Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"MY NAME is Alea Theiana. I'm from Cagayan and... I'm taking up architecture." Alea nervously held her hands together behind her. She really hates this part every first day of school. Akala niya ay sa gradeschool at senior high niya lamang ito mararanasan. Pati pala sa kolehiyo ay uso pa rin ang lintik na introduction.

The mid forty's female professor flashed an inward smile. "I heard you're a De Vera. Are you the former--"

"Y--Yes," putol na niya kaagad saka siya umiwas ng tingin dito nang mapagtanto niyang hindi nga pala iyon magandang ugali. She took in some air and continued talking. "I... I prefer not getting known for that, Ma'am."

Binalik niya ang tingin dito. Mukha namang naintindihan ng propesor ang kanyang nais iparating kaya mahina itong tumango. "I see. Call me Professor Lim, Miss De Vera. You may now take your seat."

"Thank you, Prof," she uttered then went back to her seat. Pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib at inayos ang upo habang patuloy namang nagpapakilala ang iba pang estudyante.

There were at least twenty of them inside the room painted with white and forest green. Almost half were guys and the rest were either straight girls, lesbians, or gays. Sa pangalawang row mula sa likod siya pumwesto kung saan marami pang bakante kaya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na bulto, hindi alam ni Alea kung dapat niyang ipagpasalamat na nasa bandang likuran siya.

Kali who looks like he just got out of the shower went in wearing a faded shirt and black jeans paired with an old sneakers. May tubig pang tumutulo mula sa buhok nitong sinuklay din ng binata patungo sa likod habang nakatingin sa kanilang propesor.

"Good afternoon," bati ni Kali saka iniabot kay Professor Lim ang form nito para papirmahan. 

Napakurap si Alea. Akala niya ay utility staff ito sa unibersidad? Bakit ang lanyard at ID nito ay tila sa isang estudyante?

"You're ten minutes late for your first day, Mr. Ynarez," ani Professor Lim pagkabalik nito ng form kay Kali.

Napakunot ng noo si Alea. Ynarez? Bakit ang tanda niyang apelyidong sinabi ni Kali ay Sta. Maria?

He lifted his ID and showed a sticker attached on it. Nang makita iyon ng propesor ay mahina na lamang itong tumango. "Take your seat."

Alea suddenly felt conscious when Kali scanned the room. Ang ilang estudyanteng babae ay nagbulungan habang may ningning ang mga mata na tila ba artista ang nakikita ng mga ito.

When Kali met her eyes, her heartbeat suddenly went above normal. Maging ang sikmura niya ay tila pinilipit lalo na nang magsimulang maglakad patungo sa kanya ang binata. Diretso ang tingin nito habang malamig ang ekspresyon kaya nang lagpasan siya ni Kali saka ito naupo sa bakanteng silya sa mismong likod niya, halos bumuga ng hangin si Alea.

She swallowed the pool of saliva in her mouth then tried to calm herself down. Nang magpatuloy ang pagpapakilala ng mga estudyante, pinilit na lamang niyang ituon sa mga ito ang kanyang atensyon.

When it was Kali's turn to introduce himself, almost every single girl inside the room turned their heads to watch him. Tumayo si Kali nang sobrang lapit sa kanyang likod kaya halos mahigit niya ang kanyang hininga nang maglaro sa kanyang ilong ang bagong ligo nitong amoy. 

"Kalixto Ynarez. Kali na lang. Civil Engineering."

Alea swears she almost heard someone squeaked. Nang maupong muli si Kali, ilang babae pa rin ang panay ang tingin sa direksyon nito, at dahil nasa likod niya lamang ang binata, pati tuloy siya ay nailang lalo na nang mapansin niyang minsan ay lumilihis ang tingin ng mga ito pati sa kanya.

She thought the chaos in her heart woulf finally subside when Professor Lim started explaining about their subject. Ngunit nang kalabitin siya ni Kali ay muli niyang nadama ang nakawiwindang na kuryenteng ito lamang ang kayang magparamdam sa kanya. 

