Share

KABANATA LIMA

TSD 05

HARPER CHANEL PARISI POINT OF VIEW.

“My guards are missing,” I uttered silently while looking around.

Eloise, who was beside of me, scoffed. “Baka nandiyan lang ang mga ‘yon. Maraming tao, mahirap talaga silang mahanap,” kaswal na sambit niya.

Wala sa sarili naman akong napatango bago tumingin sa kaniya. I gave her a small smile. “May point ka,” sabi ko kaya naman napatango rin siya.

“Tara na. Baka mas lalo pang mag-mantsa sa damit mo ‘yang alak na natapon ko.”

Agad naman akong tumango bilang tanda ng pagsang-ayon sa sinabi niya. I smiled at her before I cling onto her arm. Mukha namang hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya’t nanlaki ang kaniyang mga mata. I chuckled softly. “Tara na.”

Malakas siyang bumuntong hininga bago tumango at nagsimula na sa paglalakad. Dahil nakapulupot ang aking braso sa kaniyang braso ay magkasabay kaming naglakad patungo sa restroom.

I am not normally like this to other people lalo pa at hindi ko naman kilala. I often value other’s personal space. Sa aming magkakaibigan, si Delaney ang clingy at sobrang palakaibigan. . . sunod lang ako pero hindi naman kagaya niya. Hindi ko alam pero pagdating kay Eloise, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

Mula nang ipakilala siya sa amin kanina ni Anastasia at kahit na ramdam ko na hindi siya gusto ng iba kong kaibigan, gusto ko pa rin na maging kaibigan si Eloise. Mukha naman kasi siyang mabait. Sadyang hindi ko lang mainitindihan kung bakit masama ang kutob sa kaniya nina Danielle.

“Hala, puno na. Sobrang haba ng pila,” Eloise frustratedly remarked when we arrived the the restroom.

Agad naman akong napangiwi nang makita kung ano ang tinitingnan niya. Napakahaba nga ng pila sa banyo kaya malamang sa malamang ay mamaya pa kami makakapasok sa loob. Napalabi ako at wala sa sariling napatingin sa suot kong damit.

“I bought this for one thousand two hundred dollars, though,” mahinang bulong ko habang nakatingin sa mantsa nito. Paniguradong hindi agad maaalis ang mantsa ng alak doon kapag nagtagal.

Hindi ko naman kasi inaasahan na pupunta pala kami rito kaya ganito ang isinuot kong damit. Akala ko ay sa opisina lamang kami ni Maurice tulad nang dati.

“Paano na ‘yan?” Tumingin sa gawi ko si Eloise at naabutan akong nakasimangot kaya't agad kong ngumiti. “Baka mamaya pa tayo makapasok sa loob.”

I drew in a long breath before looking towards my dress once again. “Siguro naman ay maiintindihan ni Dad kung—“

“May restroom sa baba!” I almost jumped on my spot when she suddenly yelled like she just remembered something important. Taka naman akong lumingon sa kaniya. “May restroom sa baba, baka kakaunti ang tao roon.”

My lips puckered as I try to reconsider her offer. Marami kasing tao sa baba saka sabi ni Maurice ay dapat magpasama ako kung sakali mang bababa ako. . . pero kasama ko naman si Eloise kaya susundin ko pa rin naman ang utos niya kasi may kasama naman ako, hindi ba?

Naglakad kami patungo sa may hagdanan ni Eloise at agad ko namang inilibot ang paningin ko sa baba habang nasa second floor pa ako. Kailangan kong makahanap ng kahit na isa man lang sa guard ko para kahit papaano ay mapanatag ang loob ko na bumaba.

“Ayaw mo bang bumaba?” I was pulled out of my own reverie when Eloise spoke.

Wala sa sarili naman akong napatingin sa kaniya. “H-Ha? U-Uh. . . ano kasi. . .”

“Come on. Kasama mo naman ako. At isa pa, kung mabuti talagang Senator ang tatay mo, walang magtatangka sa buhay mo,” pilit niya bago siya naglakad pababa sa hagdan.

Dahil naka-angkla pa rin ang braso ko sa kaniya ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at sumunod na sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung bababa ako at makikisalamuha sa ibang tao, hindi ba?

Saka may tiwala naman ako kay Dad. Sabi ni Eloise, kung mabuti si Dad, wala nga namang magtatangka sa buhay ko. May tiwala ako na mabuting Senador ang Daddy ko kasi kita ko naman na seryoso at sincere siya na makatulong sa iba.

Walang imik akong nagpatianod sa paglalakad kasama si Eloise. Kung totoo man ang sinabi ni Danielle kanina na hindi maganda ang kutob niya kay Eloise, mapapatunayan koi yon kung sakali mang may masamang mangyari sa akin.

Pero kahit na masama ang kutob nila kay Eloise, determinado naman akong patunayan na mali sila ng iniisip sa kaniya. Sa palagay ko ay mabait at mabuting tao si Eloise kaya naman patutunayan koi yon.

“Ang daming tao,” agad na komento ko nang makababa kami sa first floor.

