Bata pa lang ay pangarap na ni Chase ang makasali sa isang organisasyon kung saan s'ya ay magiging isang ganap na secret agent. Samantalang hindi naman ganoon ang pangarap ni Ezra dahil pag do-doctor naman ang gusto nito. Kambal man sila ay magkaiba pa rin ang kanilang gusto, pero madalas na iisa lang ang tumatakbo sa kanilang isipan na parang bang nababasa nila ang iniisip ng isa't-isa. Ang pamilyang Mendivel ay kilala dahil na rin sa yaman at nagkalat na negosyo sa bawat panig ng bansa. "Ezra, alam naman nating simula bata pa tayo ay pangarap ko na 'to" may inis sa boses ni Chase habang isa-isang inilalagay sa backpack ang mga gamit na dadalhin n'ya para sa unang misyon. "Chase, Masyadong delikado 'to! Paano kapag napahamak ka doon!?" Sa inis n'ya ay napakamot nalang s'ya sa ulo nang di-oras at inagaw ang mga gamit na planong dalhin ng kakambal. Second year highschool na sila sa isang sikat na paaralan sa siyudad ng Manila. Laking gulat n'yang nakasali na pala ang kakamba
Ezra's POV It's been ten years simula noong mawala si Chase and today is supposedly our 24th birthday celebration but I don't want to celebrate it. Simula nang mawala s'ya ay ayoko ng mag celebrate ng kahit na ano 'cause it remind me the day he never comes back. Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa table katabi ng laptop ko ng mag-ring ito. It's my mom. Alam kong kukulitin na naman n'ya ako, pero mas maganda atang magtagal nalang ako dito sa office o kaya mag-reason out nalang? Matapos kong i-send sa email ang report ko para sa mga natapos kong misyon ay pinanuod ko ang panibagong video na ipinadala sa akin ni Dia. Kuha ito sa CCTV footage malapit sa mall tungkol sa pag dukot sa anim na taong gulang na bata at iba pang nawawalang kababaihan. Mukhang, ito ang panibagong misyon ko. "Captain Sierra?" Napaangat ako ng tingin ng makita si Justin na hawak ang isang mug. Tinanguan ko lang ito ng mailapag n'ya sa table ko ang kapeng dala at ibinalik ang tingin sa lapto
Ezra's POV MAS dumarami pa ang miyembro ng Black Crystal Revolution at Oo legal ang ginagawa namin. Alam din ng gobyerno ang tungkol sa amin pero walang nakalalabas na impormasyon tungkol sa mga miyembro at iba pang bagay. Ang kasalukuyang Commander ngayon ay si Commander Nazi. S'ya ang pumalit kay Commander Alvazar na mismong tatay n'ya pero namatay ito dahil sa isang misyon. May hinahawakang sagisag ang organisasyon at ito ay ang literal na Black Crystal. Ang sino mang miyembro ng black organization o kung sino man ang may masamang hangarin ang makakakuha noon ay manganaganib ang organisasyon na matagal na pinagka-ingatan ng dating Commander. Nananatili ang itim na kristal sa loob ng organisasyon. Madaming lasers, CCTV at agents na naka-bantay rito. May bawat patibong na nakalagay sa paligid at hindi ito makukuha ng basta-basta. Hawak-hawak ko ang mga papeles na naglalaman tungkol sa kakambal ko. Kung anong misyon ang gagawin n'ya at kung saan dapat siya pupunta, pero nakala
Justin's POV Shutaneeees! Ang daming gwapo ditey! Ay s***a teka? Ba't disconnected na si Captain? Nag alisan na ang iba pang nandito at ang iba ay nakahandusay na sa sahig pero keribels dahil willing akong magpa-gahasa sa kanila hihihi. "Itaas mo ang kamay mo at h'wag kang gagawa ng kahit na anong bagay!" naramdaman ko ang matigas na bagay na nakatutok sa aking ulo. Oh, ang babastos ng mga iniisip n'yo ha? Baril 'yan hindi ano... "Umutot pwede? Hihihi." ngumiti ako ng napakatamis kahit na nakatalikod pa ako sa kanila. "Humarap ka dito!" Agad akong napaharap at Oh-lah-lah! ang yummy naman nito. Super gwapo grabe lungs! "Tangina Flare, h'wag ka namang manakot." sabat naman ng isa pang pogi! "Tsk, epal." "Hoy sinong kasama mo rito?" Maangas na tanong naman sa akin ng isa pang bagong dating. Nakatayo kami dito sa gitna ng venue kung saan dapat ibi-bid ang mga babae. Ano ba 'yan. Dapat pala sa hotel kami eh! "Ah, eh...ako lang mga gwapings! Hihihi." malandi kong sabi at kumi
Ezra's POV Nang makita kong isinakay na si Justin sa sasakyan ay agad ko itong sinundan hanggang sa makarating sila sa isang building o para bang isang hide out. Ilang minuto pa akong naghintay pero bigla na lang may dumating na mga armadong kalalakihan at pinalibutan nila ang buong hide out. Sigurado akong kalaban nila ang mga 'to. Nainip na ako sa kakahintay na baka pumasok sila sa loob ang kaso wala, mga nagbubulungan pa kung susugod pa ba sila o hindi. Mga baliw diba? Ako na mismo ang sumugod sa kanila hanggang sa binaril ako ng isa pero imbes na ako ang tamaan 'yung kasamahan n'yang nasa likod ko ang nabaril. Tsk, kailangan ko atang i-seminar ang mga 'to para naman mag-upgrade ang shooting skills. Nang maubos ko silang lahat tsaka na ako pumasok sa loob, marahas ko pang binuksan ang pinto at mukha pa silang gulat na gulat sa akin. Nakita ko naman si Justin na nakaposas pa at para bang enjoy na enjoy dahil puro lalaki ang mga kasama. Mukhang hindi basta-basta ang mga 'to.
