Share

Answer

Kabanata 3

Answer

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, gawa ng pang-iistorbo ni Drake sa akin kahapon. Nang pauwi na kasi ako, pinilit niya akong ihatid sa bahay namin.

Sira ulo talaga yun. Sinabi ko na ngang strikto si Tita pinagpipilitan pa rin niya ang gusto niya.

Kaya naman, kahit labag sa kalooban ko. Pumayag na lang din ako. Pero syempre may kondisyon. Hanggang sa may labasan lang siya. Hindi siya pupuwedeng pumasok o kahit ang kumatok man lang ng gate. Bago kasi makarating sa bahay namin, madadaanan muna ang isang eskinita.

** flashback **

"Nandito na tayo, umuwi ka na.." Medyo madilim na nang makarating kami. Traffic kasi.

Hanggang bukana lang siya ng eskinita. Hindi na siya puwedeng dumiretso sa loob niyon. Dahil nakatitiyak akong nagkukumpulan pa rin ang mga tsismosa sa lugar namin.

Lahat ng madaanan namin ay napapalingon sa kasama ko. Halos magkanda bali-bali na ang leeg ng mga nakakakita sa kanya.

Pahamak talaga kahit kailan itong si Drake.

Kunsabagay naisip ko, sino bang hindi mapapalingon sa kanya?

Tindig pa lang agaw pansin na. At kahit hindi mo amuyin, amoy presko na.

Yung mga batang naglalaro sa kalsada, humihinto saglit at pagkatapos ay kinakawayan siya, ngumingiti din naman pabalik ang gago. Anong akala niya, artista siya?

Pero sino ba naman kasing mag-aakalang hindi? E saksakan ng gwapo ang damuho. Inaamin ko sa tangkad niya, pasado siyang modelo.

Maamo lang ang mukha niya pero kabaliktaran iyon ng katauhan niya..

"Hoy, ano na?" Untag ko sa kanya. Tumigil siya sa pagmamasid ng lugar, at matamang tumitig sa eskinita. Balak pa yatang pumasok doon.

Ano siya sinuswerte?

Hindi na siya puwede dun.

"Umuwi ka na.."

Sabay hila ko ng mabilis sa kamay ko. Ngayon ko lang napagtantong hawak-hawak niya pa rin pala ang kamay ko.

Buong biyahe niyang hawak ang kamay ko. Hindi man lang siya nahiya sa mga kasabayan naming pasahero. Kaya ayun, siguro iniisip ng mga yon na boyfriend ko ang komag na to.

Hindi no!

Ni hindi ko nga alam kung anong binabalak nito. At isa pa, hindi ang isang katulad ko 'lang' ang magugustuhan ng lalaking ito. Sa pelikula lang nangyayari, na ang isang mayamang lalaki magkakagusto sa isang dukhang babae na katulad ko.. dyahe!

Totoong buhay po ito no!

Pero kanina habang nakasakay kami sa dyip. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Ako pa nga itong panay ang reklamo, dahil sa tuwing biglang preno si Manong Driver, hindi maiwasang magkadikit ang mga katawan namin.

Shemay.. ang tigas ng katawan ng lalaking 'to. Araw-araw yatang nasa gym.

Ngunit may pagkakataon ding maya't-maya lang e, pinupunasan niya ng pawis ang noo niya o di kaya ay ang mukha niya. Naiinitan siguro. Halatang hindi sanay sa buhay na meron ako.

"Wala man lang goodbye kiss? O hug kaya?"

At kumindat pa sa akin. Biglang tumalon ang puso ko sa ginawa niya.

Inirapan ko siya ngunit, binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.

"Is this how you treat your suitor?"

Is this how you treat your suitor?

Is this how you treat your suitor?

** End of flashback **

Napuyat ako sa kaiisip sa huling sinabi niya..

Ni hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko kanina. Kaya heto, sa cafeteria ang punta ko. Sana nga lang magkasya pa ang pera ko. Sapat lang kasi ang ibinigay ni Tita. Nagugutom na talaga kasi ako

Mangilan-ngilan pa lang ang kumakain ngayon.

Maaga pa kasi.

Napagpasyahan kong umupo sa dulong bahagi. Alam ko kasi, maya-maya lang dadagsa na rin ang mga estudyanteng kakain.

Sunod-sunod ang subo ko..

Pero.. dahil sa lakas ng tapik na ginawa sa kin ng kung sinuman, ay napahinto ako.

Nag-angat ako ng tingin..

At ng mahanap ng mga mata ko ang may gawa, agaran kong ibinagsak sa pinagkainan ko ang aking titig.

Sina Chloe pala.

Sila iyong sikat na cheerleader dito sa University..

Anong sadya nila?

"Hey you.."

Magpapaturo ba siya sa isang subject niya?

Ganun naman yun diba?

Sinalubong ko ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit..?

Dinuro niya ako..

Bi-nu-bully na ba ako?'

Inilang hakbang niya lamang ang pagitan namin pagkatapos ay buong puwersa niyang hinatak ang kamay ko at hinila ako patayo.

"Don't you know me?"

Sino bang hindi makakakilala kay Chloe?

