CARIÑO ETERNO
CARIÑO ETERNO
Author: Tale of Sol
PROLOGUE

CARIÑO ETERNO

PROLOGUE

Pedro’s POV

Masaya ko silang tinitingnan dalawa habang papasok sa Airport. Nabalitaan ko na sila ay patungo ngayon sa Japan. Doon sila magbabakasyong dalawa. May kirot sa aking puso pero masaya ako na makita siyang masaya. These is one of the happiest moments of my life. Seeing her genuine smile, but not for mine.

Nang tuluyan na silang makapasok sa Airport ay pumasok na rin ako sa aking kotse. Bigla ko na lang napansin na may luha na palang tumutulo sa aking mata. Napangiti na lang ulit ako. Unting tiis na lang matatapos na ang paghihirap na ito.

Nagmaneho na ako papalayo sa Airport at naisipan kong dumiretsyo sa National Museum of Anthropology. Pagdating ko doon ay naglibot-libot ako. Sariwa pa rin talaga ang mga alaala. Niisa wala akong nakalimutan. Habang tinitingnan ko ang mga antigo at lumang mga kagamitan at kasuotan ay para bang bumabalik lahat ng mga pinagdaanan ko.

Muli kong naalala ang aming mga tagpo. Ang bawat salitang aming binitawan sa isa’t-isa. Ang bawat tawag niya sa akin hindi gamit ang aking pangalan.

She is my Greatest Love; she will always be.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status