Share

The Vapid Patient
The Vapid Patient
Author: tineta

Prologue

"Angelic, dalian mo paparating na sila!” sigaw ng kasamahan ng dalaga na hapong-hapo na sa pagtakbo mula pa kanina.

"Napapagod na ako, Zette,” saad nito ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Malapit na tayo do'n sa may tren bilis hindi ka pwedeng sumuko ngayon!" Huminto panandalian si Zette upang makahabol sakan’ya ang kaibigan.

Sa loob ng ilang oras nilang pagtakbo at pagtakas ni isang mga kapwa nila tao ay wala na silang nakakasalubong o nakikita. Mistulan na ding ghost town ang buong paligid dahil napakatahimik na nito at parang sila na lang ang tanging buhay.

Ang tren na lang ang nag-iisa nilang pag-asa upang makakita ng tao kung sakali man at upang mabuhay.

"Unti na lang.” Inilahad na ni Zette ang kamay para tulungan na sa pagtakbo si Angelic na gusto ng sumuko kanina pa.

Ilang hakbang na lang ang distansya nila at tuluyan na nga silang nakasampa sa tren. Kinalabog nila ‘to nang kinalabog at sinubukang silipin ang loob. Doon nga ay may nakita silang mga tao ngunit nagdadalawang-isip ang mga ‘to na papasukin sila.

Lumapit ang isang lalaki upang tingnan sila sa maliit na glass na bintana.

Kaagad na umiling-iling si Zette tila sinasabing hindi pa sila infected ng kan'yang kaibigan. Nagawa n'ya na ring magmakaawa sa mga ‘to upang papasukin lang sila.

Sandali namang nagkaroon ng mahinang diskusyon ang mga tao sa loob bago sila tuluyang papasukin. Nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makatapak na sa sahig ng tren. 

"Malayo-layo pa sila..." hinihingal pa din na saad ni Zette. "Ngunit mas marami na sila ngayon.” Napasinghap ang mga tao dahil sa nalaman.

“Kapag nasa paligid na sila, walang sinuman sa ‘tin ang pwedeng mag-ingay o kahit kaluskos lang ‘yan dahil malakas ang pandinig nila.” Paalala ng lalaking tumingin kina Angelic kanina.

"Safe naman na tayo dito sa loob ‘di ba?” natatakot na tanong ng isang high school student na babae.

"Nakalulungkot man sabihin, pero hindi. Gaya nang sabi n'ya kanina marami na sila at kapag inatake pa nila ang tren na 'to malaki ang posibilidad na masira ‘to at makapasok sila,” paliwanag nito muli.

"Tama si kuya Jef, kaya hangga’t maaari manahimik lang tayo at magmasid kapag nand'yan na sila,” pagsang-ayon ng isang babaeng nasa mid 30's na.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kanilang lahat. Kung bibilangin ay hindi na sila aabot pa sa singkwenta lahat sa loob ng tren. Malamang ang iba ay infected na o ‘di naman kaya ang iba ay tumakbo na papalayo.

"Nagugutom ako, mama,”  reklamo ng isang batang lalaki na nasa tatlong taong gulang pa lamang.

"Shh anak, wala ng pagkain si mama. H’wag ka mag-alala kapag okay na lahat dadalhin kita sa Jollibee ‘di ba gusto mo 'yon? Sa ngayon tiis muna anak ah?" pag-aalo ng ina sa kan'yang anak. Nakita naman ‘yon ni Angelic kaya kinalabit n'ya si Zette upang senyasan na kumuha ng pagkain sa bag n'ya.

Sa pagtakbo kasi nila kanina ay marami na silang nadaanang mga grocery store at hangga't kasya pa sa bag nila ay kukuha at kukuha pa sila, hindi na nila inisip na bawal ang ginagawa nila dahil wala nang pagpipilian kundi gawin ‘yon.

Todo ang pasasalamat ng mag-ina matapos ibigay ni Zette ang dalawang mamon na nakuha nila.

Muling nagkaroon ng katahimikan hanggang sa marinig na nila ang papalapit ng mga zombie.

"Wala nang magsasalita.” Napuno at bakas na sa mukha nilang lahat ang takot habang nakikita na nila ang grupo ng mga zombie na papalapit na sa tren na kinalalagyan nila.

Paikot-ikot na ang mga zombie sa tren at alam nilang lahat na naamoy sila ng mga ‘to ngunit hindi lang ito umaatake kaya nananatili pa rin silang tahimik.

Maya-maya ay naramdaman ni Zette ang pagkalabit sa kan'ya ni Angelic, lumapit s'ya dito upang maibulong ng kaibigan ang gusto nitong sabihin.

"Hindi na ako makahinga, wala na rin sa bag ko ‘yong inhaler." Nanlaki ang mata ni Zette at kaagad na hinalukay ang bag ni Angelic.

May hika si Angelic at nagsisimula na ‘to ngayon dahil sa labis nilang pagtakbo. Hirap na s’yang huminga tila naninikip ang kan’yang dibdib dahil sa hingal.

