Share

CHAPTER 1

Di ba dapat lahat ng kinakasal masaya kasi finally ikakasal na sila sa taong gusto nilang makasama habang buhay.

Ganun naman dapat diba? Yung tipong gusto mong umiyak sa sobrang tuwa kasi sa wakas ikakasal ka na, tapos double pa yung saya kasi sa taong mahal mo talaga ikaw mag papakasal.

That he is willing to take the rest of his life with you, to wake up every morning na ikaw agad ang makikita niya.

Uuwe mula sa trabaho na ang salubong ay ang mahigpit na yakap mo at matamis na halik ng labi mo at ang walang sawang katanungan kung anong nangyari sa buong araw na nasa bahay ka at nasa trabaho ito, higit sa lahat, pag sisilbihan niyo ang bawat isa na may kasamang pag mamahal.

Puno ng pagmamahal.

Pero bakit ganun? Nalilito ako, nalilito ako sa nararamdaman ko. Heto na e, dumating na yung araw na pinakahihintay ko. Pero bakit wala akong maka pang saya? Bakit imbis na magsaya ang puso ko mas nagiging lamang ang pagluluksa nito.

Kahit na kinakasal na ako sa lalaking mahal ko, wala talaga akong makapang saya para akong nasa lamayan at nagluluksa. Dapat masaya ako e, kasi kasal ko to, Pag iisang dibdib namin dalawa ng lalaking pinapantasya ko.

Kasal. Bumalot ang sakit sa simple at bahagyang ngiti na pinakawalan ng labi ko, natatawa at nasasaktan sa salitang kasal. Kasal, kasal ko, my wedding day.

Salitang hindi ko inaakalang mangyayari sa amin. Dapat masaya ako kasi noon pangarap ko lang ito. Ang maikasal kay kevin at bumuo ng pamilya kasama siya. Pero pinag lalaruan yata ako ng tadhana dahil iba ngayon, hindi saya ang nararamdaman ko at kahit anong kapa at pag halughog ang gawin ko sa puso ko ay wala akong makapag saya, walang pagbubunyaging nagaganap sa puso ko katulad ng dapat na nararamdaman ng isang babaeng ikinakasal lalaking mahal niya. Siguro kasi, hindi masaya yung groom ko, Kasi hindi ako ang babaeng pangarap na pakasalan ng pakakasalan ko ngayon.

Hindi ako ang babaeng pangarap niyang iharap sa altar, Hindi ako ang pangarap nyang hintayin sa dulo ng altar. Sa dulo kung saan nag hihintay ang magiging saksi at mag bubuklod sa amin dalawa.

Hindi ako ang babaeng gustong pakasalan ni Kevin. Ano ba ang dapat kong gawin para maging karapatdapat ako sa position iyun? May mga requirements ba para maging karapatdapat ako para pakasalan ng lalaking gusto ko?

Malakas ang kabog ng dibdib, dama ko ang kaba at wala pa man ay pinag papawisan na ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Marahan bumukas ang pinto sa harap ko at umangat ang ulo ko upang tignan ang loob ng simbahan kinaroroonan ko.

Mga matang masasaya, mga labing nag sasabi ng sari saring magagandang salita ukol sa kasalan nagaganap. Dun unang dumapo ang paningin ko.

Mula sa mga bisita, dumapo ang paningin ko sa lalaking nag hihintay sa akin sa dulo ng altar. Wearing his occasions black regular fit tuxedo suit, matindog siyang nakatayo roon habang nangingibabaw ang kagwapuhan niya sa paningin ko.

Sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko ngayon hindi ko parin maiwasan ang hindi humanga sa taglay niyang kakisigan at kagwapuhan, sobrang gwapo niya, dati sa panaginip ko lang siyang nakikitang ganyan, nag hihintay sa akin sa dulo ng altar na may mga ngiti sa labi, labis labis ang kaba kasi baka takbuhan ko siya.

