Feminine
Halos wala ng espasyo ang parking lot ng humimpil ang sasakyan ni Antonio. Siksikan na rin ang mga sasakyan sa lugar. Marami yatang bakasyunista ngayon sa bansa, idagdag pang summer. Hindi ko akalaing ganito pala ka abala rito, hindi nakaligtas sa akin ang iilang staff na lakad takbo ang ginagawa habang sinusundan ang ilang kababayan na nakakaiwan ng importanteng gamit. May ilan ding hinihingal kakalakad habang nagpupunas ng pawis sa noo. Pansin ko ring medyo maingay sa lugar na kinaroroonan. Bawat busina ng ilang sasakyang papaalis ay napapalingon.Nasa parking lot kami ng airport. Dito napagkasunduan nina Antonio at ng pinsan niya na sunduin siya. Magbabakasyon lang ng isang buwan sa bansa. Galing itong California. Siguro mag u-unwind?
Unwind sa Pilipinas?
Baka mabadtrip siya sa bigat ng traffic dito. Well... hindi naman sa sinisiraan ko ang sariling bansa, it's just that nagpapakatotoo lang naman ako diba? Pero... marami rin namang magagandang tanawin sa bansa, isa na diyan ang Palawan, isama na rin sa listahan ang ka ka-revive pa lang, ang Boracay, right?
Nakahalukipkip akong nakasandal sa sasakyan ng kaibigan. Mahigit isang oras na kaming nandito, napaaga yata kami ng dating. Nilingon ko ang pawisan nang si Antonio, he looks bored pero tingin ko nababawasan ang pagkakaburyo sa tunog ng earphone na nasa magkabilaang tenga, sinasabayan niya kasi ang tugtug napapakanta kasi kung minsan.
Antonio's my best buddy, hindi naman kami ang mag-kaedad. Sila ng mga kuya ko ang ka edad niya. Pero mas naging close siya sa akin kumpara sa mga kapatid ko.
I have three siblings. My eldest Kuya, is Leonard Benedict, he's one of the hell geniuses. But, he is too cold and snob. Second, was Kuya Philip Javier, he's not as cold as Kuya Leo, but he's too dangerous among the three, masasabi kong siya ang pinakamatigas ang ulo. Sa kilos at sa pormahan pansin kaagad ang pagiging badboy niya. And lastly, makakalimutan ko ba si Kuya Vicente? Kuya Vicente may looked like nerd pero napakaraming babae ang nagkakagusto sa kanya. He maybe nerd but, damn I'm telling you he has this intimidating aura na titiklop ka talaga.
"He's here." Si Antonio sa bagot na boses. Buwisit na lalaking 'to mas nababagot ako. Na missed ko pa ang replay ng laro nina Lebron James.
Sinundan ko ng tingin ang tinatanaw niya, wala akong ideya kung sino sa mga papalapit ang pinsan niya. Marami kasing kasabayan ang tinutukoy. Alin kaya sa mga taong 'to ang pinsan niya? Iyon kayang payatot na matangkad? O di kaya'y iyong panot na matandang lalaki at malaki pa ang tiyan?
Dahil clueless naman, pinalagutok ko na lang ang mga daliri sa kamay. Bakit kaya sobrang tagal ng oras kapag ka may hinihintay? Pero kapag wala naman, time flew like a freelance air..
Lumagpas sa kinatatayuan ko ang matangkad na lalaki, wearing his corporate attire. Dahil nakatalikod hindi ko napagmasdan ang kanyang mukha. Well.. I'm not interested, I'm just curious. Sanay na ako sa matatangkad na mga kapatid but, this particular guy? Mukhang mas matangkad pa ito kaysa kay Kuya Javier. Kuya Javier's height is six-two. Habang ang dalawang kuya ay parehong six-one.
Nag-angat ako ng tingin, nagkasalubong ang titig namin. His black paired eyes are eyeing me. Nagtagal pa ng ilang segundo ang paninitig niya. Napataas ako ng mga kilay kasabay ng pangungunot ng noo. Hindi na naman bago sa akin ang ganitong gesture.
