Share

Kabanata 4

Kabanata 4

LINGGO ng umaga ay napag-usapan nina Alea at Kali na magkita para sa kanilang activity. Nag-text siya rito para sabihing sa Starbucks na lamang sila gumawa ng mga kailangan ngunit ilang minuto matapos niyang maipadala ang text, kaagad na tumawag ang binata.

Napatitig pa muna siya sa screen ng kanyang cellphone. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganito siya ka-conscious kapag si Kali na ang makakausap niya. Yes, she's distant to most people but that's not because of lack of confidence. May kakaiba lamang talaga kay Kali na nakakapagpawala sa kanyang dibdib at hindi niya iyon maipaliwanag.

Tumikhim siya at tuluyang sinagot ang tawag. "H--Hello, Kali?"

"Bakit sa Starbucks pa?" seryoso nitong bungad. She could hear some background noises as if he's somewhere crowded.

"Ha? Bakit hindi?"

"Pumunta ka sa lower Session. Magkita tayo sa McDo." Iyon lamang at pinatay na nito ang tawag. Napatitig tuloy si Alea sa screen ng kanyang phone nang makitang putol na ang linya. Ang lalakeng iyon talaga ubod ng sungit minsan. Napairap na lamang tuloy siya saka niya dinampot ang kanyang gamit upang lumabas na.

She took a taxi going to Mc Donalds. Nang makapagbayad ay tumayo siya sa labas at itinext si Kali. Maraming taong padaan-daan dahil araw ng Linggo. May mga galing ng simbahan at ang iba naman ay mukhang pupunta ng Burnham o ng mall. 

Ilang minuto pa siyang nanatili sa kanyang pwesto bago may lumabas ng pinto. Nang makita niya si Kali na nakasabit pa sa balikat ang uniporme pati ang luma nitong bag, napakunot siya ng noo. Sa isa naman nitong kamay ay ang basag na cellphone at paper bag ng McDo. He was still wearing his pants that matched his uniform but he's already in his plain white shirt.

Kung ganoon ay tama si Cammy. Bukod sa pagtatrabaho sa unibersidad ay puma-part time din si Kali sa fastfood. Napapaisip tuloy siya kung bakit kailangan nitong magkayod kalabaw. Wala ba itong mga magulang na tutustos sa mga pangangailangan nito?

Tinapik nito ang likod ng gwardya na tila nagpaalam. Nang makita nitong lumapit si Kali sa kanya ay bigla itong ngumisi saka nagsalita. "'Yan ba 'yong chics mo, Kali?"

Kali smirked at the guard before he looked at her. "Hindi pa, tsong."

Her cheeks slightly burned. At ano naman ang ibig nitong sabihin sa sagot nitong hindi pa?

Humalakhak ang gwardya. "Lakas naman talaga. No'ng nakaraan lang iba na naman, ah?"

Ngumisi lamang si Kali saka kumaway sa gwardya ngunit kaagad itong tumingin sa kanya na tila tinignan ang naging reaksyon niya sa sinabi ng gwardya.

"Kaklase ko lang 'yon, tsong masyado kang malisyoso. Hindi ko gusto 'yong gano'ng tipo," sagot ni Kali habang nasa kanya pa rin ang atensyon. Napaiwas tuloy siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay hindi para sa gwardya ang sinabi ni Kali kun'di ay sa kanya.

"Ayaw sa tigre gusto sa kuting." Tumawa ang gwardya. Ngumisi naman si Kali saka umiling-iling.

Nang tuluyan itong nakalapit sa kanya ay sinuklay nito ang buhok palikod saka binasa ang pang-ibabang labi. "Tara."

Humigpit ang hawak niya sa kanyang bag nang makalapit ito. There goes Kali's effect on her again. Para na namang may welga sa kanyang sikmura habang may kakaibang kuryenteng kumikiliti sa bawat himaymay ng kanyang katawan. 

"Saan tayo?"

"Sa Children's Park."

Napakurap siya at ang noo ay nalukot. "Bakit doon?"

