IKATLONG
TAUHAN“Yvonne”PASIMPLE niyang inabot sa tindera ang limampung piso bago muling ipinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid.
Mahirap na, baka mahuli pa siya.
“Ito, ineng.” Kaagad niyang ibinaling ang tingin dito at tinanggap ang dalawang supot na naglalaman ng isda at kanin.
Tinanguan niya lamang ang matanda at pabulong na ipinarating dito ang pasasalamat.
Wala siyang ipinalampas na sandali at mabilisang isinilid ang mga iyon sa kanyang bag na pekeng tatak Gucci.
Pagkatapos masigurong walang nakahalata sa kanyang ginawa, nagsimula nang muli siya sa paglalakad na wari’y nasa kanya ang lahat ng salapi sa mundo.
Kapapasok pa lamang sa tarangkahan ng kanilang eskuwelahan, kaliwa’t kanan na ang pagbati na kanyang natatanggap. Samantalang tipid na tango’t ngiti
IKATLONG TAUHAN“Yvonne” MASYADONG madali—masyadong madali ang gawaing iyon para sa kanya. Higit pang kapaki-pakinabang kaysa pagiging buntot ni Lickesia. Sana noon niya pa nakilala ang ina ng kaibigan. Hindi niya napigilan ang mapatalon mula sa pagkakaupo sa lababo. Wari’y may dumaang bagyo sa paligid: ramdam niya ang pagyeyelo ng kanyang mga palad. Ang dating galak na bumabalot sa kanyang sistema ay mistulang natunaw. Tila’y napalitan iyon ng takot. Kung kanina ay langitngit lamang at walang katiyakan ang kanyang mga hinuha, iba na ngayon. Hindi na siya maaaring magkamali. [ hinuha - deductions ] Nakasisiguro na siyang . . . hindi siya nag-iisa sa lugar na iyon. Nanatiling nakapako ang kanyang mga paa sa kanyang kinalalagyan: tila’y tinapalan ng pandikit ang mga suwelas ng k
IKATLONG TAUHAN“Yvonne” HINDI na niya nagawang pigilan pa. Wala na siyang magagawa. Marahang pagsayaw sa ere ng nakabiting laylayan ng pantakip nito sa tainga ang natunghayan ng kanyang mga mata. Umiikot-ikot, pakaliwa’t kanan ang galaw. Pinilit niyang h’wag balingan ang bagay na iyon, subalit huli na. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliring nakakukuryente ang dulot sa t’wing nagtatagpo. Kasabay ang unti-unti niyang pag-angat ng tingin, mabagal na sinalubong ang mga mata ng kaharap. “G-Girl—” Pagkabasag ng salamin. Dumagundong. Umalingawngaw. Pati na rin ang naramdamang . . . kirot sa ulo. Daing na nagmistulang hangin. Paghiyaw—siya lang ang nakarinig. Humampas sa kanyang pis
IKATLONG TAUHAN“Raziel” NANGINGINIG niyang mga daliri ang nararamdaman niya sa gilid ng kanyang bibig. Dahan-dahang nginangatngat ang dulo ng mga kuko; maliliit na mga parte niyon ang nagsimulang pumondo sa kanyang mga labi bago marahang idinura iyon. Nang matapos sa kanyang palasingsingan, sinunod niya ang sa kanyang hinliliit. Nagpatuloy siya sa pagkagat, pinipilit gawing perpekto ang kurba ng kanyang mga kuko. Kagat. Ngatngat. Dura. Kumusta na kaya ito? Si Selene . . . kumusta na ito? Huling beses niya itong nakita ay noong nagkasama sila sa panonood ng mga ilaw sa plasa. Saka niya ito inihatid sa bahay sa tulong ng isang lalaking nagboluntaryo, nang bigla na lamang itong bumagsak sa pu
IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINTO. Napatigalgal siya. Tila ba’y ipinulupot ang kanyang dila sa kanyang leeg: hindi siya makapagsalita, hindi makahinga. Selene? Kung si Yvonne ang nagsulat niyon, marahil ay ang kaibigan ang tinutukoy nito. Subalit wala siyang kaide-ideya kung bakit iyon gagawin ng kaibigan kung totoo ngang nagpakamatay ito. Ano ang kinalaman ni Selene sa nangyari? Dahan-dahang itinagilid ng kaharap ang sariling ulo bago niya napansin ang pagkintal ng kunot sa noo nito. “Kilala mo ba kung sino ’yong tinutukoy ni Yvonne?” Muli siyang napatigil. Kung ang dalaga man ang tinutukoy nito, hindi niya maaaring sabihin ang totoo. Madadawit ito sa gulo.
IKATLONG TAUHAN“Selene”PABAGSAK niyang sinara ang pinto nang makapasok.Nagmamadali niyang tinungo ang malaking aparador at nagsimulang maghalungkat doon. Ilang damit ang naihagis niya sa lapag bago matagpuan ang kulay puti’t mahabang tela.Naupo siya sa kama, inilagay sa ibabaw ng kanyang hita ang nanginginig niyang braso.Ipinulupot niya roon ang tela: ilang beses na inikot-ikot sa malaking hiwa sa palapulsuhan.Kaagad na nagmarka roon ang malapot na dug na dahilan ng kanyang pagpikit.Ilang malalim na paghinga ang ginawa niya, pinipilit burahin ang larawang iyon sa kanyang isipan.Hinga.Kalma.Kaya niya . . . kakayanin niyang h’wag pansinin ang pula.Kulay lamang iyon.
IKATLONG TAUHAN“Selene”KAAGAD niyang dinalo ang kotse ng kanyang ama’t hindi na ininda pa ang isiping basang-basa na siya.“Deianira!” Huli niyang narinig ang sigaw ng kanyang ina bago niya sinara nang pabalibag ang pinto ng kotse.Walang pag-aalinlangan niyang isinuksok ang susi sa pinaglalagyan niyon.Palakas nang palakas ang hampas ng ulan sa harapang bahagi ng sasakyan. Buksan niya man ang wiper sa harapan, halos hindi iyon nakatulong na gawing mas malinaw ang kanyang mga nakikita.Ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pag-andar ng makina.“Manang!”Ibinaling niya ang kanyang tingin sa harapan at namataan ang kanyang inang kinakawayan ang kanilang katulong.&ldquo
IKATLONG TAUHAN“Selene”NAPALUNOK siya.Ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa kanyang balat nang makita ang mariing pagkakatitig nito sa kanya.“Hindi kita maintindihan. Kahit si Mallory. Pareho ko kayong hindi maintindihan,” bulong nito. Muli itong nagpakawala ng mapait na pagtawa.Halos hanging dumaan iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maunawaan kung sinadya ba nitong gawin iyon upang hindi niya ito maulinigan.Dahan-dahan siyang lumapit dito. “P-Pero . . . b-bakit?”Binalingan lamang siya nito ng tingin. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makitang wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha nito.Wala itong pake.Itinuro niya ang kanyang sarili. “A-Ako ’to . . . s-si Selene. M-Magkaibi
IKATLONG TAUHAN“Raziel” TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid. Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan. Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid. Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan. Alas dies ng gabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran. Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya. Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.