Share

Chapter 5

Nagising si Blessy sa walang tigil na pagtunog ng cellphone niya. Inaabot nya ito saka sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"What?!"

"Sorry, Bes. Nandito ang Papa mo para makita raw kung pano ka makipag meeting at paano ang magiging usapan nito ni Mr. Alvarado! Come to office, quickly!"

Biglang napaupo ang dalaga, natanggal tuloy ang kamay na nakayakap sa bewang niya.

"Why didn't you call me, earlier?! Kagigising ko lang!"

"Kaya nga tumatawag ako, diba? At kanina pa po ako tumatawag sayo!"

"Fine! Papunta na ko. Maliligo Lang!"

"Maaga pa, stay here." Biglang sabi ni Ryan.

"Uy, Sino 'yung narinig ko? Boylet mo?" Bulong ni Lady sa kabilang linya.

"Si Mr. Alvarado, Gaga!" Pinatayan niya ng phone ang kaibigan saka hinarap si Ryan, pinaningkitan ng mata.

"What? Anong nagawa ko?"

She sigh before she answered. "Nasa opisina si Papa, gusto daw makita kung pano ako makipagdeal nang business sayo." She rolled her eyes.

Tumabi ng upo ang lalaki kay Blessy saka siya hinalikan sa labi. Kinuha niya sa isang kamay ang kaliwang kamay ng dalaga at dinala sa pagitan ng hita niya.

"Morning, wood. Can we have our first round bago magpunta sa opisina?"

"No, way! Naghihintay si Papa! Maikli ang pasensiya 'non! Come on, get up! Ihatid mo ko."

Hindi na bumaba si Blessy para maligo. Siya na ang gumamit nang banyo sa kwarto. Si Ryan naman ay sa ibaba na naligo.

Nagkabangga pa ang dalawa paglabas nang dalaga sa banyo na nakabalot lang ng tuwalya. Inaabot ni Ryan ang suot niyang damit kagabi na mukhang nalaban na.

"Don't look at me like that. Inilagay ko lang sa washing 'yan at itinutok sa electric fan sa kabilang kwarto para matuyo."

"Baka may inilagay ka sa panty ko na Kung anong insekto..."

"Wala. Mas gusto kong pinapapak nang bibig ko 'yan" inginuso nito ang nasa pagitan ng hita niya.

"Pilyo ka talaga! Magbihis ka na nga!"

Sa pagmamadali, she didn't put a make up on. Baby powder at lipstick lang. Pagbaba nang dalaga ay dala na ng binata ang car keys at handa na silang umalis

Habang nasa biyahe, nag text si Blessy sa kaibigan.

Kamusta si Papa? Galit pa ba?

Lady: Sorry girl, I just did some precaution. Sinabi kong nakita mo na naninikip ang dibdib ni father kaya ayun kumalma naman. He's busy checking some papers on your desk. Bilisan niyo!

Thanks, girl!

"Kahit Hindi ko pa nababasa ang advertisement proposal but I'll approve it." Hinawakan ni Ryan ang dalaga sa kaliwang binti habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela.

"Why? You're unfair! Kailangan mong basahin iyon bago ka magdesisyon. May back up proposal ang team kaya may pamimilian ka." Panay pa rin ang pindot ni Blessy sa phone.

"Fine!"

Natapos ang meeting sa loob ng kulang isang oras. Mukha namang satisfied ang tatay ni Blessy dahil tumatango ito sa bawat paliwanag ng iniassign niyang team leader sa project. Ryan signed the advertisement contract on the spot.

May cake sa table ng dalaga pagbalik niya galing sa conference room. Sinalubong siya ni Lady ng isang bungkos na red roses saka ito ngumisi.

"Mukang may nagkamaling magbigay sayo ng flowers ah. Thanks for the cake kahit wala akong ganang kumain. I'll eat it later." Nakangising biro ni Blessy kay Lady.

"Ang sarap pala sa feeling ng may nagreregalo 'no? Hehe! It's my first time kaya tikman mo kung masarap 'yang cake. Ang manliligaw ko daw ang nag bake niyan!"

"Later, okay? Aalis na daw ba si Papa after inspection sa isa pang project?"

"That's what he said. Pero baka hanapin ka 'non at almost lunch break na rin naman."

"Maaga pa, mage-eleven pa lang naman. Iidlip muna ako. You know where to find me."

"Pero--"

"No buts, friend. Later ang chika."

"Okay!"

Paglabas ni Lady sa opisina para maglunch break ay nakaabang si Ryan sa tapat ng kotse nito. Pakendeng niyang nilapitan ang binata at sinalubong nang mapangakit na ngiti.

"Sir, may hinihintay ka?"

"Ang boss mo."

"Ay, natutulog sa itaas. Bibilhan ko na nga lang ng pagkain diyan sa tapat. Iba kasi magalit iyon kapag nabulabog ang tulog."

Ibinukas nang binata ang pinto ng kotse nito. "Come on! Sa malapit na restaurant na lang tayo bumili para maiba naman ang pagkain niyo."

"Mr. Alvarado, matanong ko lang. Anong label ng relationship niyo ng kaibigan ko?"

"Ryan na lang kapag wala tayo sa opisina. Ehem! You can ask me later. Besides, we haven't decided anything yet."

"Fubu lang Kayo, ganoon? You see how strict her father is because she's an only child. Ubos ang lahi mo kapag nalaman 'yan ng Papa ni Blessy."

"I know. Hindi naman kasi dapat minamadali ang lahat. Tama na muna iyong status na 'we lust each other' para makapagsimula ng connection between us. Then we'll talk later if we want a different level of relationship or we'll end it."

"Sabagay, tama ka."

Nagtake-out sila ng pagkain sa Joey's bago bumalik sa opisina. Hindi pumayag si Ryan na magbayad si Lady sa lahat ng inorder nito.

"Just call me if anything happen to Blessy." Inaabot Ni Ryan ang calling card sa kanya.

"No worries! Thank you dito sa foods! Ingat ka."

Sumaludo lang ang lalaki bago siya iniwan sa tapat ng building nila.

"Ang swerte naman ni frenny, haha! Rich, gentleman and yummylicious!"

Pakanta kanta pa si Lady nang umakyat sa opisina hanggang sa bumalik sa pagtatrabaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status