Share

Kabanata 1

Zhakia's POV

"Good night, sweetie. Sleep tight." 

My mother kissed me on my forehead before leaving me inside of the dark room. The darkness filled my vision as my eyes wandered around it. Hindi ko alam kung bakit ganoon kaganda ang kadiliman sa aking paningin. Hindi nila gusto ang itim. That is why I am curious what is really symbolizes the darkness. Is it danger or peace? Or Both? 

Sabi ng mga magulang ko, hindi raw nakabase sa kulay ang mga bagay-bagay. The darkness doesn't symbolizing danger. The red is not for blood and death. And the white doesn't represent the peace and freedom. It is only your eyes and how will they give meanings to things and its colors.

"Sa 'kin po 'to?" natutuwang tanong ko at tiningala ang aking ama. They gave me bow and arrows! 

Naupo siya sa dulo ng makipot kong kama habang nakangiti sa akin. Si Mama naman ay nanatiling nakatayo sa kaniyang likuran. My smile widened. My father nodded.

"Oo, sa iyo 'yan. At tuturuan kitang gumamit ng pana at palaso," he answered.

Natuwa naman ang bata kong puso. I was raised to be brave with a high principle. I always wanted to discover things. Sa edad na limang taon, natuto akong makibaka sa mga tao at naging mulat sa aking paligid. Where the poverty is your number one hindrance to everything. Kung saan, ang kayamanan ang sumusukat sa paglinang mo sa sarili mong abilidad...

Limitado ang kaalaman ng mga mahihirap at walang pera para makapasok sa Kastello. Hindi malakas kumpara sa kanila. Laging nakayuko at hindi sila maaaring tingnan nang deretso. Mahistrado. Reyna. Knights. At ang mga kawal. Lahat sila ay may taglay na kaibahan sa aming taga-Ramayana. Mayayaman ang mga nasa Kastello, nandoon din ang lahat ng makakapangyarihang tao. Kabaliktaran naman sa Ramayana.

But no, I would never be afraid of them... 

"Gusto kong makapasok si Zhakia sa Kastello, Zandra," my father said to my mom.

I was secretly listening to their chitchats. Gabi na at alam nila ay tulog na ako. I could not sleep and just decided to go outside for a drink. However, I heard my name so I hid myself and overheard their conversation.

"P-Pero.."

I heard my father sighed. "Gusto ko para mas lumakas siya. Para maging kampante akong kaya niya na kahit wala na tayo.."

Sinilip ko sila at naabutan kong yakap na ni Mama si Papa, mula sa likuran. Nangunot ang aking noo.

"Hindi nila papabayaan ang ating anak..."

Nila? Sinong nila?

My father was always mentioning that thing. I just could not get the point. Mawawala sila. Na gusto nila akong matuto nang maaga para maging handa ako sa mangyayari. Did my father saw my future? Our future? Eh, wala naman silang kapangyarihan para masabi ang kung anong mayroon doon. They forced me to fight and to learn things differently even if I was young and should be naive. Pero hindi ako nagreklamo, sa katunayan, gusto kong matuto sa lahat ng larangang pandepensa...

"Focus, anak." Inayos ni Papa ang pagkakahawak ko sa aking pana.

Hindi kalayuan ang aking patatamaan dahil hindi pa naman ako ganoon kagaling at kahusay. Seryoso kong bininat ang pana habang naniningkit ang aking isang mata. 

My father was only behind me for everything. Dalawa sila. They supported me to anything. Hindi sila nagkulang. Walang mintis ang pagmamahal. That is why I love them both more than myself. They are the only things I can treasure. Walang kayamanang kayang tumumbas at walang abilidad na kayang ipalit.

"Very good! One more!" He clapped his hands when I got the bull's eye.

Bumunot ako ng palaso sa quiver — na nasa aking likuran at nakasakbit sa balikat. Bumuntonghininga ako at muling binuhos ang atensyon sa target. Sapul.

"Kumain muna kayo!" We heard my mom shouted from our house.

Binaba ko ang pana at nagmamalaking napangisi sa aking ama. Tinaasan niya naman ako ng kilay at ginulo ang aking buhok.

"Balang araw, matangkad na rin ako!" nakangusong aniko dahil nakita ang diperensya ng aming tangkad. 

Hindi pa ako umaabot sa dibdib ni Papa! 

He smirked. "Kaya matulog ka nang matulog para lumaki ka, anak."

"Opo!" masunuring tugon ko.