I cleared my throat.. "Sobrang gwapo ko ba p're?"
Umangat ang gilid ng kanyang labi and after a brief moment he heaved a sighed.
Lihim kong sinipat ang sarili. Kanina bago kami tumulak confident naman ako sa suot, ripped denim jeans, black tee-shirt, and a dog tag on my neck together with my signatured black cap, which I bought online. Nakapusod sa ilalim ng suot na sumbrero ang mahabang buhok. Magagalit na kasi si Papa ko kapag ka nagpagupit pa ako. Ang sabi niya ang mahabang buhok ko na lamang daw ang nagpapatunay ng pagiging prinsesa ko. Like fuck! me a princess? no way! Maaring babae ako sa panlabas na anyo but, deep inside within matigas ako, mas matigas pa sa lahat ng klase ng bato sa buong mundo.
Nakalahad na ang palad ng lalaki ng muli kong matanawan. Pasimple akong umiling. I don't do handshake.
Napukaw ako sa pangangalabit. Nalingunan ko ang nakangusong si Antonio.
"Ano?" Wika ko sa naguguluhang tono.
May ininguso siya. Nasisiraan na ba siya ng bait? Hindi na naman niya kailangan pang gawin yun. Kahit nalilito napilitan na rin akong sundan ng tingin ang inginungunguso.
Matangkad din naman itong si Antonio. Ang problema, mas matangkad lang talaga itong pinsan niya kumpara sa kanya. Nakakangawit tumingala.
"Hindi uso sa 'kin yan pre." Kinailangan ko pang tumingkayad maabot lang ang kanyang balikat. Mahina ko siyang tinapik.
Pigil ang tawa ni Antonio sanhi ng paglingon ko.
"Don't be rude Florencia, he's my cousin from-"
"Renz." Putol ko sa pagsasalita ni Antonio. Nakapamulsa ako at sinabayan pa ng tango. "And by the way hindi tayo talo." Dagdag ko pa. Sana klaro iyon sa kanya.
I saw how he clenched his jaw. Minsan ko na ring nasaksihan si Kuya Leo na ginagawa yan sa harapan ko, but men! bakit parang kay gandang tingnan nung siya ang gumawa?
At oo, bukod sa matangkad siya'y napakagandang lalaki rin niya. Hindi naman siguro nakakabakla ang purihin siya hindi ba? (Well, hindi naman masama ang pagiging bakla). Pero kasi straight 'to lalaking-lalaki ako.
Isa pang napansin ko, mas nagsusumiksik din ang muscles niya sa braso. Mas lamang kumpara sa mga kapatid ko higit lalo na kay Antonio!
"Matthias." Nanigas ako ng marinig ang boses niyang buong-buo. Hindi pa doon natapos ng pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, nagtagal sa sneakers ko. Bakit may problema ba sa sapatos ko? Pakiramdam ko may delubyu ng nangyayari sa kaloob-looban ko ngunit kailangan ko paring maging kalmado sa harapan ng lalaking ito!
"May problema ka sa sapatos ko?" Sabi ko ng hindi na napigilan ang pananahimik ng lalaki sa harap. But, his intense gaze remained on my shoes what the hell?!
"None."
Ang tipid magsalita ng mister na ito. Mas matanda pa kaya siya kaysa sa mga Kuya ko?
"Trip mo sapatos ko? Pasensya na pero tingin ko hindi kasya sayo p're." Sa gilid ng mga mata ko'y bahagyang sinipat ang kulay itim niyang nangingintab na sapatos na napapaibabawan ng kulay itim din niyang slacks.
Umiling siya at-
"Still, you look feminine to me, try harder..."
Tang ina! Ano daw?
Tinalikuran niya ako at ang gagong si Antonio hindi na kinaya ang pagpapakawala nang kanina pa yatang pinipigilang tawa.
