Share

Chapter Three

LAKING gulat ni Armina nang mabungaran si Migs sa parking lot ng kanilang opisina.  Patungo siya sa kanyang second-hand KIA.  It was past six in the evening.

            “I need to talk to you, Armi,” sabi nito.  “I’d like to show you something.”

            “Okay.  Ano ba  ‘yon?” 

            “Maybe we can talk somewhere else,” suhestiyon nito.  “It’s about Ralph.”

            Pumayag si Armina at patungo na sana sa  kanyang sasakyan nang pigilan ni Migs.

            “Wait!”  anito.  “May nakita akong fastfood malapit dito.  Dun na lang tayo mag-usap, kung puwede, para hindi na tayo lumayo nang husto.”

            “Okay,” pagpayag niya.  Balak naman talaga niyang pumasok sa isang kainan para kumain bago umuwi ng bahay.  Hindi na niya kayang tiisin ang gutom.  Baka himatayin na siya.  Masakit na rin ang kanyang ulo.  Sa sobra kasing trabaho sa opisina, hindi na niya nagawa pang magmeryenda.  Hindi rin naman marami ‘yong kinain niya nu’ng lunch.

            Nilakad lang nila ang patungo sa McDo.  Ilang metro lang naman iyon mula sa kinaroroonan nila.  Pagdating nila roon, kaagad silang pumila.  Um-order si Armina ng dambuhalang burger, softdrink, fries at apple pie.  Samantalang si Migs ay burger at softdrink lang ang in-order. 

            “Ako na ang magbabayad,” prisinta ni Migs nang kukunin na sana ni Armina mula sa kanyang bag ang wallet.

            “Okay.”

            Dinukot ni Migs mula sa bulsa ng pantalon ang wallet nito.  It was Coach.  At napatingin si Armina sa wallet.  Regalo niya iyon  sa lalaki noong 26th birthday nito.  Pinag-ipunan niya ng ilang buwan ang ipinambili niyon.

            “Nasa sa ‘yo pa pala ‘yan,” puna ni Armina, tukoy ang wallet.

            “Nakakapanghinayag kung itatapon,” wika ni Migs. “Mamahalin.”

            She smiled.  At hindi niya alam kung bakit.  Lumipat siya sa likuran nito at ito na ang pinaharap sa counter.  “Bayaran mo na, “ sabi niya rito.

            Nilantakan kaagad ni Armina ang mga pagkaing in-order pagkatapos nilang makahanap ng mesa.   Hindi na talaga niya kayang tiisin ang gutom.  To hell with good manners and  right conduct. 

            “Hindi ka pa rin pala nagbabago,”  nakatawang sabi nito.  Nakamasid pala ito sa kanya.  Pati yata mata, nakatawa rin.  “Matakaw ka pa rin.”

            Dinuro niya ito ng kapirasong French fry.  “Hoy, hindi ako matakaw.  May matakaw bang ganito ang katawan, sexy?” Nagmamamalaking itinuro  niya ang sarili.

              Humagalkpak ng tawa si Migs.

              “Ikaw, sexy? Ha..ha..ha…”

              “Kaya pala patay na patay ka sa akin.” wika niya.

              “Noon iyon, hindi na ngayon.”  Inabot nito sa kanya ang softdrink.  “Inumin mo, baka mabilaukan ka.”

              “Pustahan tayo,  maglalaway ka uli sa akin," pabirong wika ni Armina.   Ininom niya ang softdrink.  Halos kalahati ang nabawas. 

           "Sobra-sobra naman yata ang bilib mo sa sarili mo, aking Ex," natatawang sabi ni Migs.

            Napatingin si Armina sa kabilang mesa.  Isang babae’t lalaki ang naglalambingan.  Kinalabit niya si Migs.

             “Tingnan mo sila,” wika niya rito.  “Ganyang-ganyan tayo dati kung maglambingan.”

                  Napatingin doon sa dalawa si Migs.

                  "Naalala mo ba ang naalala ko?" anito.