I always chose to obey what they want. I enjoyed it, though. How they raised me was not that easy but I love every lesson they had brought. I grew up without friends or anyone beside me. Hindi naman nila ako pinagbabawalan pero mas gusto kong manatili lang sa bahay. I love my armors and to learn defenses. That was my only friend. Dahil pakiramdam ko kapag may kaibigan ako, mabigat lang sa loob.

"Mama, bakit hindi po kayo pumasok sa Kastello? Ang gagaling niyo po kaya makipaglaban," utas ko at kinuha ang papel na eroplano sa kaniyang kamay, siya ang gumawa at nagpalamuti..

Her smile faded as her eyes narrowed a bit. "Ayaw ko. Masyadong malakas si Mama para sa lugar na iyon, anak," she joked.

I frowned. "Sayang po kayo ni Papa!"

Kastello is the place for the people who have healthy pockets. Ang bayan ng Ramayana naman, bahagi pa rin ng Halveria, ay nagsisilbing tirahan ng mga mahihirap o simpleng mamamayan. Walang school para sa pagpapaunlad ng kakayahan namin, sa Kastello lang. Kaya nga halos maging katulong kami ng mga tao roon. 

Maaarte. Mayabang. Minamata rin ang mga katulad namin.  I do not like them. And I want to prove a thing, someday. Na hindi lang sila ang may kakayahang lumakas hanggang marating nila ang tugatog ng abilidad nila. My father wanted me to study there but I refused. Iyon lang 'ata ang gusto nila para sa akin, na tinanggihan ko.

"Anak, mas matututo ka roon. Makakakilala ka ng mga taong malakas, mas malakas pa sa amin!" kumbinsi ni Mama.

I shook my head. "Ayaw, Ma. Dito lang po ako."

Ayaw ko mahiwalay sa kanila! Hindi ko naman sila masasama sa lugar na iyon. At saka, I do notlike the people living there. 

"Zhakia, anak, mas magiging maganda ang buhay mo roon. Hindi ba, sabi mo, gusto mo maging super hero?" ani naman ni Papa.

Nakaupo sila sa magkabilang gilid ko habang nakahiga naman ako sa makipot kong kama. 

"Ayaw po. Dito lang po talaga ako, Papa," tanggi ko.

Sabay silang napabuntonghininga at nagkatinginan. Ngumuso naman ako at napatingin sa aking kamay na nasa ibabaw ng aking tiyan. I know I should obey them but I just could not. Iyon lang ang gusto ko at sana tanggapin nila. They kept on pursuing me about that but I refused over and over again...

Napadaing ako nang mapaupo ako sa lupa. Habol ko ang aking hininga habang masamang tiningnan aking ama. We were swording and he was teaching me how to master it.

"Mas gusto ko po ang pana at palaso, Papa!" reklamo ko.

I was only nine years old! But he battled against me like I was his real opponent! 

"Mas magagamit mo ang isang iyan, anak," matigas na sabi niya. "Stand up!"

Napapangiwi naman akong sumunod sa sinabi ni Papa at muling hinanda ang sarili sa pag-atake. I swallowed hard, twice, and copied my father's posture and stance. I idolized my father for being brave and smart. Kaya naman ginagaya ko ang bilis at galing niya sa pagdepensa. Hanggang sa lumipas ang mga taon at mas naging hinog na ang aking pag-iisip. I always wished for their satisfaction, happiness, and long lives. Kaya naniniwala talaga akong kapag naging masunurin ako sa aking mga magulang ay tutuparin din ng kalangitan ang kahilingan ko. At iyon ang kaligtasan nila...

I looked up to the sky and traced the stars using my index. Binuo ko roon ang pangalan ng aking Mama at Papa.

"Sana maging mas malakas pa ako... pagdating ng panahon.." nakangiting wika ko.

That was my wish. I want to be like them. I want them to be proud. I want to be brave. At alam kong matapang ako dahil sa kanila. At mahina naman, kung wala sila sa tabi ko. 

"May mas ilalakas ka pa talaga, anak, kapag pumasok ka sa Kastello," tugon ni Papa.

Napangiwi naman ako at tiningnan siya. Nasa kanan ko si Papa habang sa kaliwa ay si Mama. 

I knew what he was pertaining to. Ang mga magulang, na may pera, ay mas pinipiling papasukin ang nga anak nila roon. Iyon ay dahil limang taong gulang pa lamang ay sinasanay na ang mga ito, binabanat na ang mga buto, para sa naghihintay na pagsubok. Isang proseso kung saan doon susubukan ang iyong lakas, matitira ang matitibay at mabubuhay ang malalakas. 

