Share

Kabanata 5

Matteo POV

"Ngayon, mag sisimula na ang ating buhay mag asawa" biglang sabi ni Calix ng makaalis ang mga kaibigan namin

Bigla namang nanginig ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Ewan ko bat parang takot na takot naman ako! Ts

"At paano ba sinisimulan ang buhay may asawa?" tanong ko. Mabuti nalang at hindi nanginig ang boses ko

"Too bad we have to skip the honeymoon. Yon kasi ang karaniwan at napakagandang simula ng buhay mag asawa" sabi niya saka ngumisi sakin, kaya dumaloy naman sa buong katawan ko hanggang sa kasulok sulokan ng kuko ko ang mga sinabi niya "Pero pwede pa rin nating gawin iyong ibang kasama sa pag ha-honeymoon" nakangisi parin niyang sabi

Para akong bading kung umasta dahil sa nararamdaman ko. Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat salitang binibitawan niya

"L-like w-what?!" nauutal na tanong ko

Hays sht! Eto na nanginig na ang boses ko! May pagkamanyak din kasi tong babaeng to eh tsk

"Masyado kang malisyoso" seryosong sabi niya saka ako inirapan

Nangunot naman ng sobra ang noo ko sa sinabi niya. Wow?! Ako pa talaga ang malisyoso sa pagka manyak niya?!

Hindi ako nakapag salita kaya bahagya naman siyang natawa

"Good girl po ako! At hindi rin naman ako kagaya ng iniisip mo no! Dahil nga magbabakasyon tayo sa resort nila Jasper sa Batangas, makakapag relax tayo. Kasama yon sa ginagawa ng bagong kasal maliban nalang siguro doon sa mga ayaw nang lumabas ng kwarto" natatawang sabi niya

"Bastos mo talaga ts" yan nalang ang naisip kong sabihin kaya nangunot naman ang noo niya at pinagmasdan ako ng maigi

"Ano kaya ang bastos sa sinabi ko? Utak mo siguro ang bastos ts. Ni katiting na kabastosan ay wala akong naisip" inosenteng sabi niya na para bang ka level niya na ang mga anghel.

Tumawa nalang ako ng sobrang pagka plastic. Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang mag empake ng damit ko na kasya sa tatlong araw na pagpunta namin sa resort nila Jasper sa Batangas. Pareho kaming nag aayos ng gamit ngayon at mamayang hapon ang alis namin. Sa tingin ko ay okay rin to at nang makapag relax ako kahit papaano.

'Sana nga ay makapag relax ako kahit kasama tong babaeng to' sa loob loob ko

Sa ngayon? Well, we are at the easy part of married life. Masaya pa kami 'kuno' dahil bago pa nga lang. For sure, sa kalaunan ay magsisimula na ang mga problema.

Hindi naman sa minamadali kong papunta agad kami sa stage na yon. Na pinuputakti, hinahantik, at hinihigad na kami ng problema kaya dapat siguro ay ienjoy ko nalang ang kalokohan namin. Wala naman mawawala e.

Dumating ang alas 3 ng hapon at saka namin nilisan ni Calix ang Bulacan. Doon ang unang gabi namin na kaming dalawa lang at bilang mag asawa pa.

Halos alas 5 na rin ng marating namin ang resort. Buti nalang at hindi masyadong traffic. Sasakyan ko rin ang gamit namin ni Calix.

Nang maipasok namin ang mga gamit sa kwartong tutuluyan namin ay napagpasyahan naman namin na pumunta malapit sa beach. Naupo kami at saka sinimulang tanawin ang kagandahan ng lugar. Grabe! Ang ganda dito. Sakto rin at sunset. Kitang kita mula rito sa kinauupoan namin ang pagbagsak ng araw.

Wow!

Yan nalamang ang masasabi ko sa nakikita ko ngayon. Grabe napaka peaceful ng lugar na ito at napaka fresh pa ng hangin.

"Titingin ka nalang ba o may katiting ka ring balak magpabasa ng tubig dagat?" biglang tanong ni Calix

Nilingon ko naman agad siya. Bahagya akong natigilan ng makita ko kung paano itinataboy ng hangin ang malalambot niyang buhok. Nakatitig lamang siya sa araw at tinitignan ang pagbagsak niyon. Ni hindi niya manlang ako nagawang lingonin nang tanongin niya ako.

"Oh baka naman kasi dumarami ka kapag nababasa?" pang aasar niya dahilan para magkatitigan kami

Nataohan naman ako sa sinabi niya. Tumaas nanaman ang presyon ko sa inis dahil ngayon ay nakangisi pa siya! Ts bwesit talaga tong babaeng to!

Inalis ko agad ang pagkakatitig ko sakanya "Ts bahala ka dyan! Mag bibihis lang ako" inis na sabi ko saka ako tumayo mula sa kinauupoan ko.

Ipinagpag ko naman ang pwetan ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto namin.

Hindi ko naman narinig na pinigilan niya ako kaya dirediretso akong nakarating sa kwarto namin. Iisa lang ito ngunit malaki.

Agad naman akong dumeretso sa mga gamit ko at kumuha ng shorts na pwede kong gamitin sa pag swimming. Buti at nasa mood rin ako ngayong lumangoy dahil napakaganda ng lugar na ito.

Matapos kong magbihis ay pabalik na sana ako sa beach ngunit naagaw ng atensyon ko ang isang mini store malapit sa kwarto namin. Mukhang nabibilhan rin ito ng mga souvenirs at kung ano ano pa. Dali dali akong lumapit sa tindahang iyon at saka nagsimulang mag hanap ng bagay na magugustohan ko.

Naakit ng paningin ko ang cute na keychain na may nakaukit na "B is the B, (Batangas is the Best) kumuha agad ako ng isa. Ngunit, parang may tumutulak saakin na kumuha pa ng isa nito at ibigay kay Calix.

Hmm??

Sige na nga! Keychain lang naman to eh.

"Ale magkano to?" tanong ko sa tindera ng mga souvenirs

"Ala eh singkwenta lang ang isa niyan iho, dahil pagka pogi mo namang binata ah" nakangiting sabi niya sakin kaya napangiti nalang din ako

"Sige ho, kukunin ko tong dalawa" nakangiting sabi ko

Pero nung kapkapin ko ang bulsa ko ay wala ang wallet ko. Nakalimutan kong nagpalit nga pala ako ng shorts, mukhang nandoon sa hinubad ko ang wallet ko.

"Sandali lang po ah? Nakalimutan ko kasi yung wallet ko eh. Pero babalikan ko ho yan" nahihiyang sabi ko

"Aba'y sige iho at itatabe ko ito ah" sabi naman ng ale

Nginitian ko nalang siya saka ako bumalik sa kwarto namin. Di naman kalayuan ang mini store sa kwarto namin kaya mabilis lang akong nakabalik. Nang buksan ko ang pinto ay laking gulat ko nang....

"Whoa!" bulaslas ko sabay atras

Agad naman akong lumabas ng kwarto at isinara ang pinto niyon. Halos kumulo na ang pisngi ko sa pagkainit nito! Hindi ko inaasahan na pagbukas ko nang pinto ay sakto namang nagbibihis si Calix ng swimsuit siya at wala kahit anong saplot ang pang itaas niya

"What the hell?!!" inis na sabi ko sa sarili ko at sinabunutan ang sarili dahil sa nakita ng mga inosente kong mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status