Share

Positive

Kabanata 3

Positive

Tatlong beses akong kumatok bago pumasok sa silid ni Kuya Vicente. Maaliwalas na silid ang  bumungad sa akin ng tuluyang makapasok sa silid ng kapatid. Maayos ang kanyang higaan,  walang gusot ang bedsheets sa kanyang kama. Tumapat ang aking mga mata sa kulay puting kurtina ng bahagyang dumampi ang hangin sa balat. 

Iniwan kong bukas ang pintuan. Naglakad ng marahan, huminto ng makarinig ng lagaslas ng tubig galing sa isa pang pinto. Kuya Vicente is taking a bath, kaya siguro hindi niya marinig ang ilang beses kong pagtawag.

Nadaanan ng mga mata ang nakahilerang mga larawan sa kanyang tukador. Kuha iyon noong kabataan namin. Tahimik akong tumawa ng maalala ang isang kuha sa nakitang picture frame, lahat kami ay may cake sa mukha na nagkalat, kaarawan iyon ni Kuya Leo. May picture din kung saan kumpleto kaming mag-anak. Mayroon ding sina Mama at Papa lang. Si Papa hinahalikan si Mama sa pisngi habang yakap naman ni Mama si Papa.

Gumawi ulit ang mga mata ko sa kanyang malinis na higaan, tila inaanyayahan akong humiga roon. Hindi naman makalat ang silid ko mas organisado lang talaga itong si Kuya Vicente, masilan din, may pagka-weirdo nga lang. Karaniwan sa mga isinusuot niya nahuhuli sa uso, na hindi ko maintindihan at lalong hindi ko mabigyan ng paliwanag kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa kanya sa kabila ng kabaduyan niya. Old-fashion si Kuya Vicente pero hindi lingid sa kaalaman ko, lahat ng isinusuot niya'y may pangalan, sa ibang istilo nga lamang niya ini-aaayon. 

Nabitin sa ere ang paghikab ng mamataan ang isang puting bagay na nasa tabi ng kanyang lampshade. 

Pregnancy Test?

Inilang hakbang ko ang pagitan ng lampshade sa kinatatayuan. 

Bakit may pregnancy test si Kuya?

Nakabuntis siya?

Napakapihikan noon sa babae...

Hindi makapaniwalang napailing. Mas lalo pa akong hindi makapaniwala ng makita ang dalawang linyang nakaguhit.

This Isn't real!

Napatulala ako sa bagay na hawak. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, sa natatarantang diwa'y mabilisan kong naikuyom ang palad kasama ang pregnancy test. 

"You're here again?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nagpupunas ng basang buhok. He's on his white towel. Sanay na naman ako sa mga kapatid sa ganyang ayos. Sila lang ang hindi masanay sanay kapag ka ako na ang pumaparada ng nakatuwalya. 

"Need anything?" Kaswal na naglakad si Kuya patungo sa wooden cabinet. Bibihirang bumisita itong si Kuya Vicente sa gym pero malaki ang pangangatawan niya. His skin color is different from us. Moreno siya, singkit din ang kanyang mga mata na namana niya kay Papa. They had the same aura. Papa's very strict but Kuya is less lighter. 

"Florencia...?" 

Napatikhim ako, nakalimutan na ang totoong sadya. 

"Manghihiram ulit ako noong belt mo Kuya, iyong bagong bili mo?" Naubusan kasi ako, limited edition kasi iyon nagustuhan ko ang kaso, hindi umabot ang allowance ko. At saka iyon naman talaga ang totoong sadya aksidente lang naman iyong natuklasan ko.

Nang makitang naghahanap na siya ng susuotin tumalikod na ako. Kagat ang ibabang labi habang nag-eensayo ng mga itatanong ko kay Kuya.

Nakabuntis ba talaga siya?

For real?

Magiging ama na siya?

Pero... nag-aaral pa rin si Kuya? Hihinto siya? Hihinto siya dahil nakabuntis? Papaano kaya ang reaksiyon ni Papa kapag ka, nalaman niya 'to?

"Here." Hudyat iyon na nakapagbihis na siya. Dahan-dahan naman akong humarap. Puting sando at khaki shorts ang suot niya ngayon malayong-malayo kumpara sa mga kasuotan tuwing papasok siya sa eskuwela..

Napako ang tingin ko sa belt na bitbit niya.

Paano ko ba siya tatanungin? At kung makapagtanong man, sasagutin ba naman? Papaano kung magalit?

Muli akong tumikhim.

"Do you have a problem?" Sinundan ko siya ng tingin ng maglakad patungo sa study table.

Sa tatlong kapatid pinakamalapit ang loob ko kay Kuya Javier. Sinasakyan kasi noon ang mga trip ko. Itong si Kuya Vicente bibihira kaming magkausap, kung nagkakausap man, tungkol lamang iyon sa projects ko. Nagpapatulong ako sa kanya, binibigyan din naman niya ako ng magandang ideya. Pero sa pagkakataong ito hindi ito patungkol sa mga proyekto ko. Tungkol ito sa nakitang pregnancy test!