                  "Marami tayong alaala," aniya.  "Alin ba sa mga 'yon?"

                  "Noong nalaglag ka sa hagdan." 

               Ganoon na lamang ang ngiwi ni Armina.  Sino ba ang makakalimot sa pangyayaring iyon?  Aba, inabot ng isang buwan bago tuluyang gumaling ang pilay niya.

                 "Mas sweet pa tayo sa mga 'yan, di ba?" ani Migs.  

               "Ang sabihin mo, mahalay ka. Ninanakawan mo 'ko lagi  ng kiss.  Kahit nasa hagdanan tayo noon ng bahay namin, bigla mo na lang akong hinalikan. Nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako sa hagdan.  Gustung-gusto na kitang patayin nun, kung alam mo lang.  Kamuntik na 'kong maging baldado nang dahil sa 'yo."

              Tumawa si Migs.  "'Eto naman, siyempre, hindi naman kita hahayaang maging baldado. Lab kita, eh.  'Di ba nga, ipinahilot kita ke Mr. Liao?""

              "'Buti na lang magaling na manghihilot ang Intsik na 'yon dahil kung hindi nalintikan ka na sa 'kin noon. Kaya lang,” sabi uli ni Armina, “ hanggang kailan kaya sila ganyan?” Ang tinutukoy na ay ang babae't lalaki na naglalambingan.

            “Hanggang wala sa kanila ang bibitaw,” tugon ni Migs.  “Nadidiskaril ang isang relasyon kung may isang bumibitiw sa sinumpaang pangako.”

            “Parang ako,” wika niya.

            Nagpakawala ng malalim na hininga si Migs. 

            “Tell me, Armi,” wika nito pagkatapos.  “Bakit ka nga ba hindi sumipot sa kasal natin?  Minahal mo ba talaga ako?”

            Umayos ng upo si Armina.  “Ibibigay ko ba naman sa ‘yo ang sarili ko, kung hindi?  Minahal kita, Migs.  Maniwala ka man o hindi.  Kaya lang, sabi nga sa kanta, loving yourself is the greatest love of all.  Mahal kita noon pero sorry ha, selfish siguro ako,  mas mahal ko  ang sarili ko, ang mga pangarap ko.   Ilang taon pa lang ba kasi ako noon?  Twenty-two, napakabata pa para mag-asawa.  Besidess, hindi pa natutupad ang mga pangarap ko,  ang maging isang CPA.  Naisip ko noon, kung magpapakasal ako sa ‘yo, posibleng hindi ko na iyon matupad.  Siyempre, ikaw saka ang magiging  mga anak natin ang magiging priority ko, huli ang sa akin.  Hindi ko naman maaaaring pagsabaysabayin ang pagpamilya at pagtupad sa pangarap. 

            “Kaya imbes na sumipot ako sa araw ng kasal natin, lumuwas ako ng Maynila para mag-review.   Dinibdib ko ang pagre-review kaya siguro nakapasa ako.   Pero sa kabila niyon, naiisip ko pa rin ang malaking kasalanang nagawa ko sa iyo.”

            “Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang mararamdaman ko, noong time na iyon, Armie?  Ang sakit kaya sa loob ng ginawa mo.  Pinagmukha mo akong tanga sa simbahan.  Hindi ka naman pala sisipot.  Sana hindi ka na lang pumayag na pakasal sa akin kung ayaw mo naman palang patali sa akin, kung may plano ka naman palang iba.”

            “Kaya nga humihingi uli ako ng tawad sa ‘yo.  Hindi ko naisip iyon noon.  Siguro dahil immatured pa ako that time.  At saka, alam mo namang may sakit sa puso ang tatay.  Natakot akong baka atakehin siya kung hindi ko susundin ang kagustuhan niyang makasal tayo.   At huli na nang napag-isip-isip ko na kailangan kong ipaglaban kung ano ang gusto ko sa buhay.  Tutal bata pa naman ako noon.”