Bukod kasi sa maganda na siya, palagi pa niyang nabibigyan ng karangalan ang university. Siya at ng mga ka grupo niya ang laging nanalo sa tuwing may sinasalihang competition.

"You have the guts to look at me straight in the eyes huh?"

Mas lalo lamang nag-apoy sa galit ang kanyang mga mata.

Ngumisi siya, "Pathetic,."

Hindi ko masundan kong anong ibig niyang sabihin,

Pero ng kinuha niya ang pinagkainan ko ng spaghetti, at ini-angat ito sa ere,. Kinabahan na agad ako.

Walang pagsisi niyang ibinuhos sa ulo ko ang halos wala pang bawas na spaghetting kinakain ko. Hindi pa siya nakuntento, sinundan niya pa ng pagbuhos dun sa basong iniinuman ko, medyo kalahati pa lang ng tubig ang nainom ko dun.

Narinig ko ang tawanan nila nung mga kasama niya..

Nagtatawanan sila samantalang ako, halos humagulhol na dito..

"Poor girl.." dagdag pa niya.

Kusa kong tinatanggal ang spaghetting nakadikit pa rin sa ulo at sa balikat ko.. ang iba kasi tuluyan nang nahulog sa sahig.. medyo basa rin ang blouse ko gawa ng pagkakabuhos niya sa akin ng tubig. Ang pantalon ko naman may mantsang kumapit mula sa spaghetti..

Hindi ko na tuloy 'to masusuot bukas.

"Stay. Away. From. Drake."

Inalog-alog niya ang kaliwang braso ko, sa lakas nun pakiramdam ko, konting alog na lang kakalas na ang mga buto ko dun.

Hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti siya sa galit. Di ba dapat si Drake ang pinagsasabihan niya at hindi ako?

Inilibot ko ang paningin sa loob ng cafeteria.

Ni isa man lang sana, may pumigil sa ginagawa niya.

Wala man lang ba, balak ang mga tao rito na pigilan siya?

Hinawakan niya ulit ako sa kaliwang braso, pero ngayon iba naman ang ginawa niya.

Sobrang diin ng pagkakahawak niya sa akin, at mas masakit ito kumpara kaninang inaalog-alog niya lang. Naramdaman ko ang matutulis na kuko niyang bumabaon sa balat ko.

Ang hapdi---

Sobrang hapdi..

Napapikit ako sa sakit na naramdaman.

"Do what I say, or else.." bago ngumisi, nilingon niya muna ang mga kasama niya at nakipag apir sa mga to. "... I'll ruin your life,.. pati na rin ang iniingatan mong scholarship.."

Sa lahat ng ginawa niya, dun ako pinaka natakot.

At kahit kaawa-awa na ang hitsura ko ngayon, larawan pa rin sa magandang mukha ni Chloe ang iritasyon..

Matangkad si Chloe, kaya kinailangan pa niyang yumuko para lang matingnan niya ng maayos ang mukha ko..

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam kong para saan ang pagpatak niyon.

Kung para ba sa takot na nararamdaman ko ngayon?

Sa kahihiyang pinaparanas ni Chloe sa akin ngayon? O sa pagbabanta niya sa akin patungkol sa scholarship?

"Now, beg!" She ordered.

Sumulyap ako sa mga kasama niya.. dahil pati sila nakikisigaw din ng .. beg.

Tuloy-tuloy pang naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Nanginginig ako sa sobrang takot. Kumpara sa mga babaeng to, ano ba ang laban ko?

Ayaw kong mawala ang scholarship na pinaghirapan ko.. tanging ito na lamang ang isang bagay na maipagmamalaki ko kina Mama, at Papa. Ayaw kong ma dis-appoint sila sa akin, ... kahit na wala na sila.

Kahit gusto kong lumaban..

Gustong-gusto..

Pipigilan ko ang sarili ko.

Iiwasan kong makapanakit ng kapwa.

Pinilit kong tanggalin ang mariin niyang pagkakahawak sa akin, at dali-dali akong tumakbo upang makalayo na sa kanila.

Natatanaw ko na ang pintuan ng cafeteria. Ngumiti ako kasabay ng panlalabo ng mga mata ko sanhi ng mga luha.

Malapit na malapit na ako sa pintuan ng cafeteria ng di sinasadyang---

Blaaag!

May nakabangga ako.

Sa lakas ng pagkakabangga ko sa balikat niya, tumilapon ako sa sahig. At mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"Mikaella..?"

Sa lahat ng makakabangga ko, bakit siya pa?

Bakit ngayon pa?

Sobrang nakakahiya ang hitsura ko..

Tumayo ako mula sa sahig..

"What happened to you? At bakit ganyan ang hitsura mo?"

His jaw clenched..

Nakatingala ako ngayon sa kanya..

Ang tangkad niya sobra...

"Who the hell did that to you?!!"

Kakaibang aura ang nakita ko sa kanya. Malamig ang boses niya pero taliwas yun sa ikinikilos niya. Mas lalong umigting ang panga niya.

He looks dangerously and very menacing. Idagdag pa ang paniningkit ng kanyang mga mata. Parang mahihirapan ang sinuman na pigilan siya. Na kahit ako'y may pag-aalangan din.

"Answer me damn it!!"

Umalingawngaw ang boses niya sa loob ng cafeteria..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status