Share

Kabanata 68 - Panganib

* Point of View ni Alison *

---

Paano ako makakatakas mula sa pagkakahawak niya? Ang sakit ng mga balikat ko, at kakainin na niya yata ang ulo ko. Ang baho pa ng hininga ng hinayupak na ito.

Patuloy akong nakahawak sa leeg niya para ilayo sa mukha ko ang malaki niyang bibig na may mga matutulis na ngipin habang pilit ko siyang sinisipa sa tadyang, pero walang silbi.

"Ali!" Narinig ko na sigaw ni Blair, ngunit hindi ko siya makita kahit saan.

"Napakalakas ng halimaw na ito... Hindi ko kaya... Aaaargh!" Halos wala na akong masabi dahil nawawalan na ako ng lakas. Bumabaon ng husto ang mga kuko nya sa laman ko, at halos nasa loob na ng bibig niya ang ulo ko.

Pagkatapos ay mabuti na lang at tumira si Blair ng isang bolang apoy sa kalaban, ngunit tila hindi natinag ang halimaw na Damien. Pero nagsimula ng masunog ang bahibo niya, at sa wakas ay binitawan na niya ako. At tuluyan na lumayo siya sa akin habang abala siya sa pagpatay ng apoy na gumagapang na sa kanyang buong katawan.

"Ayos ka l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status