"Pigilan mong maubo, Angelic," bulong ni Zette kahit natataranta na ‘to.

"I'm trying," nanghihinang sagot ni Angelic.

Sinubukang magtanong ni Zette sa mga kasamahan nila kung sino ang may inhaler ngunit lahat sila ay wala. Parehas na lang na nagkatinginan ang magkaibigan. 

Sinubukan pang pigilan ni Angelic ang pag-ubo ngunit hindi na talaga nito kaya.

"Mapapahamak ang lahat kung mananatili ka pa dito,” bulong na komento ni Jef.

"Oo nga, ayaw pa naming mamatay kaya lumabas ka na lang."

Patuloy sa pag-ubo si Angelic hanggang sa nakatunog na ang mga zombie sa labas.

Kaagad na may humawak sa dalawang braso ni Angelic at hihilain na sana ‘to palabas nang pigilan sila ni Zette.

"I'll go with her," matapang n'yang saad kaya binitawan na ng dalawang lalaki ang kaibigan n'ya.

"D-dumito ka na lang, Zette,” nanghihina at naiiyak na sabi ni Angelic.

"No, kung nasa'n ka nando'n din ako. Sasamahan kita,” aniya habang dahan-dahan at unti-unti na silang naglalakad ni Angelic papunta sa pintuan.

Nasa tapat na sila ng pintuan at lakas-loob na sana nila ‘tong bubuksan ng biglang may tumawag kay Angelic kaya kaagad nilang nai-pause ang pinapanood na movie.

"Ms. Yuzon,”

Mabilis na napatayo ng tuwid ang dalaga nang marinig ang boses ng kanilang Chief Psychologist sa ospital na pinagtatrabahuan n'ya. Hinarap n'ya si Mrs.Romana.

Istrikto ang mga ekspresyon nito habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng white coat n'ya. Angelic felt tensed. She's not that afraid of Mrs.Romana but as of this moment, she's very nervous.

Nasa mid 40's na ang Chief nila at ito na rin ang pinamatagal na Psychologist sa ospital kaya halos lahat ng mga interns ay mataas ang tingin at respeto sa kan'ya.

"Yes po, Ma'am?” magalang na tanong ni Angelic.

"You will be having your new patient from the 13th floor.”

Sandaling nanlaki ang mata ni Angelic dahil sa narinig. "Are you sure po, Ma'am?" hindi n'ya makapaniwalang tanong.

"Yes. Dahil isang buwan ka pa lang dito, I want to test you kung hanggang saan ang kaya mo. But I think, you can handle him naman." Mrs.Romana just shrugged her shoulders.

Kaagad na napahinga ng malalim si Angelic dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman n'ya. Kinakabahan ngunit nai-excite rin s'ya dahil lingid sa kaalaman ng lahat ng nagtatrabaho dito sa mental institution na ‘to na nasa 13th floor ang iilang pasyente na kakaiba ang mga sakit.

Pinilit n'yang alisin ang kaba sa dibdib. Aminin man n'ya o hindi ay isa rin s'ya sa mga Psychologist na curious sa floor na ‘yon dahil kadalasan dalawa hanggang tatlong Psychologist lang ang pwedeng umakyat do'n at mga batikan pa.

"Pupuntahan ko na po ba s'ya ngayon or mamaya na lang po?”

"Now, please.”

Kaagad nang isinuot ni Angelic ang coat n'ya at kumuha pa ng ibang kakailanganin n'ya ng kaagad s'yang pigilan ni Mrs.Romana.

"Hindi mo pa kailangan ng mga ‘yan. I also won't give you the patient's chart first dahil gusto ko ikaw muna ang mag-i-evaluate kung ano sa tingin mo ang sakit n'ya.” Naguguluhan namang tumingin si Angelic sa Chief Psychologist n'ya.

"All you need is courage, just like the Angelic in the movie you had watched earlier.”

Agad namang napangiwi si Angelic, hindi n'ya kasi alam kung sarkastik ba ‘to sa sinabi o sadyang bukal sa loob ang payo nito. Ngunit kahit nalilito ay tumango-tango na lang s'ya bilang pagsang-ayon.

"Ahm, ma'am?” Magtatanong pa sana ang dalaga ng unahan na s'ya ng kan'yang Chief.

"Just check the patient first and here…”

Pinanood ni Angelic ang kung anong kinuha nito sa kan'yang uniporme hanggang sa dahan-dahan na nitong inilabas ang dalawang bagay na mas lalong nagpasalubong sa kilay n'ya.

"Don't forget to use this after checking him."

Naguguluhan at hindi makapaniwala si Angelic na nakatingin kay Mrs.Romana. “P-po?”

"Just use this. The scent will calm the patient and will put him to sleep.”

She was dumbfounded. Her eyes were still locked on the two objects that she was holding. She immediately felt its heat on her palms until it flowed all over her body. She didn't understand why it's even needed.

Kandila at Lighter

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status