Share

Kabanata 2

Kabanata 2

PAGKALABAS ni Kali ng university ay nakipag-fist bump siya sa gwardyang dahilan kung bakit siya nakapasok sa eskwelahan. Nang malaman niyang sa unibersidad na iyon balak magkolehiyo ni Alea De Vera, pansamantala niyang iniwan ang ina sa Tondo para manirahan sa Baguio isang buwan bago pa man magsimula ang klase. 

Kinaibigan niya ang gwardyang nakilala niya nang minsan siyang manigarilyo malapit sa eskwelahan. Nang malaman niyang mas madaling nakakukuha ng trabaho ang mga estudyanteng kapos sa pang-aral, agad siyang nag-apply kahit pa dalawang taon na mula nang magtapos siya ng senior high school. Late na rin siya nang matapos at ngayon nga ay bente dos na siya ngunit mabuti na lamang at tinanggap pa siya ng eskwelahan sa tulong ng mabait na gwardya.

Nang makakuha ng trabaho at nalaman ng gwardyang sa istasyon lamang siya ng bus nagpapalipas ng gabi, sinamahan siya nito sa kapitbahay na nagpapaupa ng murang bed space. Dahil kakilala ay advance payment lamang ang binayaran niya rito.

"Yosi muna, Tay Efren," alok niya habang inaayos ang pagkakasukbit ng kanyang lumang backpack sa kanang balikat.

"Hintayin mo na ko patapos na duty. Mag-inuman muna tayo kila Nena."

Tanging tango ang isinagot ni Kali. Kinumusta na lamang muna niya ang ina sa tawag habang hinihintay si Mang Efren. Panay na naman ang ubo nito sa kabilang linya kaya napabuntong hininga si Kali.

"Binili niyo ho ba ng gamot 'yong iniwan kong pera, Ma?"

Muli itong umubo. "Oo, nak talagang natuyuan lang ako ng pawis kanina kaya ganito. Oh, kumusta ka diyan? Kumakain ka ba nang maayos?"

"Ayos naman, Ma huwag kang mag-alala sa'kin. Simula na ng klase sa susunod na araw kaya baka gabi ko na ho kayo matatawagan."

"Ganoon ba, anak? Dibale kapag marami akong nakuhang labada padadalhan kita nang may magamit kang pambili ng mga kailangan mo sa pag-aaral."

Mapaklang napangiti si Kali. Matalino ang nanay niya kaya lang ay dahil kapos sa buhay ang pamilya, hindi nakapagtapos sa kursong engineering kaya naman kahit na ang pinakadahilan lamang talaga kaya siya nasa unibersidad ay para mapalapit kay Alea De Vera, para sa kanyang ina ay tinutupad niya ang pangarap nito.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Huwag na ho, Ma ibili niyo na lang ng bagong damit tsaka pumunta kayo sa parlor ni Pauleen kapag sumahod kayo. Pakulay kayo ng buhok tsaka magpamanicure kayo."

Mahinang humagikgik ang kanyang ina. "Ikaw talaga, anak aanhin ko naman iyong bagong kulay ng buhok at kyutiks kung labandera lang naman ako?"

"Bakit? Masama ho bang magpaganda eh maganda naman kayo napabayaan niyo lang ang sarili niyo."

"Ay naku, huwag mo na nga akong bolahing bata ka. Basta mag-iingat ka riyan, ha? Huwag mong pabayaan ang sarili mo, anak."

May init na humaplos sa puso ni Kali. Tumingala siya upang pigilan ang kanyang emosyon saka siya tumikhim. "Oo naman, Ma. Sige ho, pauwi na rin ako. Ingat ka diyan, Ma huwag mong masyadong papagurin ang sarili mo."

Nang makapagpaalam na rin ang kanyang ina ay sakto namang dumating ang karelyebong gwardya ni Tatay Efren. Sabay silang nagtungo sa sakayan ng jeep sa may Bayanihan park at sumakay pauwi. Nang may matandang babaeng hahabol pa sana at mukhang pagod na, sandaling pinigil ni Kali ang driver. Alam niyang matatagalan ang dating ng sunod na jeep dahil sa trapiko. Isa pa ay nagsisimula nang kumulog. Ilang sandali na lang ay siguradong papatak na ang ulan. Walang dalang payong ang matandang babae kaya naman lumabas si Kali at binuhat ang malaking plastic na bitbit ng matanda.

