Share

Kabanata 2

Zhakia's POV

Sa sentro ng Ramayana, marahang nagsipagyukuan ang mga tao na halos masubsob pa ang mga mukha sa maputik na kalupaan. Agad akong napatingin sa paparating at hindi na ako nagulat kung sino ang mga iyon.

The trained people of Kastello having a parade, one row for men and one for women. Along with their authority, power, and positions. Their feet were stepping simultaneously and making a sound like gallops of a horse. I stiffened when my eyes noticed the three carriages with one complete armored horse each...

Ako ay kumakain sa isang kainan nang mapuna ang pagyukod ng mga tao. At batid ko na kung bakit.. ang tatlong mahistrado ay paparating, kasama ang mga kawal ng Kastello. 

Mesmerized, I did not noticed that I was still standing and looking straight to all of them.. not until that my gazes met a pair of orbs. My heart stopped from beating when I realized who owned that, the head magistrate! 

At alam ko ang batas ng mundong ginagalawan ko. Agad akong yumuko at nagbigay ng galang. Napanis ang kaba sa aking dibdib at napalitan ng kakaibang emosyon. Narinig ko ang pagtigil ng mga yapak, simbolo ng paghinto ng mga ito sa pagtahak ng daan... Ngunit, bakit?

"Ang dumi ng inyong kapaligiran! Hanggang kailan namin mapupuna ang ganitong karumihan ng inyong munting bayan?!" Baritonong sigaw ng hindi ko matukoy na lalaki, ngunit alam kong isang kawal.

Walang sumagot. Mas lalong tumahimik ang buong lugar. Namuo ang tensyon at batid kong kinakabahan na ang mga tao. Wala naman akong maramdaman iba kung hindi pagtataka...

"Pumarito kami upang ianunsyo ang nalalapit na pagbubukas ng Kastello, para sa mga taong nais na maging tagapagsilbi. Ang iba ring may kaalaman sa panggagamot ay nais naming kuhanin, upang gamutin ang mga taong napuruhan sa isang matinding ensayo," litanya ng parehas na tinig.

Whispers occurred from their mouths but still bowing their heads and refused to look at them. Some were happy with that news. However, I felt nothing but dismay and a little piece of rage...

Mayaman sila sa tao, pera, at kapangyarihan. Ngunit bakit hindi sila makagawa ng sarili nilang utusan? Pumunta lang ba sila rito para diyan? Mga walang kwenta. Bakit hindi na lang din sila magpabayad sa isang pagsasanay ukol sa mga simpleng gawain sa buhay? Hindi ba ay sa bayad naman sila magagaling? Kung ganoon, marapat lamang na magkaroon din sila ng ensayo para sa mga utusan, gamit din ang kanilang mga tao at hindi kumukuha lamang sa lugar na ito.

"Magsitayo ang lahat at kami ang mamimili!" 

Agad na sumunod ang mga taga-Ramayana. Nangunot ang aking noo at marahan ding tumayo. Nanatiling yuko ang aming mga ulo. Dahil isang kasalanan ang pagtingin nang deretso sa kanila. Lumibot ang mga kawal, mapababae man o lalaki. Siniyasat ang mga taong walang laban, nakipagtitigan ngunit walang nagawa ang iba kung hindi ang umiwas ng tingin. Pagkatapos sipatin ay sapilitang hinihigit at isinasama sa iba pang napili. Bakit ganoon? Bakit sapilitan? Mga gahaman!

"Ikaw." mariing anang babaeng kawal sa akin.

My eyes stayed on the blank, refusing her gazes like what their law is saying. I don't know what is the purpose of that command. For me, it is nothing but a ridicule one. It only symbolizes the big difference and distance of our statuses. Bakit nga ba ginagalag at niyuyukuan ang mga iyan kung pare-parehas lamang kaming mga tao rito?

Hinigit niya ang aking braso ngunit agad akong nagpumiglas. Tiningnan ko siya nang deretso sa mga mata at nabahiran siya ng pagkagulat dahil sa aksyon ko.

"Tsk. Ayaw ko," sabi ko at bumalik sa pagkakatayo ko kanina, tumitig muli sa kawalan.

"Hangal! Isa itong kautusan!"

Sinamaan ko siya ng tingin, mas lalo lang siyang nagitlahanan. "Sino ka naman?" inis na sabi ko.

Wala akong ibang susundin kung hindi ang aking mga magulang! Kung gusto nila akong kuhain, papuntahin nila sa harapan ko ang Mama at Papa ko at sila ang magpipilit sa akin! 

Her hard fist almost reached my face but I immediately avoided it. Pumunta sa kanan ang aking ulo at tumama sa hangin ang kaniyang kamao. 

"Wala kang galang sa mas nakatataas sa iyo!" sigaw pa niya sa mukha ko, binunot na ang espada mula sa kaha nito.

