili kun’di iaw lamang, huwag kang magpapadaig sa kahit na kanino, maliwanag?"dagdag pa nito.

“O-opo”tugon ni mina at saka niya ibinaba ang balabal sa kaniyang ulo. Hindi na nagsalita pa si Mayor doma Emilda at naglakad na ito papalabas nang silid.

“Saan ka magtutungo?”natigilan sa paglalakad si Joeliano nang makita ang kaniyang ama, nasa sala ito habang nagbabasa ng libro patunkol sa medisina.

“M-Magtutungo ako sa Dasmarinas,”utal na tugon niya dahilan upang matigil sa pagbabasa si Doktor Julio at madiin nitong isinara ang librong hawak.

“Hindi maaari,”matigas na saad ng doktor nang hindi nililingon si Joeliano.

"Ngunit-“

“Ang akala mo ba hindi makararating sa akin ang balitang ikaw ang nagpakuha ng mga bangkay ng rebelde sa plaza, batid ko rin na nais mong  mapalapit sa dalagang  usap-usapang anak ng mag-asawang rebeldeng iyon. Nag-iisip ka ba Lanong? Maaring magalit sa akin ang heneral sa oras na malaman niya ang ginawa mong iyon!”  Napatakip naman ng tainga si Joselito nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang ama, napatigil siya nang makita amg kaniyang ama at kuya Joeliano.

“Susunndin mo ako at sa oras na suwayin mo ako, hindi ako madadalang isip na kausapin ang iyong maestro ukol sa iyong sertiiko!”natigilan si Joeliano at inis na napapikit. Idinilat niya ang kaniyang mga mata nang marinig ang yabag ng paa ng kaniyang ama papalayo.

“Ituloy mo ang iyong binabalak kung ayaw mong maging isang fanap na doktor”dagdag pa nito at tuluyan nang umakyat ng hagdan.

Nilapitan ni joselito ang kaniyang kuyya at agad niya itong hinawakan sa brarso. “Ayos lang ako Jose, magpapahangin lamang ako”turan ni Joeliano at saka siya naglakad palabas.

“Pinuno!”sigaw ng isang lalaking naka-gapos ang mga kamay. Duguan ito dahil sa walang tigil na pagpapahirap sa kanila ng mga sundalo ni Heneral Edilberto.

Patuloy naman sa paghampas ng latigo sa katawan ng kanilang pinuno ang mga sundalo, natigilan lamang ang mmga ito nang biglang bumukas ang pinto ng sild at iniluwa noon ang heneral.

“Hindi pa rin ba nagsasalita ang mga ‘yan?”tanong ng Heneral n agad ring inilingan ng isang sundalong kasalukuyang may hawak sa latigo.

BInalingan naman ng tingin ni eneral Edi;berto ang lalaking naka-gapos, nanlulumo na ito sa sobrrang pagpapahirap sa kanila.

“Ikaw. Nais mo na bang matapos ang iyong buhay kapalit ng pagsasabi kung saan ang kuta ninyong mga rebelde?”mahinang saad ng heneral.

Hindi naman siya tiningnan ng lalakik sa halip ay pumikit ito. “Patayin mo man kami o paulit-ulit na pahirapan ay hinding-hindi namin ipagkakanulo ang aming  mga kasamahan,”matalim nitong tinititgan ang heneral at saka ito ngumisi na tila ba nanalo sa pakikipagtalastasan.

“Patayiin na ninyo kami”sigaw pa nito.

“Inutil ka!”agad na kinuha ng heneral ang latigo sa kamay ng isang sundalo at paulit-ulit nitong nilatigo ang katawan ng lalaki hanggang sa magdugo iyon at mawalan na nang malay ang lalaki.

Ilang sandli pa ay tinigilan na niya iyon at hinihingal na ibinato ang latigo sa harap nito. “Patayin sila”sambit ng heneral at nagpatuloy na siyang lumabas nang silid na iyon.

“Gobernador-heneral Vicente, noong nakaraang araw lamang ay nakatanggap ako ng telegrama mula sa Laguna, naroon na raw ang mga sundalong amerikano at kasalukuyang nagaganap na ang labanan sa pagitan ng sundalong Laguna at mga amerikano,”Humahangos na saad ni Tenyente Antonio.

Walang kibo ang Gobernador at nanatili lamang nakatingin sa kaniyang tobaccco na umuusok. Inilapag naman ni Mina ang tasa ng tsaa na inutos sa kaniya ni Mayor doma Emilda, nakayuko lamang siiya at saka siyya dahan-dahang tumalikod at tuluyan ng lumabas nang tanggapan.

Hindi na siya nag-susuot pa ng balabal dahil inutos ito sa kaniya ng mayor doma kaya naman kitang-kita na ang kaniyang napakaputing balat at magandang mukha.Kasalukuyan na ring nakapusod ang kaniyang mahabang buhok.