Ang Kastello lang ang may kakayahang makapagturo niyon sa lahat ng tao rito. Wala ng iba. Hindi ko alam kung anong sistema nila pero, siguro nga, malalakas sila at mayayaman.

Bumuntonghininga ako. "Hindi ko po talaga gusto. I love this place po.."

"Eh, hindi ka naman aalis sa Ramayana, anak. Saka nasa Halveria ka pa rin naman. Kastello lang 'yon. Pwede kang dumalaw rito kahit kailan mo gustuhin," kumbinsi ni Mama.

Umiling ako. "Dito lang talaga."

Ang Halveria ay nahahati sa dalawa. Ang Kastello at ang Ramayana. There are cities out of our town but I do not know what are their names. Ang mahalaga, sapat ang kaalaman ko sa paligid at nangyayari sa loob ng Halveria.

"Ang mahihiling ko lang ay makasama pa kayo... Balewala ang lakas ko, kung wala naman kayo sa tabi ko." Napangiti ako at parehas silang nilingon.

Hindi ko mawari kung ano ang emosyong binibigay ng mga mata nila. My smile widened and they responded...

Minsan naiisip ko ang kalagayan ng mga batang sumasabak sa isang matinding ensayo. Ano kayang naiisip nila? Hindi ba... masyado pa silang bata para sa mga ganoon? Nagkaroon ba sila ng hinanakit? What is the purpose of that? Hindi ko maintindihan. Kung bakit isinasakripisyo nila ang mga buhay nila, sa murang edad. Kapangyarihan at kalakasan ba ang siyang dahilan? Ngunit, bakit?

I watched them raising their brow with disgrace and arrogance while surveying our small place. Nasa pamilihan kami ng Ramayana at sakto namang may limang mga taga-Kastello ang naglalakad at pumapasada sa aming munting lugar. 

I frowned and looked up to my mother who was watching them too. We were waiting for my father to finished his work — nagtitinda ng mga isda na nakalagay sa bayong. Lahat ay napapatigil sa ginagawa at tumitingin sa mga taong iyon. I saw how their eyes glittered with amazement and respect. Parang ngayon lang sila nakakita ng mga ganoong tao. Napatingin akong muli sa mga taong iyon. 

They were wearing a formal coats and trousers. Lima sila. Dalawang babae at tatlong lalaki. And they were strolling around with head held high and bragging out their expensive things along with their authority.

"Mama, kilala niyo po ba sila?" 

Halos kasingtangkad ko na si Mama kahit wala pa ako sa tamang edad. She looked at me then smiled.

"Hindi, anak. Bakit? Ang lakas ng dating nila, ano?" Nabahiran ng pagkamangha ang salita niya.

Napangiwi ako at nagkibit-balikat bago binalik ang tingin sa limang taong iyon, na nakalagpas na sa direksyon namin. Maputik ang daanan at hindi sementado kaya nakita ko ang mga babae na napapangiwi. Ang mga lalaki naman ay seryoso, kunot na kunot ang mga noo. I do not  get these people and how they look to them with adorations and fear. Kung ako tatanungin, normal lang naman sila. Pantay-pantay, walang nakakaangat, at walang nakabababa... 

"Normal lang din sila, Ma, gaya natin." Ngumiti ako sa kaniya.

Umiling siya nang umiling. "Sabi mo iyan, 'nak."

"Zandra! Mauna na kayo! Matatanghali ako rito," sabi ni Papa.

And that was the sign before we decided to go home. Ang papa ko lang ang nagtatrabaho para sa amin. He could lift us up by the help of his job. Kapos din kami, hindi lang halata. The foundation of our happiness was not relying to the golds or any expensive things. Masaya kami kahit walang wala. We always feel blessed because we were complete. 

Ang dahilan na buo kami ang nagbibigay ng kakaibang saya. Sayang hindi ko makukuha sa kahit na sino...

"Wow.. Ang sarap po ng luto mo, Mama!" puri ko.

They both smiled at me. 

"Talaga, anak? Kakain ka ng marami?" tugon naman niya.

I nodded. "Totoo po! Kaya ko pong ubusin lahat!" pagmamalaki ko.

"Tama 'yan, Zhak, para mabilis kang lumaki," my father said while smirking.

We enjoyed the time having lunch together. Ano pa nga bang bagay ang mahihiling natin para sa pamilya? Iyon ay ang kasiyahan ng bawat miyembro. Iyon ang manatiling buo at kuntento.