            Bumuntunghininga si Migs.  “Hindi naman ako mapagtanim ng galit na tao, Armi,” wika nito.  “Alam ko naman na lahat ng sugat ay humihilom sa tamang panahon.  At ang sugat na dulot mo’y nahilom na.  Napatawad na kita.”

            “Kaya nga nahulog ang loob ko sa ‘yo noon, mabuti kang tao.  Ako lang ang hindi.  Maiba tayo,  ang sabi mo, may ipapakita ka sa akin.  Ano ba ‘yon?”

            May inilabas na ilang pirasong larawan mula sa isang brown envelop si Migs. 

            “Ano ba’ng mga ito?” Isa-isang dinampot ni Armina ang mga larawan mula sa mesa.

            “Kuha ‘yan sa birthday party na dinaluhan noon ni Sam.”

            “Saan mo nakuha ang mga ito?” Sa photo na hawak ni Armi, si Sam nga ang naroon kasama si Denise, kumukuha ang mga ito ng pagkain sa buffet table.  May mga nahagip ding guests sa partikular na larawang iyon.

            “Sa celebrant mismo.  Nagpa-reprint ako.”

            “Nauto mo?”

            “Siyempre, guwapo  ako, eh.”

            “Yabang!”  Inirapan niya ito.  “Will these photos help?”

          “Sana.  Gusto kong ipakita ang mga ito sa kapatid mo.  Baka sakaling, nakuhanan diyan si Ralph.  Nakauwi na kaya ‘yon sa inyo?”

              “Nasa biyahe pa siguro ‘yon.”

            “Okay lang ba kung sumama ako sa pag-uwi mo sa inyo?  Kakausapin ko ang kapatid mo ng tungkol dito.”

            “Bakit  naman hindi puwede?  Ang saya-saya nga, may pagkakataon akong mapatakam kita uli,” wika niya sabay kindat kay Migs.

           

TALIWAS  sa inaasahan nina Armina at Migs, nadatnan na nila sa bahay si Sam.  Sumama raw ang pakiramdam nito kaya hindi na tinapos ang panghuling subject. 

            “Gusto ka raw kausapin ni Migs,”wika ni Armina sa kapatid bago dumeretso sa loob ng kanyang silid para magbihis ng pambahay.  “May ipapakita sa ‘yo.  Bahala ka na muna sa kanya.”

            Pinaupo ni Sam si Migs at inalok ng maiinom.

            “Salamat pero huwag ka nang mag-abala,“ anito.  “I have something to show you.”  Iniabot nito ang brown envelop kay Sam.

            “Ano ba ‘to, Kuya?” Isa-isang inilabas mula sa envelop ni Sam ang mga larawan. “Some photos taken sa birthday party na dinaluhan n’yo noon ng kaibigan mong si Denise,” tugon ni Migs.   “Recognize it?”

            Pinag-aralan ni Sam ang isang larawan na hawak nito.  “Ako itong nakatalikod, si Denise itong nakaharap sa camera.  That was when Denise saw his crush Bill George.  Kaya nga kita mo naman, nanlaki ang mga mata ng bruha, biglang na-excite.”

            “May nahagip diyan na ibang guest na lalaki.  Wala ba riyan si Ralph?”

            Umiling si Sam.  “Lumapit lang naman sa akin si Ralph noong iwan ako ni Denise sa isang sulok para lapitan si Bill George.”

            “Okay.”

          “I didn’t know they were taking pictures,”sabi ni Sam habang isa-isang tinitingnan ang iba pang larawan.  Then, she returned the pictures to Migs.  “Wala naman si Ralph sa mga photos na ‘yan, Kuya Migs.”

            “Maliban doon sa paghahanap niya sa girlfriend niyang modelo na nawawala, wala man lang ba siyang naikuwento tungkol sa buhay niya?”

            Sam shook her head.

            “So, may new update na ba?” wika ni Armina paglabas ng kanyang silid, wearing her usual get-up kapag nasa bahay—loose t-shirt and short shorts, flaunting her flawless bare legs.

