Catharyn's POV
HINDI ko alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin sa laki ng bahay ni Xannon. Napakabait ng mga kasambahay nila dito. Napaka palakaibigan ng lahat at hindi ako tinatratong iba ngayon pa lang na kakapasok ko sa kanilang ikalawang tahanan.
"Dito ang magiging higaan mo," wika ng Mayordoma sa akin.
Hindi ko alam kung matatawag ko pa bang bahay itong aking kinatatayuan dahil sa tingin ko ay nararapat itong tawaging mansyon!
Ang maid's quarter pa lang ay parang buong bahay na namin. Iba pa ang sala, kitchen, dirty kitchen, mga kwarto at marami pang iba.
"Si Xan.. I mean si Sir Xannon lang ho ba ang nakatira dito mag-isa?" tanong ko sa Mayordoma.
"Ngayon, oo" wika niya.
"Eh noon?" tanong ko.
"Hindi ko alam kung ako ba ang dapat magsabi sa 'yo neto pero dahil chismosa ako. Sige sasabihin ko na," turan ng Mayordoma at humagikgik pa.
"Dapat kasi ikakasal na si Sir Xannon kaso no'ng araw na ng kasal nila tumakas si Ma'am Margaret. Umalis siya ng walang pasabi at pinag-antay si Sir Xannon sa simbahan kasama ang mga guests nila. Nakakaawa nga si Sir Xannon eh, napakabait ng batang iyon marahil ay dahil sa pag-iwan sa 'kanya ni Ma'am Margaret kaya ganyan siya kung umakto ngayon," mahabang turan niya.
Marami pang kinwento si Madam MJ sa 'kin na siyang tumatayong Mayordoma dito sa mansyon. Parang unti-unti kong nakilala si Xannon sa pamamagitan ng pag-kwento ni Madam MJ. Nakakatuwa lang isipin, paano nangyaring ang isang masayahing lalaki noon ay naging mas malamig pa sa yelo ang trato sa ibang tao ngayon at higit sa lahat ay naging arogante?
"Oh siya, maiwan na muna kita dyan. Marami pa akong kailangang gawin," turan ni Madam MJ.
Inayos ko muna ang aking mga gamit pagkatapos ay nagbihis ng aking uniporme upang makapag-umpisa na sa mga gawain dito sa mansyon. Noong una ay nangangapa pa ako sa mga gawain pero no'ng nagtagal ay nasanay na rin naman na ako.
Natigil ako sa paglilinis ng swimming pool nang bigla akong tawagin ni Madam MJ. Agad akong lumingon sa 'kanya at tinanong kung bakit niya ako tinawag.
"Bakit ho?" tanong ko.
"Pinapatawag ka ni Sir Xannon! Ano bang ginawa mong bata ka at pinatawag ka non bigla?" nag-aalalang tanong ni Madam MJ sa 'kin.
"Hindi ko pa nga siya nakikita eh paanong may ginawa ako sa 'kanya na hindi niya nagustuhan?" kibit balikat na tanong ko.
Hindi ko na inantay pa na sumagot si Madam MJ at dahan dahan akong pumunta sa ikatlong palapag kung saan nando'n ang kwarto ni Xannon.
Nang makarating na ako sa tapat ng kanyang kwarto ay may nakita akong parisukat sa gilid ng kanyang pinto at kulay green na umiilaw sa loob nito. Marahil ay finger print scanner ito kung saan nilalagay ni Xannon ang kanyang daliri upang bumukas ang kanyang pinto. Agad kong hinanap ang intercom upang matawag ko siya at malaman niyang nasa tapat na ako ng kanyang kwarto.
"Sir, si Catharyn po ito," wika ko habang pinipindot ang intercom.
"Come in," wika niya, senyales na maaari na akong pumasok sa kanyang kwarto.