Pero alam kong totoo na ito hindi na ito isang panaginip yun nga lang iba nga lang ang expression ng mukha ni Kevin sa inaasan ko At sa kabila ng pag kainip na nakikita ko mula sa mukha ni Kevin habang naghihintay ito sa dulo ng altar, hindi ko parin talaga maiwasan hindi puriin ang pustura nito. Kahit pa nakasimangot at tila naiinip siya, nangingibabaw ang paghangang nararamdaman ko para sa kanya.

Nakakatawa ako hindi ba? Nagagawa ko pa rin purihin si Kevin kahit pa wala akong makitang saya sa mukha nito. Kahit pa sakit ang dulot saakin ng expression niyang iyon.

Gusto kong umiyak, Nasasaktan ako dahil hindi ito ang pinangarap kong kasal. Hindi ganito ang pinangarap kong mangyari sa kasal ko.

Pero ano pa ba ang magagawa ko? Pasasamain ko lamang ang loob ng Ama ko kung hindi ako pumayag rito, sa usapan ito. Masyado nang matanda si papà para maging pasaway pa ako sa lahat ng gusto niya para saakin.

Mahal ko si Kevin pero mas mahal ko ang ama ko. Ginagawa ko ito hindi dahil mahal ko si Kevin kundi dahil takot akong ako pa ang maging sanhi kung bakit mawawala sa akin ang akin ama. Siya na lang ang meron ako kaya kahit labag sa kalooban ko pumayag ako sa usapan pakakasalan ko si Kevin.

Pero kung hindi ganito ang situation namin ni Kevin, kung iba ang radon kung bakit pakakasalan ako ni Kevin, baka natuwa at natatalon pa ko sa saya kung ang rason ng pag papakasal ni Kevin saakin ay ang kagustuhan makasama ako nito habang buhay at Puno ng pagmamahal.

Pero iba e. May kailangan siya sakin kaya pakakasalan niya ako at pakakasalan ko siya dahil yun ang Gusto ni papa.

Mahal na mahal ko si papa para hayaan ko siya ang mamili ng dapat namaka kasama ko habang buhay pero tama ba ang decision ko? Magiging masaya si papà pero Paano ako? Magiging masaya ba ako kung hahayaan kong maitali ako sa lalaking ni katiting ay walang nararamdaman saakin. Magiging masaya ba ako kung ipag papatuloy ko ito? May kinabukasan ba ako sa piling ni Kevin? May patutunguhan ba ang Pagpapakasal kong ito o mapupunta lang ang lahat sa wala?

Sa hiwalayan

Tumigil mula sa pag hakbang ang mga nanginginig kong paa, Namutawi ang katahimikan sa bawat sulok ng simbahan, halos maubusan ako ng hinginga sa labis na kabang nararamdaman ko, marahan kong ibinaba sa bagkabilaan gilid ko ang nagpapawis at nanginginig kong kamay, halos hindi ko na makita ang nilalakaran ko sa panlalabo ng aking mga mata dahil sa luhang ilang minuto na lamang ay tutulo na.

Matapos ang ilang segundong katahimikan, napuno muli ang paligid ko ng sari sariling tinig, ngunit hindi katulad kanina, ang mga bulungan aking naririnig ay puno na ngayon ng katanungan, kalituhan at pagtataka sa hindi inaasahan pag hinto sa gitna ng aking nilalakaran.

Bagamat nanlalabo ang mga mata ko kakaiyak, kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko si Kevin, nakita kong natigilan ito. Tuwid itong tumayo ng diretsyo habang bakas sa mukha nito ang pagtataka, kunot na kunot ang noo nito habang matamaan akong pinakatitigan.

Tila kinakausap ako. Mata sa mata.

Unti unti at walang tigil sa pagtulo ang luha mula sa aking mga mata. Pinanatili kong nakatitig ang mga mata ko sa mata ng lalaking pinaka mamahal ko ngunit, hindi masuklian kahit katiting na pag mamahal ang nararamdaman ko. Alam ko naman na kahit anong gawin ko hindi isang pamilihan ang pagibig na kapagbumili ka At nag bayad ay makakatanggap ka ng sukli Pag labis ang ibinayad mo at alam ko rin na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko kasi May mga bagay na hindi para sakin. Kagaya ng pagibig ni Kevin.

