Share

Kabanata 6

Nawalan ako ng balanse kaya agad akong napakayakap sa kan’ya dahil sa takot na pumalakda sa sahig. Dumaloy sa ’king ilong ang napakabango n'yang damit at panigurado na hanggang mamaya ay nakakapit pa din sa ’kin ang kan'yang amoy. 

Nagkasalubong ang mga mata namin nang iangat ko ang aking mga tingin. Parehas kaming tila naestatwa at hindi alam ang gagawin. Nang makabawi ako ay kaagad akong tumayo ng tuwid. 

"G-good morning, Sir,” wika ko habang pilit na tinatago ang pagkailang dahil sa nangyari. 

"Pasensya, hindi ko napansing nandito ka na pala," paliwanag n'ya habang nag-iiwas ng tingin. 

I noticed that even though he was going through something he was a very softhearted person. He always apologizes when he knows he did something wrong and I appreciate him more because of that.

"Parehas lang naman tayo, Sir, na nagulat,” natatawa kong tugon. Sinuklian n'ya rin naman ako ng isang ngiti. Sinundan ko lang s'ya ng tingin na lumabas na mula sa k'warto n'ya. Akala ko ay dederetso ulit s'ya sa drawer sa sala n'ya para kumuha ng pabango ngunit kita ko ang pagpipigil n'ya sa sarili. He's trying to stop what he used to do, maybe he already realized that it wasn't crucial because that was just one of the symptoms of his illness. At isa pa sayang ang pabango, mukha pa namang mamahalin tapos isang gamitan n’ya lang.

"Have you eaten?" 

Hindi ko napansing nakaupo na pala s'ya sa sala habang nakatingin sa ‘kin at nag-aantay ng sagot ko.

“Yes, Sir," tugon ko bago tuluyang lumabas sa k'warto n'ya. 

"Here eat this." Gulat akong napalingon ulit sa kan’ya dahil sa sinabi n'ya. Sa totoo lang ay ‘di pa talaga ako nakakapag-almusal pero hindi naman tama na ako ang kakain ng pagkain para sa pasyente. 

"No, Sir, para po sayo 'yan.” Pagtatangi ko. 

"Hindi ka mukhang nakapag-almusal na,” confident n'yang saad sa ‘kin. "Mukhang isang hangin lang sayo lilipad ka na." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi n'ya at kaagad na nag-iwas ng tingin. Sabi nila hindi naman ako gano'n kapayat pero mukhang sa mga mata ni Rue saranggola ako. 

Nang tuluyan na akong makalapit sa kan'ya ay hindi ko na tuloy alam ang gagawin kung tutulungan ko ba s'yang kumain ko o ano. 

"Sit here,” aniya habang marahang tinapik ang sofa kung saan rin s'ya nakaupo. Sumunod ako sa kan’ya kahit naiilang pa ako ng kaunti. Magkatabi na kami ngayon, nasa kaliwang banda n'ya ako habang parehas kaming nakaharap sa lamesa kung sa'n nakalatag ang mga pagkain. Sadyang nakahahalina ang mga pagkain at kahit lutong ospital ay makikita mo pa rin na masarap 'yon. 

"Hindi ako kakain ngayon, kaya sayo na ang mga 'yan," malumanay n'yang sabi kaya muli na naman akong nagtaka. Mangangatwiran pa sana ako nang iaabot n'ya na sa ‘kin ang kutsara at tinidor. 

Champorado ang isa sa mga pagkain na ginagamitan lang ng kutsara pero may tinidor pa din ang binigay nila. Pasimple akong napatingin sa kan’ya matapos kong kuhain ang kutsara at tinidor sa kamay n'ya. Siguro ang dahilan n'ya kung bakit ibinigay n'ya sa akin ang tinidor ay upang hindi na ulit mangyari ang nagawa n'ya kahapon. 

Sumandok na ako ng pagkain at bawat subo ko ay napaka-awkward dahil na sa tabi ko lang s'ya na pinapanood akong kumain. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko nang maramdaman kong hawiin n'ya ang takas kong buhok at isinampay 'yon sa aking tainga.