Sinabayan ko ang titig niya. Dumatal ang bulungan sa paligid, ang ibang tao ay nagugulat at sinasaway na ako. Ngunit hindi ko nagawang matinag. Labis pa ang sakit na dala ng pagkawala ng aking mga magulang, at wala akong ibang maramdaman kung hindi iyon. Napunan ang lahat ng espasyo sa damdamin ko at wala na akong maramdaman pang iba.

Sa isang iglap, mas umugong ang ingay nang magkumpulan ang mga kawal sa aming direksyon. Tinutukan ako ng mga palaso at ng kanilang mga espada. Nagtiim ang aking bagang.

"Alam mo ba ang kapalit ng iyong mga ginawa?" mariin na sigaw pa nito.

"Maybe."  

"Marapat kang paslangin!" 

Akma na niya akong gigilitan nang may tumama nang palaso sa gilid lamang ng aking pisngi. At tila may simbolo ang palasong iyon dahil natigilan sila at napatingin sa iisang direksyon. Nangunot ang noo ko at bahagyang napanguso, napatingin din sa direksyong tinitingnan ng mga ito.

"Enough!" 

The man appeared infront of me, shouting that word sharply. Siya ang tinitingnan ng mga kawal at siya rin ang may hawak ng pana. Agad na yumuko ang mga ito sa sigaw na iyon, binaba ng babae ang espada niya at tumayo nang tuwid. 

My eyes met his orbs. His face has nothing but only darkness. I swallowed hard when I reached what's on his ring finger... Sinabi niyon na mas mataas siya sa mga nakapaligid sa akin. Gayunman, nakuha ko ang mamangha kaysa ang kabahan.

"Who gave you that thing?" Dumapo ang mata niya sa kung anong hawak ko at nakasabit sa balikat ko.

Hindi ako sumagot.

"Kapag inulit ko ang tanong, ako ang papaslang sayo." Nagdiin ang kaniyang panga ganoon din ang paningin niya sa akin.

"Mga magulang ko," sagot ko.

"And where did you get the guts to answer me like that and all of my people here?" 

Tinitigan ko lang siya kahit alam kong isang pagbabawal. Nangalit lalo ang kaniyang ekspresyon. The smirk curved on his lips sarcastically.

"Matapang ka, babae," matamang aniya at tinalikuran ako.

He motioned something I don't know. But I just found myself being dragged by 'his' people. Pilit akong umangal at nagpumiglas ngunit masyado nga silang malalakas.

Bata pa lang ako nang turuan ako ng aking mga magulang na gumalang at tingalain sila. Ngunit hindi ko iyon makuha-kuha. Bakit ko naman gagalangin ang kahit na sinong hindi patas sa mundong ito? Halos gawin nga kaming bihag ng mga ito, sinong hindi maghihimagsik? Anong karapatan nilang ganituhin ang mga katulad namin gayong hamak na parehas lang ang aming mga karapatang pantao?

Walang nagawa ng mga taga-Ramayana kung hindi ang manahimik sa kanilang kinalalagyan. Napuno ng simpatya ang mga mata nila sa akin. Umiiling ang mga ito, simbolo ng aking pagkakamali. I almost laugh with their afraid faces. Who told them to bow their head infront of these animals? The law they were unfairly created? 

Sila lang ang gumawa ng batas na iyon, kaya bakit namin obligasyon ang sundin iyon gayong ni hindi namin alam na may binuo pala silang ganoon? Sino sila para sundin ko? May kapangyarihan silang hindi namin makukuha, oo, pero sapat na ba iyon para gawin nila kaming alipin? 

Tunay ngang talo ng kapangyarihan ang karapatan...

"Eevina," tawag ng isang mahistrado.

Agad na lumapit ang kawal na babae. Natutuliro lamang ako sa kanilang direksyon habang nakaposas ang parehas kong kamay. Ang tatlong mahistrado ay nakaupo sa kanilang mga trono, ang ibang mga tao ay nakaupo sa paligid ng malaking kwadradong lugar na ito. 

Isang parusa para sa sarili nilang batas. Ngumisi ako at napailing.

"Pinag-uutos kong kalabanin mo siya. Ang matira ay matibay. Ang matalo, mamamatay. Naiintindihan mo ba?" 

What? Dumapo ang paningin ko sa Eevina'ng iyon at naabutan ko siyang nakangisi at mayabang akong tinitingnan. Nagtiim ang aking bagang. At ano naman ang laban ko riyan? Sama ng loob?

"Masusunod, pinuno."

The magistrate faced me with his head held high. Deretsong tumusok ang tingin niya sa akin at pakiramdam ko pa'y pati iyon ay may dumadaloy na kapangyarihan. Akalain mo nga namang pati ang mga mata nila ay nagsusumigaw ng kataasan?

