Share

PROLOGUE

Amethyst's POV

Abala ako sa pagtatrabaho sa harap ng computer nang may huminto na lalaki malapit sa akin at nagsalita ito.

"Babe hintayin mo na ako, ah," sabi ni Earl sa akin na boyfriend ko. Hinarap ko naman ito at nakita ko na may buhat itong dalawang kahon.

"Oo naman. Sinong maghahatid sa akin kung hindi ikaw? Ano magko-commute ako? Kaya ko naman," sagot ko rito nang nakangiti pero napailing lang ito.

Katrabaho ko rin kasi si Earl, mga call center agents kami.

"Alis tayo mamaya gusto mo?" tanong nito sa akin pagkakuwan.

"Oo na sige na, dalhin mo na 'yan, mukhang nahihirapan ka na eh,"

"Ayieee kinilig naman ako. You care for me a lot, huh?" sabi nito at nagpa-cute pa ang loko.

"Ayy ewan ko sa 'yo. Malamang, ano? Boyfriend kita. Sira ka talaga," natatawang sabi ko habang umiiling at ilang saglit lang ay umalis na ito.

Maya maya pa ay may kumakalabit sa akin kaya hinarap ko ito.

"Uy, Amethyst, ah baka mag-propose na 'yan sa 'yo mamaya," kinikilig na sabi sa akin ni Bella na kaibigan ko.

"Edi magye-yes ako," natatawang sagot ko naman dito.

"Ninang ako ah!"

"Aba syempre! Mas maganda nga kung isa ka pa sa mga mag-o-organize, eh!" sabi ko at pareho kaming tumawa.

"Pero alam mo sana all may boyfriend," pagkuwan na sabi nito sa tonong nadidismaya at parang nawawalan na ng pag-asa. Sumimangot pa nga ang loka.

"Huh? I mean, ba't 'di mo pa sagutin si Hiro? Gaano na ba katagal nanliligaw sa 'yo 'yon?" takang tanong ko rito.

"S'yempre pebebe teye ng kente hehe." At nag-ipit pa ito ng mga buhok sa likod ng tenga n'ya.

Natatawang umiling na lang ako at inayos ko na ang mga gamit ko dahil pa-out na rin talaga ako.

"Enjoy mamaya ah!" sabi na lang nito sa akin na nakangiti.

"Osya na, salamat, puntahan ko na si Earl mukhang tapos na rin naman s'ya." Nagbeso-beso muna kami bago namin iniwan ang bawat isa.

Pinuntahan ko na si Earl sa station n'ya, sakto naman na patapos na rin ito at inaayos na rin nito ang mga gamit n'ya.

"Oh, tara na?" tanong nito noong nakita na n'ya ako.

Tumango na lang ako at bumaba na kami ng opisina.

Pagdating namin sa parking lot ay agad nitong kinuha ang mga helmet sa compartment n'ya at isinuot nito ang isa sa akin.

"Thank you," sabi ko nang maisuot ko na ang helmet.

"You're always welcome." Kumindat pa ang mokong kaya napailing-iling na lang ako.

Sumakay na kami sa motor n'ya at hinatid na n'ya ako sa amin.

Naihatid naman ako ni Earl nang ligtas.

"Mamayang eight ah?" paalala nito sa akin nang makababa na ako sa motor n'ya.

"Opo, noted po," sabi ko naman dito na kunwaring nauumay pero sa huli ay pareho lang kaming napatawa.

Dumuwang ako at hahalikan ko dapat s'ya sa pisngi ngunit humarap ito kaya sa labi ko s'ya n*******n.

Hinampas ko s'ya sa balikat dahil dito pero ngumisi lang ang loko.

"Hindi ka ba muna papasok?" tanong ko rito.

"Wala naman din atang tao sa inyo, eh?" sabi nito habamg lumingon-lingon sa likod ko.

Lumingon din ako at mukhang tama s'ya na wala ngang tao sa bahay namin. Nakakandado kasi ang gate maging ang pinto sa loob panigurado.

"O sige bahala ka," mabagal na sabi ko rito.

"At saka para makapagpahinga muna tayo," sabi nito sabay kindat kaya napailing na lang ako.

Binuhay na nito ang motor n'ya at nilingon n'ya ulit ako.

"Ingat ka," sabi ko rito.

"Love you," sabi nito sabay nguso.

"Love you too." Matamis ko naman itong nginitian.

Pinaandar na nito ang motor n'ya at umalis. Nang medyo makalayo na ito ay pumasok na ako sa loob para magpahinga kahit saglit.

Pagpasok ko ay walang ngang tao kaya dumiretso na lang ako sa kuwarto namin ng kapatid ko.

Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko ang oras sa phone ko at 4:30 pm na rin.

"Makakatulog pa naman ako kahit two hours man lang." Kibit-balikat ko.

Pinikit ko na ang mga mata ko nang makahiga na ako nang maayos sa kama at hinayaan ko na ang sarili ko na tangayin ako ng antok.

Paggising ko ay saktong 6:30 pm na.

Tumayo na ako para kumain kahit kaunti at inayos ko na ang aking sarili.

White Floral dress ang suot ko na abot sa taas ng tuhod ko at two inches heels naman sa paa.

Nang matapos ako sa pag-aayos ko ay tiningnan ko ang oras at 7:45 pm na.

"Saan ka pupunta, ate?" tanong ni Crystal sa akin na kapatid ko pagpasok n'ya sa bahay.

"Lalabas kami ni Earl, ikaw saan ka galing?" sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin namin sa sala.

"Ahh nag-practice, te," sabi nito sa akin at tumango-tango ako.

"Kain ka na r'yan, may pagkain pa naman d'yan," sabi ko na lang dito.

"Opo, ate, magbibihis lang ako." At pumasok na ito sa kuwarto namin.

"I-lock mo ang gate kung lalabas ka pero mas maganda if hindi ka na lalabas at hintayin mo na lang sina mama!" medyo malakas ang boses ko upang marinig ako nito.

"Opo, ate!" sagot naman nito mula sa kuwarto.

"Ganda mo talaga, Selp!" puri ko sa sarili ko sa harap ng salamin.

"Crystal, mauuna na ako!" sabi ko na lang sa kapatid ko saka lumabas ng bahay.

Hinintay ko na lang si Earl at maya maya pa ay dumating na nga ito.

"Arat na!" nakangiting yaya agad nito sa akin nang makahinto sa harapan ko.

"Baliw," natatawang sabi ko rito.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko rito habang pasakay sa motor n'ya.

"Secret walang clue." Ngumisi lang ang loko dahilan kaya medyo malakas kong hinampas ang balikat nito.

"A-aray," usal nito habang hinahaplos ang parte ng balikat n'yang hinampas ko.

"Deserve mo." Nilingon naman ako nito at saka n'ya ako nginitian.

"Sweet mo talaga," usal nito.

"Ewan ko sa 'yo. Tara na nga!" 'Yon lang at pinaandar na nito ang motor.

/W.W/

Vote, comment and follow me is highly recommended ket lame lang dis HAHAHAHA.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status