Nang makapasok ako ay gulat akong napatingin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Halos lahat ng kanyang mga gamit ay kulay itim. Magmula sa 'kanyang higaan, ceiling fan, chandelier na gold ang kulay, kulay itim na centralize aircon, 'yong couch niya na kulay itim at maging ang mat sa 'kanyang sahig. Marmol ang kulay ng kanyang sahig at kulay itim ang kanyang dingding. Napaka-manly ng amoy ng kanyang kwarto. Marahil ay heto ang kanyang pabango.
"Sir, ano ho ang kailangan m-mo?" kinakabahang turan ko.
Alam ko may atraso pa siya sa akin pero iba ang awra ng kanyang mukha ngayong kaharap ko siya. Parang may itim na usok na nakapaligid sa 'kanyang likuran dahilan para mapaatras ako at matutop ko ang aking labi.
"Prepare me some coffee," wika nito subalit ang kanyang paningin ay nasa kanyang laptop pa rin.
"Tss, napaka arogante," bulong ko at akmang lalabas na sana ng kanyang kwarto kaso bigla siyang nagsalita.
"Are you saying something?" kunot noong tanong nito.
Napatingin ako sa 'kanya at nagpanggap na ngumiti bago nagsalita. "Ah, eh wala ho, sir," iiling iling na wika ko.
"Faster!" sigaw nito dahilan para mapaigtad ako at nagmadaling lumabas ng kanyang kwarto.
"Jabar din 'yon si Xannon eh," inis na turan ko habang naglalakad.
Nakanguso akong nagtimpla at nang mamalayan ko na nakatingin sa akin si Madam MJ mula sa malayo ay inayos ko ang ekspresyon ng aking mukha.
Nagsimula na akong maglagay ng tubig sa lagayan at nilagyan ito ng filter pagkatapos ay naglagay ako sa ibabaw ng filter ng coffee grounds. Coffee maker ang ginagamit dito sa pagtitimpla ng kape. Mabuti nalang at alam kong gamitin ang mga gamit dito dahil sa dati kong trabaho kaya hindi ako nagmumukhang ignorante.
Pagkatapos kong ilagay ang mga kailangan ay sinalin ko na sa cup ang kape na aking tinimpla. Akmang aalis na sana ako kaso biglang nagsalita si Madam MJ sa aking harapan dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Oh? Anong nangyari? Napagalitan ka ba?" panguusyoso ni Madam MJ dahilan para magsalita ako.
"Hindi Madam eh, pinagtimpla niya lang ako ng kape niya," wika ko.
"Ay ganon ba? Dalian mo na at ibigay mo na 'yan sa 'kanya. Maikli lang ang pasensya ni Sir Xannon," turan ni Madam MJ dahilan para magmadali ako sa paglalakad.
Napakataas naman kasi ng mansyon na 'to! Tingin ko bago ako makaakyat sa kwrto ng damuhong 'yon ay malamig na 'tong kape na pinapatimpla niya, tsk!
Pagkaakyat ko sa tapat ng kanyang pinto ay nagsalita muna ako sa intercom at nang papasukin niya ako ay agad kong inabot sa 'kanya 'yong kape niya.
Kukunin na sana niya 'yong kape niya kaso hindi ko pa naitatanggal ang aking kamay sa handle ng cup dahilan para masakop ng kanyang palad ang aking kamay. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahilan para mapatingin ako sa kulay itim niyang mga mata.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sininok ako. Nilagay ko ang isang palad ko sa aking bibig upang hindi niya sana marinig ang aking sinok subalit hindi ako nagwagi dahil nakita kong umusbong ang ngisi sa 'kanyang labi.
"Falling for me, huh?" wika nito habang nakangisi.
"A-asa ka!" sigaw ko at dali dali akong lumabas sa kanyang kwarto.
Dinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan subalit hindi na ako nag-abala pang lumingon at dire-diretsong bumaba sa hagdanan.
Hinawakan ko ang aking dibdib at nang maramdaman kong kalmado na ang aking puso ay nagsalita akong mag-isa sa hagdanan. "Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko kanina? Gusto ko na ba talaga si Xannon?" wika ko habang ang paningin ay nasa kisame.
