Share

CHAPTER ONE

Catharyn's POV

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa 'kin ng lalaking nakasuot ng business suit. 

Hindi ko pa rin maigalaw ang aking mga kamay. Ang huling naaalala ko ay ang pagtalsik ko mula sa tricycle at ang nakabundol sa tricycle ay isang lalaki na nagmamay-ari ng magarang sasakyan! 

"I-ikaw ba ang nakabundol sa amin?" kalmadong tanong ko.

"How much money do you want?" tanong nito na siyang naging dahilan ng pag-akyat ng dugo ko sa aking ulo. 

Anong tingin niya sa 'kin mukhang pera?! Hindi ako nakukuha sa pera, ang kailangan ko ay ang apology niya! 

Masakit 'man ang aking katawan pero pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga at tinignan siya sa 'kanyang mga mata pagkatapos ay nagsalita. "Hindi ko kailangan ng pera mo! What I need from you is an apology, mister whoever you are! Nasa'n ang kasama ko?" inis na tanong ko.

"She's dead," wika ng lalaki pagkatapos ay umupo sa upuan ng naka dekwatro. 

Bakit kung magsalita siya parang insekto lang ang namatay? Anong klaseng tao ba 'tong kaharap ko? 

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko pababa sa aking pisngi. Wala na si Nanay. Hindi ko na siya kailanman makikita pa. Heto! Hetong lalaking 'to ang dahilan ng pagkawala ng Nanay ko! Paanong nakakapagsalita pa siya ng ganto kalumanay gayong may namatay dahil sa kawalan nila ng ingat?!

"G*go ka! Ikaw ang dahilan kaya namatay ang Nanay ko!!!! Walang hiya ka! Magpasalamat ka at hindi ko pa kayang igalaw ang katawan ko! Hayop ka! Mamamatay tao!!!" sigaw ko habang lumuluha.

Hindi pwedeng mamatay ang Nanay ko! Siya nalang ang pinagkukunan ko ng lakas para bumangon at lumaban sa buhay!

Pinunasan ko ang mga luhang nagsibagsakan sa aking pisngi at gulat akong napatingin sa lalaking nakasuot ng business suit nang humagalpak ito ng tawa. Kunot noo akong tumingin sa 'kanya at inis na binato siya ng lampshade. 

"What the fvck?! Why did you throw the lampshade at me?! Look miss, hindi namatay ang Nanay mo. In fact mas malala pa nga 'yong tinamo mo. Tss, you're acting like a promdi," turan nito pagkatapos ay sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang daliri.

Sinipa niya naman ang lampshade papalayo sa 'kanya at tumingin ako sa 'kanya gamit ang naiinis na tingin. "G*go ka ba?! Pati pagkamatay ng tao ginagawa mong biro? Pag nag-krus talaga ang landas natin muli bugbog sarado ka sa 'kin!" inis na turan ko.

"I already paid your bills. If you still need something from me just call me," wika nito pagkatapos ay inilapag sa bedside table ang calling card niya at lumabas.

Pinindot ko ang nurse call button at nang dumating ang nurse ay agad akong nagpakuha sa 'kanya ng wheelchair upang ma-check ang kalagayan ng nanay ko.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ngayon sana ang pagpasok ko sa trabahong in-applyan ko bilang katulong pero dahil sa l*ntek na lalaking 'yon ay mauurong ang pagpunta ko. Hindi naman talaga ako ganito kabarumbado pero dahil napuno ako sa ugali ng aroganteng lalaking 'yon ay sumabog na ang galit na nararamdaman ko.

Nandito kami sa San Jose City General Hospital. Heto ang pinakamalapit na Ospital kung saan nangyari ang aksidente sa pagitan namin at no'ng aroganteng lalaking 'yon. 

"Catharyn, anak! Mabuti ang maayos ang iyong lagay?" salubong sa akin ni nanay nang makalapit ako sa 'kanya.

"Wen inang," tipid na sabi ko.