"At dahil ika'y matapang, wala kang gagamiting kahit na anong armas. Makipaglaban ka nang bulag at walang laban-

"Hindi kayo patas, kahit kailan!" sigaw ko na dahil sa galit.

Hindi nagbago ang reaksyon ng mga mahistrado. Napuno ng ingay at batikos ang kabuuan ng lugar dahil sa aking tinuran. Naging alisto ang mga kawal sa paligid. Para saan pa't sundin ko sila gayong alam ko nang matatalo ako sa labang tinutukoy niya at doon na mamamatay?!

"Walang ibang susundin kung hindi iyon-

"Patayin niyo na ako ngayon, kung ganoon." Ngumisi ako.

He also smirked. I know that the three magistrate are old but there's still something on them that shouting their power. Sa mga simpleng galaw ay hindi mo masasabi ang katandaan. 

"Sa oras na naipanalo mo ang laban, makakatanggap ka ng isang gantimpalang pita ng ninoman.."

"At sino namang nagsabi sa inyo na gusto ko nga ang gantimpalang iyan?"

"Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sundin! Ilabas niyo siya at dalhin sa kagubatan! Simulan na ang laban!"

Nagsipagkilusan ang mga utusan at agad akong dinakip muli. They forced me to stand up and dragged to somewhere I did not even know. Sa gitna ng isang gubat kung saan tanging may kataasan na damo lang ang makikita...

People living in Ramayana always want to be like them. Always wanted to enter the Kastello even if they would be just one of their slaves. They are really powerful for they have already faced a lot of obstacles only at a very young age. The Kastello is really dangerous. Ang mga karatig bansa ay tinitingala rin ang mga ito.

Ang mga kawal ng iba't ibang parte ng mundong ito ay walang panama sa lakas ng mga tauhan sa Kastello. Ang iba pa ay dito lang din nanggaling sa Halveria, ipinadala lamang sa ibang lugar at doon nagsilbi. 

Kastello, ang tirahan ng mga makakapangyarihang tao sa mundong ito. Ang mga mahistrado na pinuno ng mga pinuno sa bawat lugar. At ang mga Knights, na siya namang nagpoprotekta sa lahat ng mamamayan. Sa mura kong edad, lagi sa aking pinapaintindi ng aking mga magulang ang ginagawa nila. Pagwika pa nila'y dapat lang na maging mas matigas pa sila sa bato at magmukhang katatakutan dahil sa iisang dahilan. Hindi para takutin ang tulad namin...

Kung hindi para sugpuin ang kasamaang paparating... Ano nga ba iyon at bakit pakiramdam ko'y dapat ko rin itong pangambahan?

Panay ang iwas ko sa mga nakaambang pag-atake ng kalaban. She was using her sword while I had nothing but only myself. What an unfair punishment! Bakit ako pinalaban sa pangunahing kawal gayong mahina naman ang isang tulad ko? Bakit hindi rin ako binigyan ng armas para magkaroon naman ako ng laban sa isang ito?!

"Tapusin na natin 'to. Hindi ka karapat-dapat sa isang butil ng pawis ko," mayabang na aniya.

Inis ko siyang tiningnan. "Sa pawis, hindi. Pero sa dugo, oo."

I learnt so many things from my mother and father. How to be brave. How to be strong. How to think of things fairly. Kulang ang lakas ko. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga magulang ko... naiisip kong ito ang isa sa bagay na iniwan nila sa akin. Ito ang mahalaga sa kanila at ito ang gusto nilang dalhin ko, ang katapangan. Hindi ako malakas pero sapat ang katapangan. Hindi ako kasing husay nila ngunit pinalaki akong hindi nagpapatalo...

She raised the sword and I got it as my chance to kick her pulse. As expected, her sword flew away from us to the right. Faster than one blink, my foot landed on her face causing her to sit down on the soil. Sugatan na ako dahil sa pagkalugi ko sa kaniya. At kung tutuusin, halos dalawa pa lang ang naging tama ko sa babaeng ito. I ran as fast as I could and took the sword...

Nangilid ang aking luha, sumaging muli ang alaala ng aking Papa at Mama. Only if they could see now, fighting like what they wanted and applying all of what they had taught to me... I am sure that they would be happy. At sa pagtapat ko ng tulis ng espada sa kaniyang leeg, batid kong kahit wala sila... kaya kong manalo at lumaban. Kaya kong tumayo at hindi magpatalo. Kaya kong ipagpatuloy ang nasimulan... kahit wala na sila sa tabi ko.

I won but still not satisfied. And I don't even have a plan to accept what the magistrate would give to me, according to his words the last day we faced each other. I wanted to win just to prove a thing. That I, from Ramayana, have the bravery to kill them. Na hindi ang isang tulad ko ang luluhod at magpapakumbaba sa kanila. Na kaya ko, at ng mga taong gaya ko, ang lumaban sa ni sinuman sa kanila...