"Pasok, Nay. Kasya pa 'yan."

"Naku, salamat, hijo kaawan ka ng Diyos."

Napaismid na lamang si Kali. Diyos? Matagal na siyang hindi naniniwala roon, pero imbes na sagutin ang matanda ay tumango na lamang siya at sumabit nang makaalis na ang jeep. 

PAGKALAGOK ni Kali ng gin ay dinampot niya ang kaha ng sigarilyong libre ng kainuman nilang pamangkin ni Tatay Efren. Sinindihan niya ang isang pirasong sigarilyo at hinithit ito. Humagod sa kanyang lalamunan ang mapakla nitong lasa ngunit hindi na iyon inaalintana ni Kali. Mas mapait ang buhay kaysa sa kanyang bisyo, ika nga niya.

"Oo nga pala, Kali, sa ganda mong lalake, marahil ay marami kang nobya, ano?" biro ni Tatay Efren na kinangisi niya. 

Nagsalin siya ng gin sa sarili niyang baso saka niya sinagot ang matandang lalake. "Wala na nga ho akong sapat na pera magnonobya pa ako."

"Eh may mga ganoon naman, Kali. Kahit walang pera basta totoo ang pagmamahal wala namang kaso iyon."

Umismid si Kali. "Hindi na ho ako naniniwala sa kakornihan ng pag-ibig."

"Aba'y bakit naman?"

Mapaklang napangiti si Kali. Paano niya ba ipaliliwanag na ang pag-ibig na kinamulatan niya ay wala nang ibang binigay kung hindi pasakit at lungkot? Iyon din ang rason bakit wala siyang sineseryosong babae. Pagbibigyan niya, oo pero iyong sasabihing makikipagrelasyon siya, wala pang ganoong karanasan si Kali, o mas magandang sabihing wala siyang balak na pasukin iyon.

He'd seen how terrifying love can be. Ayaw niyang mapunta sa ganoong kalagayan.

"Wala ho, sadyang wala lang akong balak magseryoso sa pag-ibig kung wala naman akong ipalalamon."

"Naku, mabuti pa itong bata mo, Efren marunong mag-isip!" singit ng asawa ni Tatay Efren na bagama't saksakan ng galing sa pagtalak ay hindi pumalya sa pag-abot ng pagkain kay Kali. "Kung sana ganyan ang pag-iisip mo bago mo ako pinikot, eh 'di sana maayos ang buhay natin!"

"Ikaw talaga, Vilma hindi na natigil iyang bibig mo! Anong pinikot ang sinasabi mo na naman diyan?" 

Napangisi na lamang si Kali saka umiling-iling nang tuluyang nagbangayan ang mag-asawa. Humithit na lamang siyang muli ng sigarilyo at inayos ang sandal sa monobloc bago niya nilabas ang kanyang cellphone. 

Muli ay binisita ni Kali ang profile ni Alea. Nang makita niya ang aesthetic shots na ipinost ng dalaga habang nagpipinta ito, para siyang nahipnotismo lalo nang makita ang pinakahuli kung saan nakadapa si Alea sa carpet habang nakapangalumbaba. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa maliit na paintbrush na ipinangpipinta nito sa tila sketch book. She's wearing a brown knitted sweater, her hair was tucked behind her ear, and the corner of her lips wer curved for a simple but beautiful smile.

Hindi alam ni Kali kung anong sumagi sa isip niya nang pindutin niya ang "save". Napakurap na lamang siya at napahugot ng hininga. Muli niyang tinago ang kanyang cellphone sa bulsa saka niya hinilamos ang kanyang palad sa mukha. Mukhang kailangan na niyang magpahinga. Iba na yata ang tama ng alak sa kanya. Natututo na siyang magnakaw ng larawan ng dalagang kahit na anong mangyari ay hindi niya maaaring gustuhin.