Inilapag niya ang hawak na bandeha na pinaglagyan nang dalawang tasa at napabuntog hininga siya at sandaling napa-isip.

Napansin lamang niya kung bakit nag-iisa lamang ang Gobernador na nakatira  sa malaking mansyon na ito. Nasaan ang asawa’t mga anak nito? Iginala niya ang kaniyang paningin sa mga mamahaling kagammmitan na nasa kusina.

Napaka-eleegante ng mansyon ngunit hindi rin masaya dahil iisang tao lamang ang naninirrahan  dito, totoo nga na kahit alam mong na sa’yo na ang lahat ng kayamanan, mataas na katungkulan ay hindi pa rin magiging maligaya ang buhay mo kung wala kang pamilya.

Tapos na ang mga gawain ni Mina at oras na nang kaniya siyesta. Nias niyang maglibot-libot sa buong hacienda at nais maabot ang dulo nang nasasakupan ng hacienda.

Naglakad siiya upang hanapin ang mayor doma at upang magpaala. Namataan niya ito sa likod ng mansyon kung saan naroroon ang magagandang bulaklak at halaman.

“Mayor doma Emilda, Natapos ko na po ang aking mga gawain. Nais ko po sanang magpaalam na magtutungo po ako sa banda roon,”Kumukurap-kurap na sabi niya sabay turo sa direksyon.

“Nais mong magtungo roon? Ngunit mataas ang sikat ng araw, hindi ba masakit iyon sa balat lalo pa sa iyo,”taas kilay na tugon nito.

“Ayos lamang po, nais ko na rin pong sanayin ang aking sarili”Ngiting saad niya. Tumango ang mayor doma wala na siyang sinabi pa at nagakad papalayo.

Nang maiwan na siyang mag-isa  ay inumpisahan na niyang maglakad habang dinarama ang init ng araw at ang malamig na simoy ng hangin.

“Nais niyo rin bang matulad kay Manding at sa iba pa niyang kasamang namatay, gusto niyo na rin bang mawala?!”Natigil sa paglalakad si Joeliamo nang marinig ang napakalakas na bulyaw na ‘yon na nanggaling sa ‘di-kalayuan.

Napalingon siya sa bukirin at natanaw niiya ang ilang mga kababaihan at kalalakihan na nakaluhod sa hrap ng isang guardia civil.

Napakunot ang noo niya sa gulat nang biglang hatawin nito ang isang lalaking payat nang hawak nitong makapal na lubid dahiln upan mapahiga sa sakit ang lalaki. Samantala, umiiyak naman ang isang babaeng katai nito at niyakap ang namimilipit na lalaki.

Hindi makatarungan ang ginagawa ng mga ito, ginagamit nila ang kanilang mga katayuan sa buhay upang makapanakit at magparusa. Walang nagawa si Joeliano kung hindi ang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad, hindi niya naman maaaring kwestyunin o pakialaman ang mga ito sapagkat siya rin naman ang mapapahawak.

“Mag madali kayo at ipagpatuloy ninyo ang inyong mga ginaawa. Sa oras na masumpungan ko na isa sa inyo ay nagpapahinga…sinuman sa inyo ay matutulad sa inutil na ito!”sigaw pa nito sabay turo sa lalaking hindi pa rin makatayo dahil sa sakit ng katawan.

Pikit mata siyang nagpatuloy sa paglalakad at hindi na niya nilingon pa ang pangyayaring iyon. Mabigat sa kaniyang kalooban ang kaniyang nasaksihan lalo pa’t walang kakayahang gumanti ang mga taong iyon, ngunit wala rin siyang magagawa upang ipagtanggol ang mga pobre.

“Ina?”gulat na sambit ni Joeliano nang makita ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid. Nakaupo naman sa gilid si Doktor Julio na kasaalukuyang nakatingin sa kaniya. Hindi niya inaasahan bibisita ang mga ito ngayon kaya gano’n na lamang ang kaniyang pagkagulat.

 “Bakit biglaan po yata ang inyong pag bisita?”tanong niya at saka niya inabot ang kamay ng kaniyang ina at nag mano.

“Hindi lamang kami basta bumisita Lanong, tumakas kami mula sa mga merikano na nanakop sa ating bayan”nag-aalalang tugon ni Polonya at napatingin ito sa kaniyang ama.

Napakunot naman ang noo ng binata, ang kinalakihan niyang bayan ay napasakmay na rin ng mga mananakop.

“Usap-usapan din ‘yan kanina nina Heneral Edilberto at ng iba pang kawani ng pamahalaan. Sigurado akong nakarating na rin ito sa gobernador sa Dasmarinas,”turan ng doktor at saka ito sumimsim sa kaniyang hawak na tasa.

“Ina?!”Napatingin silang apat sa hangdan at nakita nila roon si Joselito na tuwang tuwa habang nakatingin sa kanila. Nagmadali itong bumaba at makalapit kay Donya Palma.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status