Share

CHAPTER THREE

Catharyn's POV

NANG makababa na ako sa kusina ay agad akong kumuha ng tubig sa water dispenser at ininom 'yon. Hindi ko alam pero parang nag-jogging ako sa sobrang basa ko sa pawis! Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit siya pa ang nagustuhan ko? Wala namang kagusto-gusto sa 'kanya!

"Binulyawan ka?" tanong ni Madam MJ. 

Ni hindi ko manlang naramdaman ang presensya niya. Nilulukob kasi ni Xannon ang isip ko. Gusto ko na ba talaga siya? Hindi maaari to! Dapat alisin ko na ang nararamdaman ko para sa 'kanya dahil alam kong sa huli ay ako rin lang ang masasaktan. 

"O-opo eh," pagsisinungaling ko kay Madam MJ. 

Ayaw kong sabihin sa 'kanya ang tunay na nangyari. Alam kong sa huli ay ako rin lang ang mali. Mali dahil amo ko siya at katulong niya ako. 

"Oras ng trabaho pero nagchi-chismisan. I'm warning you, enough with the chitchat and just do your jobs!" bulyaw ni Xannon dahilan para mapaigtad kami ni Madam MJ. 

Gano'n na ba talaga kagaan ang yabag ng kanyang mga paa para hindi namin mahalata ni Madam MJ ang pagdating niya? 

"P-pasensya na ho, Sir Xannon," pagpapaumanhin ni Madam MJ. 

Akmang aalis na sana ako kaso biglang nagsalitang muli si Xannon dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. 

"You stay here," kita ko ang pagkunot ng noo ni Madam MJ kaso no'ng nakita niyang masama ang tingin sa 'kanya ni Xannon ay agad itong umalis. 

"You like me, don't you?" diretsong tanong nito sa 'kin. 

Kunot noo ang isinagot ko sa 'kanya at bigla siyang humagikgik dahilan para magsalita ako. "Ano bang pinupunto mo?" inis na tanong ko dito. 

"Have s*x with me," nakangiting turan nito. 

"Ano?!" sigaw ko. 

Anong tingin niya sa 'kin?! Makukuha niya ng basta basta?! Hindi kailanman pumasok sa isip ko ang magpagamit sa lalaki na hindi ko naman mahal! 

"Didn't you hear me? I said have s*x with me... and pretend to be my ex-girlfriend," turan niya dahilan para umangat ng dugo ko sa aking ulo na siyang nag-udyok sa akin para sampalin siya ng malakas!

Hah! Have s*x with him?! Pretend to be his 'ex-girlfriend?!' Ano siya nahihibang?! Wala sa dugo namin ang nakikipagtalik lang kung kani kanino. Hindi porket boss ko siya ay may karapatan na siyang ganituhin ako! 

"Hindi porket nag-tatrabaho ako sa 'yo ay may karapatan ka ng tratuhin ako ng ganito!" naiinis na bulyaw ko sa 'kanya. 

"You bitch!" sigaw niya at akmang hahawakan sana niya ako sa panga kaso dinuro ko siya dahilan para hindi niya magawa ang dapat na gagawin niya. 

"Ano? Hahawakan mo 'ko sa panga?! Bubugbugin mo 'ko?! Sige! Gawin mo! Tutal ganyan naman ang tingin niyo saming mga mahihirap eh diba?! Ang maliitin at gamitin para sa pang sarili niyong kaligayahan!" sigaw ko at tinulak siya pagkatapos ay lumabas sa mansyon. 

Napagdesisyunan kong tumambay nalang muna sa pool at tinampisaw ang aking mga paa. Hindi ko mapigilang 'wag mapahikbi dahil sa sakit ng mga salita na sinabi niya sa 'kin. Minaliit niya ang pagkatao ko. Kung hindi lang naman ako nangangailangan ng pera hindi ako magta-trabaho dito eh. Kung hindi lang para sa pamilya ko hindi ako mapupunta sa amo na ganito. 

