Share

CHAPTER 2

Amethyst's POV

"Clean this up," utos ng lalaking ito at pinitik pa nito ang daliri n'ya.

"Yes, boss Aivan," sabay-sabay naman na sabi ng tatlong lalaki maliban lang ang isa.

"Aivan, una na ako," sabi no'ng lalaki na 'di sumagot kanina. Sino ba 'tong lalaking to? ba't 'di n'ya tinawag na 'boss' ang Aivan na 'to? kaibigan n'ya? Hayst, dapat wala akong pake!

Tumango naman itong si Aivan at umalis na ang lalaki.

"Aba sandali! Paano ang boyfriend ko?! I mean, idedemanda ko kayo!" sigaw ko rito pero ngumisi lang ito.

Napaatras naman ako nang humakbang ito palapit sa akin.

"'Huwag mo nang subukan, mag-aaksaya ka lang ng panahon mo tapos papatayin ko pa kayo ng pamilya mo. Want that?" Nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi nito.

Nakakakilabot ang boses nito! Napakamaawtoridad at talagang madadala ka!

"Hayop ka! Wala kang puso!" hinihingal na sabi ko rito dahil sa inis.

"Oo naman. Want to test me?" Tinutok nito ang baril n'ya sa akin kaya napayakap na lang ako sa sarili kong katawan.

"Bang!" Napapiksi ako sa panunukso nito pero nakangisi lang na parang baliw ang loko.

Pakiramdam ko ay parang mabubuwal na ako sa pagkakatayo dahil sa baril nitong nakatutok pa rin sa akin.

"Ayos na po, boss." Sabay kaming napatingin sa tatlong lalaki na nakabalik na.

Binaba na nito ang baril n'ya na nakatutok sa akin kaya nakahinga na ako nang maluwag kahit papaano.

Iba pala talaga sa pakiramdam kapag may baril na nakatutok sa 'yo.

"Now, palabasin n'yo na,

"Ano ang gamit n'yo papunta rito?" Lingon nito sa akin.

"Huh?"

"Do I need to repeat myself?"

"M-motor,"

"Palabasin n'yo na naaksidente ang dalawang 'to at nakaligtas ang babaeng 'to," sabi nito sa tatlong lalaki at tumango ang mga ito at saka mabilis na nagsikilos.

"Teka? imposible 'yon!" sabi ko rito.

"Why?" Naningkit ang mga asul na mata nito sa sinabi ko dahilan para bigla akong makaramdam ng kaba at takot dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Parang ano mang oras ay kakainin n'ya ako nang buhay!

"K-kasi wala akong sugat." Sheps ba't ako nauutal?!

At hindi dapat ito ang sasabihin ko! Para na rin akong pumapayag sa mga ginagawa nila!

Kinurot ko ang sarili ko dahil dito.

'Pumapayag ka ba,Amy?!' inis na tanong ko sa sarili ko.

"Okay, leave it me, I can handle that." Ngisi nito sa akin. A-ano raw?!

"Bakit 'di na lang kayo managot sa ginawa n'yo?!" galit na sigaw ko.

Pero hindi man s'ya umimik bagkus ay biglang umigting ang panga n'ya.

Nainis ko ata.

"Sino ba kasi kayo?!" inis na tanong ko rito.

"Makikilala mo rin ako. Soon." Inilapit pa nito ang bibig n'ya sa tainga ko sa huling sinabi n'ya. Nakakatindig balahibo talaga ang boses n'ya. Maganda na nakakatakot ang boses n'ya, teka? Pinupuri ko ba ang isang mamamatay tao?!

Maya maya ay may kinuha ito sa bulsa n'ya.

"Wear this," sabi nito sabay abot sa akin ng isang panyo.

"Ha?"

"Tumalikod ka, tatakpan ko ang mga mata mo,"

"Bakit?"

"Just turn the freaking around!" Napapitlag ako sa sigaw n'ya kaya tumalikod na lang ako.

Wala na akong makita dahil nakatakip na ang mga mata ko.

In fairness, ang bango nitong panyo. Amoy sobrang mamahalin.

"Carefu-" sabi nito pero muntik na akong matumba.

I even heard him tsked.

Naramdaman ko na lang bigla ang pag-angat ng katawan ko dahil sa pagbuhat nito sa akin.Wala akong masabi sa kan'ya at wala naman talaga akong dapat sabihin sa kan'ya.

Nagsimula na rin itong maglakad. Parang wala lang ako sa kan'ya kung buhatin n'ya ako.

Ilang sandali pa ay binaba na n'ya ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng isang kotse at pinasok ako nito sa loob.

S'ya rin ang nagsara rito at ilang sandali pa ay nasa loob na rin ito.

"Para saan ba 'tong pagtakip mo sa mga mata ko?" takang tanong ko rito dahil 'di ko talaga makuha ang dahilan para takpan nito ang mga mata ko.

"Just shut up," malamig na tugon nito sa akin at umayos na lang ako ng upo.