She pursed her lips together and looked at him over his shoulder. He was slouching on his arm chair while his eyes stared at her in a cold way. Bakit ganoon? Kahit pa mukhang hindi naman ito gaanong nakapag-ayos ng sarili bago pumasok ng klase ay tila napakalakas pa rin ng appeal ni Kali? There's a mist of mystery around him that slowly draws her closer, and everytime she looks into his hazel brown eyes, she feels so lost.

"Pahiram ng ballpen."

Napakunot siya ng noo. "Wala kang ballpen?"

Umiling ito. "Nagmamadali ako kaya naiwan." He handed his collosal hand. Napansin ni Alea ang paltos sa hintuturo nito na marahil ay nakuha sa pagtatrabaho. 

She inhaled a silent breath then reached for her extra pen. Ibinigay niya ito kay Kali na tinanggap naman ng binata habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata. 

Parang uminit ang pakiramdam ni Alea dahil sa titig nito kaya siya na ang unang bumitiw sa pagkakahawak niya sa ballpen. Umayos siya kaagad ng upo at pasimpleng hinagod ang kanyang dibdib upang kalmahin ang naghuhuramentado niyang dibdib. 

This is bad. Bakit ganito ang epekto sa kanya ni Kali?

Muli niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib saka niya pilit itinuon kay Professor Lim ang kanyang atensyon, ngunit kahit na hindi na niya tinitignan ang binata, ramdam niya. 

Kali is still staring at her... and it made her feel something she's not supposed to feel for a stranger.

TUWING Lunes, Myerkules, at Byernes ay kaklase ni Alea si Kali sa una at huli niyang mga klase. During lunch breaks or vacant hours, she'd often see Kali in his utility uniform, mopping floors or changing garbage bags around the school. Ngunit kahit na nakapang-janitor na ito, hindi pa rin nawawala ang mga babaeng madalas na bumabati rito. 

"Grabe, ano kahit si Isobelle type siya."

Napatingin si Alea sa bagong kaibigang si Cammy. Kaklase niya ito sa halos apat na subject niya. Mula nang maging magkapares sila sa isang activity sa major subject, nakuha nito ang kanyang loob dahil sa ugali at mga hilig nito na halos kapareho rin ng kanya.

"Huh?"

Cammy pointed Kali who's sitting on the table a few meters away from them. Nagbabasa ito ng textbook habang kumakain ng baong tanghalian. Gamit pa rin nito ang kanyang ballpen na hindi niya na tinanggap nang subukan nitong isauli.

"Ah, mukha nga," she answered. Nang sandaling mapatingin sa kanilang direksyon si Kali ay kaagad siyang umiwas ng tingin nang hindi mahalata.

Cammy rested her hands on top of her textbook. "Ikaw ba, hindi ka nagagwapuhan sa kanya?"

Napakurap siya at ang dibdib niya ay biglang kumabog. Bakit ganoon? Bakit kung umakto ang kanyang puso ay para siyang kriminal na kinikilatis ng mga imbestigador?

She swallowed the lump in her throat then faked a smile. "H--Hindi naman."

"Kung sabagay, mayaman kayo kaya sigurado akong marami ka nang nakilalang higit pa ang itsura kay Kali," kumento ni Cammy saka nito dinampot ang textbook sa mesa. "Tara na, Alea baka mahuli tayo sa sunod na klase."

Tumango naman siya at sinukbit ang kanyang shoulder bag sa balikat bago niya dinampot ang kanyang pinagkainan. Nang mailagay niya ang tray sa tamang lagayan, aksidente siyang napatingin sa gawi ni Kali ngunit hindi na ito mag-isa sa mesa.

Nakaupo na nang sobrang lapit iyong sexy at maganda nilang kaklaseng si Isobelle sa tabi nito. Tila may itinatanong ito kay Kali. When Isobelle giggled and gently slapped Kali's toned arm, Alea doesn't know why but she felt irritated. Nang magawi sa kanyang direksyon ang tingin ni Kali ay bahagya pang nakakurba ang sulok ng mga labi nito.

