Share

CHAPTER III: Another Awful Day?

Aiden’s POV

September 5, 2016

It’s actually the second day of school. And I still can’t get over with the girl I came across yesterday. Yesterday was really an awful day for me.

I woke up early at 6:00 am today, because I set my alarm last night for me to  wake up at 5:30 this morning. Yeah! My alarm clock was hanging on for like  30 minutes, so am I. This day after yesterday of having a disgusting day at school, I think history would repeat itself again. I have to do things at school repetitively and meet people I am trying to get out from my sight everyday.

However, that girl seems familiar to me. I just cannot remember where. So I just tilt my head, for I am subconsciously thinking when and where I saw her, other than  yesterday in the men’s CR where he accused me of being a pervert. I cannot believe, someone would say that in front of me, except for that audacious girl. I am trying not to stress myself out but she keeps getting into my nerves.

Speaking of which, the girl I am talking about, constantly pleads the guard to allow her to enter the gate now. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. “Wala ba siyang ID? Kulang na lang lumuhod siya para makapasok lang,” bulong ko sa sarili. I shook my head, realizing that I shouldn’t be thinking about her anymore. “ Hays!” I muttered underneath my breath.

There’s a sudden change of attention when I turned around, hindi ko nakitang may kasalubong pala ako. Dahil doon aksidente kong nabunggo ang isang lalaking halos kasingtangkad ko lang—maputi, may itsura at may magandang hubog ng katawan. Kung ikukumpara ko siya sa’kin ay medyo angat lamang siya ng isang paligo. Umiling na lamang ako dahil kung anu-ano ang naiisip ko.  Hindi ko namalayang nahulog pala ang mga libro niya sa sahig dahil sa pagkakabunggo ko sa kaniya.

Agad ko siyang tinulungan para damputin ang nagkalat niyang libro sa sahig.

“Sorry, Bro, ayos ka lang?” paumanhin nito sa’kin.

“Ah o-oo, ayos lang ako. Ikaw, you okay?” tugon ko, kahit medyo malakas ang pagkakatama ng balikat niya  sa’kin. Hindi pa gumagaling ang namamaga kong likuran dahil sa pagkakahulog ko kahapon, pero heto at parang mamamaga na naman ang buong katawan ko maghapon.

“A-ah, do you s-still h-have something to say?” pautal-utal kong tanong. Not until I realized na hawak-hawak ko pa pala ang isang libro na may title na “The Wolf and the Boy.”

“Ahh!” saad ko nang napagtanto ko kung ano iyon. Napakamot na lamang ako ng ulo. Medyo naintriga lang ako sa librong ‘yon dahil isa itong children’s book.

“Sige, pasyensa na ulit ha!” sabay ngiti sa’kin . I just nod as my response because of awkwardness.

Nakita ko ang lalaking ito na papunta sa may gate. Hindi ko alam kung anong gagawin niya roon , pero nakita ko siyang kausap ang guard. At saka pinapasok ng guard ang babae sa gate. “Is he her boyfriend? Hah! Himala yatang may nagkagusto sa kaniya!” bulong ko sa sarili. Dahil sa pagkadismaya ko. Gayunpaman, hinayaan ko na lang sila at agad akong nagtungo sa Room 5, sa pangalawang palapag ng Faculty of Engineering building kung saan kami magkaklase.

                             *****

PAPASOK na sana ako sa room namin nang hindi ko inaasahang magkakasalubong kami ng babaeng pinakaayaw kong makita ngayon.

“Ikaw na naman!” hiyaw namin sa isa’t isa, habang nasa koridor kaming dalawa.

“Sinusundan mo ba ako?” asyumera niyang tanong.

“Kung minamalas nga naman, oo.Baka ako sinusundan mo.” mabilis kong tugon. “Ikaw nga ‘tong pumunta sa CR para bosohan kaming mga boys, eh. Malay ko ba kung gusto mo akong tiyansingan. Tapos sasabihin mo, sinusundan kita wow, ha! Hindi ka man lang ba nagdalawang isip or something. You should also ask yourself if you’re pretty enough for boys to be after you,” dagdag ko. Late ko na na-realize na parang nasobrahan yata ang pananalita ko kaya hindi maganda ang mga nasabi ko sa kaniya.

“Anong sinabi mo?” galit na sabi niya.

Napatigil ako sandali dahil baka may masabi na naman akong hindi maganda. Ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili.

“Narinig mo naman, ’di ba!” mataray kong sagot

Kita ko sa mukha niya kung gaano ito asar na asar sa sinabi kong ’yon sa kaniya. Napakagat na lamang siya ng labi dahil wala siyang masabi sa pagkakataong iyon, na tila ba umuusok ang ilong nito. “Ano wala kang masabi?” pang-aasar ko sa kaniya.

                            *****

“Okay, everyone, take your seat please,” pagtatawag sa’min ng professor namin.

Pagpasok ko sa room ay halos wala ng bakanteng upuan. Isa na lang ang nakikita kong bakante, kaya naman ay nagmadali akong pumunta roon para umupo. Ngunit nang hilain ko na  ito para maupo ay bigla rin niya itong sinunggaban. “Ano ba, akin ’to! I got here first, kaya akin ‘to!” pang-aangkin niya sa upuan.