"Magsasanay ka rito, sa ayaw at sa gusto mo."

"Hindi! Hindi ko susundin iyan at hindi ko matatanggap iyan!" mariing sigaw ko na.

Bakit sa isang pagkakamaling iyon ay aalukin nila akong maging parte ng isang grupo? Ang dami nilang in-ensayong tao para sa ganoong posisyon ngunit bakit ako pang tinaguriang mangmang sa mga paningin nila?! 

Napatingin ako sa mga tao na nakakarinig sa lahat ng mga kalokohan nitong tatlong mahistrado. Nagsalubong ang mga kilay ko at pinukulan uli nang masamang tingin ang mga nakatataas. 

Ang tatlong mahistrado: ang panguna, pangalawa, at puno. Ang karunungan, katarungan, at kaunlaran. Hawak nila ang singsing na may pinakamataas na kapangyarihan. Dapat nga silang katakutan ngunit anong meron, bakit wala akong ibang maramdaman?

Tumayo ang nasa gitna at doon, napako ang paningin ko sa kaniya. He also looked at me intently with nothing etched on his face. Iyon ang walang emosyong mukha ngunit kusa mong mababatid ang nais nitong ipahiwatig. Wala kang mababasa ngunit sa isang sulyap ay tila nanganganib ka na. Siya ang punong mahistrado, dahil sa simbolo na matatagpuan sa kaniyang damit. 

The two powerful swords that formed a cross. Ang karunungan.

"Alam mo ba kung bakit ikaw ang inaalok namin ng ganito?" Hindi ko inakalang pati ang boses nito'y ganoon na lamang kalalim.

I shook my head, still stiffened. He smirked and looked to all of the people watching us. Nagsitahimikan ang lahat mula sa bulungan dahil sa simpleng paglibot ng kaniyang paningin. In the end, his piercing orbs stayed on the people infront of the three thrones. Mataas ang kinalalagyan ng tatlong matataas. At sa baba niyon ay ang isang hilera kung nasaan naman ang mga Knights at ang reyna. Sumunod na hilera ay ang mga pangunahing kawal. Nakapalibot ang mga manonood o 'yong mga taong walang ginawa kung hindi ang magbulungan. 

While I was at the middle of the huge quadratic chamber and surrounded by them. A cuff that made the both of my pulse collide. The big and heavy chains that, I knew, has a power.

"Tinalo mo ang isa sa matataas na kawal-

"Dahil ayaw kong mamatay pero hindi ibig sabihin niyon ay tatanggapin ko iyan," mariing sabi ko.

His head tilted. "You have nothing to do but to follow our command!"

Dumagundong ang sigaw na iyon sa kabuuan ng lugar. Maging ang tainga ko'y gustong mabingi dahil sa takot.

"Hindi kami isang hangal para tanggapin ka nang ganoon kadali sa lugar na ito. Ang babaeng hinarap mo ay minsan nang kumalaban sa mga mababangis na hayop na limang beses ang laki sa katawan mo. Sinalo ang mga palasong  pinatama ko at minsan nang hinarap si kamatayan," mariin pang dagdag nito.

Hindi ako nakapagsalita. And what's his point by saying that?

"At ikaw na isang mahirap lamang ay natalo ang isang bihasa sa pakikipaglaban. Sa dami ng pagkakamaling ginawa mo, wala kang magagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ko. Naiintindihan mo?"

Umiling ako. "Bakit hindi kayong maghanap muli para sa puwestong iyan?" Ngumisi ako. "Hindi ko matatanggap iyan.."

"I said, you have nothing to do but to accept it." Ngumisi siya. 

"Napakadami mong ginawang kasalanan. Kulang ang mga daliri sa isang kamay para sa mga nagawa mo. Ngayon, maganda na ang ipinapatong sa iyo, anong dahilan mo't hindi matanggap iyon?" sabat ng reyna.

"Dahil ayaw ko sa responsibilidad."

Dahil ayaw kong matulad sa inyo. 

Dumaan ang maraming pagkuryente at pamimilit sa akin na halos muntikan ko na ring ikamatay. Pero... hindi ko alam... hindi ko alam kung bakit alam ng mga ito kung paano ako paiikutin. Kung paano ako bibigyan ng dahilan para tanggapin nga iyon. Hindi ko alam kung paanong bigla'y gusto ko nang tanggapin, kung bakit biglang gumanda ang alok na iyon sa aking pandinig at paningin...

"Makakamit mo ang hustisyang nararapat para sa pagkamatay ng iyong Mama at Papa. Isa iyang pangako, Castell," seryosong sabi ng punong mahistrado, deretso ang tingin sa akin at tila ba'y sigurado na ang magiging pasya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status