Muli kong itinuon ang atensyon ko kay Kevin sinusukat ko kung tutuloy pa ba ako sa pag lalakad o hindi na, kung dapat ba at tama ba ang mag pakasal sa lalaking hindi ka naman kayang mahalin.

Iniisip ko kung anong buhay ang nag hihintay sa akin kung pakakasalan ko ito. Kung hahayaan kong matali ako kay Kevin. Kung anong klaseng pag sasama ang mabubuo mula sa amin. Isipin ko pa lang na hindi magiging maganda ang pag sasama namin ni kevin at matutulad lamang kami sa mga magulang ko ay sobra na akong nasasaktan.

Minsan kinakausap ko ang sarili ko kasi bakit ang daya ng dyos, Bakit hinayaan niya tayong mahulog sa taong hindi kayang suklian ang mga nararamdaman natin. Bakit hinayaan niyang makaramdam ako ng sakit, ng sobrang sakit para sa taong hindi kayang suklian ang nararamdaman ko? Hindi ba pwedeng mahal ng hindi nasasaktan? Bakit ang sakit sakit mag mahal?

Marahan hinawak ko ang isang kamay ko sa dulo ng puting gown na suot ko upang itaas ito at maka takbo ako ng hindi nadadapa. Mula sa mukha ay bumaba sa kaliwang kamay ko ang paningin ni Kevin. Kita ko ang pag kabahala mula sa mga mata nito. nakita ko mula sa mga mata ni Kevin ang pag tutol mula sa iniisip kong pag takas.

Napasinghap ako at natigilan, hindi ko inaasahan makikita ko ang ganitong emotion sa mukha ni Kevin, ang takot sa mukha ni kevin.

"Bakit Kevin? Bakit kailangan itali mo ako sayo kung hindi mo naman ako mahal. Kung hindi naman ako kayang tanggapin ng puso mo? Kaya Bakit? Yaman lamang ba talaga ang mahalaga para sayo? Paano naman ako? Paano ako? Pwede bang bitawan at pakawalan mo na lang ako kung hindi ako ang laman ng puso mo." piping belong ko humihiling na sana narinig nito iyun. Umaasang kapag narinig ni Kevin iyun ay bibitawan at pakakawalan ako nito.

Na hindi ko nakakailanganin mahirapan at masaktan habang tumatatak sa isip ko na pakakasalan niya ako pero hindi magiging akin ang puso niya, ang puso ni Kevin.

"Kevin." namamaos na bulong ko sa pangalan ni Kevin ng makita ko ang akmang pag lapit nito ngunit naunahan na ito ng pangalawang asawa ng ama ko. Ayokong iiwas ang tingin sa kanya gusto kong makita mula sa mga mata niya ang pag payag na pag takas ko. Ang pagiging malaya ko rito.

Pero bigo ako tila takot itong iwan ko at hindi pakasalan.

"Pero bakit ?" piping tanong ko na lang na alam ko walang kahit na anong kasagutan dahil hindi lahat ng tanong kailangan ng nasagutan. Nablanko ang isip ko at hindi pumasok roon ang tunay na dahilan kung bakit pakakasalan ano ni Kevin.

Oo nga naman, bakit niya hahayaan akong makatakas kung ako lang ang susi ng yamang nais niyang matanggap.

"Anak! Ano ba yang ginagawa mo pinapahiya mo kami ng daddy mo sa mga mata ng ibang tao! Kung ano man yang iniisip mo wag mo nang ituloy kung ayaw mong madamay pati si kevin diyan sa kalokohan namumuo sa isip mo lalo na ang daddy mo!" ni hindi ko namalayan ang biglang pag sulpot ng aking madrasta.