Naramdaman ko ang pagsuot nito sa akin ng seatbelt at maya maya pa ay binuhay na nito ang kotse at pinaandar iyon.

Makalipas ang ilang minuto ng tahimik na byahe ay inihinto na nito ang kotse.

Nasaan kaya ako?

Narinig ko na ang paglabas n'ya at maya maya pa ay binuksan na n'ya ang pinto sa tabi ko.

Inalalayan ako nito sa pagbaba at nagulat ako nang buhatin na naman n'ya ako ulit.

"Baka kasi matapilok ka na naman eh." 'Di ko na ito sinagot at naglakad na ito.

Para lang akong isang magaan na bagay sa bisig n'ya.

Nararamdaman ko ang katigasan ng katawan nito.

In fairness, ang bango rin n'ya ah.

Nakarinig ako ng isang pagbukas ng pinto. Dinala n'ya ba ako sa bahay n'ya?

Maya maya pa ay parang naging pataas na ang hakbang nito, umaakyat ba kami?

"Sino 'yan Ren?" isang boses ng medyo matandang babae ang nagsalita na alam ko na medyo malayo sa amin at doon ko na nakumpirma na paakyat nga kami.

Teka, Ren? Sino si Ren? Akala ko ba Aivan pangalan nito?

Wala akong narinig na sagot para sa babae at maya maya pa ay binaba na ako nito.

Nakarinig muli ako ng pagbukas ng isang pinto.

Hinawakan nito ang braso ko at iginaya ako papasok sa loob.

Binitawan ako nito at sinara ang pinto at ni-lock pa 'yon dahil narinig ko ang pagpindot nito sa door knob at pagsabit ng kung ano mula sa pinto.

Inalis na nito ang takip ko sa mata at saka ko kinusot-kusot ang mata ko dahil nanlabo ito pagtanggal n'ya sa panyo.

Napanganga ako sa laki at ganda ng lugar kung nasaan kami.

"This is my room," sabi nito sa akin.

"Woah," mahinang usal ko, pula at asul ang tema ng buong kwarto.

Ang dalawang pader n'ya ay asul at ang isa at kisame nito ay pula.

Ang ceiling nito na asul ay parang may kumikinang-kinang.

Imbes na bintana ay sliding wall ang meron at sa likod nito ay balkonahe na sa tingin ko ay kakasya ang bente na ka-tao.

Kumpleto ito sa gamit at sobrang dami.

"So, let's talk about us." Kung 'di pa ito nagsalita ay 'di pa ako babalik sa diwa ko dahil sa pagmamasid ko sa napakagara n'yang kuwarto.

"Huh?"

"You will be mine for two months," diretsong sabi nito sa akin.

"What?!"

"You will do anything I want and if you don't." Kinasa nito ang baril nito sabay tutok sa akin kaya napalunok na lang ako sabay tango.

"It will start now," sabi nito at nagsimula nitong hubarin ang tuxedo n'ya at pagkatapos ay ang long sleeve n'ya.

Napailing ako at nagising dahil sa ginagawa nitong pag-alis sa mga saplot nya.

"A-anong g-gagawin mo?" kinakabahan kong tanong rito.

"Higa," balewalang sabi nito sa akin, ngayon nakikita ko na ang maganda n'yang katawan. Lapad ng kan'yang ng dibdib, malalaking mga muscle at six pack a--- 'wag mo s'yang purihin Amethyst! umisip ka ng paraan!

"Higa" ulit nito.

"H-hindi p-puwede,"

"At bakit?"

"K-kasi umm---"

"Kasi ano?" Lumalapit na ito sa akin kaya umaatras ako.

"Kasi meron ako!" Napapikit na lang ako sa sinabi ko.

Saglit kaming nanahimik kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata saka ako nag-angat ng mukha rito.

Nakita ko sa mukha n'ya ang pag-aalinlangan.

'Galing ng naisip mo, Amy' sabi ko sa isip ko.

"Oo meron ako, ayaw mo naman sigurong maging bampira 'di ba?" Ngisi ko pero ang totoo ay sobrang lakas na ng kabog ng dibd*b ko.

Tumalon ako sa kama nito at humiga rito.

"Ano gusto mo? sige halika rito! kahit meron ako ah, bahala kang maging bampira!" hamon ko rito at mas naging mabilis ata ang pagtibok ng puso ko.

Bumuntong hininga ito at naglakad papunta sa sliding door n'ya at tumingin sa labas.

'Ang galing mo talaga, Amy' bati ko sa sarili ko at umayos ng upo.

Nakatalikod ako sa kan'ya para 'di n'ya makita ang mga ngiti ko.

Just like: duhhh, boyfriend ko nga four years na kami tapos wala pang nangyayari sa amin tapos ikaw na bigla na lang sumulpot sa buhay ko gagalawin agad ako?! Balak pa 'ata akong gawin s*x slave n'ya!

/W.W/

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
siraulo to babae to pinatay nga yong bf nia kinikilig pa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status