Kabanata 2PuwetHindi ko narinig ang huling sinabi ng lalaki. Bukod kasi sa ingay ng mga tao sa paligid, sumabay din ang lakas ng busina nang papalayong SUV."Masasapak ko yan Antonio." Inalis niya sa tenga ang nakaungot niyang earphone roon at saglit na sumulyap sa nakatalikod na lalaki."May sinabi ang pinsan mo, ano yun?" Kibit sa balikat ang kanyang naging tugon. Kaya naman nabatukan ko. Napalakas yata dahil nahimas ang batok."Chill.""Chill? Alam kong narinig mo yun.." Dinuro ko na, nakakapikon kasi. Halatang pinagtatakpan ang pinsang galing pa yatang Philippine Army. May malaking bulto ng pangangatawan, matangkad, very precise kumilos, at tila bawal ang magkamali sa bawat galaw."Ni ang pangarapin siyang sapakin burahin mo diyan." Tinapat niya ang hintuturo sa aking sentido. "Hindi ka uubra diyan. Black belter yan e,"Napamura ako sa isip."Pakialam ko naman." Maangas kong sa
Kabanata 3PositiveTatlong beses akong kumatok bago pumasok sa silid ni Kuya Vicente. Maaliwalas na silid ang bumungad sa akin ng tuluyang makapasok sa silid ng kapatid. Maayos ang kanyang higaan, walang gusot ang bedsheets sa kanyang kama. Tumapat ang aking mga mata sa kulay puting kurtina ng bahagyang dumampi ang hangin sa balat.Iniwan kong bukas ang pintuan. Naglakad ng marahan, huminto ng makarinig ng lagaslas ng tubig galing sa isa pang pinto. Kuya Vicente is taking a bath, kaya siguro hindi niya marinig ang ilang beses kong pagtawag.Nadaanan ng mga mata ang nakahilerang mga larawan sa kanyang tukador. Kuha iyon noong kabataan namin. Tahimik akong tumawa ng maalala ang isang kuha sa nakitang picture frame, lahat kami ay may cake sa mukha na nagkalat, kaarawan iyon ni Kuya Leo. May picture din kung saan kumpleto kaming mag-anak. Mayroon ding sina Mama at Papa lang. Si Papa hinahalikan si Mama sa pisngi ha
Kabanata 4AngelNakalublob ang mga paa ko sa ilalim at malamig na tubig habang tahimik na nagmamasid sa paglangoy ni Antonio. Nandito ako ngayon nakatambay sa bahay nila. Tatlong bahay lamang ang layo ng bahay nina Antonio sa bahay namin. Pupuwedeng lakarin.Our house is not big as their properties, kung ihahambing mas moderno ang sa kanila, mas malawak, mas marami ding kasambahay. Idagdag pa ang dami ng sasakyan na collection yata ng kanyang ama. Hindi kasi lahat ginagamit, ang ilan ay nakadisplay lamang sa kanilang garahe.Hindi ako nagpapalipas ng oras para makiligo sa malawak na swimming pool nila. Damn.. it's annoying for me to see him wearing nothing but only with his trunks on. Don't get me wrong Antonio's had a good shape, nice ass too at may pandesal ring maipagmamalaki but who am I kidding? Masyadong masakit sa mata na ganyan lang ang kasoutan niya. But I have no place to go, Antonio's place
Kabanata 5PrinsesaHalo-halong emosyon ang lumulukob sa akin habang patakbong pumapanhik sa buong kabahayan. Ngunit mas malinaw pa sa tubig ng swimming pool nina Antonio ang hubad na katawan ni Matthias sa aking kaisipan. Habang tumatakbo pilit ko ring itinataboy sa aking diwa ang basang katawan ng pinsan ni Antonio.. his god damn masculinity was lingering in my mind tila isang rumaragasang bagyo, at walang planong lisanin ang utak.His wet seductive hair.. his six pack abs damn it!Naikuyom ko ang mga palad, nahahapong pumasok sa loob ng bahay pilit winawaglit ang imahe ng kaakit-akit na katawan ni Matthias.Kaakit-akit?!This is bullshit!Nang nasa salas na, kaagad na huminto, iginala ang mga mata. I saw Papa leaning his body on the staircase. Kunot ang noo, salubong ang makapal na mga kilay. Larawan sa matigas na ekspresiyon ang nag-uumapaw na galit. Beside him is Mama. Marahang hinihimas ang likod
