CHAPTER 37

CHAPTER 37

~~~~~ 

Tanging pag-agos lang ng ilog ang aking naririnig. Pinapakalma nito ang buo kong pagkatao. Sa tabing ilog na lang ako nakakaranas ng kapayapaan. Ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat ang nagpaparamdam sa akin na ako ay nabubuhay pa. Kahit naman gustuhin kong mamatay, ay hindi ko magawa.

Dumampot ako ng bato at muling naghagis sa ilog. Nasa malalim na bahagi ako ng ilog at mas malawak ito kumpara sa pinagtatambayan namin ni Selestina. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin sa dibdib. Humihinga nga ako, pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit at pagdadalamhati. Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili. Ngunit walang nangyari.

Mahirap paniwalaan, ngunit totoo. Kung ano man ang kababalaghan na dulot nito, isa pa rin itong misteryo. At ang matandang nagbigay sakin ng biyayang ito ay hindi ko na muli pang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status