“Ano ka hilo? Ako nauna rito, no!” sumbat ko sa kaniya.

Nagulat ako sa kaniya, dahil Hindi ko lubos akalaing ganoon siya kalakas para sa isang babae. Hindi ko alam kung malakas ba siya talaga o masakit lang ang katawan ko kaya nahirapan akong makipaghilaan, pero ang alam ko lang ay kailangan ko munang maupo dahil kanina ko pa gustong ipagpahinga ang masakit kong likod.

Walang gustong magpaawat sa’min hanggang sa napagod na ako kahihila ng upuan dala ng pamamaga ng aking kamay. “Eh di sayo na!” sabi ko sa kaniya at saka ko binitawan ang upuan.

“Ouch!”  Napaupo ito  sa sahig habang hawak-hawak niya ang upuan na pinag-aagawan naming dalawa. “Bakit mo binitiwan?” tanong nito sa'kin

“Eh sa sinabi mong bitiwan eh,” sambit ko sa kaniya.

Nagtawanan na lamang ang nga klasmeyt namin. Hanggang sa narinig naming nagsalita ang guro sa harapan.

“Ano ba ‘yan! You’re fighting because of a chair? Hindi na kayo bata!” sermon ng teacher namin na kanina pa kami pinagmamasdan.

Habang ang iba ay nagsipagtawanan, ang Ilan naman sa’min ay abala sa kanilang ginagawa at parang walang pakialam.

“Okay, I’ll be back. Turn your modules on page 10 and we’ll discuss it afterwards,” bilin ng titser namin bago tuluyang lumabas ng room.

Kasalukuyan pa rin siyang nasa sahig, kaya naman  naglakas loob akong iniabot ang aking kanang kamay  sa kaniya para tulungan siyang tumayo. “Oh! baka sabihin mong hindi ako gentleman,” saad ko.

Nagdadalawang isip pa siya kung aabutin ba niya o hinde, pero hindi rin nagtagal ay inabot niya rin ito.

Pagdampi ng  kamay niya sa kamay ko ay bigla akong nakaramdam ng init sa katawan. Hindi ko alam kung nahihibang na ba ako o epekto ng gamot na ininom ko kanina bago ako umalis ng bahay. Mabilis na lang akong namula, lalo na ang tainga at pisngi ko. The feeling seems familiar. Ito rin ang naramdaman ko noong hawakan ako ng babae sa may eskinita kahapon. The texture of their hands look similar. I wasn’t wrong when I said that she looks familiar to me. Hindi ako maaaring magkamali. Napagtanto kong nasa ‘kin pala ang naiwang ID ng babaeng nakita ko kahapon. Kaya naman ay dali-dali ko itong hinalungkat sa bag ko at tiningnan. Inusisa ko nang maigi ang litrato para tingnan kung siya nga ba ‘yon. “Are you Dianne Manlangit?” seryosong tanong ko sa kaniya. At saka ko ipinakita ‘yon sa kaniya.

Dali-dali siyang tumayo at hinatak ako palabas ng room namin.

“Bakit nasa ‘yo tong ID ko? Are you a stalker?” usisa niya.

“Hindi mo ba ako pasasalamatan dahil ako ang nakakita ng ID mo. Malamang sa malamang ’pag iba yan, ipinakulam ka na,” pabiro kong sagot.

“Wow! Thank you ha! Dahil sa pagtatago mo ng ID ko, dalawang araw na ‘kong halos hindi makapasok dito sa university. Halos maloka na ko kaiisip kung saan ko inilagay, tapos na sayo lang pala!” she sarcastically uttered. “At saka sino ka ba? Bakit ka ba sunod ng sunod sa’kin?” she suspiciously asked.

“Sigurado ka bang hindi mo ako natatandaan?” saad ko habang  papalapit ako nang papalapit  sa kaniya. Napaatras siya hanggang sa napasandal siya sa pader. At saka ko biglang ipinatong nang mabilis ang aking kamay  sa may dingding.

“Hindi mo ba talaga ako natatandaan?” muli kong tanong sa kaniya.

Sa mga sandaling iyon, ramdam ko ang kaniyang kaba mula ulo hanggang paa. Nangangatog ang buo niyang katawan. Ganoon din ang naramdaman ko sa mga oras na ‘yon. Ako itong kusang lumapit sa kaniya, pero ako itong namumula.

Kasalukuyan pa rin kami sa pwestong iyon. Nakatitig lang kami sa isat-isa na para bang inuusisa namin nang mabuti ang mukha ng bawat isa. Positibo akong  namumukhaan din niya ako ngunit ayaw lang niya itong aminin.

Hanggang sa nakahanap siya ng pagkakataong sipain muli ang bagay na nasa pagitan ng aking mga hita.

“Hindi! At wala akong balak makilala ka!” maanghang niyang sagot. At saka kumaripas ng takbo pabalik ng room.

Hindi ko man narinig ng direkta sa kaniya ang totoo, nakasisiguro akong siya nga ang babaeng nakita ko sa eskinita. Ang babaeng nanipa sa’kin nong unang araw ng pasukan. Ngayon alam ko na kung sino siya. Hindi ko na siya pakakawalan pa. I’ll make her pay for what she did to me that day.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status