            Tumayo si Sam.  “Bokya pa rin,” anito.  “Magpapahinga na ako.  May schedule ako ng check up sa OB ko bukas.”

            “Ano’ng oras ba ang check-up mo?” asked Armina.  “Sasamahan kita.”

            “Ten.  Pero aagahan ko’t baka ma-traffic.”

            “Sige, a-absent muna ako sa office.,” wika ni Armina.  Pumasok na sa kuwarto nito si Sam.

            “Hoy,” kalabit ni Armina pagkuwa’y kay Migs sapagkat walang paknit nitong tinititigan ang legs niya.  “Para kang namatanda riyan.”

            “Kailangan ba talagang magsuot ng short shorts sa harap ng bisita?” ani Migs.

             Bumungisngis si Armina.  “Oo, para maakit ang bisita.”

             “Aba, Binibini, sine-seduce mo ba ang bisita?”

             “Hmp, asa pa ‘ko, ‘no?”

             Tumawa si Migs.  “Talaga, asa ka pa!  Me dyowa na ‘to, ‘oy.”

             “Ito naman di na mabiro. So, ano na ang next move mo?  Hindi naman pala nakuhanan ng picture si Ralph dun sa party.”

              “Babalikan ko bukas ang nire-request kong copy ng CCTV footage ng Glamour Hotel.,” wika nito.  “Kumusta na nga pala ang mga magulang n’yo?”

            “Mabuti naman sila,” tugon ni Armina.  “Si Mama, nagretiro na sa pagtuturo, ganoon din si Papa.  Simbahan na ang pinagkakaabalahan ngayon ni Mama, aktibo sa sa Parish Church  sa probinsiya.   Samantalang si Papa, magmula nang magretiro, aba, sa sabungan naman nalulong.  Kaya hayun, lagi silang may giyera mundial ni Mama.”

            “Kumusta ang kalusugan ng papa mo?”

            “Hindi na naulit ‘yong last heart attack niya,” aniya.  “Kasi naman, wala nang pasaway sa amin ni Samantha recently.  Ang ipinangangamba ko lang, kapag nalaman niyang buntis ang bunso niya, baka atakehin na naman ‘yon sa puso sa sobrang sama ng loob.”

            “Problema ngang malaki ‘yon.”

            “Kumusta naman ang dyowa mo?”

            “Okay naman.  Nurse pa rin sa Dubai.”

            “Me picture ka?  Patingin naman.”

            “Wala, eh.”

            “Bakit wala?  Siguro, pangit ang dyowa mo kaya hindi ka nagdadala ng picture niya.”

            He eyed her.  “Mas maganda pa siya kaysa sa ‘yo,”  buong-pagmamalaking wika nito.

            “Really?  Eh, pa’no ko malalaman kung totoo ‘yang sinasabi mo, wala ka namang ebidensiya man lang.”

            “Basta, paniwalaan mo ako.”

            “Eh, di sige,”wika niya.  “Do you love her?”

            “Of course.”

            “Talaga?  Swear to God?  Tamaan ka man ng kidlat?”

            Tumango si Migs.  “Kahit mamatay man ako ngayon.”

            “Ibig sabihin, hindi ka titingin sa kahit sinong seksing babae kasi nga love mo siya?”

            “Oo naman.”

            “Kaya pala nakatitig ka nina sa legs ko,” ani Armina, nakangisi.

            “Asumera ka, Miss,” ani Migs.

            “Huwag ka na kasing mag-deny, buking ka na.”

            “Hindi nga! Hindi nga ako nakatitig sa legs mo.”

            “O, siya, hindi na kung hindi na.  ‘Tsura neto, high blood agad.”

            Tumayo bigla si Migs.   “Oras na para umuwi,” anito.  

            “Mabuti pa nga,” wika ni Armina rito.  “At baka hindi na kita pauwiin kapag nagtagal ka pa rito,” sabay tawa. 

            Eksiheradong tumawa si Migs. “Hohoho..”

            “Joke lang,  ito naman.   Sige na, umuwi ka na,” pagtataboy ni Armina.

           

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status