"Akala ko ba hihiramin mo to?" Ini-angat niya ang sinturon. Napakamot ako sa batok.

"What's your problem Florencia?" Nagkasalubong ang mga kilay niya. Napatuwid ako ng tayo dahil tumaas na ang kanyang boses. 

Napakamot ako sa batok, sinisikap na maging kalmado.

Bahala na nga si Batman!

"Sa'yo to?" Lumunok si Kuya, ng walang nakuhang kasagutan senegundahan ko na.

"Nakabuntis ka?"

Bumuntong-hininga siya bago ako pinakatitigan. "Damn..." Sa mababang boses niyang anas.

Marahan siyang naglakad, tinungo ang pinto saglit na sumilip sa labas bago ipininid.

"Wala ka namang girlfriend diba?" Hindi tulad sa mga napapanood walang bakas ni katiting na takot sa mukha ni Kuya.

"I'm still not sure about that case,"

Case? Oo nga pala at paga-abogasya ang kurso nitong si Kuya. Kawawa iyong babae, bago niya sana inihayag iyong pagbubuntis niya marami na dapat siyang ebedensiya. Kapag 'to nalaman ni Kuya Leo, kawawa talaga iyong babae hindi makakalusot iyon kay Kuya. 

"E paano mo ipapaliwanag 'to? Dalawang guhit, ibig sabihin positive Kuya.." Natahimik siya saglit.

"I know, but this crazy girl handed that thing to me.." Sumulyap siya sa bagay na nasa palad ko. "Malay ko ba kung gawa-gawa niya lang 'to. I'm not that stupid.." Isinandal niya ang katawan sa inuupuan. He look calm and smart too like Kuya Leo, magkamukhang-magkamukha din. Nagkaiba nga lang sa kulay ng balat. Sobrang puti ni Kuya Leo na iisiping gumagamit ng pampaputing prudokto. Kay Mama niya namana ang kulay ng balat, kami ni Kuya Javier ang kakulay ng lola namin sa mother side our skin color were fair.  

"Girl? You mean to say masyado pang bata? What the hell Kuya!" Napaupo ako sa paanan ng kanyang kama. Handa na sa ipagtatapat niya.

Umigting ang panga niya, kaya naman may biglang naalala. Walang epekto sa akin ang sa kay Kuya.. Damn it! Bakit ko ba naalala ang pinsan ni Antonio?

Fuck it!

"Of course not!" Napalingon ako sa depensa ni Kuya. "She's just like your age. At hindi ko ito girlfriend Florencia. Katulad lang din siya noong ibang babae na parang mauubusan na ng lalaki."

"Language Kuya, mamaya yan yung makatuluyan mo."

"I don't think so," Suplado niyang sabi. Inihilig pa lalo ang katawan sa kinauupuan. "She's not my type,"

"E paano to?"  Sabay lahad sa kanya noong pregnancy test. Matindi ang titig niya sa bagay na nakalahad sa kanyang harap. 

Napailing ako. Bumukas naman bigla ang pinto ng kanyang kwarto.

Sa gulat, agaran kong naisilid sa bulsa ng pantalon ang hawak. Napatayo na rin sa pagkakaupo.

"You're here too? Ngumisi si Kuya Javier. May lakad siguro itong si Kuya. Katulad ko'y butas-butas din ang suot niyang pantalon, kahit white shirt lang ang pang-itaas litaw pa rin ang gwapong mukha. Hindi rin nakaligtas ang kaangasan, nakatali ang mahabang buhok kahit na basa pa rin, at dahil naka side view tanaw ko sa kinaroroonan ang diamond earing na nasa kanang tenga.

"Mangungutang ka rin?" Ngumisi pa siya lalo. Umiling ako. Sabay abot noong sinturon na nasa gitnang bahagi ng kama. I was too damn nervous! Lihim akong sumulyap kay Kuya Vicente. Tahimik siyang nakikinig sa mga pakiusap ni Kuya Javier.

Hindi naman siguro nakita ni Kuya Javier yun diba?

"Ibabalik ko kaagad 'to. May paggagamitan lang. Baka magtanong si Papa, huwag mo akong ilalaglag."

Tinagilid niya ang ulo, sa ginawa niya lumantad lalo ang tangos ng ilong niya.

"Vicente, may isinuksok yan sa bulsa.."

Maputla na ba ang mukha ko?

Maputlang-maputla na ba sa labis na kaba?

"Yeah I saw it too.. " Napabuntong-hininga ako. "I'll check it before she leave."

"Do it bro, parang condom kasi ang nakita ko.." Humagikhik ang walang kamalay-malay kong kapatid. Kung sa normal na araw sasabayan ko ang biro niya.. pero hindi ngayon dahil nag-uumapaw ang kaba na nakadagan sa aking dibdib. At upang hindi tuluyang pagdudahan ngumisi na lang din ako sa kay Kuya Javier.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status