Share

Kabanata 26:

Gulong-gulo na ang aking isipan. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod-sunod na nangyayari lalo na nitong mga nakaraang araw. Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Zach, hanggang sa ngayo'y napalapit na ang kalooban ko sa kanya nang hindi ko man lang namamalayan. Parang kailan lang nang halos gawin ni Mr. Drex ang lahat para lamang patayin ako at heto siya't nag-utos muli ng mga taong sa tingin niyang magpapadali sa buhay ko. Parang kailan lang nang dumating sina Margou sa aming samahan para traydurin at lokohin kami. Para saktan ang puso ko at patayin ang ama ko. Pero kahit na gano'n sila, hindi ko naman magawang magalit at kwestiyonin ang mga naging desisyon nila dahil kung ako ang nasa posisyon nila'y tiyak na gagawin ko rin ang ginagawa nila ngayon.

Nagkakabuhol-buhol na ang mga pangyayari sa aking isipan lalo na nang maalala ko na naman ang kasamaan na ginawa ng aking ama. Hindi ko alam kung kanino ba dapat ako magagalit at kung k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status