TO BE CONTINUED
Catharyn's POVNANG makababa na ako sa kusina ay agad akong kumuha ng tubig sa water dispenser at ininom 'yon. Hindi ko alam pero parang nag-jogging ako sa sobrang basa ko sa pawis! Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit siya pa ang nagustuhan ko? Wala namang kagusto-gusto sa 'kanya!"Binulyawan ka?" tanong ni Madam MJ.Ni hindi ko manlang naramdaman ang presensya niya. Nilulukob kasi ni Xannon ang isip ko. Gusto ko na ba talaga siya? Hindi maaari to! Dapat alisin ko na ang nararamdaman ko para sa 'kanya dahil alam kong sa huli ay ako rin lang ang masasaktan."O-opo eh," pagsisinungaling ko kay Madam MJ.Ayaw kong sabihin sa 'kanya ang tunay na nangyari. Alam kong sa huli ay ako rin lang ang mali. Mali dahil amo ko siya at katulong niya ako."Oras ng trabaho pero nagchi-chismisan. I'm warning you, enough with the chitchat and just do your
Catharyn's POVKINAUMAGAHAN ay sobrang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako dahil kulang ang tulog ko kagabi. Inokupa ni Xannon ang isip ko. Sino kaya 'yong babaeng 'yon at naisipan niyang ibigay ang bataan niya sa lalaking 'yon?"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Madam MJ.Lumingon ako kay Madam MJ pagkatapos ay bumuntong hininga. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'kanya ang nakita ko kagabi."Ah, nami-miss ko lang ang pamilya ko," pilit na ngiting turan ko.Mas mainam nalang siguro na 'wag kong sabihin kahit kanino ang nakita ko kagabi. Privacy na 'yon ni Xannon at hindi na dapat pa akong makielam."Naku! Ganyan rin ako no'ng una! Masasanay ka rin hija," wika ni Madam MJ.Ngiti nalang ang isinukli ko sa 'kanya at ginawa ang mga dapat kong gawin. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Xannon dahil sa
Catharyn's POVPAGKARATING namin sa kanyang kompanya ay tila ba nalula ako sa sobrang taas ng building ng kanyang kompanya. Tila ba nasa isa akong pelikula dahil sa laki at ganda! Kita ko ang paningin ng nakararami sa amin. Marahil ay dahil kay Xannon kaya gano'n."Good morning Mr. Altamero," magiliw na bati ng babae na nakasuot ng uniporme."Magandang umaga po sir," muling turan ng isa nanamang babae.Hindi manlang nag-abala si Xannon na bigyang pansin ang mga taong bumabati sa 'kanya. Kita ko ang pagkadisgusto sa mga mata ng karamihan sa 'kin. Kung nakakamatay nga lang sana ang tingin kanina pa ako patay."Don't mind them, just focus on me," wika ni Xannon.Makikita mo ang panginginig ng kanyang mga empleyado at ang pagmamadali ng mga ito. Pumasok kami sa elevator na kulay gold."This elevator is made only for me," walang emosyon
Catharyn's POVPAGKALABAS ko ng C.R. ay nagulat ako nang narinig ko si Xannon na sumisigaw na animo'y may kaaway sa kabilang linya gamit ang isa niya pang cellphone. Mahihimigan mo ang galit sa tono ng kanyang pagsasalita dahilan para bumalik ako sa loob ng C.R. at naglagay ng kaunting awang sa pinto upang marinig ko ang sinasabi niya."I don't care about the money that I will pay, what I care about is to find her! Look for her!" galit na turan nito at pinatay na ang linya."Fvck!" sigaw niya pagkatapos ay sinipa ang swivel chair dahilan para tumumba ito sa sobrang lakas ng pagkakasipa niya.Iningayan ko ang palabas ko mula sa pinto upang malaman ni Xannon na palabas na ako. Kita kong inayos nito ang awra ng kanyang mukha at nakangiting sinalubong ako ng yakap."M-may problema ba?" nag-aalalang tanong ko."Wala," wika nito nang paghiwalayin niya a
