Share

CHAPTER 8

AMETHYST'S POV

Agad ko na lang nilapitan ang kabaong ni Earl at 'di ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha ko.

Nakaramdam ako ng bisig na yumakap sa akin at paglingon ko ay si tita Jasmine 'yon at pareho na kaming umiiyak sa harap ng kabaong ni Earl.

"A-ang lalaking m-minahal a-ako nang s-sobra, n-ngayon w-wala na," nahihirapang sabi ko nang kumalas na kami sa yakapan ni Tita pero nakahawak pa rin ito sa braso ko.

Niyaya na muna ako ni tita na umupo muna.

Nakahawak sa likod ko si tita habang pareho kaming nakatingin sa kabaong ni Earl.

"Ito oh, hija, uminom ka muna." Hinawakan ako ng papa ni Earl sa balikat habang nilalahad sa akin ang isang baso ng tubig.

"Salamat po," sabi ko rito at kinuha ko ang baso ng tubig at saka uminom dito.

"Ang hirap ng pagkawala n'ya," pagkakuwan na sabi ni tita sa akin habang nakatingin pa rin ito sa kabaong.

Halos katabi lang din namin ang kabaong ni Earl.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status