Wala na talaga akong mahihiling pang iba, kung hindi ang kaligtasan at kasiyahan namin. Hindi man kami kasing yaman ng mga nasa Kastello, busog naman kami sa pagmamahal. Hindi man ako namulat sa nagpapalakpakan na salapi, may mga magulang naman akong sapat na sa akin at tinuruan pa akong makuntento sa mga bagay na meron ako...

"Wow. Marunong kang gumamit niyan, Zhakia?" manghang tanong ng mga kababata ko.

Napatingin ako sa hawak kong pana at palaso bago ko nailipat ang mata sa kanila. Lima silang kasing edad ko lamang, bakas ang mangha sa aking hawak, hindi rin maitatanggi ang pagkatuwa. 

"Oo.. Kayo ba?"

They shook their head. "Hindi. Hindi kami tinuruan ng ganiyan ng mga magulang namin.." sagot ng isa sa kanila, lalaki.

Nagtaka ako. Bakit, ako, tinuruan?

"Hindi ba, sa Kastello lang sinasanay ang mga ganiyan, Zhak?" nakangiting tanong naman ng isang babae.

My head once moved from left to right. "Kung gusto ninyo namang aralin, maaari ninyong aralin. Walang makapipigil sa inyong sumubok."

"Pero..." Ngumuso ang babae. "Wala kaming ganiyang gamit."

Noong hindi ko pa gusto ang mga bagay na ganito, nakararamdam ako ng inggit sa mga kasing edad ko. Dati ko pa napapansin ang kaibahan ko sa kanila. Sa pagkakaalam ko pa'y bihira lang ang marunong dumepensa rito sa Ramayana. Bakit, sila, nakukuha nila ang maglaro sa labas? Habang ako, nag-eensayo?

Although, I am really satisfied with my childhood memories. Hindi ko man nakuha ang maglaro nang maglaro gaya nila, naranasan ko naman ang hirap kasabay ng pagkatuwa. Eventually, the armors my parents gave to me, turned as my playing materials and hobby. Kani-kaniya naman siguro kami ng pagbuo ng mga inosenteng memorya, hindi ba?

Sabi ni Papa, magagamit ko ito sa hinaharap. Ano ba ang nasa hinaharap? Sabi ni Mama, matututo raw ako sa larangan ng pagdepensa. Ngunit para saan naman?

Sa kabila ng aking mga katanungan, mas pinili kong makisabay sa kagustuhan ng aking mama at papa. I also love to play with it. Maybe they were right, that I will use those armors too. They taught me how to be strong with justice. How to be brave with the righteousness...

Lumabas ako ng bahay nang marinig ang sari-saring bulungan sa labas. Nagkumpulan ang mga tao sa kalsada, na tanaw ko mula sa bukana ng aming bahay. Kumalabog nang malakas ang puso ko sa hindi mapaliwanag na kadahilanan. 

"Z-Zhakia!"

"Lumabas ka riyan, hija!"

Iyan ang sigawan ng ibang mga tao. At mas lalo niyong pinakaba ang loob ko. I walked slowly and I could feel the loud beating of my heart. Hindi ko maintindihan kung bakit ang iba'y umiiyak, nalulungkot, nag-aalala, nagtataka, halo-halo. Ang emosyong nakikita ko sa mga mata nila habang nakatingin sa iisang direksyon ay nagdulot ng nakapanlalambot na enerhiya sa aking katawan.

At ano nga ba ang hindi naituro sa akin ng aking mga magulang?

Wala silang pagkukulang. Hindi nila ako binigyan ng dahilan para humiling pa. Lumaki ako nang busog, may damit, at malusog sa pagmamahal at kalinga nila...

My knees fell to the ground as my eyes looked at them with so much disbelief and grief. The crimson blood splashed on the soil, already clotted and thick. Their eyes were closed and I knew that it will not open again.

Pinatay nang walang awa ang aking mga magulang, sa hindi ko malamang kadahilanan. Saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Ngunit mas malala ang tama sa kanilang sikmura. Halos mapugto ang aking hininga habang nakatingin sa kanila. Ang bigat sa damdamin pero hindi ko mailabas at nanatili lamang tulala.

Sino ang may gawa? Ano ang luwasa't hulo?

Hindi sila nagkulang. Sa katunayan ay naging sobra pa sila. Tinuruan akong maging matatag at makipaglaban. Pero, bakit hindi nila ako tinuruang maging malakas nang wala sila sa tabi ko? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status