"You take care of others while you forget to take care of yourself."

Nawala ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pagdikit ng kan'yang daliri sa aking tainga na tila nag-supply ng elektrisidad sa ’king buong katawan kaya hindi ko na narinig pa ang sinabi n'ya matapos ‘yon. 

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa kaba at lamig ng buong pasilyo. Nandito kami ngayon sa napakalaking conference room dahil nagpatawag ng meeting si Director. 

I don't know why I am even here dahil sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawang mali kaya wala akong kinalaman sa pag-uusapan nila,  kaso si Mrs.Romana ay sinama pa rin ako. Unti-unti nang nagdadatingan ang ibang mga Nurse, Psychologist at kahit Psychiatrist ay mayro'n din kaso napansin ko sila ‘yong mga kasama sa board of directors at mga batikan na. 

Nakadagdag pa sa kaba ko ang takot na baka nalaman ni Mrs.Romana ang pagkain ko sa pagkain ni Rue kaya n'ya ako isinama dito pero kung tungkol man do'n ay handa naman akong depensahan ang sarili ko. 

Napatingin ako sa isang babae na siguro ay nasa mid 30's pa lang. She looks pretty and sossy but not to the point na mukha na s'yang matapobre, it's just that sa edad n'ya hindi n'ya pa rin napababayaan ang hitsura n'ya. She gave me a sweet smile nang mapansing nakatitig ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako o hindi dahil kahit anong pilit ko hindi ko magawa-gawa dahil na din sa kaba sa sistema ko na hindi maalis-alis.

Gulong-gulo na rin ang isip ko kung bakit ba ako nasabit sa meeting nila mukhang hindi naman dapat ako nandito. 

Sunod na dinapuan ng mata ko ang mismong Director ng ospital. Lalaki s'ya at sumisigaw talaga sa hitsura n'ya ang pagiging propesyonal. Never ko pa s'yang nakausap at ‘di na rin ako hihiling na makausap s'ya dahil isipin pa lang na nasa harapan ko na s’ya ay nanghihina na kaagad ako. Hindi pa s'ya gano'n katanda maybe he's only on his late 20's.

"She's always late," inis na wika ng Director. 

"Baka nakalimutan n’ya lang ang daan papunta rito,” tugon naman ni Mrs.Romana. 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa kahit na hindi ko naman kilala ang tinutukoy nila. Sino pa ba ang inaantay? hindi na kasi talaga ako komportable dito sa kinauupuan ko. 

"Whether she's here or not yet let's begin, I will be the one to speak because it's embarrassing for our guest here today." 

Hinanap ko naman kaagad kung sino ang tinutukoy n'ya ng mapansin kong sa ‘kin sila lahat nakatingin. 

"A-ako po?" utal kong wika habang nakaturo rin sa sarili. Sumilay naman ang nakalolokong ngiti ng aming Director. 

"Yes, ikaw nga Ms. Angelic Yuzon. Siguro ay kanina ka pa napapaisip kung bakit ka pinadalo sa pagpupulong na ‘to pero maniwala ka, you are needed in this meeting today.”

Tumango-tango na lang ako ngunit hindi ko pa rin talaga mahinuha kung anong point ng meeting na ‘to at talagang importante pang dapat nandito ako. Sumang-ayon na lang ako dahil ‘di ko gusto na nasa akin lahat ng atensyon nila. 

Magsisimula na sana s'yang magsalita nang bigla na lang may umentrada sa pintuan at niluwa no'n ang isang babae na halos ka age ko lang kung titingnan. 

"Am I late?” nakangiti n'yang wika habang dere-deretso sa paglalakad na parang model. Iginala n'ya ang tingin n'ya hanggang sa magtama ang mga mata namin. "There you are!" Sabay turo n'ya sa akin kaya nagtaka na naman ako. 

"Don't blame me for being late here, she's the reason why.” Nabaling na naman tuloy sa ’kin ang mga mata nilang lahat kaya litong-lito ko rin silang tiningnan isa-isa. Wala akong ideya sa binibintang ng bagong dating na babae. 