Kali cocked his brow at her as if she said something ridiculous. "Bakit hindi?" masungit nitong tanong bago siya hinawakan sa kanyang batok kaya nang magsimula itong maglakad ay wala na siyang nagawa kung hindi ang magpatianod. 

"K--Kali, nakikiliti ako."

Napahinto ito at napatingin sa kanya nang makahulugan. Mayamaya ay binitiwan siya nito saka ngumisi. "Virgin?"

Her eyes widened and her cheeks blushed. "Kali!"

Mahina itong humalakhak na nakapagpatulala kay Alea. Tama ba ang nakikita niya? Tumawa ang masungit na si Kali?

Nang mapansin ni Kali ang pagkatulala niya rito ay nagpigil ito ng sarili saka huminga nang malalim. "Bakit?"

"You laughed..."

His brows slightly furrowed. "Tapos?"

"I said you laughed. You're masungit and you don't smile often." 

Napakamot ito ng patilya. "Kumu-conyo ka na naman para kang Kris Aquino."

"Hey, I'm not conyo!"

Umismid ito. "Tara na lang. Bilisan mong maglakad baka maubusan tayo ng mesa."

PAGKARATING  nina Alea at Kali sa Children's Park, kaagad na nilabas ni Kali ang printed references para sa activity. Napangiti si Alea dahil kahit luma ang bag na gamit nito ay maayos na nakasalansan ang mga gamit. Even the references were placed in a folder to make sure it's not going to be crumpled in his bag.

Nilapag ni Kali ang folder sa kanyang harap saka nito tiniklop ang polo ng McDo. Nang mailagay nito ang uniporme sa bag ay inanggulo nito ang katawan paharap sa kanya. "Anong uunahin natin?"

She pulled her Mac book out and opened it. Pinakita niya kay Kali ang outline ng kanilang activity saka niya ito muling tinignan. "Ito na lang muna."

Kali nodded. Kinuha nito ang extrang bond paper sa bag nito pati na ang kanyang ballpen. When Kali started writing, Alea couldn't help but watch him. His penmanship was so neat that she didn't have a hard time understanding it.

"Kali, pwede naman nang i-type na lang," alok niya nang magsimula itong maghikab. Mukhang kulang pa ito sa tulog marahil ay dahil sa trabaho.

"Ikaw na lang ang mag-type baka masira ko pa 'yan." He straightened his back and pushed the paper towards her side. Nang mag-inat ito ay bahagyang tumaas ang laylayan ng puting t-shirt na suot kaya kahit hindi naman niya sinasadya ay napansin niya ang hulmadong tiyan ni Kali.

It was already too late for her to look away. Nakita na ni Kali kung saan dumapo ang kanyang mga mata kaya naman nang mapaangat siya rito ng tingin ay nakangisi na ito. Embarrassment rose on her face as she pouted at him. "Hindi ko naman sinadyang tignan."

Kali chuckled softly. "Ang defensive natin, ah?"

"Hindi, ah!"

He pursed his lips together to suppress his laugh. Mayamaya ay sabay silang napatingin ni Kali sa likod nang may narinig na umiiyak. The little boy's dirty hand pulled Kali's shirt then called him "Papa". Akala yata nito ay si Kali ang hinahanap nitong tatay kaya nang makitang iba ang mukha ay lalong umiyak ang bata.

Kaagad na tumayo si Alea upang puntahan ang bata. She kneeled ang gently wipe his tears then held him by his arms. "Hey, don't cry? Anong pangalan mo?"

The boy who looks about five years old sniffed. "Mike po."

Nilingon niya si Kali na umikot na rin para humarap sa kanila. Nakasangkal ang mga siko nito sa magkabilang hita habang ang mga palad ay magkasalikop. He was looking at the boy in a soft way, as if he was seeing something at the boy that reminded him of a painful memory.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Alea. "Gusto mo ba hanapin natin ang parents mo?"

Humihikbi itong tumango-tango. Wala rin namang pagdadalawang-isip na tumayo si Kali saka siya nito tinulungang iligpit ang kanilang mga gamit. 

Sinukbit ni Kali ang bag nito sa balikat saka ito lumuhod sa harap ng bata. "Ice cream, gusto mo ng ice cream?"

