Share

Puwet

Kabanata 2

Puwet

Hindi ko narinig ang huling sinabi ng lalaki. Bukod kasi sa ingay ng mga tao sa paligid, sumabay din ang lakas ng busina nang papalayong SUV.

"Masasapak ko yan Antonio." Inalis niya sa tenga ang nakaungot niyang earphone roon  at saglit na sumulyap sa nakatalikod na lalaki.

"May sinabi ang pinsan mo, ano yun?" Kibit sa balikat ang kanyang naging tugon. Kaya naman nabatukan ko. Napalakas yata dahil nahimas ang batok.

"Chill." 

"Chill? Alam kong narinig mo yun.." Dinuro ko na, nakakapikon kasi. Halatang pinagtatakpan ang pinsang galing pa yatang Philippine Army. May malaking bulto ng pangangatawan, matangkad, very precise kumilos, at tila bawal ang magkamali sa bawat galaw.

"Ni ang pangarapin siyang sapakin burahin mo diyan." Tinapat niya ang hintuturo sa aking sentido. "Hindi ka uubra diyan. Black belter yan e," 

Napamura ako sa isip.

"Pakialam ko naman." Maangas kong saad. 

"Marinig ka niyan Florencia.. ikaw din." Pabulong niyang wika. 

Nasa likuran kasi kami nung lalaki takot din yata ang gago sa pinsan niya. At dahil nagtsitsismisan hindi ko namalayang huminto pala ang taong nasa unahan. 

"Aray!" Napahawak ako sa ilong sabay himas na rin dito. 

Ang sakit pucha! Tumama sa matigas na likod ng lalaki ang ilong ko. Sa lakas ng pagkakatama halos sumubsub pa ako. Mabuti na lang at naging maagap ako naibalanse ko kaagad ang timbang at sa mabilisang kilos ay nai-ahon ang panlalambot ng katawan.

Humagikhik si Antonio, bukod pa roon ay narinig ko rin ang mabigat na buntong-hininga ng katabi. Dahil nakayuko, dahan-dahan kong inangat ang tingin mula sa kanyang mahahabang biyas na natatakpan ng kulay itim at plantsadong slacks. Hanggang sa tumigil ang paninitig sa kanyang matambok na puwitan. 

Napabitaw ako sa masakit na ilong. Nakalimutan na rin ang nangyari, natuon na ang pansin sa kanyang matambok na puwet.    Ganyang mga puwet ang gusto kung ma-achieve. Gustong-gusto kasi iyon ng mga babae. Matagal na akong bumibisita sa gym halos araw-araw pa nga. Ang kaso, wa epek pa rin dahil hanggang ngayon kulang na kulang pa rin sa laman ang puwet.

"Wow nice ass.." Nahinto sa paghakbang si Antonio. Simple niya akong siniko.

What?

Tumuwid ako ng tayo at tumunghay pa lalo sa puwitan ng lalaki.

"Laki ng puwet mo 'Pre!" Sabay palo na rin sa puwet niya. "Walang binatbat yung kay Antonio, tang ina!"

Sunod-sunod ang nguya ko sa chewing gum na nasa bibig. Tuluyan nang nakalimutan ang inindang sakit sa ilong.

"Florencia umayos ka nga.. ka babaeng tao-"

"Asus.. parang pinupuri ko lang  ang puwet ng pinsan mo e, hindi naman big deal yun. Di ba pare?" Isinandal ko ang katawan sa sasakyan ni Antonio. "At saka pare-pareho naman tayong mga lalake-"

"Kami lang-" Si Antonio sa iretableng boses.

"Lalake ako. Lalaking-lalaki Antonio-"

"Can we leave now? I'm dead tired and I want to rest.." 

Parang bumagal ang oras noong humarap siya. Kaya naman, nagkaroon ako ng pagkakataon na pag-aralan ang mukha niya. Ganyang mukha ba ang pagod? Wala namang bakas ng kapaguran a? O sadyang nag-iinarte lang talaga siya? Ni wala nga akong makitang pawis sa noo man o sa makinis niyang mukha. 

Naglakbay pa ang paninitig ko, he had a narrow and pointed nose, bahagyang namumula ang maputing balat marahil dahil sa init ng araw. Maaga pa naman pero sobrang init talaga kapag ka ganitong summer. Hindi ko alam pero 'di ko mapigilang mapatulala sa kanyang mga labi, bihira akong makakita ng isang lalaking bukod sa kulay pula na ang kulay niyon manipis pa at...

"I have a meeting after lunch Antonio. So can we leave now?" Natauhan ako ng marinig ko ulit ang boses niya. 

Tinagilid ko ang ulo.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba namamangha ako sa lalaking ito?

Nakakagago na to a!

"And don't stare too much young lady.. you might regret it.." 

Bago lumunok, napaatras na ako. at bago siya ulit tumalikod namangha ulit ako noong makita  ko ang pag-igting ng panga niya..

Tang-ina! Ngayon ko lang naalalang nahuli niya pala akong nakatitig sa kanya? Ilang segundo na ba ang nakakalipas? Mali yata, lagpas na yata ng isang minuto?

Tang-ina talaga! Tapos noong nahuli niya akong nakatitig sa kanya para niya ring bubutasin ang katawan ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.

Teka... may sinabi pa siya e.. ano nga ba ulit yon? 

Nag-lo-loading utak ko.. 

Lady?

Ako?

'Yun pa talaga ang salitang napili niya para isalarawan ako?

Buwisit na buwisit na ako a!

Naikuyom ko ang mga palad. Ibig ba niyang sabihin, na babae pa rin ako sa paningin niya kahit kontodo effort na ako sa pormahan ko? 

Ano bulag ba siya?!

A kaasar!

Butas-butas ang suot kong pantalon, black tee-shirt, kulay itim na sneakers, nakabaligtad ang suot na baseball cap, idagdag pa ang dog tag na nasa leeg.. kaya papaano niya nasasabing babae pa rin ako sa paningin niya?

Nakakainsulto na a!

Sa madilim na mukha, nilingon ko ang nakakunot-noong  si Antonio. 

"Nakakabanas na yang pinsan mo a,"

"Tara na.." Pumiksi na ako hindi pa man niya ako nahahawakan.

Mas lalo ko siyang sinimangutan. Bahagya siyang tumawa pilit akong pinapakalma.

"Hindi ka kasi uubra diyan. Sinasabi ko sayo. Kaya kang gawing tunay na babae niyan."

"Mangyayari lang 'yun kapag ka puti na ang mga uwak!" Lalong lumukot ang mukha ko.

"Sana pala hindi na lang ako sumama sayo. Bad trip!"

Umakbay siya sa akin, halos yakapin na rin. "Babawi na lang ako okey.?"

Tinulak ko nga. Naiinis pa rin ako! Pero nagpahila na rin ng hawakan niya ako sa braso ngunit nababanas pa rin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Athena Mancol
thanks for reading Po!!! ...
goodnovel comment avatar
Emily Quinlog
Ang ganda ng story I like it .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status