"Roshan stop, ikaw ang h'wag manisi ng ibang tao dahil sa pagiging undisciplined mo sa oras." Nagmake face naman ang babae. How can she do that in front of our Director? What's their relationship? 

"I was looking for her kanina pang umaga but she's nowhere to be found. Sabay na sana kami pupunta dito but I can't find her even Nurses and Aides hindi rin alam kung nasa'n s'ya kaya, tell us saan ka galing?”

Bigla akong ginapangan ng kaba nang maalala ko ‘yong sinabi ni Fei na may naghahanap sa ‘kin kanina, hindi malabong s'ya ang babae na 'yon. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na nagtagal ako sa k'warto ni Rue dahil baka kung ano ang isipin nila. 

"Cr.” ‘Yan ang unang lugar na pumasok sa isip ko dahil sa pagkataranta. 

"Sa cr? ng gano'n katagal?” muling hirit no'ng Roshan ang pangalan. 

"Of course, I did my rounds first in my patients and then I went to cr because I had an LBM." Paliwanag ko na ikinatikom na ng bibig n'ya. 

"Enough for that. Can you just start the meeting now, Roshan?” Pagpapatigil sa'min ni Director. Napabuntonghininga na lang si Roshan at tuluyan nang lumapit doon sa malaking projector. 

"Before I start let me introduce myself first, I am Doctor Roshan Fabias, a Psychologist but not here in this institution," may halong tawa n'yang wika. "And since I won't give your respected Director a chance to speak, I'll just introduce him na lang. He is Ruther Fabias, the Director of this institution, 27 years old ready to mingle kaya mine n'yo na." 

"Roshan.” Maawtoridad na tawag sa kan'ya ni Director kaya napatigil s'ya sa pagsasalita at nagawa pang mag-peace sign. 

"Ops! lahat pala kayo dito matatanda na maliban lang sa kan’ya kaso 'di naman gan'yan ang tipo mo kuya Ruther ‘di ba?” Pagpaparinig n'ya sa akin. Napansin ko naman ang pag-ikot ng mata ni Director na halatang napupuno na kay Roshan. Nahalata n'ya naman ‘yon kaya nagseryoso na s'ya. 

"Anyway, don't be confused we are not siblings but we’re just cousins," nakangiti n'yang wika habang tinitingnan ang ibang panauhin hanggang sa dumako ang tingin n'ya sa akin na kaagad ikinawala ng ngiti n'ya. 

"At ikaw, kaya ka naman namin isinali sa diskusyong ‘to para ipaliwanag sayo ang buong impormasyon sa kondisyon ni Rue," she told me seriously. 

"Rue is an athlete, a great Archer. He practiced everyday to become the greatest Archer that the Philippines could have. When he heard that a contest was going to take place, he practiced even more because he wanted to win the gold medal. His long-awaited contest has arrived, at first, he had the highest score because his opponent didn't seem to be on himself and based on what I remember the name of his opponent was Cryo Alcantara. But when the game was about to end, the opponent suddenly recovered and was able to win the contest. Rue was sad and depressed that time and that's where the accident happened. He came from the bar and drove drunk which leads him to have a traumatic brain injury,”

"And when he recovered from the accident, his actions has changed. Even though he's awake and fine, he always says that he died in the car accident."

Sandaling tumigil sa pagsasalita si Roshan para makahinga at tingnan kaming lahat na nakikinig lang sa kan'ya. Kita ko sa mata n'ya ang pagiging concern sa kan'yang pinsan at habang nagkukwento s'ya ay dama ko na naapektuhan pa din s’ya sa nangyari. 

"That's the reason why he slept on the casket because he was convinced that he was already dead. He also says that his right arm is gone even though it is still intact. There are also times when he hurts himself to feel pain and sometimes he doesn't know that he is also hurting other people around him because he believed, that they are just his hallucinations. We thought it was just because of the trauma that's why he act like that so, we put him under observation first and a month later we found out his real condition.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status