Jazmine
Nagising ako kinabukasan na wala si Chris sa sofa kung saan ito natulog kagabi.
Oh, wag kayong mga malisyoso at malisyosa, hindi kami nagtabi sa pagtulog. Kahit naman may nararamdaman ako para kay Chris, alam ko parin naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko.
At mas lalong hindi dapat ako ang unang maging dahilan ng tukso sa aming dalawa, na alam kong pagsisisihan lamang namin sa huli.
Nag-inat ako bago napahilamos ng palad sa aking mukha.
Finally, it's been a while since I've felt this feeling.
Ang gaan lamang sa pakiramdam.
Para bang pinaghalong tagsibol at tag-ulan.
Wala kang ibang mararamdaman kung hindi kapayapaan. At ang tanging amg kwarto na ito ang nagsisilbi kong yakap sa mga sandaling ito.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa aking sarili at walang sabi na niyakap ang unan na nasa aking tabi.
Naalala ko kasi ang ginawang pakulo ni Chris kagabi. He's so sweet talaga.
Kaya lang,
Jazmine"Pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit bigla ka nalang na tahimik diyan?" Tanong nito noong matapos na kami sa pagkain.Simula kasi noong lumabas ako ng banyo kanina, hindi ko na siya masyadong kinikibo."Please." Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa."Pwede ko bang malaman? May nagawa ba akong hindi dapat? Sumobra ba ako sa limitasyon kaya---""I'm okay, Chris." Putol ko sa kanya bago ito binigyan ng assurance smile. Pagkatapos ay binawi ang aking kamay na hawak niya."B-Baka masyado lang akong napasarap sa tulog kagabi kaya iba ang effect ngayon." Pilit na pinasisigla ko ang aking awra.Mataman na tinitigan lamang ako nito sa aking mukha. Bago napatango."Alright." Tipid na wika niya. "May gusto ka bang puntahan? Or gawin? Worried lang ako, Jaz. Hindi ka naman kasi ganyan. Nakakakaba kapag tumatahimik ka na. Nangangahulugan lamang na maraming gumugulo sa iyong isipan." D
Jazmine Ilang buwan ko pa kayang pilit na tatakasan ang buhay na sana ay panghabambuhay na akong hindi na guguluhin pa. Ngunit sabi nga nila, walang permanente sa mundo. Lahat may hangganan, lahat natatapos. Kung ngayon man ay masaya, maaring bukas hindi na. Kung sa ngayon ay puro pagdurusa at sakit, maaring bukas tapos na. Kaya alam ko at naniniwala ako, na lahat ng mga nararanasan ko ngayon ay matatapos din. Dahil tiyak ko na maaaring bukas o makalawa ay matutunton na ako ng aking mga magulang o maging ni David. Ngunit sa ngayon ay ayoko na munang guluhin ang aking isipan. At ganoon din sa kung ano man ang meron kami ngayon ni Chris. And speaking of Chris, mas lalo ko pa itong nakikilala, ganoon din naman ito sa akin. Alam ko na ang mga bagay na gusto nito at maging ito sa akin. Habang tumatagal ay mas nagiging panatag na lalo ang aking loob rito. Masaya akong napapasaya ko siya. Masaya ako na ako ang dahilan ng bawat pagtawa nito sa bawat a
Jazmine"Can you please stop staring at me like that?" Saway ko kay Chris habang napapailing ngunit may sumisilip naman na ngiti sa gilid ng aking labi."What? Inaano ka ba ng mga mata ko?" Pamimilosopo naman nito. Halatang sinusubok na naman ang kilig ko."Just--- just please, stop it." I frowned."I can't." Sagot naman niyang muli habang naka ngiti. "I cannot stop it. Ang sarap mong titigan eh."Napapikit ako ng mariin. Jusko po! Bakit naman kasi ganito itong lalaking ito? Papatayin yata ako sa kilig palagi."Kapag hindi ka pa rin tumigil diyan, h-hahalikan kita!" Pagbabanta ko. Napatawa ito.Noon ko lamang din na-realized ang sinabi kong iyon. Bakit ko nga ba nasabi 'yun? For sure hindi naman siya matatakot doon. Tss!"Oh, please. I will kiss you back then, with love and care." Sabay kindat pa nito sa akin."Waaah! I hate you!" Sabay suntok ko sa braso nito at nag walk-o
ChrisI couldn't help but smile when I wake up this morning, feeling more excited to be with Jazmine.It's been three days simula nang pumayag siya na sa iisang Hotel na lamang kami mag-stay, kung saan ako naka check-in.I guess, wala na akong mahihiling pa kung hindi ang sulitin ang bawat minuto at segundo na kasama ko siya.Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko siya makakasama, pero para sa akin, lahat ng alaala na meron kaming dalawa sa islang ito ay dadalhin ko hanggang sa huling sandali ng aking buhay ko.I groaned.Hindi dahil sa frustrated, kung hindi dahil sa kakaibang saya na nadarama, noong maalala ang aming mainit na muling pinagsaluhan kagabi.I owned her last night, every night. At hindi lamang isa, hanggang dalawang beses o tatlo, maraming beses na.Inaamin kong mali ako sa part na hindi ko pinigilan ang sarili ko. Nagpadala ako sa init ng katawan, sa kapusukan, pero iyon ay
Now playing: Pano by Zack TabudloChris"You know what? Ikain na lang muna kaya natin ito, ano? Medyo nagugutom na rin kasi ako eh." Sabay himas ni Nikki sa kanyang tyan.Hindi ako kumibo at tinignan lamang siya sa kanyang mukha.Hindi pa nga rin pala kami nakakapag almusal, lalo na si Jazmine.Kahit na alam kong may ibang kasama siya sa mga sandaling ito, siya parin ang inaalala ko."Saan ba may malapit na at masarap na kainan dito for breakfast?" Tanong ni Terrence na halatang pinagagaan din ang atmosphere.Still, hindi parin ako kumikibo ngunit agad na napamusyon ako sa may unahan, kung saan mayroong malapit na Hotel at the best ang menu nila for breakfast.Minsan na rin kasi kaming napadpad doon ni Jazmine.Pagdating namin roon, ay agad na lumapit sa amin ang dalawang waitress para kunin ang aming order.Hinayaan ko na lamang 'yung dalawa na mag order para sa akin. Habang ako naman ay nalulunod pa rin sa
Chris Now playing: All too well by Taylor Swift "You came." Nakangiting sinalubong ako nito habang ako naman ay naglalakad papalapit sa kanya. Hindi ko siya magawang alisin sa aking paningin ngayon. May pakiramdam kasi ako na ito na ang huling sandaling makakasama ko siya ng ganito. Nakakalungkot lang kasing isipin dahil parang biglaan yata ang pagbawi ng tunay niyang mundo sa akin. Hindi man lamang ako nakapag handa. Alam ko naman na mangyayari talaga ang araw na ito, pero hindi ko kasi naihanda ang sarili ko. Binigyan ko ito ng isang mabagal na ngiti. Pilit na itinatago ko ang lungkot at pangamba sa aking mga mata. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko yata nakikita si David. O sadyang mag-isa lamang siyang nagpunta rito. "Where's your---" "Grabe 'no? Ilang months din tayong nagkasama rito." Putol nito sa akin. Napatango ako bag
Now playing: Malibu nights by LANYChris"Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin.No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili.Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka
Jazmine "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman. Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi. O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko. Miss na miss ko na siya, ngunit