Catharyn's POVPAGKAPASOK ko sa bahay nila ate ay agad ako nitong pinaupo sa kanilang sala. "Sabihin mo nga sa 'kin, ano bang nangyari?" tanong ni ate habang binibigay sa 'kin ang isang baso ng tubig.Agad kong kinwento ang totoong nangyari sa 'kin kay Ate at hindi mapigilan ni Ate na magalit sa 'kin nang malaman niya ang totoo."Alam mo kung anong nangyari sa 'kin noon. Bakit tumulad ka pa?" kalmadong tanong ni Ate sa akin pero alam ko na sa loob loob nito ay galit na siya."Gusto ko kasi siya ate," lumuluhang turan ko."Hindi porket gusto mo siya ay dapat mo ng ibigay ang pagkababae mo. Hindi mo ba alam na kasalanan 'yang ginawa mo? Na ibinigay mo ang sarili mo sa isang lalaki kahit hindi ka kasal?" tanong ni Ate.Tanging hikbi ko nalang ang naririnig ni ate dahil sa kawalan ko ng salita. Alam ko na mali ang ginawa ko pero masisisi niya ba ako gayong si Xannon ang tinitibok ng puso ko?"Gusto ko siya, ate eh" lumul
Catharyn's POV"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Shiena dahilan para mapalingon ako sa 'kanya.Tumingin muna ako rito bago nagsalita. "Punta lang ako sa restroom," pagsisinungaling ko.Tumango naman ito senyales na maaari na akong pumunta sa restroom. Habang nglalakad ako palabas sa meeting place ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Dali dali kong pinunasan ang mga ito at dumiretso na sa restroom."Okay, Catharyn. Relax," turan ko nang makarating ako sa tapat ng salamin pagkatapos ay huminga ng malalim."Si Xannon lang 'yon at wala ng iba," muling sabi ko sa harap ng salamin.Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang lumabas subalit muli akong bumalik at naghugas ng kamay.Pagkalabas ko ng restroom ay gulat akong napaatras nang makita ko si Xannon sa gilid ng pinto. 
Catharyn's POV"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Shiena dahilan para mapalingon ako sa 'kanya.Tumingin muna ako rito bago nagsalita. "Punta lang ako sa restroom," pagsisinungaling ko.Tumango naman ito senyales na maaari na akong pumunta sa restroom. Habang nglalakad ako palabas sa meeting place ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Dali dali kong pinunasan ang mga ito at dumiretso na sa restroom."Okay, Catharyn. Relax," turan ko nang makarating ako sa tapat ng salamin pagkatapos ay huminga ng malalim."Si Xannon lang 'yon at wala ng iba," muling sabi ko sa harap ng salamin.Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang lumabas subalit muli akong bumalik at naghugas ng kamay.Pagkalabas ko ng restroom ay gulat akong napaatras nang makita ko si Xannon sa gilid ng pinto. 
Catharyn's POVPAGKATAPOS naming kumain ay agad kaming bumalik sa kompanya. Kita ko ang mga mata ng chismosa kong ka-trabaho na nakatunghay sa amin. Palibhasa ay kasama namin ni Shiena si Xannon kaya ang lagkit ng tingin nila sa amin."Mauuna na ho ako sa faculty namin, sir," pilit na nakangiting turan ko dahilan para mapahinto si Xannon at Shiena sa paglalakad."Hindi ka muna ba sasama sa amin para i-tour si sir?" tanong ni Shiena dahilan para matutop ko ang aking labi."Ahhh, hindi na hehe. Gagawa pa kasi ako ng content," turan ko habang pilit na ngiti ang ipinupukol ko sa kanila."I already told you about your 'new' job, Ms. Gualvez. Do I still need to repeat it?" wika ni Xannon.Muli kong tinignan ang kanyang daliri kung saan nakasuot ang kanyang singsing.Kasal na siya at hindi ka niya kailanman mi