Share

Professor

Kabanata 2

Professor

Drake's p.o.v.

2 Months ago...

This is the last week for the examination for those who are interested and trying to be a scholar in the said University.

This was owned by my beloved father, Leonard Achilles Lewis.. and of course before I forgot, ang paborito kong Uncle, Sebastian Demetrius Lewis. They got the power in terms of businesses..

Power to manipulate one's life..

And Power to crash every one's dreams..

They've got the fame..

Having them as a family isn't  good for me... I guess.

Dad and I weren't in good terms, we often fight for some reasons. Like, Me having an affair in every girl, whom I bumped every single day of my life. Messing around, doing troubles, failing grades.

Dad said that I am his biggest mistake. Yeah, maybe. Ano bang magagawa ko? E, sa ganito na ang nakalakhan ko.

I am his biggest mistake yes!

But believe me, my Dad's love me more than I've ever knew.

Ako ang na assigned na magbantay sa mga estudyanteng kukuha ng examination, for them to be called a, "great genius wanna be'S".

Genius my ass!

Kung hindi lang malakas sa akin si Uncle Sebastian nunca'ng magpapakita ako rito.

Hindi ko ugaling maghintay.. but Uncle promise me one thing, na kapag sinunod ko siya ngayon, he'll buy me a condominium. A new one, larger than the last one he gave to me as a birthday present last year.

Oh C'mon hindi na masama diba? Maiinip ako ngayon pero pagkatapos naman nito may condominium na ulit ako.

See? Bagong tambayan, bagong pagdadalhan ko ng mga chicks ko.

Damn!

Ang sarap sarap mabuhay!

Gustong-gusto ko nang manigarilyo sa sobrang inip. Nangangati na ang dila ko.

Last ten minutes may ay isang babaeng humahangos na lumapit sa akin. Tila may hinahabol.

She's quite pretty,

Innocent. Unlike others, na walang ibang ginawa kung hindi ang magpacute sa akin. O di kaya ay ang makipag-flirt.

Amoy ko pa lang nahihimitay na..

Anino ko pa lang nagtitilian na..

Wait..

Baka naman strategy lang ito ng babaeng ito?

Kunwari magtatanong ng kung anu-ano sa akin, magpapaawa?

Tsk.. lokohin mong lelong mo but nice try.

"A-am kuya, saan po ba to?" Kagat labing usal niya.

Room_1405 Sapphire's. Yan yung nakita ko sa form na hawak-hawak niya.

But what the heck?

This chick calls me 'Kuya? Like seriously?

"You're here.." Isinuklay ko ang mga daliri sa buhok ko..

Girls would gigle whenever I used this move, some will faint and others will shout na parang wala ng bukas.

"You got the right room." Itinuro ko pa sa kanya ang room na hinahanap niya.

Mas lalo pa akong nagpacute sa babae. I know this is so lame, this is not me either, dahil hindi ko na kailangan pang magpacute sa kung kani-kanino lang..

"Naku, talaga? Salamat naman."

She never bother to wipe the sweat on her forehead, marahil dahil sa katatakbo niya iyon. Pupunasan ko na sana ang pawis niya mula roon, but to my dismay mabilis siyang umiwas at mas lalong inilayo ang mukha niya sa akin.

Fuck!

Nakakainsulto ang ginawa ng babaeng ito sa akin. Kung iyong iba nga halos ibigay na ang buhay nila sa akin. Halos i-alay na pati ang kaluluwa nila sa akin.

Pero siya?

Siya na sa bundok pa yata nanggaling?

Siya? Na simpleng blouse at maong jeans lang naman ang suot with her faded rubber shoes.?

Siya na wala man lang ka-arte-arte sa katawan.

Siya na---

Damn!

But she's too pretty and simple and---,

"I'm sorry.."

Sorry?

Kailan pa ako natutung humingi ng paumanhin sa ibang tao?

Wait..

Sinabi ko ba talaga yun?

"By the way I'm Arthur Drake Lewis,"

Walang pag-aalinlangan kong inilahad ang kanang kamay ko sa kanya.

For the first time in my twenty-one  years of existence, I'm making my first ever move to a chick.

This is breaking my damn fucking rules!

Baka pagtawanan pa ako ng mga ungas kong kaibigan kapag nakita nila akong nakikipag-shake-hands.

But seconds and minutes later, hindi siya nag-abalang makipag-kamay sa akin. Tinitigan niya lang ang nangangawit kong mga kamay.

Minabuti ko na lang na balewalain ang kahihiyang ipinaranas niya sa akin.

Ibinaba ko na lang ang mga kamay ko at lihim na bumuntong-hininga.

Patay-malisya sa pagkakapahiya ko..

"Nice meeting you,--,"

"A Sir Drake magsisimula na po. Wala na po bang---?"

"Ako po Ma'am, mag e-exam din po ako,"

And then ngumiti siya kay Mrs. Molina.

Samantalang sa akin ay hindi.

Bakit ganun?

Pumapangit na ba ako?

Hindi na ba tumatalab ang karisma ko?

O sadyang wala lang talaga ako para sa kanya?

Damn it! Damn it! And damn it!

Why am I so affected?

C'mon Drake! You are better than this.. marami namang iba riyan.

"Professor ka rin ba dito?"

After a while she asked.

So mukha akong professor sa paningin niya?

Yun lang yon?

Seriously?

Hindi niya talaga ako kilala?

I'm Arthur Drake Lewis, the heir of Leonard Achilles Lewis!

Gusto ko sanang ipagsigawan sa babae, kaso baka pag ginawa ko naman 'yun sa kanya'y mawala ang konsentrasyon niya at yun pa ang maging dahilan ng pagbagsak niya sa examination niya.

Kailan pa ako naging concern?

"No, I'm not a professor here,"

Sa sobrang inis ko tinalikuran ko na kaagad siya.

Bad trip!

"Mikaella..,"

Mahinang sabi ng babae.

Pero hindi na ako nag aksaya ng oras na lingunin pa siya, because for the unknown reason, my heart jumps so high and beats so loud!

Loud like thunder that creates an undesirable sound.

And then a small smile escape from my lips...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status