Bumuntong hininga muna ako. Humuhugot ng lakas at nanalangin na sana tama ang desicision kong mag pakasal kay Kevin bago ako muling nag patuloy sa pag lalakad papunta sa lalaking makakasama ko habang buhay, ngunit walang kasiguraduhan na magiging masaya nga ba ako sa piling nito.

"Alagaan mo ang nag iisang princesa ko Kevin." may ngiti sa labi saad ng aking ama kay Kevin. tila masaya ito dahil sa wakas ikakasal na ang nag iisang babaeng anak niya sa lalaking habang buhay na mag papasaya sa kanyang anak at mag mamahal habang buhay, pero alam ko naman na kabaligtaran ang iniisip ni papa sa mga maaaring mangyari sa hinaharap. Alam kong hindi magiging normal ang pagiging magasawa namin ni Kevin.

Dahil sa Oras na bumalik ang babaeng tunay na nilalaman ng puso ni Kevin, alam kong mababaliwala na ako, siguro kailangan ko na lang na ihanda ng mas maaga ang sarili ko para sa mas masakit na tagpong iyun.

"Makakaasa po kayo papa." seryosong sagot ni Kevin sa akin ama. Dapat ba akong maniwala sa pangako ni kevin sa ama ko?

Bakit ba nag tatanong pa ako? Hindi na dapat pa ako naniniwala sa mga matatamis na salitang binibitawan ni Kevin sa ama ko at dapat kong itatak sa isip ko na ginagawa niya ito para hindi maging masama ang tingin ng akin ama sa kanya.

"Papa." bulong ko ng tuluyan ng bitawan ng ama ko ang mga kamay ko at binagay kay kevin.

"You'll be okay my princess trust me, I know what the best for you, and I know that Kevin is the best man for you, he will protect you and he will love you the way I love you my princess, just trust me." bulong rin ng ama niya sa kanya bago ito nag lakad papunta sa kinauupuan nito.

Love? Kalokohan. Pero "A parent knows what is the best for their children, kaya dapat mag titiwala ako Kay papa." naibulong ko na lang. Hindi pa nakakalayo si papà ng habulin ng kamay ko ang braso nito "I love you papa." May butil ng luha muli ang tumulo mula sa mga mata ko ng muli kong banggitin ang mga salitang yun.

"I know and I love you too." may ngiti sa labing iniwan ako nito at umupo sa upuang nakalaan para dito.

Nanatiling wala ako sa sarili ni hindi ko namalayan tapos na pala ang seremonyas at ako ay ganap nang Mrs. Riego. Asawa na ako ni Kevin.

"You my now kiss the bride." nakangiting anunsyo ng pare sa aming dalawa. Dahan dahan akong humarap sa harap ni kevin kinakabahan pa ako kasi kung hahalikan niya ako sa labi heto ang unang lalaking hahalik sa labi ko.

Kanina pang bumabagabag sa isipan ko ang magiging kinabukasan ko kasama ng lalaking nag pamulat sakin sa katotohanan na kahit kailan hindi ako magagawa nitong mahalin kahit ano pang gawin ko.

"I'll make sure that, i'll make your life miserable." mahinang bulong nito sa tenga ko sa iba niisip siguro nila na nag lalandian lang kami rinig ko kasi ang ilang mga bisita na tila kinikilig sa ginawa ni kevin.

Pag katapos akong pag bantaan nito ay agad na itong tumayo ng diretsyo paharap sa mga bisita at sa mga magulang namin habang may malawak na ngiti sa labi habang ako ay Puno ng takot sa mga maaaring mangyari sakin sa poder ni Kevin.

Isa lang ang masasabi ko mali ang mag pakasal ako kay Kevin.

Napasinghap ako nang hilahin nito ang bewang ko pahapit dito at paharap sa mga bisita na nakangiti sa amin ng maluwag at tila masaya sa buhay na kakaharapin namin matapos ang kasal na ito.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ma Donna Julie Acuram
wrong grammar, nakakalito from 3rd person pov to 1st person pov
goodnovel comment avatar
Missy F
ang harsh mo Kevin ha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status