Share

Chapter 6

Tahimik na binabagtas nila Seiri, Polly, Matuk at Iksum ang daan patungong portal. Nagkakatinginan sila Polly at Seiri habang naglalakad, bakas ang labis na pagkamangha sa mga nakikita sa paligid. Matataas ang mga puno at malalaki ang katawan. Nakamamangha na ang nilalakaran nila ay hindi masukal at para silang nasa parke na sinadyang ayusan na parang nasa fairy land. Mabango din ang amoy ng paligid na pinaghalong mint at floral. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nadaraanan nila.

“Kaya ninyo pa bang maglakad? Baka gusto ninyo munang magpahinga?” ang tanong ni Matuk.

Napahinto sila sa paglalakad. Umupo sa isang malapad na bato si Matuk. Sumunod naman si Polly at si Seiri sa pag-ubo sa kabilang malapad na bato. Tanging si Iksum lang ang naiwang nakatayo.

“Akala ko ba ay nagmamadali tayong ilabas sila sa portal? Ano’t nahapo ka yata?” ang nang-iinis na tanong ni Iksum kay Matuk.

Tumingin lang si Matuk kay Iksum at saka sumulyap kila Seiri at Polly.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status