Chapter 2

Jazmine

I groaned as I woke up this morning, feeling unhappy with hatred and hopelessness. Another great morning. Yeah, so great. Nadidismayang bumangon ako mula sa aking higaan..

It's my first day at the same time, first time here in Coron, Palawan. Siguro nga, ito ang kapalaran ko, ang mabuhay ng ganito kagulo ang buhay ko. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad patungo sa banyo.

But before that, napasulyap muna ako sandali sa orasan na nasa may bed side table ko, alas syete na ng umaga. Hindi ko parin alam kung ano bang plano ko at gagawin habang nandito ako sa islang ito. Magbebreakfast na lamang muna siguro ako at maglilibot pagkatapos.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at makapag almusal ay lumabas na ako sa backpackers na tinutuluyan ko.

Backpackers guest house kasi ang tawag sa maliliit na pweding pag stay-an dito. Mayroon itong sampung kwarto, maayos at malinis naman ang service ng management at mayroon naring banyo sa loob. Good for two ang kwartong nakuha ko dahil sa wala naman silang good for one. Iyon nga lang, dahil sa mag-isa lamang ako kaya kailangan kong bayaran ang bawat gabi na nandito ako.

Anyways, hindi naman problema sakin ang pera, mura lang naman siya eh, nasa six hundred plus lang naman ang gabi ko. Since di ko alam kong hanggang kailan ako mamamalagi rito kaya nagbook na ako ng for 2 months. Yes! Two months. Nag advance deposit na ako ng 1 month para isang buwan nalang ang babayaran ko. Pumayag naman sila, syempre magbabayad naman ako 'no? At mas lalong hindi ko sila tatakasan.

Alas nuebe na ng makalabas ako para maglibot. Medyo masakit na ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Naka suot ako ng high wasted short, with simple V-neck shirt na naka tuckin at pinatungan ko pa ng long sleeve polo na tinupi ko hanggang siko at hinayaang naka unbotton with rubber shoes.

Hinayaan ko lamang din na nakalugay ang may kahabaan kong buhok na may pagka kulay brown ang kulay. May naka sukbit din sa magkabilaang balikat ko na backpack.

Dinaig ko pa yata si Dora the explorer nito eh. Nangingiti na sabi ko sa aking sarili.

Palinga-linga lamang ako sa paligid, pangiti-ngiti sa mga taong nakakasalubong ko na ngumingiti rin sakin pabalik, may mangilan ngilan naman na tipid ang ngiti, meron din naman na wagas kung makatingin at kung makatitig, meron pa nga na akala mo eh kakainin ako ng buo sa paraan ng kanilang pag tingin sa akin.

Syempre 'no? Mukhang artistahin kaya ako. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lamang nila ako kung tignan. Pagmamayabang ko sa aking sarili.

Pumasok ako sa loob ng isa sa mga coffee shop sa town at doon nagpalipas ng oras. Pinagtitinginan na nga ako rito eh. Order lang naman kasi ako ng order kahit na yung iba ay halos isuka ko na sa sobrang kabusugan at palpitation.

Pag tapat ng alas kwatro ay lumabas na ako ng coffee shop. At ang susunod kong destinasyon ay ang kung saan makakapag relax ang aking isipan. Akalain mo yun? Nakatagal ako ng ganun at walang ginagawa sa loob ng coffee shop? Naiiling at natatawa nalang ako ng palihim sa aking sarili.

Habang patuloy ako sa paglalakad ay may nakita akong grupo ng mga turista sa may hindi kalayuan. Mga kabataan at may iilan na mga bata rin na nasa pito hanggang sampung taong gulang ang kanilang kasama. Narinig ko pa ang isa sa kanila na aakyat daw sila ng Mt. Tapyas, syempre masyado akong curious na tao kaya agad na lumapit ako sa mga ito, atsaka naki tsismis narin ako ng tuluyan. Hehe.

Tumikhim muna ako saka nagsalita. Mga nasa fifteen silang magkakasama at halos lahat sila ay napalingon sa akin.

"Hi." Bati ko sa mga ito with matching kaway pa kahit na nasa kanilang harapan lang naman ako. "Pwede bang maki join sa inyo? Mag-isa lang kasi ako eh." Saka ako nahihiyang ngumiti sa kanila. Sabay-sabay naman silang napa tango at parang tuwang tuwa pa.

"Oo naman po syempreeee!!" Chorus nilang lahat. Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina.

Nakakatuwa silang lahat, lalo na yung tour guide nila. Hindi kasi nakakaboring o nakaka antok, talagang masisiyahan ka at mag i-enjoy.

Town Tour ang tawag nila roon, kung saan inililibot ang lahat ng mga turista sa buong town ng Coron. Kasama ang kanya kanyang tour guide na siyang gumagabay sa mga turista at nag-aalalay sa buong tour.