Alea immediately looked away and hugged her book tighter. Nagpanggap na lamang siyang walang nakita. Mayamaya ay sinabayan sila ni Gary at Choi na pareho nilang kaklase sa sunod na klase.

"Nagawa niyo ba 'yong activity?" tanong ni Choi habang inaayos nito ang suot na salamin.

Cammy nooded. "Oo, tinapos namin kahapon pa."

"Paturo naman, Alea," nakangiting pakiusap ni Gary sa kanya.

Dahil nahihiya ay tumango na lamang si Alea. Mayamaya ay nagulat na lamang siya nang akbayan siya bigla nito saka mahinang piniga ang kanyang braso. "Ayos! Libre na lang kita ng milk tea, ha?"

She gently nodded in response. Nang masulyapang muli ni Alea ang direksyon ni Isobelle at Kali, ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nakatutok sa kanila ni Gary ang malamig na mga mata ng binata.

WHEN Alea got to her last class for the day, she was already exhausted. Ngunit nang makita niyang nasa loob na ng silid si Kali at nakaupo sa mismong silyang katabi ng sa kanya, parang biglang nagising ang diwa niya. 

Their eyes met while Kali was playing with her pen on his fingers but Alea immediately looked away. She headed to her seat and placed her stuff on her arm chair. Ramdam niya ang titig na ipinupukol sa kanya, at sa totoo lang, maghapon din siyang binagabag ng tinging nakita niya rito kanina sa may cafeteria. 

Dahil dalawang linggo pa lamang naman niya itong nagiging kaklase, iniwasan niyang bigyan ng iba pang kahulugan ang tinging ipinukol ni Kali kanina kaya imbes na magpaapekto pa ay humugot siya ng malalim na hininga at binalingan ito.

"Bakit diyan ka nakaupo, Kali? Hindi ba doon ka sa likod ko?" 

Kali paused from twirling her pen with his fingers. "Bakante. Gusto ko rito."

"O--Okay." Umayos na lamang siya ng upo. Sa isip-isip niya ay minsan talaga lamang ang pagiging suplado ng binata kaya halos ayaw niya itong kusang kausapin. Para bang napakahirap tantyahin ng ugali ni Kali at hindi rin naman siya ang tipo ng taong magtyatyagang makipagkaibigan sa hindi niya naman sigurado kung gusto ba siyang kaibiganin.

Hindi na ito muling kumibo pa at ganoon din naman siya. When their class started, Alea focused on participating in class to stay awake. Minsan ay tinatawag din nito si Kali, at kahit na parang wala itong interes sa klase, lihim na bumibilib si Alea sa binata kapag nasasagot nito ang tanong nang walang kahirap-hirap. 

She wonders how Kali does it? Nagtatrabaho ito bilang staff sa unibersidad habang nag-aaral, at ang sabi ni Cammy, puma-part time pa ito sa isang fastfood chain bilang crew. How could he still find enough time to study?

Siguro ay ganoon talaga. Some may have the time and money to study in comfort while people like Kali who are obviously gifted had to grind harder than the rest. Kahit na may kasungitan ito, hindi niya tuloy maiwasang humanga.

"Alright, grab a partner for your next activity," anunsyo ng kanilang propesor sa sociology. 

Akmang tatawagin siya ni Gary nang bigla niyang naramdaman ang pag-usog ni Kali ng upuan nito palapit sa kanya. Napatingin tuloy siya rito habang nagtataka, ngunit ang supladong si Kali, kay Gary na pala nakatutok ang malamig na mga mata.

Kali's jaw moved. When he felt her staring at him, he took in a sharp breath then drifted his gaze towards her. His eyes seemed one shade darker than normal, and his face was too close that she felt suffocated in a beautiful way. 

"Partner tayo," he declared in a low voice.

Her heart started raising. "W--What?"

Kali moistened his lower lip then angled his body to face her. He rested his hand on her table and on the back of her arm chair before he spoke again with finality. "Sabi ko partner tayo... De Vera."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
jacquelinemalabanan
Thanks sa nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status