"Oh, kunin mo 'to," 

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang may magsalita sa aking likuran at inabutan ako ng panyo. Agad kong tinanggap 'yong panyong inaabot niya pagkatapos ay umupo sa aking tabi si Daryl. 

Si Daryl ang driver ni Xannon. Unang kita ko pa lang sa 'kanya sa Ospital noon ay magaan na ang loob ko. Sobrang bait niya at magalang. 

"Pasensya na, narinig ko kasi lahat ng napag-usapan ninyo. Pagpasensyahan mo na si Sir Xannon. Mabait naman 'yon, nagbago lang talaga magmula nang iwan siya ni Ma'am Margaret," kamot ulong turan nito. 

Gano'n ba ang nagagawa ng pagmamahal? Binabago ka once na nasaktan ka? Hindi ba dapat ginagawang inspirasyon ang pagmamahal para sa pagbabago? Pagbabago in a way na tama?

"Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Kaya ayaw kong magmahal eh, natatakot kasi akong masaktan," turan ko. 

"Kaakibat ng pagmamahal ang masaktan, Catharyn. Hindi mo matatawag na pag-ibig ang nararamdaman mo kapag wala kang sakit na nararamdaman. Kapag ba nagselos ka hindi ka masasaktan? Kapag ba nag-away kayo hindi ka masasaktan? Gano'n 'yon, Catharyn. Kasama sa pagmamahal ang sakit," wika nito. 

Panandalian akong natigil sa mga sinabi niya. Oo nga, tama siya. Pero kahit anong pangungumbinsi ang gawin niya hindi pa rin magbabago ang desisyon ko, desisyong hindi magmahal.

Kinagabihan ay sabay sabay kaming pumasok nila Madam MJ sa maid's quarter. 

"Goodnight, everyone!" wika ni Madam MJ.

Tulog na ang lahat subalit hindi ko pa rin makuha ang tulog ko. Pabali baliktad ako sa higaan ko. Kung papag nga 'tong hinihigaan ko baka gising na silang lahat sa sobrang gulo ko. 

Napagdesisyunan kong lumabas sa maid's quarter at akmang pupunta na sana sa kusina kaso natigil ako sa nakaawang na pinto ng guest room. Out of curiosity ay sumilip ako sa loob ng pintong 'yon dahilan para magsisi ako dahil sa ginawa ko. Nakita ko ang babaeng nakahubad na nakatuwad kay Xannon!

"Ughhh!! Aaaaah! Yes baby, faster!" sigaw ng babae dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

I spontaneously covered my mouth because of the nervousness that I feel. Aalis na sana ako kaso biglang dumapo ang mga mata ni Xannon sa 'kin dahilan para manlaki ang aking mga mata at mapatakbo ako papalayo pabalik sa kwarto namin. 

Marahil ay nagising sila sa sobrang lakas ng pagkasara ko ng pinto. 

"L-lumabas ka?!" sigaw ni Madam MJ sa 'kin. 

Gulat man ay napatango nalang ako. "Tsk! Nalimutan kong ipagbilin sa 'yo na ipinagbabawal ni Sir Xannon na lumabas mula dito sa maid's quarter ng simula alas diyes hanggang ala una," wika ni Madam MJ habang sapo ang kanyang noo.

"Nakita ka ba niya?" tanong ni Madam MJ dahilan para mapasigaw ako. 

"Hindi!!" sigaw ko.

"Bakit parang defensive?" natatawang tanong ni Madam MJ. 

"M-matulog nalang t-tayo," utal na turan ko. 

Humiga naman na kami subalit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko ang mga mata ni Xannon na nakatunghay sa 'kin. 

Ginulo ko ang aking buhok at pinikit nalang ang aking mga mata. 

Babaero, manloloko! Makakahanap ka rin ng makakatapat mo, Xannon. At kapag dumating ang araw na 'yon ay tatawanan kita ng malala. Jabar ka!

TO BE CONTINUED

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status