Kabanata 6Safe"Wow... so damn hot!"A petite woman, with a jet black hair, wearing black dress, and a black three inches stiletto. Walang gana kung sinundan ng tingin ang tinutukoy ni Antonio.Hell, yeah she's too damn attractive, but what I'm gonna do? Wala ako sa mood. Hanggang ngayon okupado pa rin ang lintik kong utak sa mga komprontasiyong naganap."Type ko 'yon." He was referring to the petite woman who just passed by.I sighed.Kahit anong pagpipilit hindi ko mahanap ang sigla sa katawan. I can still hear Kuya Vicente's words.. it was crystal clear. The woman wasn't his girlfriend nor his fling, not even his friend! So why is that she still pursuing Kuya? Hindi ko naman sinasabing hindi kagandahang lalaki ang kapatid, pero kasi... kailangan bang umabot sa puntong pagsisinungalingan mo ang isang isang sitwasyon, just to get someone's attention?It's not loving at all...
Kabanata 7FallThe cold wind touched my face again causing my eyes closed. Dahil nakalugay ang mahabang buhok may ilang hibla nito ang naligaw sa aking pisngi, nanunuot sa balat ang hatid ng lamig ng hangin.. maybe because we're outside. Kung anong ikinalamig sa labas, sobra naman ang init sa loob ng club. Siksikan kasi, hirap na ring makakilos sa dami ng tao."Let's go.."Sa gilid ng mga mata ay nakita ko ang paghakbang niya palapit sa kinatatayuan ko. Him towering over me with his black polo shirt, denim jeans and black boots. His black paired eyes were intently looking at me.I gulped..Nakipagtitigan ako sa kanya..Nang sumagi sa isip ang bitbit niyang babae.. nag-flashback din sa utak ang kamay niyang pumipisil sa baywang noong babae and the bitch were smiling seductively with this asshole!Damn it!May sira na yata ako sa utak upang hayaan ang sariling dumaloy ang ganitong eks
Kabanata 8GaySunday morning and I was so damn much exhausted. Hindi ako nilubayan kakaisip ng naging huling pangungusap ni Matthias. Pagkahatid niya sa akin kagabi, dire-diretso akong lumabas sa sasakyan niya, ni hindi ko siya tinapunan ng tingin, hindi na rin nagpaalam.Galing ako sa banyo ng makatanggap ng isang mensahe. Pinapahiran ang basang buhok habang patungo sa higaan.An unregistered number texted me. Hindi ko na sana pa bubuksan ang natanggap na mensahe, pero dahil sa nagpapaantok pa naman, binuksan ko na ang telepono.The text message was read like this:Unregistered number:
Kabanata 9DateBitbit ang skateboard ng patakbo akong pumapanhik sa loob ng bahay. Masyado nang masakit sa balat ang sikat ng araw. Mahigit tatlong oras na ring nakabilad ang katawan sa arawan.Pasipol-sipol pa ako, nabitin lamang sa ere ang paglalapag ng skateboard sa gilid ng pinto. Mabilis na nailipat ang tingin ng mapagsino ang tumikhim.My eyes met Kuya Javier's. Inoobserbahan ang bawat galaw na gagawin. Naaamoy ko ang sariling pawis, nangangasim na rin. Ipinagkibit ko iyon ng balikat, mga kapatid ko lang naman ang nasa bahay, maliban sa kanila, wala namang makakaamoy, sa amoy araw na katawan."What took you so long?" Pambungad ni Kuya. "Anong oras na?"