Masaya ang mga ito kasama, hindi ka maa-out of place o hindi mo mararamdaman na hindi ka belong sa kanilang grupo. Kaya nilibot namin ang buong town na magkakasama, ng masaya, at ang pinaka exciting pa roon ay nakasakay kami sa Prozza kung tawagin nila rito sa Coron. Ito ay mas malaki sa tricycle at mas mabilis din.

Pumunta rin kami sa Souvenir Shop at Cashew factory. Para akong bata na tuwang tuwa habang namimili kami pati narin ang ibang mga turista. Pumunta rin kami sa Town Plaza ng Coron at ang pinaka nagustuhan ko ay ang umakyat kami ng Mt. Tapyas na kanina lamang eh naririnig ko lang.

Nakakapagod siya sa umpisa dahil kailangang akyatin ang 721 steps na hagdanan paakyat sa tuktok ng bundok, pero sobrang refreshing kapag nasa taas ka na. Napaka worth it ang pagod.

Makikita mula sa itaas ng bundok ang buong Town, ang mahabang bundok na akala mo ay babaeng natutulog na kung tawagin nila ay Coron Island kung saan nandoon ang pinagmamalaki na Kayangan Lake ng Coron Palawan. Kumuha narin ako ng iilang pictures, but I wanted to keep it for myself, hindi para i-post sa social media. Besides, ayokong may makaalam kung nasaan ako naroroon ngayon. Even my family.

Sulit ang buong tour sa halagang five hundred pesos lamang. Hindi na ako sumama pa sa huling destination ng tour, dahil medyo may kalayuan na iyon sa town at medyo dumidilim na rin.

Naghanap na lamang ako ng aking pwedeng makainan for dinner. Medyo nagugutom na rin kasi ako kaya kailangan ko na talaga ng pagkain. Pumasok ako sa isang pizza house at nag order ng dalawang slice ng four cheese pizza. Hindi naman ako katakawan para mag order pa ng marami dahil paniguradong hindi ko naman mauubos.

Hindi ko maiwasang ma-amazed sa buong lugar, dahil napakabait ng mga tao at sobrang napaka sarap ng mga pagkain. Pagkatapos kung kumain at mabayaran ang bills ko ay umalis narin ako agad at nag umpisa na namang maglakad.

Pansin ko lang, hindi yata napapagod ang buong katawan ko at mga paa ko sa paglalakad ngayong araw. Napangiti ako ng wala sa sarili dahil hindi ko akalain na ganito kasulit ang unang araw ko sa Isla.

Ngunit awtomatikong natigilan ako sa paglalakad nang mapansin na mayroon akong naapakan na isang bagay. Napayuko ako at tinignan kung ano ang bagay na iyon.

Isang wallet.

Agad ko itong kinuha at binuksan para makita kong sino ang nagmamay ari, dahil for sure nandito lang ang lahat ng impormasyon kung sino man ang nagmamay ari nito.

"Christian Ocampo." Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang lakas ng pintig ng puso ko nang makita at mabasa ko ang pangalan nito. Kaya naman dali dali kong hinanap ang nag mamay ari ng wallet dahil baka hindi pa ito nakakalayo.

Hanggang sa may nakita akong isang lalaki sa may hindi kalayuan. Binilisan ko pa ng konti ang mga hakbang ko upang maabutan ito, ngunit papalapit pa lamang ako nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Hindi yata ako nito napansin na dumaan sa may gilid malapit sa kanya dahil nakatutok lamang ang kanyang mga mata sa screen nito. Sa unahan ko na lamang siguro siya hihintayin. Mukhang same direction lang naman ata kami ng pupuntahan.

Bigla akong natigilan ng marinig kong nagmumumura na siya habang hinahayaan lamang na tumutunog ang kanyang cellphone.

Problema 'non? Tanong ko sa aking isipan ngunit nagpatuloy parin sa aking pag hakbang.

Para siyang siraulo na pinagtitinginan ng mga tao. May pigil ngiti sa mga labi ko at napapailing na lamang habang tinitignan siya sa may hindi kalayuan.

Lasing ata. Bulong ko sa sarili.

Pagkatapos ng ilang sandali ay muling ibinalik na niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimula na muli sa kanyang paglakad.

"Hi." Pag bati ko sa kanya ng nasa may tapat ko na ito. Saka ko siya nginitian ng pagkatamis-tamis.

Awtomatiko naman na napatulala ito sa aking mukha na animo'y nakakita ng multo.

Ganoon na ba talaga ako kaganda? Mayabang na tanong ko sa aking isipan.

Bigla siyang natigilan nang sumulpot ako sa kanyang harapan. Saglit niya pa akong tinitigan atsaka...nilagpasan. Napangiti ako ng maasim. At muling pumihit para habulin muli siya.

"Suplado." Inis na bulong ko sa aking sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status