"NAGSUMBONG si Lola bakit sabi niya late ka na naman umuwi kagabi, Dos?" bungad ni Alea sa kapatid nang sagutin nito ang video call. Alas dose na ng gabi ngunit hindi pa rin siya nakakatulog kahit na may klase na siya bukas. Hindi lang dahil sa messages ng kanyang Lola Hailey kung hindi dahil na rin sa lintik na lalakeng ilang araw nang tumatambay sa kanyang isipan.

Umikot ang masungit na mga mata ng kapatid niya saka nito sinuklay paligod ang humahabang buhok. "Nagpaalam ako sabi ko ten ako uuwi."

"Pinayagan ka ba?"

Dos placed the phone on his phone stand then he sat on the edge of the bed. Mula sa anggulong iyon ay kita ni Alea ang pag-iinat ng kapatid. He's just thirteen but a really tall dude. Hindi naniniwala ang mga nakakakita rito na trese lamang si Dos. Madalas pa nga silang mapagkalamang magnobyo kapag sinasamahan siya nitong mamili ng art materials.

Ngumisi sa kanya ang kapatid. "Hindi, syempre."

Alea's eyes narrowed. "Hindi pala, eh bakit hindi ka pa rin umuwi kaagad? Alam mo namang hindi nakakatulog si Lola nang wala ka pa sa bahay."

Bumuntong hininga si Dos saka nito sinangkal ang mga palad sa kama. His slowly building muscles flexed and his growing adam's apple moved when he lifted his chin. "It's not my fault. Nag-shut down ang phone ko bago ko pa natanggap ang reply."

"That's not an excuse." Inirapan niya ito saka siya tumayo at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Maulan sa labas at makapal ang fog kaya halos mukha siyang manang sa suot niyang pajama at sweater. "Huwag mo nang uulitin 'yon, Dos."

"Fine," he answered in a breathy way. "Patingin ng condo mo, ate."

Ganoon lamang at ayos na silang muli ng kapatid. Nilagay niya sa back camera ang phone at naglibot sa kanyang condo. Nakita naman niya ang paglapit ni Dos sa cellphone nito para makitang mabuti ang kanyang condo. Its walls were painted with white while the furniture were either white, light brown, or pastel pink. Sa taas ng couch ay nakasabit ang ilan sa maliliit niyang painting. 

"Kapag nag-aral na rin ako ng college diyan din ba ako?" tanong ni Dos.

Binalik niya sa front camera ang phone saka niya tinaasan ng kilay si Dos. "Oh, akala ko ba hindi mo iiwanan ang Cagayan dahil sa mga kaibigan mo?"

Ngumisi ito. "Gusto rin naman nilang mag-Baguio kaya gano'n din."

"Ewan ko sa inyo, Dos. Make sure you won't cause Mom and Dad especially Lola any headaches while I'm here kung hindi lagot ka sa akin."

Dos nodded. "Kailan pasok niyo, ate?"

"Bukas na. Mauuna kami sai nyo ng dalawang linggo."

"Sabi ni Daddy huwag kang mag-boyfriend. Sabi ko rin," seryosong ani ni Dos.

Hindi alam ni Alea kung bakit nang marinig niya iyon ay kaagad na pumasok sa kanyang isip si Kali. Bakit niya naman ito naisip? Is she attracted to that guy? Yes, he's good-looking but there are tons of handsome guys back home. Ang iba ay higit pa at mula sa respetadong mga pamilya kaya bakit ito kaagad ang pumasok sa isip niya?

Tumikhim siya at pilit itong winaksi sa isip. "I'm not gonna break my promise, okay?"

"Okay." Humikab ito. "Goodnight, sis. Talk to you tomorrow. Sabihan mo ko kung may bubugbugin na ko."

"Hoy!"

Dos chuckled softly before he ended the call. Napairap na lamang tuloy si Alea kasabay ng pagbuga niya ng hangin. Well, she doesn't have to worry, right? Wala naman siyang balak magnobyo and she's not attracted to Kali.

Not even just an ounce.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status