Ezra's POV Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas ng kuwarto at naabutan ko pang inaayos ni Cody ang dala n'yang bag na punong-puno lang naman ng mga pagkain. "Edi sana, dinala mo na buong bahay." komento ko at nilagpasan s'ya, imagine naglagay pa s'ya ng unan at kumot. Nang makita ko ang kotse n'ya ay napairap nalang ako sa kawalan. Paano ba namang hindi? car trip lang daw pero ultimo lotion, shampoo at sabon may dala pa! "Oh? Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan, pang emergency lang ang mga 'yan." agad itong sumakay sa kotse at ako pa ang gagawing driver. Tsk "I want to go doon sa medyo magubat, kasi I'm gonna take some videos and pictures." inirapan ko lang ito at agad na pinaandar ang sasakyan habang s'ya naman ay hinahanda ang camera'ng dala. "Para saan ba 'tong kalokohang gagawin mo?" Iritable kong tanong at ngumisi naman s'ya. "Duh?! It's 3:00 am challenge nga! Wala ka kasing alam sa ganito dahil you're always busy with your work! daig mo pa ang militar na halos hindi
Ezra's POV Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari doon sa muntik ng pagpatay sa lalaki na dinala sa gubat, napansin ko namang naging okay na si Cody at bumalik na s'ya sa pagiging pabibo n'ya. Napagpasyahan ko rin na bumili ng condo unit para doon ilipat ang mga gamit ko at hindi na masyadong mag-usisa si Cody. "Siswang, sure ka na ba ditey sa condo unit na ito? Deal na talaga diz?" Maarteng saad ni Justin at napairap nalang ako. "Kailangan ko 'to para hindi na maghinala 'yung magaling kong kapatid.." malamig kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway. Nang makarating na kami sa tapat ng condo unit na napili ko, nakita ko pa ang palinga-linga ni Justin sa paligid at siguro'y nagbabakasali s'yang maghanap ng lalaki rito. In-enter ko na ang passcode para makapasok kami at literal naman na napanganga si Justin nang makita ang kabuuan sa loob. "Iyang kapatid mo kasi ang galing maka-radar! Daig pa 'yung training dog eh!" Komento nito kaya naman
Ezra's POV "Baka naman gusto mong bilisan?"Mataray kong saad habang nakatayo dito sa rooftop at sinusundan ng tingin si Justin na kunwari ay bibili ng ipinagbabawal na gamot pero ang totoo ay set-up 'to para mahuli sila. "Don't worry Cap. Parang BDO lang 'yan, we find ways!" Tatawa-tawa nitong saad sa kabilang linya na suot n'yang earpiece. Hindi ko alam kung anong konek ng pinagsasasabi n'ya sa mga oras na 'to. Kahit kailan talaga puro katarantaduhan! Napairap nalang ako ng wala sa oras. Nakalapit na s'ya sa lalaking nakasumbrero at may dala pang attaché case. Nang buksan n'ya ito ay puro droga nga ang laman. Tsk, Bakit ba handa silang magbenta ng ganiyan kesa ang piliing magtrabaho ng marangal? Alam ko namang hindi ka kaagad aangat sa buhay pero atlis maayos ang trabaho mo hindi ba? Nang maisarado na ni Justin ang attaché case ay agad n'yang inihampas ito sa lalaking nasa harapan n'ya at naging alerto naman ang iba n'yang kasamahan at sinugod si Justin. Dinampot ko naman a