Share

Kabanata 8

Nang sandali n'yang sabihin 'yon ay mabilis na umawang ang labi ko sa gulat na hindi ko na nagawa pang itago. Hindi ko inaasahan na may gan'to pa lang kwento ang ospital na 'to. Namatay dito sa ospital? Ibig sabihin dito rin nagtatrabaho ang fiancé ni Rue? Hindi naman imposible ‘yon dahil sa tito n'ya naman ang institution na 'to pero ano ang sanhi ng pagkamatay ng fiancé n'ya? 

"Ano ang naging sanhi ng pagkamatay n'ya?" nagtataka kong tanong ngunit umiling lang si Mrs. Romana tila wala s'yang balak ikwento sa 'kin ang buong pangyayari kaya hindi na ako nagtanong pa muli. 

"Just be prepare for what might happen, Angelic but we will assure you that It will never gonna happen again." Naramdaman ko na lang ang marahang pagkakalapat ng palad ni Chief sa balikat ko tila sinabing wag na akong mag-alala at sila na ang bahala. I just smiled weakly at her.

Paanong hindi ako mag-aalala kung hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya? Mas lalo tuloy akong nahiwagaan tungkol do'n sa fiancé ni Rue na akala n'ya ay nandito pa sa ospital at buhay pa. 

Para akong multong lumalakad na wala sa sarili dahil ukupado pa rin ang isipan ko ng pinag-usapan namin kanina ni Chief. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ba talaga ang nangyari do'n sa fiancé ni Rue at bakit s'ya namatay. 

Darating ang araw na malalaman ko rin ang sagot sa mga panibago kong katanungan. Magulo pa ang isip ko pero isa lang ang sigurado ako pwedeng nangyari rin kay Rue ang nangyari do'n sa isang article sa folder na ibinigay sa 'kin ni Mrs. Romana. Base sa isinalaysay ng pasyente no'ng mga panahon na mas tumitindi ang sakit n'ya nagagawa n'ya ng makapanakit ng ibang tao at ang pinaka nakakagulat pa do'n ay muntik n'ya nang mapatay ang kan'yang kapatid na nagbabantay sakan'ya. 

Malaki ang posibilidad na maaaring magawa o nagawa na rin 'yon ni Rue dati dahil sa 'kin nga ay walang kaalam-alam n'ya nang nagawa. Pero hindi lang 'yon ang kinatatakot ko dahil malaki ang tyansa na magawa n'ya ring saktan ang kan'yang sarili dahil sa pag-aakalang wala na s'yang buhay kaya hindi na rin s'ya masasaktan. 

Muli akong nakabalik sa ulirat ng makarating na ako sa tapat ng kan'yang kwarto. Dahil sa sobrang ukupado ng utak ko hindi ko na nadala ang medical chart n'ya.

"Bumalik ka?" Magkahalong tuwa at gulat ang kan'yang naging reaksyon pagpasok ko. Nakaupo lang s'ya kanina sa sofa ngunit nang makita ako ay dali-dali s'yang tumayo. 

Naguguluhan ko s'yang tinignan. "Of course, I'm here to check you." 

Sumeryoso ang kan'yang mukha at dahan-dahang lumakad palapit sa 'kin. "Binalikan mo ako," tila hindi parin s'ya makapaniwala sa presensya ko ngayon dito sa kwarto n'ya. 

"Sir, kasi po patient ko kayo wait, nakainom na po ba kayo ng meds n'yo?" Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansing nasa harapan ko na s'ya at nakatitig lang s'ya sa 'kin. Unti na lang ang distansya namin sa isa't-isa kaya akmang aatras sana ako ng kaunti nang maramdaman ko ang dalawang palad n'ya sa magkabilang balikat ko. 

"Are you taking me now? Please take me with you." 

Mas lalo na lang akong nagulat sa sunod n'yang ginawa, marahan n'ya akong hinila palapit sakan'ya kaya ngayon ay nakabalot na sa 'kin ang dalawa n'yang braso habang nakapahinga ang aking ulo sakan'yang d****b. Rinig na rinig ko ang sunod-sunod na pagtibok ng kan'yang puso. His scent makes me calm and his warm hug feels like I'm in the safest place.

"I'm sorry for what I've done to you before, now take me so that we can be together eternally," Ramdam ko ang hininga n'ya sa 'king tenga habang binabanggit ang mga salitang 'yon. Sobrang lapit n'ya sa 'kin. 

Akala ba talaga n'ya ako ‘yong fiancé n'ya? At anong humihingi s'ya ng tawad sa kan'yang nagawang kasalanan? s'ya ba ang may gawa kaya namatay ang kan'yang fiancé?

"Ah--pasensya na, Sir pero hindi po ako ang fiancé mo, ako po si Angelic and iyong Psychologist," malumanay kong paliwanag habang dahan-dahang bumibitaw sa aming pagkakayakap. 

"No, you are my fiancé." Paulit-ulit n'yang wika hanggang tumatas na ang tono ng boses n'ya.

"Sir, kumalma po kayo. Breathe in, breathe out." Mabilis naman s'yang kausap at ginawa n'ya rin ang sinabi ko kaya ngayon ay kumalma na s'ya.

Natahimik ang buong kwarto at wala nang nagsasalita sa aming dalawa. Ilang minuto pa akong nanatili nang muli na s'yang magsalita. 

"Let's go, I'm ready. " Hinawakan n'ya ang kanang palapulsuhan ko gamit ang kaliwa n'yang kamay papunta sa direksyon ng pinto. 

"Saan tayo pupunta, Sir? Hindi kayo pwedeng lumabas." Tila naalarma ako sa mahinang paghila n'ya sa 'kin papunta sa pintuan pero pilit kong nilalabanan 'yon dahil hindi na s'ya maaaring makalabas pa ulit. 

"You're only her spirit whom I talking to right? Bring me to your body now." Natameme naman ako sa sinabi n'ya. Muli n'ya akong hinila ng mahina palapit sa pintuan ngunit mas binigatan ko pa ang sarili ko upang hindi n'ya ako mahila ng tuluyan. 

"No, Sir, dito lang po kayo. She's not here anymore nor her spirit." Pilit kong pagpapaintindi sakan'ya. 

"Tatawag lang ako nurse for your medicine."

"I know you're dead, so am I." aniya na ikinatigil ko sa pagtitipa sa cellphone. "Gusto na kitang makasama, Aivy." Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya nang sandali n'ya nang bitawan ang palapulsuhan ko at mag-isa na lang na lumapit sa pintuan upang hawakan ang doorknob. Nilingon n'ya ako nang may lungkot sa mukha. May pangungusap sa kaniyang mga mata tila tinatawag ako upang sumama na sa kaniya.

"Take me to the morgue."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status