The strong scent of liquor filled my nose while the blinding lights of the colorful disco ball hit my eyes. Wala sa sarili akong napangiwi dahil doon. Palagi kasing hindi kami bumababa at nakikipaghalubilo sa ibang tao para na rin sa kaligtasan ko. Palagi kaming nagpupunta rito pero palagi rin kaming nasa second floor.

Ang bumababa lamang sa amin ay ang mahihilig na magparty naming kaibigan--- kalimitan ay ma-alin man kina Danielle, Delaney, at Paisley.

Muli akong napangiwi nang mabunggo ako ng lalaking nagsasayaw. Masakit ang pagkakabunggo niya sa akin pero hindi iyon ang ikinainis ko dahil baka hindi naman niya sinasadya. Ang ikinainis ko ay ang hindi niya pags-sorry kahit na nakita naman niya na nasaktan ako sa ginawa niya. Basta na lamang siya dumiretso sa paglalakad na animo’y walang nangayari.

“Ayos ka lang?” Agad na tanong sa akin ni Eloise.

Inalis ko ang pagkakaangkla ko sa braso niya bago inayos ang suot kong damit. Mas lalo akong sumimangot. “That guy was so rude. Hindi man lamang siya nag-sorry na nabunggo niya ako,” reklamo ko at malakas na bumuntong hininga.

Hindi ba siya naturuan na humingi ng paumanhin?

Eloise chuckled as she held my wrist. “Ano ka ba? Normal na ‘yon dahil baka lasing. Tara na para matanggal na ang mantsa riyan sa damit mo,” natatawa niyang sabi bago ako hinila.

I pouted once again. May point nga naman siya. Wala na namang point kung magdrama pa ako at magreklamo tungkol doon. Baka nga lasing lang ‘yong lalaki.

Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko. Nakaupo si Avery sa mahabang sofa at tahimik na umiinom ng alak samantalang katabi naman niya ang ngayon ay tulog na na si Delaney na marahil ay nakatulog na dahil sa labis na kalasingan. Si Danielle ay may kausap na lalaki samantalang si Paisley ay sumasayaw habang may hawak na baso ng alak.

Wala sa sarili naman akong nakahinga nang maluwag. Atleast alam ko kung nasaan sila kung sakali mang kailanganin ko ng tulong.

“Eloise, malayo pa ba ang restroom?”

“Hindi ko alam—“

“May pulis! May pulis!” Sabay kaming napatigil ni Eloise sa paglalakad nang marinig ang sigaw ng isang lalaki na animo’y kapapasok lamang sa loob ng bar. “May bomba raw dito! Tumakbo na kayo habang hindi pa sumasabog! Lumikas na kayo!”

My eyes immediately widened upon hearing what he said. Saglit kaming nagkatinginan ni Eloise at agad na tumakbo para makalabas.

However, a crowd of people ran towards our direction, attempting to leave the place just like us. Hindi pa man nagtatagal mula nang ianunsiyo ng lalaki ang tungkol sa bomba, agad na nag-panic ang mga tao.

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang biglang nawala ang hawak ni Eloise sa aking kamay. Nang mag-angat ako ng tingin ay tila bula siya na biglang naglaho dahil sa dami ng tao na nagtatangkang lumabas ng gusali.

My lips quivered in fear as my mind stopped functioning. Dahil hindi ako kaagad na nakagalaw, agad akong nabangga ng mga taong gustong lumabas ng bar. Walang kahirap-hirap akong natumba at napaupo sa sahig dahil doon. I immediately covered my body with my arm to protect myself when other people tried to step on me just so they can go out.

Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot mula sa aking paa. Naputol ang suot kong heels samantalang ramdam na ramdam ko naman ang sakit sa aking kanang paa.

“Shit,” naiiyak na bulong ko sa aking sarili nang hindi ako makatayo.

Damn this! Bakit kung kailan kailangan kong tumakbo, saka pa ako napilayan? Shit! Paano ako makakaalis dito?

Agad akong tumingin sa gawi nina Danielle sa pag-asang naroon pa sila para may mahingian ako ng tulong ngunit agad na nawala ang kulay sa aking mukha nang makitang wala na sila roon. Hindi ko na mapigilang maiyak dahil sa takot na baka hindi ako makalabas at sumabog ang bomba sa kung nasaan man ako.

Bakit kasi bigla na lamang nagkaroon ng ganoon dito? I thought this place was safe! Bakit bigla na lamang mayroong bomba?

“Daddy,” mahinang pagtawag ko sa pangalan ng aking ama sa kawalan at sinubukang tumayo ngunit hindi ko magawa. Unti-unti na ring nauubos ang tao sa loob ng bar kaya’t hindi ko maiwasang mas lalong kabahan at matakot para sa aking sarili.

Hindi pa ako puwedeng mamatay ngayon!

“Shit.” I heard a cussed and before I could even look towards the direction of the one who spoke, agad na akong umangat sa lupa nang may kung sino man ang bumuhat sa akin.

My eyes widened as I looked towards the one who easily carried me. I immediately swallowed the lump on my throat when our eyes suddenly met. My lips parted while intently looking towards his eyes. . . his deep blue eyes.

----

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status