Kumalabog ng malakas ang aking d****b dahil sa kaba at halos umatras ang dila ko dahilan kaya hindi ako makapagsalita. Marahan akong pumikit upang pakalmahin ang sarili at pagkalipas ng ilang segundo nagawa ko nang makapagsalita. "Gusto ko lang sana magpaalam Chief," putol ko.
"Tungkol saan?" nagbabasa parin siya at hindi manlang ako nililingon.
"Gusto ko po sana dalhin si Rue sa rooftop." Napansin ko na napatigil siya kaagad at marahang sinara ang medical record na binabasa. Dahan-dahang umangat ang tingin niya papunta sa akin at nang magtama na ang mga mata namin ay tsaka siya nagsalita.
"Does it really necessary?" seryoso at maawtoridad niyang tanong. Muli na naman tuloy akong kinain ng kaba kaya ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakasagot. <
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa elevator para bumaba ulit papunta sa opisina ni Director.Hindi ko nga alam kung bakit bawat nakakasalubong kong nurses ay napapatingin sa akin siguro dahil kanina pa ako napapasabunot sa aking sarili akala ata nila baliw na ako. Sinubukan ko namang umayos sa paglalakad pero hindi ko kasi makalimutan ang nangyari kanina nung tanungin ako ni Rue kung nasaan ang singsing na ibinigay niya. Oo nga naman nasaan? Wala sa akin. Kaya heto ako ngayon kakausapin si Ruther tungkol sa bagay na 'yon. Pagtunog ng elevator ay dumeretso na kaagad ako papasok sa office ni Director,hindi na ako kumatok pa dahil nagmamadali ako. "Ikaw pala Angelic," pansin ko ang pagkagulat sakaniyang reaksyon pero hindi iyon halata sa ton
"Grabe dalawang araw palang kitang hindi nakakausap pero feeling ko isang taon na, wala ka bang chika diyan? " Nandito ako ngayon sa office namin dati ni Fei bumaba ako dito sandali dahil nagpapahinga na sa kwarto niya si Rue kaya sinamantala ko ang oras para makausap sandali ang bestfriend ko. Umayos ako sa pagkakaupo iniharap sakaniya ang upuang gamit ko ngayon. "Marami pero sisimulan ko na," huminto ako sandali dahil nagsalita siya. "Aba, gusto ko yan!" excited niyang sabi at umayos rin sa pagkakaupo. "Diba nakwento ko na sayo na parang may mali, parang may nililihim sina Mrs. Romana tungkol sa pagkamatay ni Aivy? " huminto ulit ako at tinitigan siya sa mga mata. &nb
Wala ako sa sariling sumakay sa elevator at pinindot ang ground-floor na buton para makapunta ulit sa opisina ni Director. Ito na ata ang magiging bagong buhay ko sa ospital na 'to ang mag-akyat baba oras oras. Nakatitig lang ako sa sarili kong repleksyon sa elevator habang iniisip kung bakit na naman kaya ako pinapatawag.kanina nung pumunta si Chief sa kwarto ay para lang pala ipaalam sa akin na pinapatawag nga ako. Nung mga oras na 'yon ay sobra akong kinabahan tila isa akong kriminal na nahuli sa akto. At mas lalo pang nakadagdag sa kaba ko ay yung mga mata ni Mrs.Romana na seryoso at sa akin lang talaga nakatuon. Parang nangungusap at nagtatanong kung bakit nakayakap sa akin si Rue. "Gusto kang makausap ni Ruther," yan ang eksaktong sabi niya akala ko nga ay sasabay pa siya sa akin palabas ng kwarto pero mabuti nalang at hindi dahil hindi ko rin alam paano magpapaliwanag sakaniya. Siguro kaya a
Nakita ko ang madiin niyang pagpikit. Bakit? Ginawa ko naman ang sabi niya ang tawagin ko siya sa pangalan niya don't tell me mali pagkakabigkas ko ng pangalan niya? "B-bakit po Rut--" "Shh!" agad niya akong pinatigil at sinenyasan na manahimik nalang kaya hindi na ako muling umimik nanatili nalang ang mata ko sakaniya. "How old are you?" mabilis niyang tanong na parang naiinis pa. Nag-aalangan naman tuloy akong sumagot pero pinilit ko ang sarili. "26 po," tugon ko. "27 minus 26?" tanong niya ulit. Nangunot naman na doon ang noo ko dahil hindi naman ako nainform na may math lesson palang magaganap dito. "1 po," muling sagot ko. "Good. Isang taon lang ang agwat natin kaya pwede ba... " sandali siyang huminto at ipinikit ang mga mata bago huminga ng malalim.Ilang segundo lang pagdilat niya ay nagsalita na ulit siya "kaya pwede ba wag ka ng gumamit ng 'po'? Ang sagwa pakinggan na tuwing sa