(TRANSLATION: Opo nanay)

"Nasayaat no kasta anak ko," nakangiting turan ni nanay.

(TRANSLATION: Mabuti kung gano'n anak ko.)

Iniwan muna kami saglit ng nurse. Marahil ay nakahalata siya na may importante kaming pag-uusapan ni nanay kaya siya nagpaalam saglit.

"Napakabait no'ng lalaking nakabundol sa atin. Biruin mo anak, pinilit niya pa na kunin ka bilang trabahante niya sa 'kanyang bahay! Napakalaki ng sahod na ibinibigay niya," turan ni nanay at kita mo sa 'kanyang mga mata ang kinang dahil sa tuwa.

Agad na naagaw ni Nanay ang atensyon ko matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Hindi Nanay! Hindi tayo kailanman lalapit pang muli sa aroganteng lalaking 'yon!" sigaw ko dahilan para pagkunutan ako ng noo ng aking ina.

"Apay Catharyn? Anya ti problemam?" tanong ni Nanay sa 'kin dahilan para bumalik ako sa wisyo.

(TRANSLATION: Bakit Catharyn? Anong problema mo?)

Hindi dapat ako magdagdag pa ng stress kay Nanay dahil marami na siyang problemang iniisip magmula nang mamatay si Tatay. Ang dami na ng aming pinagkakautangan at kung iyon lang ang tanging paraan para makabayad ako ay titiisin ko ang galit na meron ako mula sa 'kanya.

"Pero paano ang trabahong a-applyan ko, nay?" tanong ko.

"Mas malaki ang sasahurin mo mula sa lalaking 'yon anak! Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya," wika ni nanay dahilan para bumuntong hininga ako.

Kung alam lang siguro ni nanay kung gaano ka-arogante ang lalaking 'yon siguro hindi niya ako pipilitin na magtrabaho pa sa 'kanya.

"Opo nay," turan ko ko nalang at ngumiti sa 'kanya.

Linggo ang lumipas bago ko napagdesisyunang tawagan ang lalaking arogante na 'yon. Hindi ko alam pero pinipilit ko nalang na 'wag akong pangunahan ng pride upang makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpasok sa lalaking 'yon bilang kanyang trabahante.

"Hello?" wika ng lalaking nagmamay-ari ng baritonong boses.

"Good morning po. Heto po ba si Mr. Xannon Clint Altamero?" wika ko habang binabasa ang pangalan niya mula sa calling card na binigay niya.

Napakaganda ng pangalan pero kung sa ugali pagbabasihan ay napakapangit. 

"Speaking. Anong kailangan mo?" tanong nito na animo'y paubos na ang pasensya.

"Ako po si Catharyn Gualvez...--" hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang bigla itong magsalita.

"You're hired. I'll send you my address so that you can go here tomorrow morning," wika nito pagkatapos ay pinatay na ang linya.

"Kahit kailan napaka arogante! So, Xannon Clint Altamero? Napakaganda ng pangalan pero ang ugali ay kabaliktaran, tss. Makikita mo kung paano kita paiibigin gamit ang karisma ko. Ay sus apo! Anya metten Catharyn! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?! Huwag kang magpapabilog sa kagwapuhan ng magiging boss mo! Tandaan mo, arogante siya," wika ko habang nakaharap sa salamin.

(TRANSLATION: Diyos ko! Ano ba 'yan Catharyn! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!)

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapag-impake na ako ng mga gamit ko. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang pilit na magbagsakan sa aking pisngi subalit nang makita ko ang aking mga kapatid at ina ay hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha.

"Mag-iingat kayo ha? Alagaan niyo si nanay," wika ko sa aking mga kapatid. 

Nagsitanguan naman sila at niyakap namin ang isat-isa pagkatapos ay nagsipaalaman. 

"Lagi niyong tatandaang mahal ko kayo at kaya ko 'to ginagawa para sa inyo," wika ko pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila.

TO BE CONTINUED 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status