The boy sobbed and wiped his tears. "O--Opo."

May init na humaplos sa puso ni Alea nang suklayin ni Kali ang buhok ng bata gamit ang mga daliri nito saka nito pinunasan ang basang pisngi ng bata. "Sige, tara bibili muna tayo ng ice cream. Huwag ka nang umiyak. Dapat kapag lalake hindi umiiyak." He banged his chest. "Dapat matapang."

Tumango ang bata. "Opo."

Kali stared at the little boy as he flashed a broken smile. Nang tila napansin nitong napatagal na ang pagkakatitig nito sa bata ay nagpakawala ito ng buntong hininga bago tumayo. He offered his hand to the little boy then looked at her. "Bili muna tayo."

She gave him a smile before she nodded. Nang iangat ng bata ang isa pa nitong kamay para hawakan din niya, sandali silang nagkatinginan ni Kali. Sinenyasan naman siya nito na hawakan ang kamay ng bata nang hindi magtampo. Mukha tuloy silang pamilya habang naglalakad patungo sa tindero ng ice cream. 

Pagdating sa tindero ng sorbetes ay ilalabas sana ni Alea ang kanyang wallet ngunit kaagad na tinapik ni Kali ang kanyang braso. Dumukot ito ng bungkos ng perang papel sa bulsa saka nagsimulang ayusin ang halos puro tig-bebente. His brows even furrowed as if he's mentally calculating. Nag-alala tuloy si Alea na baka huling pera na iyon ni Kali.

Tumikhim siya. "Kali, libre ko na."

He looked at her then shook his head. "Hindi na." Naghiwalay ito ng tatlong bente para iabot sa tindero at binulsa ang natirang kwarenta. "Manong, tatlong bente. 'Yong isa sa tinapay apa 'yong dalawa."

Natuwa naman ang bata nang iabot dito ang sorbetes. Sunod ding ibinigay ang kay Alea ngunit nang makita niyang naghiwa ng bun ang matandang tindero, napakunot siya ng noo. Takang-taka siya nang lagyan nito ng ice cream ang hiniwang tinapay saka ibinigay kay Kali. 

"Salamat ho." He took the bread with ice cream as its spread. He was about to take a bite when he noticed her watching. "Bakit?"

She pointed it. "Bakit sa bread?"

Matipid na ngumisi si Kali. "Bakit? Ngayon ka lang nakakita nito? Nakakabusog 'to."

"I haven't tried that."

"Boring naman ng mayayaman," bulong nito bago nilislis ang plastic saka mas lumapit sa kanya. "Tikman mo."

Aayaw sana siya ngunit may pinalidad na nakaukit sa mukha ni Kali kaya naman imbes na tumanggi, hinawakan na lamang niya ito sa palapulsuhan saka siya kumagat. He was right! It's even better than just eating it in a cone!

Napangiti siya rito habang marahang nginunguya ang tinapay, ngunit nang mapansin niyang sa kanyang mga labi nakatutok ang mga mata ni Kali, bigla na namang nagwala ang kanyang puso. Dumoble pa iyon nang punasan ni Kali ang sulok ng kanyang mga labi gamit ang hinlalaki nito saka nito inangat ang tingin sa kanyang mga mata. Napatitig silang pareho sa isa't isa, at kung hindi pa nila narinig ang tindero ng sorbetes ay baka nakalimutan na nilang nasa pampublikong lugar silang dalawa.

"Anak niyo?"

Uminit ang pisngi ni Alea. Napalayo siya kay Kali at kaagad na umiling. "Ho? Hindi ho."

"Ay akala ko anak niyo. Ang gwapong bata eh pareho naman kayong may itsura. Siguro kapag nagkaanak kayo mas gwapo pa riyan, ano, iho?" nakangising ani ng matandang lalake.

"Hindi ho kami--"

"Panigurado, Tay." Kali cut her off before he smirked in a meaningful way. "Panigurado..."

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
jacquelinemalabanan
Talaga lang Kali?
goodnovel comment avatar
Gigi M. Cornelio
panigurado tlga kali
goodnovel comment avatar
Ecca Tamares
hello miss author .. support anywhere ......️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status