Unti nalang ang babanlawan ko pero ang tagal kong matapos yun dahil nakatulala pa ako. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba sakaniya o hindi pero kasi baka kapag sinabi ko ano pang isipin niya. Bahagya nalang ako pumikit at iniling iling ang ulo para alisin ang bumabagabag sa isipan ko. Tama hindi ko nalang sasabihin, mukhang hindi rin naman kasi siya papayag. Sinimulan ko nang banlawan isa isa ang mga kutsara at tindor nang mapatigil ulit ako. "Kaya mo naman sasabihin 'yon, Angelic dahil para rin sakaniya 'yon." Mahina kong bulong habang hawak hawak ang tinidor at tinuturo pa yun sa harapan ko na para akong may kausap. Umiling iling naman ako at sumagot. "Eh paano kung iba ang isipin ni Rue?" hindi pagsang-ayon ko at muli nang binanlawan ang tinidor na hawak. "It's for his own good nga kasi, Angelic atsaka bakit mo ba kaso iniisip ang sasabihin niya? Mamaya 'di nam
Habang nakatulala sa kisame nahuli ko na lang ang sariling nakangiti kaya kaagad ko iyong binawi. Napahinga nalang ako ng malalim at ipinikit na ang mga mata para subukang makatulog. Kinabukasan,maaga akong nagising gusto ko pa sana matulog dahil pakiramdam ko antok pa ako at kulang pa sa tulog ngunit ayaw na makisama ng mata ko kaya dahan-dahan nalang ako bumangon upang maghilamos at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto dahil magluluto na ako ng almusal.Tinignan ko sandali si Rue bago isara ang pinto, mukhang nananaginip siya, 5:42 am palang kasi ng umaga. Pagkarating ko sa kusina ay nagtimpla muna ako ng kape at umupo para magmuni-muni at mag-isip narin ng lulutuin para sa almusal. Sa aking pagmumuni-muni bigla kong naalala ang kinukwento ni Fei dati na may mga nurses at psychologist na napapagod kay Rue dahil sa hirap nito alagaan. Hindi ko alam kung paano sila napagod dahil base naman sa naranasan at
Hanggang ngayon palaisipan pa din sa'kin ang binitawang mga salita na 'yon ni Director, siguro ay concern lang s'ya sa pinsan n'ya dahil baka iniisip n'ya magrereklamo ako, ngunit kahit anong mangyari 'di ako magsusumbong sa pulis dahil naiintindihan ko ang kalagayan ni Rue. "Sa'yo na lang ulit 'yong pagkaing dadalhin dito ng Aide, Love," wika ni Rue na nakasuksok lang sa sofa dahil nilalamig daw s'ya. "Hindi p'wedeng 'di ka kumain lalo na ngayong masama ang pakiramdam mo," sagot ko naman habang naglalakad na papalapit sa kan'ya dala-dala ang thermometer. Nang sandali na akong makalapit sa kan'ya ay binuksan ko na ang thermometer at inipit 'yon sa kili-kili n'ya. Makalipas ang tatlong minuto, tumunog na ang device at pagtingin ko sa resulta, 38.5 °C ang temperatura n'ya. "Nilalagnat ka na," saad ko. Kaninang alas siyete kasi ay sinat pa lang ang nararanasan n'ya ngayon ay tumaas na ang temperatura n'ya. 
"Nasa'n si Aivy?! Hindi ikaw si Aivy!" malakas n'yang sigaw habang nakatutok sa 'kin ang razor na parang kutsilyo ang hawak-hawak n'ya. Mabilis akong napaatras at napalayo nang bigla n'yang iwasiwas sa ere ang razor. Hindi ako tinamaan no'n pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi pa rin ako umaalis sa pagkakatayo ko dito sa pwesto ko gayong may tyansa na masaktan na naman ako ni Rue. "Rue… " 'Yan na lang ang tangi kong nasambit habang tulala akong nakatingin sa kan'ya. "Damn!" inis n'yang bulalas. At 'yon ang oras para lapitan na s'ya dahil alam kong na-realize n'ya na ang nangyari. Habang dahan-dahan akong papalapit sa kan'ya ay pinakalma ko rin ang sarili ko dahil hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko. Kinakabahan ako. Naiinis ako sa sarili ko at sinisisi ko rin 'to dahil kung no'ng una pa lang 'di ko na ibinigay sa kan'ya ang razor 'di naman mangyayari 'to. "Rue," muli kong wi